(Sinulat ni Kaka Alih para sa programang Bantay Bayan Boses ng Sambayanan, sa segment na Kukltura at kaugalian- September 12, 2008-7:00-8:00 umaga- sa community radio – DXUP FM, Upi, Shariff Kabunsuan)
Bago pa man dumating dito sa mga pulo o lupang nasa Silangan ang mga kastila, noong 1521 ay may kultura at kaugalian na ang mga naunang naninirahan. Ang mga ninuno natin ay nagtanggol sa kanilang mga kaharian ngunit dahil sa makabagong armas sila ay natalo at nasakop ng Espania. Dahil ang mga mamayan sa Lupang Silangan (na tinawag ng Espania na Pilipinas, na ang ibig sabihin ay “tao ni Haring Felipe”) ay nasakop ang mga Pilipino (tawag sa taong nasa Pilipinas) ang mga kulturang ito ay dahan-dahan nangawala at di man nawala ay nadagdagan o sadyang nabago sa pagdaan ng panahon.
Sa bandang Mindanao, Sulu at Palawan (MINSUPALA) ay nahirapan ang Espania na sakopin dahil sa isa na itong matatag na bansa noon pa man bago sila dumating. Bagamat hindi gaano makabago ang armas ay organisado ang kanilang tanggulang bansa. Hindi basta-basta nakapagtatag ng kanilang goberno dito sa MINSUPALA ang mga dayuhang mananakop na Espaniol, ngunit dahil sa tulong ng mga kapatid na ngayon ay tinawag na Pilipino (na walang magawa kundi sundin ang utos ng mananakop, kaya sila napilitang maging mandirigma na nagsisilbi para sa Espanya) ay natalo nila ang depensa ng mga Bangsamoro sa Sambuwangan(Zamboanga), at itinayo ng Espania ang kanilang kuta, tinawag nila itong cota del pilar.
Dahil sa hindi nasakop nanatili (intact) ang kultura mga Bangsamoro (Moro ang tawag ng Espania sa mga tao na katulad ng kanilang nakalaban sa Morocco. At Bangsa ang ibig sabihin sa Malay ay nangangahulugan ng angkan- kaya angkan ng mga Moro=Bangsamoro) ang kanilang mga kultura at kaugalian. Ang mga ito ay hinango naman sa Islam, ang relihiyong kanilang pinaniniwalaan.
Islam ay pagtalima at pagsuko sa nag-iisang Diyos. Ang tagasunod ng Islam ay tinatawag naman na Muslim na ang ibig sabihin ay naniniwala, mga taong tumalima sa kautusan ng Allah (ang tawag sa Poong Lumikha o Diyos).
At dahil sa paniniwala sa Islam ang kanilang mga kultura at kaugalian ay nilimbag sa timplang Islam.
Dumaan ang mga panahon, dumating ang Amerikano (tawag sa taga Amerika), natalo naman nila ang Espania at sila ay napaalis dito sa Pilipinas, bagamat ang kanilang kamandag ay nanatili nanalaytay pa rin sa dugo ng mga Pilipino.
Nasakop na ng Amerika ang Pilipinas, hindi ito nagtagal, bakit ? dahil marahil wala na silang makakatas, dahil nasaid na maraahil ng Espania ang tamis nito, kaya iyon marahil ang dahilan na ibinigay na nila ang “pagsasarili” (independence) sa mga Pilipino.
Ang masakit lang nito ay isinama nila ang mga kapatid na nasa Mindanao na hindi man lang nila kinunsulta, ong papayag ba sila o hindi. Sa kabila ng katotohanan na sila ay nagsisigaw na ibalik sa kanila ang kanilang dating pagsasarili.
Nagplano ng mga programa ang bagong nagsasariling bansa (ang Pilipinas) kong papaano magkaisa sa paniniwala at kultura ang Pilipino at ang ayaw na matawag na Pilipino. Sila ay nakisalamuha, naging kapit bahay at ang iba naging kabiyak, at dito sa prosesong ito ay dahan-dahan, nabuo ang mga kultura at kaugalian na hindi ginagawa ng mga ninuno ng mga Bangsamoro at wala sa katuruan ng Islam.
Ang tanong ano ang mga ito, na mga kultura at kaugalian na wala sa mga ninuno at hindi itinuturo ng relihiyong Islam?
Narito ang ilan na makikita mo sa mga Bangsamoro :
1. Pagdiriwang sa araw ng kapanganakan (Birthday)
Ang mga “assimilated” na Bangsamoro sa ngayon ay nagdiriwang na rin ng kaarawan ng kanilang mga anak katulad ng mga Pilipino o yaong ngayon ay tinatawag na “settlers”.
Ang mga ninuno ng mga Bangsamoro ay may sarili silang pagdiriwang sa mga anak na bagong panganak, pagkapanganak ay tatawag sila ng Azan o bang sa tabi ng kanilang anak. Ilang araw o linggo ay magtatakda sila ng kaduli na tinatawag na “gunting” dito bibibigyan ng pormal ng pangalan ang bata. Sa ibang tribung Bangsamoro (Maguindanaon, Iranon) mayroon din silang tinatawag na “likat sa lantay” isa din itong uri ng kanduli (thasksgiving).
Papaano nagdiriwang ang mga ibang Pilipino ng kaarawan? Kanilang hinalaw marahil sa kanluraning kultura.
Ang pagdiriwang ng kaarawan ay bantog na bantog noon pa sa mga paganong Greko at Romano. Ito ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aalay, masaganang kainan, at ang pagbibigay ng regalo sa may kaarawan.
