"Time is Life"

Home » Tags

Eidel Adha at Fiesta Immaculate Conception sabay na ipagdiriwang sa Bansa

December 6, 2008
   

BALITA -   Kaka Alih December 7, 2008)

Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan-.Sabay na ipagdiriwang  ng mg Muslim ang Eid’l Adha at ang Immaculate Conception ng Romanong Katoliko sa bansa sa Lunes, Disyembre 8.

Ang Eidel Adha ay ipinagdiriwang taon-taon bilang tanda ng pagtatapos ng Hajj, ang pilgrimage sa Mecca ng mga Muslim at pagbibigay halaga sa ginawang sakripisyo  ni Propeta Ibrahim (Abraham)  sa kanyang bugtong na anak na si  Ismael (Isaac sa Biblia).

Ang Hajj ay isa limang haligi ng Islam. Ipinaguutos sa mga Muslim, na sino mang may kakayanan ay obligadong pumunta sa sa Hajj. At dito sa bansang Pilipinas ay taon-taon ay libo-libo pumupunta sa Saudi Arabia upang mag-Hajj.

Ang patronal fiesta naman ng Immaculada ay ipagdiriwang ng mga Katoliko sa bayan ng Pikit, North Cotabato   at lungsod ng Kutabato.

Ang Eidel Adha ay isa limang   deklaradong holiday sa bansa, ito ay napapaloob sa  Presidential Decree1083 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1977.

Ayon kay Hadji Kadatuan Endaila, regional director ng Office of Muslim Affairs (OMA),ay Muslim Legal Holiday sa dating nasasakupan ng  Region 12, tulad ng probinsiya ng  Lanao del Norte, Lanao del Sur, Cotabato, Maguindanao at Sultan Kudarat sakop na dito ang lungsod ng Cotabato, Marawi, at  Iligan, kasama na dito ang mga bagong tatag na lungsod ng  Kidapawan atTacurong.

Ayon sa Presidential Decree (PD) 1083  nakasaad dito na isinagsagawa (observed)  ang holiday na ito sa probinsiya ng Basilan, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Maguindanao, North Cotabato, Sultan Kudarat, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur, at sa mga lungsod ng Cotabato, Iligan, Marawi, Pagadian, at Zamboanga. .”

Nauna pa rito bago pa man naideklara ng OMA ang Eid’l Adha ay naideklara na ni Shiek Omar Pasigan, Mufti (chairman) ng Darul Ifta of the Philipppines (House of Opinion) na sa ika sampu ng Dhul Hijja 1429 - Lunes, (December 8, 2008) ang araw ng pagsambayang ng Eid’l Adha sa Pilipinas.

Inihayag din Shiek Pasigan na isa sa Sunnah (tradition) ng Propeta Muhammad (ang Kapayapaan ay Sumasakanya Nawa) ang pagsambayang dito ay maaga-6:30 at kinakailangan sa lliwasan (open ground) at pagkatapos ng sambayang ay magkakatay ng halal na hayop ang Muslim na may kakayahan sa buhay. Bilang pagkilala sa ginawa ni Nabi Ibrahim ( Propeta Abraham).sa kanyang bugtong na  anak na si Ismael, (sa paniniwala ng Christian ay si Isaac) ngunit hindi natuloy na katayin dahil pinapalitan ng Allah ng tupa at ang tupa ang nakatay.

Samantala, sa barangay Nuro, Upi, nag-kaisa ang limang Masgit: Masjeed Nur, Rahmani, Fallahi, Shariffudin at Darusallam, na sa compound ng Masjeed Darusallam isasagawa ang Eid’l Adha Jamaah na sambayang (prayer) na mgasisimula sa 6:30 ng umaga.  At sa Ibang barangay na magkakaalapit ang mga masgit ay ganoon ang gagawin magipon-ipon ang mga magsasambayang ng Eid’l Adha.

Limang taon na ang nakakaraan libo-libong mga mamayang Bangsamoro Muslim ng bayan ng Pikit, sa North Cotabato at kalapit bayan ang hindi nakapag-sambayang (pray) Eid’l Adha noong Pebrero 11, 2003 dahil nagkaroon ng military operation, dahil kunwari ay pinaghahanap ang Pentagon kidnap-for-ransom gang.

Ngunit di naglipat linggo ay inamin ng goberno ng Pilipinas sa pamumuno ni General Angelo Reyes na siya noon ang Chief of Staff ng Sandahantahang Lakas ng Pilipinas na ang operation ay laban para sa dating Ameerul Mujihideen   Hashim Salamat, ang pinuno ng    Moro Islamic Liberation Front.(MILF).

Posted by kakaalih at 3:55 pm | permalink | comments[1]