Diyan marahil nahango ang pagdiriwang sa kaarawan ng kapangakan ni Jesus o Iesa (kapayapaan ay sasakanaya).
Tanong bakit kayong mga Bangsamoro ay ipinag diriwang ang Kaarawan ni Propeta Muhammad kong tawagin ninyo ay Maulidin Nabi
Ito ay sadyang napakalungkot na nangyayari. Bagama’t ang mga Muslim ay may maliwanag na patnubay na nananatiling nasa orihinal na anyo hanggang sa ngayon, hindi pa rin maiwasan ng iba ang pagsagawa ng mga bagay na salungat sa itinuturo ng Islam. Ito ay dulot ng kamangmangan sa pananampalataya at sa pagnanais na tularan ang ginagawa ng iba.
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Anumang bagong bagay na isinasama sa ating pananampalatayang ito (Islam), ay hayaan itong itakwil.”
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Wala nang iba pang gawain na makapaglalapit sa inyo sa Allah maliban lamang sa mga naituro ko sa inyo.”
Bilang pangwakas, tayong mga Muslim ay may dalawang batayan sa ating panuntunan ng buhay: ang Qur’an at ang Sunnah ni Propeta Muhammad. Ang ating pamumuhay at pagsamba ay nararapat lamang ayon sa Kanyang ipinahayag at sa pamamaraang itinuro ng Kanyang Propeta upang ito ay tanggapin ng Allah.
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“May dalawang bagay akong iiwanan sa inyo na kung inyo itong panghahawakan ng mahigpit ay hindi kayo maliligaw: ang purong Salita ng Allah at ang aking Sunnah.”
Mga karagdagang mga talata sa Qur’an at mga Hadith:
“Katotohanan, nasa Sugo ng Allah ang pinakamahusay na halimbawa upang pamarisan - sa sinuman na may pag-asam sa (pagharap sa) Allah, sa Huling Araw at laging alaala ang Allah. [Surah Al Ahzab, 33:21]
“…At anuman ang ibigay sa inyo ng Sugo ay kunin ito, at anumang kanyang ipagbawal sa inyo ay iwasan ito…” [Surah Hashr, 59:7]
“… At hayaan ang mga sumasalungat sa mga ipinag-uutos ng Sugo na mag-ingat, kung hindi’y magkakaroon sila ng Fitnah (pagsubok, kahirapan, lindol, patayan, pang-aapi, etc) o isang napakasakit na parusa ang mapapasakanila.” [Surah An-Nur, 24:63]
“O kayong nananampalataya! Sundin ang Allah at sundin ang Sugo), at yaong may otoridad. Kung kayo’y di-magkaunawaan sa anumang bagay sa isa’t isa, isangguni sa Allah at sa Kanyang Sugo (saws), kung kayo ay naniniwala sa Allah at sa Huling Araw. Iyon ay higit na mahusay at higit na karapat-dapat sa huling pagpapasiya.” [Surah An-Nisa, 4:59]
“At kung inyong susundin ang karamihan dito sa daigdig, kanilang ililigaw kayo nang malayo sa landas ng Allah. Wala silang sinusunod maliban sa haka-haka, at wala silang ginawa kundi magsinungaling.” [Surah Al An-am, 6:116]
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Mag-ingat sa kalabisan tungkol sa relihiyon. Napahamak ang mga nauna sa inyo dahil sa kanilang pagmamalabis tungkol sa relihiyon.”
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Huwag magmalabis sa pagpuri sa akin kagaya ng ginawa ng mga Kristiyano sa anak ni Maria. Ako ay isang alipin, kaya’t inyo lamang sabihin: “Alipin ng Allah at Kanyang Sugo”.
2. Pagpapaputok sa araw ng Id
Pagsapit ng Id (Hariya Puwasa at haj) ay nagpapaputok ang mga Bangsamoro, bilang pagsasaya, katulad ng pagdiriwang mga Intsik. Ang mga Intsik na kilalang mangangalakal sa mundo at dumating na sila ditto sa MINSUPA, at marahil ito ang impluwensa nila sa mga Talainged (native inahabitants).
Noon ang pinapuputok ay rebentador at kanyon na gawang Tsino, di nagtagal ay ginaya ng mga mga Pilipinong taga Bulacan. Sa ngayon ay nawala ang mga iyon, at napalitan ng mga makabagong armas na pumuputok at ito na ang ginagamit.
3-Kalilang (ceremonial of marriage)
Ang kasal ay sa mga restaurant o hotel ay isinasaayos ng mga “third generation” at kanila nila ito kinopya sa sa kultura ng settlers at dinagdagan ng kulturang Bangsamoro, lalo na yaong hindi pa tanggap ng mga katutubong Bangsamoro. Halimbawa ang Biblia ay pinalitan ng Qur’an. Nagsasabay ang babae at lalaki, at nagpaparada na ang babae kahit hindi pa sila kasal.
Naglalagay din sila ng decoration na tinatawag na pandala.
Ang mga Bangsamoro noon kong may ikakasal ay hiwalay ang lalaki at babae, pagkatapos ng Kutba Nikah (wedding sermon) ay sasamahan ang lalaki ng biyanan sa babaeng pinakakasalan.
Ang kalilang ay ginagawa sa bahay ng babae, isa araw o higit pa bago ang kawing l o kasalan.
4- Pagdadamit
Sa ngayon ay nakapantalon ang mga babae katulad ng mga lalake, at ang mga damit ay hakab na hakab ang porma ng katawan.
Ang damit ng babae ay tinatawag na minoro ang pangitaas at malong ang pang-ibaba, ito ay kahantulad sa damit ng T’duray noon. Nagtetendong (bandana) ang mga babae. Naglalagay ng mga decoration ang babae sa kanyang damit ng mga ginto o pilak.
Ang lalake naman ay gumagamit ng tubaw. At may nakasukbit na gurok sa tagiliran (maliit na punyal) at nakasabit na sundang o kampilan sa biwang at kong minsan may dala-dalang bangkaw (spears).
5-pag-inom ng alak na makalasing (kamer)
Sa ngayon ay umiinom ng alak na makalasing ang mga Bangsamoro, katulad na rin mga Settlers na Pilipino, kahit ito ay patago sa mga kamag-anak o angkan, dahil sa isinusumpa o itinuturing noon ng mga ninuno na “kafir” (hindi naniniwala) ang uminom ng arak (alak na makalasing) ayon sa paniniwala ng ninuno o matatanda ay 40 na araw na walang matatanggap na amal (pagsamba sa Allah o Gawain para sa Allah ang matatanggap).
Ang basehan ng mga Bangsamoro kong bakit hindi dapat inumin ng isang Naniniwala ang alak na makalasing ay base na rin sa Quran.
“O kayong naniniwala o Nanampalataya! Ang mga nakalalasing na alak (lahat ng uri ng inuming may alkohol at i iba pa na nakapagbibigay ng lambong sa kaisipan tulad ng ipinagbabawal na gamot, droga, ), pagsusugal, Al Ansab at Al Aslam (mga gamit sa paghahanap ng suwerte at pasiya) ay kasuklam-suklam at mga paglalalang (pakana) ni Satanas. Kung kaya’t iwasan ito upang kayo ay mangagsipagtagumpay.” [Qur’an, Surah Al Maida: 90]
Mga sakit na idinudulot ang alak, :
Nagtutulak sa isang tao na gumawa ng mga kakaibang krimen at iba pang mga kasamaan.
(sinulat ni Kaka Alih-May 7, 2008-para sa script ng programang Kapayapaan 5:30-6:30 ng umaga)
At dahil sa ngayon ay bakasyon ng mga Maestra at Maestro, pupil at mga studyante, at alam natin na karamihan ay nasa kanilang mga tahanan at nakikiig sa ating himpilang DXUP FM, minarapat nating balikan ang mga iba nating topics na concern ang mga Guro at mga mag-aaral. Noong January 11, 2008 ay may topic tayong tinalakay at nai-post natin sa ating blog na: http://dxup.multiply.com, at http://correctme.multiply.com.:
Ang tanong ay dapat bang ituro sa paaralan ang “Basic knowlwdge in Islam”?
Kapag ganito raw, ang tanong tiyak ang agad mong maririnig na sagot : “hindi pwede dahil ang Islam ay relihiyon, at ang relihiyong Islam ay para sa mga Muslim lamang at ang mga paaralan natin ay magkakaiba ng relihiyon ng mga nag-aaral doon, may Kristiyanismo at Islam ang pinnaniniwalan. Pangalawa Ang systemang goberno natin ay ihawalay ang simbahan at goberno” (system of our government is separation of the church and state).
Sa unang dinig mo pa sa kasagutan na ito ay masasabi mong tama!. Hindi Ba? Ngunit…. Ang tanong lahat ba ng tamang sagot ay siyang makakabuti para sa lahat o karamihan? Kong ‘di naman ay ganito ang maitatanong natin, “Ang lahat ba ng tamang kasagutan ay tunay na katotohanan?”
Base sa mga karanasan natin, hindi ba may mga holiday tayo, (mga Muslim) ang Eidel fiter at Adha, Amon Jaded (New Year), Izra wal Miraj (Assencion to Heaven) by Prophet Muhammad (SAW) ang lahat ng ito ay iginagalang ng goberno ng Pilipinas, sa mga araw na ito ay deklaradong holiday. Ngunit ang problema, heto hindi natin alam kailan ang dapat na araw, ang pag-celebrate. Papaano mo isasagawa ang bagay na di mo alam? sapagkat hindi natin alam ang hijri calendar dahil hindi ito ginagamit at lalong hindi itinuturo sa mga paaralan natin sa ngayon. Ngunit napakahalaga ang bagay na ito dahil ang tatlong nabanggit na holiday ay doon ibinasi at hindi sa Gregorian calendar. Tama mo pa ba?
Heto pa ang mga ibang impormasyon na dapat alam ng bawat mamayan lalot sa isang lugar na iba-iba ang paniniwala, na may Muslim at Kristiyano. Dapt malaman natin na ang mga kapatid na Muslim ay hindi kumakain ng Haraam, ang tanong alam ba natin ang Haram? At Ano ang Halal? Ang alam lang natin na haram ay ang karne ng baboy, samantala isa lamang ang baboy na pagkain na haram o hindi pwedeng kainin ng mga Muslim. Dont worry doon sa nagtatanong at nagrequest ang topics na Haram at Halal tatalakayin natin sa susunod na mga programa , Insha Allah.
Ang mungkahi ng isang retiradong guro: “Kong ako ang tatanungin dapat maituro sa lahat ang basic teaching ng Islam, sa lahat lalo na sa mga lugar na may Muslim, bakit? Dahil kong may sapat kang kaalaman sa Islam, marerespetuhan mo ng tama ang iyong mga kapatid na Muslim”.
Ituloy natin ang pagpapaliwanag ni Maestro: “Noon ang akala ko bakit ko pa pag-aaksayahan ang Islam ay mayroon na akong relihiyon, ngunit ngayon ay napagtanto ko na mali pala, dahil marami akong nagawa na hindi ko dapat ginawa dahil yaon ay labag sa pakikipagkapuwa tao, lalao sa mga kapatid na Muslim dahi nasasakripisyo ang kanilang paniniwala sa Islam.”
Kong alam natin ang batas ng pag-aasawa,ang “wisdom of marriage in Islam”,
Ang lahat ng ito ay nagagawa natin, kahit na nasasakripisyo na ang pananampalataya ng mga kapatid na Muslim, dahil hindi nga natin alam ang katuruan ng Islam, dahil walang nagbibigay ang tamang impormasyon tungkol dito.
Sa paaralan pinag-aaralan natin ang halos lahat ng karunungan. Ngnunit hindi ang Islam (basic knowledge of Islam). Bakit hindi ba pwede incorporate ang basic teaching ng Islam sa ating pagtuturo sa paaralan? Ang Islam ay hindi lamang pag-relihiyon kundi lahat ng aspeto ay kanyang sakop: ang agham, social, batas, goberno at iba pa.
Ang prinsipyo ng Islam ay hindi pwede paghiwalayin ang goberno at ang relihiyon, kong ano ang patakaran ng Islam iyon din ang dapat susundin ng goberno nito.
Sa situwasyon natin sa ating bansa, paano mo irere-concile ang dalawa na magkasalungat? May “separation of the church and the state” ang pinaiiral na sistema ng ating bansang Pilipinas, samantala ang Islam na siyang pinaniniwalaan ng halos lahat ng mga Moro at milyon-milyon Pilipino na ngayon ay Muslim na rin, ay no separation of the church at state ang dapat ang sistema na goberno, dahil ganoon ang turo ng Islam.
Ang tanong sino ang dapat baguhin? Ang tao ba ang mag adjust o ang sistema ng goberno ang babaguhin para magkaintindihan?.
Marahi, kong ang mga mamayan natin ay may sapat na kaalaman kahit sa basic knowledge of Islam, ay marahil ay hindi tayo magkakaroon ng mga social problem na tulad ngayon. Halimbawa ng mga sinasabi natin an social problem ay:
Kayo na mga giliw na nakikinig may dahilan ba na ituturo din ang basic knowledge in Islam sa mga paaralan?
Narito ang ilang mga reaction na mga text na tinanggap natin sa programa na sinagot natin ang iba:
Text - January 11, 2008
(some, only the relevant to the topics-yaong greeting ay hindi ko na isinama)
1. 09066032157-Kapayapaan-ang mga Muslim ba ay hindi naniniwala that Jesus was born on Christmas dats y Christian keep on Celebrating… from Kim
2. 09057828230-Kapayapaan-walang xmas ang mga Muslim pero naniniwala ba cila sa x’mas?
3. 09057828230-Kapayapaan-kong ang isang Muslim ba ay sumali sa x’mas party, nagkasala na ba xa.. cindy
Sago ni Kaka Alih sa program: depende sa niyat o intention,ngunit kong regular ng ginagawa ito ay hidni maganda.
4. 09057828230-Kapayapaan wat is the difference between the word haram and halal? Cindy
5. 09265224689-Bapa mahilig ka rin pala ng maistra parihas tayo BBS
6. 09057828230-Kapayapaan kya marami ang mga teacher na babae kasi masisipag cla kumpara sa mga lalaki dib a . Cindy
7. 09263475443-kapayapaan kaka ask ko lang f anu ba ang layunin ng survey ng dxup? from LM
8. 09193472577-kapayapaan holiday p b ngayon? From NDU
9. 09193472577= ayna ang ganda ng musika mo nakaka inlab super.
10. 09057828230-I think ndi na sigoro kailangan kc pag naghanap na tau ng work, di naman iyan kailangan- Cindy
11. 09186375073-kapayapaan comment q lang sa topics n tinatlakay mo wag ka ng maging one sided sa mga ideas na ibinibigay mo.
Sagot ni Kaka Alih sa program: “sinsabi lamang natin ang dapat malaman, dahil sino ba a g dapat magsabi nito, hindi ba kami na mga Muslim din? Malalaman ba natin itong mga problemang ito kong kami-kami lang ang mag-uusap-usap?, sa problema ba natin ngayon ay hindi ba kasali tayo sa mga problema, lahat tayo ang may problema, kaya dapat sama sama natin itong isolve. Kong wala ang ating programa, malalaman ba natin ito? Ngayon lang natin ito pinag-uusapan, dahil may radio na tayo. Ang layunin na dito ay upang buksan ang mga usapin na maaring makasolve sa problema.”
12. 09186375073-kapayapaan ang mga muslim na nakikipagclebrate ng xmas e nagparaktis na xa ng xmas. Nakikcbrate lang ka2lad ng mga Christians na nakikipagcelbrate din mga okasyon ng Muslims.
13. 0921711796-kapayapaan alam mo bapa parang purpose mo iinsist talga ang islam at usaping kulturang Muslim sa yong programa..dapati yan ibahin iyang pamagat ng programa mo dahil di nagdudulot ng kapayapaan yan.
14. 09197947128 kapayapan ask ko lang poh holiday po ba ngayon from Loraine
15. 09217117965 kapayapaan bapa huwag ka magsabi na Islam is not a mere religion.. para ka mang di Muslim… Islam a religion per se .. and any religion s a way of life and influences everything…
Sagot ni Kaka Alih sa program: Ang religion Islam is Deen ul Islam.. it is not a mere religion a way of life, as the Quran said.
16. 09217117965-kapayapaan ang pagtuturo ng Islam ay d dapat ituro sa public, ituro lamang ang religion (islam or Christianity) sa private educ institution ngunit depende pa rin ito sa Admin ng skul…
Sagot ni Kaka Alih sa program: Ang basic kanowldege of Islam ay dapat, ngunit ang religion Islam (completely) ay hindi, dahil nga separation of the church and the state.
17. 09193472577-kapayapaan cguro kailangan pa rin pag aralan ang muslim, kc di naman mali yan kung pag aralan maybe dapat din pag aralan kc wen taking of culture nd tradition, para naman ma-aware ang mga tao about sa culture nd tradition! Thanks dxup
18. 09187133083- kapayapaan holiday p ba ngayon? Salamat sa ngababasa na cute
Kayo ng mga kapatid na nakikinig may pinapaninigan ba tayo? Ang tanging layunin natin ay maintindihan ng lahat ang dapat, na malaman na karunungan, tulad ng katatapos na Amon Jaded, deklarado ng goberno ng ARMM na nakabase sa Hijri calendar,ganon din sa national, Muharram 1, ay Amon Jaded, ayon sa PD 1083, alam ba natin ang unang buwan sa Hijri na Muharram? Hindi? Kaya nararapat na pag-aralan din ang mahahalagang aralin tungkol sa Islam, na kahit papaano ay mayroon tayong kaalaman sa mga basic na information tungkol dito.
Correct me If Im Wrong.
DXUP FM Balita - Alih S. Anso August 28, 2008- Lunes
Pikit, North Cotabato—Patuloy na nananatili at nakatunganga sa mga evacuation center ang mga nagsilikas na mga mamayan sanhi ng bakbakan ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front (BIAF-MILF) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Agosto. Ang ibang mga nagsilikas ay nasa Buisan bodega, nasa tabing kalsada at sa Pikit Parish social center na lahat ay mula sa municipyo ng Pikit at Aleosan.
“Kagutem i di nami magaga, ka dala den supply,” (gutom ang di namin kaya, dahil wala ng supply) pahayag ni Samakon Abas, 50, isang residente ng Barangay Bualan.
Ngunit sinabi naman ng World Food Program na nakapagbigay na sila ng 25 kilos na bigas sa bawat pamilya.
“Samaya na dikena bo nakapila i kinambakwet nami, nalugat kay ren” (Di lang miminsan kaming nakabakwet, pagod na ako) dagdag ni Abas. Habang sinariwa nya ang paghihirap ng kanilang dinanas nong magbakwet sila noong 1971, 1973, 2000, at 2003.
“Iya nami bo kapangni na maka gemaw so kawagib no Bangsamoro, ka o makainggay na makalintad tano, Insha Allah” (hiling namin ang katarungan para sa Bangsamoro, upang umiral ang kapayapaan, Kong May Awa ang Diyos), pahayag naman ni Bonbolen Alilaya, 55, taga Barangay Ginatilan.
Nagsilikas ang mga mamayan dahil sa takot na tamaan ng pina puputok na mga 105 howitzer na kanyon mula sa Army at nagsasalimbayang bala mula sa ibat-ibang kalibre ng baril ng naglalabanang pwersa.
“Ang di namin namin kayang tiisin ay putok ng 105 mm howitzer na nagmumula sa Poblacion Pikit”, dagdag ni Alilaya.
Naunang naiulat na umabot na ang mga bakwet ng 22,000 , na ang 5,000 sa kanila ay mula sa Barangay Tapudok at Langayen sa bayan ng Aleosan . Ang ibang barangay ay Silik, Pamalian, Bualan, Kulambog, Katilacan Pagangan, Manaulanan, Lagundi, Nalapaan, Dalingawen at Kalakakan lahat sakop ng Pikit.
“Di kami pan makauli ka pangandam ta sa mga taw ni Pinol,” (Hindi kami makabalik dahil takot kami sa mga tagasunod ni Pinol), pagpapaliwanag ni Muna Guiama, 40 at Guiamalodin Sugagil, 35 na pawang taga Ginatilan. Ang kanyang tinutukoy ay si Cotabato Vice – Governor Emmanuel Pinol na kamakailan ay nanawagan sa pag-aarmas ng mga sibilyan.
Samantala nong August 28, sa may national highway ay namimigay ng mga relief ang DSWD volunteer na si Delia M. Angub dahil may mga bakwet din may sa Amanah Evacuation Center sa Inug ug na may bilang na 47 na pamilya mula sa barangay Kulambog, Pamalian, Manaulanan, Nalapaan, Manaulanan, Pagangen, Bagolibas at Balong na kanilang serbisyohan.
Ang mga bakwet ay nagpahayag na mananatili sa evacuation center hangga’t nagsasagawa ng military operation ang AFP at habang may mga armadong sibilyan na gumagala-gala sa kanilang barangay.
Umaasa ang mga bakwet na sa Buisan bodega at national highway na matuloy ang usapang pangkapayapaan ng MILF at goberno upang mapirmahan na ang kasunduan sa Ancestral Domain. Ang pagpirma sa Memorandum of Agreement-sa Ancestral Domain (MOA-AD) sa Kuala Lumpur Malaysia ay di natuloy noong Agosto 5, dahil sa Temporary Restraining Order ng Korte Suprema ng Pilipinas.
(Hinango mula sa Script ng Udto na Adi (na dating Kapayapaanang title) na sinulat ni Kaka Alih- July 21, 2008)
Ang tao ay sadyang pinagkalooban ng Poong Lumikha ng Allah ng likas biniyayang taglay ng kagandahan asal, na siyang nagsisilbing gabay sa kanila sa paglipas ng panahon at nagbibigay linaw sa kanila kung ano ang tama at
Bagama’t ang pamantayan kung papaano natin sasabihin na ang isang katangian ay mabuti o masama ay magkakaiba sa bawa’t tao, may pangkalahatang pagkakaunawaan hinggil sa mga pamantayan ng mabuting asal at ang masamang asal.
Samakatuwid, ang mga katangian tulad ng katapangan at katapatan ay sadyang pinaparangalan.
At walang panahon sa kasaysayan ng tao na ang katangiang tulad ng kawalan ng katapatan at paglabag sa pagtitiwala ay tinanggap ng lipunan o bagay na karapat dapat ng parangal. Ang katapatan, kadakilaan, at pagkamatuwid ay laging binibigyan ng halaga, samantalang ang pagkamasarili, kalupitan, kasakiman at kalabisan ay kailanman hindi tinatanggap ng mamamayan sa pangkalahatan.
Ang katatagan, pagsusumikap at lakas ng loob ay mga katangian na labis na hinahangaan at iginagalang ng tao, samantalang ang kawalan ng pagtitiis, kawalan ng katiyakan at kahinaan ay binibigyan ng maliit na kahalagahan.
Karangalan, disiplina sa sarili, kabaitan at pagkamapagkaibigan ay sadyang tinitingalang katangian hindi tulad ng paghahambog sa sarili, kayabangan at kawalan ng galang ay kailanman hindi kabilang sa mga kagandahang asal.
Ang taong may kusang pagmamalasakit at katapatan sa kanyang tungkulin ay tinitingala at iginagalang habang ang taong tamad at pabaya maging sa kanyang tungkulin ay hindi pinapansin at kinamumuhian sa lipunan.
Ang isang lipunan na matatag at masugid na itinataguyod ang pagkapantay-pantay, hustisya at kalayaan ay nakikitaan ng liwanag.
Ang lipunan na laganap ang kaapihan, kaguluhan, pagkawatak-watak at ang kawalan ng samahan o pagkakaisa ay patungo sa landas ng pagbagsak, sapagka’t pinabayaan nilang mabulok sa haba ng panahon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga nakakasamang patakaran o pamamalakad na siyang nagwasak sa mga pangunahing batayan kung saan ito naitatag.
Ang pagnanakaw, pangungupit, pagpatay (ng walang dahilan), pangangalunya, at pandaraya o panlinlang ay sadyang kinamumuhian. Ang paninirang-puri, pananakot at pagsuhol ay mga gawaing nakakasama sa lipunan. Kabaligtaran nito ang pag-aaruga sa mga matatanda, tapat na pakikipagkaibigan, pagtulong sa mga kamag-anakan, pagmamalasakit sa kapit-bahay, pagtatanggol sa mga mahina at naapi at ang pangangalaga sa mga may sakit ay mga dakilang gawain mula pa noong simula ng kabihasnan.
Ang mga taong maginoo, tapat, tuwid at mapagkakatiwalaan, mga taong palaging handa sa pagtulong sa kanilang kapwa, mga namumuhay nang may kapayapaan ay ninanais din na ang kanilang kapuwa tao na mamuhay ng tulad nito ay siyang bumubuo sa pangunahing haligi ng mahusay at malusog na lipunan.
Ang kabutihan at kasamaan ay hindi mga kasaysayan o alamat na naghihintay na muling buhayin, bagkus ay bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay at tunay na ang Allah (swt) ay binigyang-biyaya ang sangkatauhan ng likas na kaalaman ng tama at
Pagkatapos ng mga paliwanag natin ay maaring maitanong natin sa inyo,
1. Kung ang pangunahing asal ng kabutihan at kasamaan ay tinanggap ng pangkalahatan, bakit nagkaroon ng iba’t ibang uri at pamamaraan ng pag-uugali ang ating masasaksihan sa mundo?
2. Bakit maraming magkasalungat na mga pilosopiya o prinsipiyo?
3. Saan ba ang puno’t dulo ng pagkakaibang ito?
Ang mga katanungang ito ay mahalaga at kailangang harapin ng lubos na pag-iingat at may kahinahunan. Tatalakayin lamang natin ng payak ang mga paksang ito. Ang mga sumusunod ay magsisilbing maigsing pagpapaliwanag sa mga naunang katanungan.
1. Ang kasalukuyang pamantayan at kaparaanan ng kagandahang asal ay hindi napagkaisa ang kahalagahan ng kagandahang asal at mga kinaugalian sa pamamagitan ng pagtatag ng tumpak na mga hangganan at dahil dito, ang pantay at malinaw na balangkas sa pag-uugali ay hindi naisakatuparan.
2. Bawa’t pamantayan ng kagandahang asal ay may ibang pang-unawa kung ano ang mabuti at kung ano ang masama, samakatuwid ang pamantayan sa kagandahang asal ay magkakaiba. Ang isang pagpapalagay ay mahirap mapatutunayan dulot nang kinauukulang nasa likod nito ay magkaiba sa iba. Ganoon din na ang kaisipang ginamit upang mapag-alaman ang layunin ng tao upang sumunod ng isang kaparaanan ng pag-uugali at hindi sa iba.
3. Mapapag-alaman natin sa pamamagitan ng taimtim na pag-iisip na ang mga pagkakaibang ito mula sa ating magkakasalungat na mga pananaw at kaisipan hinggil sa sanlibutan, ang kinalalagyan ng tao at layunin ng pananatili ng tao sa daigdig. Ang dami ng mga relihiyon, pilosopiya, idolohiya at panukala (theories) na nananatili ay mga patunay at salamin sa mga pagkakaiba at ang paglihis ng mga pananaw ng tao sa mga pangunahing katanungan at marami pang iba, tulad ng:
a. Mayroon bang Diyos?
b. Ano ang Kanyang mga Katangian?
c. Ano ang ugnayan ng tao at ang Diyos?
d. Ang tao ba ay may pananagutan sa kanyang mga gawa sa buhay na ito?
e. Bakit nilikha ng Diyoas ang tao?
Sa susunod na programa natin ay dahan-dahan nating sasagutin ang mga katanungan na ating binuksan at sa muli kami aya nag-aanyaya sa lahat ng tagapakinig. Wassallam.
(sinulat ni Kaka Alih-May 7, 2008-para sa script ng programang Kapayapaan)
At dahil sa ngayon ay bakasyon ng mga Maestra at Maestro, pupil at mga studyante, at alam natin na karamihan ay nasa kanilang mga tahanan at nakikiig sa ating himpilang DXUP FM, minarapat nating balikan ang mga iba nating topics na concern ang mga Guro at mga mag-aaral. Noong January 11, 2008 ay may topic tayong tinalakay at nai-post natin sa ating blog na: http://dxup.multiply.com, at http://correctme.multiply.com.:
Ang tanong ay dapat bang ituro sa paaralan ang “Basic knowlwdge in Islam”?
Kapag ganito raw, ang tanong tiyak ang agad mong maririnig na sagot : “hindi pwede dahil ang Islam ay relihiyon, at ang relihiyong Islam ay para sa mga Muslim lamang at ang mga paaralan natin ay magkakaiba ng relihiyon ng mga nag-aaral doon, may Kristiyanismo at Islam ang pinnaniniwalan. Pangalawa Ang systemang goberno natin ay ihawalay ang simbahan at goberno” (system of our government is separation of the church and state).
Sa unang dinig mo pa sa kasagutan na ito ay masasabi mong tama!. Hindi Ba? Ngunit…. Ang tanong lahat ba ng tamang sagot ay siyang makakabuti para sa lahat o karamihan? Kong ‘di naman ay ganito ang maitatanong natin, “Ang lahat ba ng tamang kasagutan ay tunay na katotohanan?”
Base sa mga karanasan natin, hindi ba may mga holiday tayo, (mga Muslim) ang Eidel fiter at Adha, Amon Jaded (New Year), Izra wal Miraj (Assencion to Heaven) by Prophet Muhammad (SAW) ang lahat ng ito ay iginagalang ng goberno ng Pilipinas, sa mga araw na ito ay deklaradong holiday. Ngunit ang problema, heto hindi natin alam kailan ang dapat na araw, ang pag-celebrate. Papaano mo isasagawa ang bagay na di mo alam? sapagkat hindi natin alam ang hijri calendar dahil hindi ito ginagamit at lalong hindi itinuturo sa mga paaralan natin sa ngayon. Ngunit napakahalaga ang bagay na ito dahil ang tatlong nabanggit na holiday ay doon ibinasi at hindi sa Gregorian calendar. Tama mo pa ba?
Heto pa ang mga ibang impormasyon na dapat alam ng bawat mamayan lalot sa isang lugar na iba-iba ang paniniwala, na may Muslim at Kristiyano. Dapt malaman natin na ang mga kapatid na Muslim ay hindi kumakain ng Haraam, ang tanong alam ba natin ang Haram? At Ano ang Halal? Ang alam lang natin na haram ay ang karne ng baboy, samantala isa lamang ang baboy na pagkain na haram o hindi pwedeng kainin ng mga Muslim. Dont worry doon sa nagtatanong at nagrequest ang topics na Haram at Halal tatalakayin natin sa susunod na mga programa , Insha Allah.
Ang mungkahi ng isang retiradong guro: “Kong ako ang tatanungin dapat maituro sa lahat ang basic teaching ng Islam, sa lahat lalo na sa mga lugar na may Muslim, bakit? Dahil kong may sapat kang kaalaman sa Islam, marerespetuhan mo ng tama ang iyong mga kapatid na Muslim”.
Ituloy natin ang pagpapaliwanag ni Maestro: “Noon ang akala ko bakit ko pa pag-aaksayahan ang Islam ay mayroon na akong relihiyon, ngunit ngayon ay napagtanto ko na mali pala, dahil marami akong nagawa na hindi ko dapat ginawa dahil yaon ay labag sa pakikipagkapuwa tao, lalao sa mga kapatid na Muslim dahi nasasakripisyo ang kanilang paniniwala sa Islam.”
Kong alam natin ang batas ng pag-aasawa,ang “wisdom of marriage in Islam”, sana hindi na natin magagawa na parang tinutuya natin ang mga kapatid na Muslim sa pag-aasawa muli ng pangalawa, pangatlo hanggang pang-apat.
Ang lahat ng ito ay nagagawa natin, kahit na nasasakripisyo na ang pananampalataya ng mga kapatid na Muslim, dahil hindi nga natin alam ang katuruan ng Islam, dahil walang nagbibigay ang tamang impormasyon tungkol dito.
Sa paaralan pinag-aaralan natin ang halos lahat ng karunungan. Ngnunit hindi ang Islam (basic knowledge of Islam). Bakit hindi ba pwede incorporate ang basic teaching ng Islam sa ating pagtuturo sa paaralan? Ang Islam ay hindi lamang pag-relihiyon kundi lahat ng aspeto ay kanyang sakop: ang agham, social, batas, goberno at iba pa.
Ang prinsipyo ng Islam ay hindi pwede paghiwalayin ang goberno at ang relihiyon, kong ano ang patakaran ng Islam iyon din ang dapat susundin ng goberno nito.
Sa situwasyon natin sa ating bansa, paano mo irere-concile ang dalawa na magkasalungat? May “separation of the church and the state” ang pinaiiral na sistema ng ating bansang Pilipinas, samantala ang Islam na siyang pinaniniwalaan ng halos lahat ng mga Moro at milyon-milyon Pilipino na ngayon ay Muslim na rin, ay no separation of the church at state ang dapat ang sistema na goberno, dahil ganoon ang turo ng Islam.
Ang tanong sino ang dapat baguhin? Ang tao ba ang mag adjust o ang sistema ng goberno ang babaguhin para magkaintindihan?.
Marahi, kong ang mga mamayan natin ay may sapat na kaalaman kahit sa basic knowledge of Islam, ay marahil ay hindi tayo magkakaroon ng mga social problem na tulad ngayon. Halimbawa ng mga sinasabi natin an social problem ay:
Kayo na mga giliw na nakikinig may dahilan ba na ituturo din ang basic knowledge in Islam sa mga paaralan?
Narito ang ilang mga reaction na mga text na tinanggap natin sa programa na sinagot natin ang iba:
Text - January 11, 2008
(some, only the relevant to the topics-yaong greeting ay hindi ko na isinama)
1. 09066032157-Kapayapaan-ang mga Muslim ba ay hindi naniniwala that Jesus was born on Christmas dats y Christian keep on Celebrating… from Kim
2. 09057828230-Kapayapaan-walang xmas ang mga Muslim pero naniniwala ba cila sa x’mas?
3. 09057828230-Kapayapaan-kong ang isang Muslim ba ay sumali sa x’mas party, nagkasala na ba xa.. cindy
Sago ni Kaka Alih sa program: depende sa niyat o intention,ngunit kong regular ng ginagawa ito ay hidni maganda.
4. 09057828230-Kapayapaan wat is the difference between the word haram and halal? Cindy
5. 09265224689-Bapa mahilig ka rin pala ng maistra parihas tayo BBS
6. 09057828230-Kapayapaan kya marami ang mga teacher na babae kasi masisipag cla kumpara sa mga lalaki dib a . Cindy
7. 09263475443-kapayapaan kaka ask ko lang f anu ba ang layunin ng survey ng dxup? from LM
8. 09193472577-kapayapaan holiday p b ngayon? From NDU
9. 09193472577= ayna ang ganda ng musika mo nakaka inlab super.
10. 09057828230-I think ndi na sigoro kailangan kc pag naghanap na tau ng work, di naman iyan kailangan- Cindy
11. 09186375073-kapayapaan comment q lang sa topics n tinatlakay mo wag ka ng maging one sided sa mga ideas na ibinibigay mo.
Sagot ni Kaka Alih sa program: “sinsabi lamang natin ang dapat malaman, dahil sino ba a g dapat magsabi nito, hindi ba kami na mga Muslim din? Malalaman ba natin itong mga problemang ito kong kami-kami lang ang mag-uusap-usap?, sa problema ba natin ngayon ay hindi ba kasali tayo sa mga problema, lahat tayo ang may problema, kaya dapat sama sama natin itong isolve. Kong wala ang ating programa, malalaman ba natin ito? Ngayon lang natin ito pinag-uusapan, dahil may radio na tayo. Ang layunin na dito ay upang buksan ang mga usapin na maaring makasolve sa problema.”
12. 09186375073-kapayapaan ang mga muslim na nakikipagclebrate ng xmas e nagparaktis na xa ng xmas. Nakikcbrate lang ka2lad ng mga Christians na nakikipagcelbrate din mga okasyon ng Muslims.
13. 0921711796-kapayapaan alam mo bapa parang purpose mo iinsist talga ang islam at usaping kulturang Muslim sa yong programa..dapati yan ibahin iyang pamagat ng programa mo dahil di nagdudulot ng kapayapaan yan.
14. 09197947128 kapayapan ask ko lang poh holiday po ba ngayon from Loraine
15. 09217117965 kapayapaan bapa huwag ka magsabi na Islam is not a mere religion.. para ka mang di Muslim… Islam a religion per se .. and any religion s a way of life and influences everything…
Sagot ni Kaka Alih sa program: Ang religion Islam is Deen ul Islam.. it is not a mere religion a way of life, as the Quran said.
16. 09217117965-kapayapaan ang pagtuturo ng Islam ay d dapat ituro sa public, ituro lamang ang religion (islam or Christianity) sa private educ institution ngunit depende pa rin ito sa Admin ng skul…
Sagot ni Kaka Alih sa program: Ang basic kanowldege of Islam ay dapat, ngunit ang religion Islam (completely) ay hindi, dahil nga separation of the church and the state.
17. 09193472577-kapayapaan cguro kailangan pa rin pag aralan ang muslim, kc di naman mali yan kung pag aralan maybe dapat din pag aralan kc wen taking of culture nd tradition, para naman ma-aware ang mga tao about sa culture nd tradition! Thanks dxup
18. 09187133083- kapayapaan holiday p ba ngayon? Salamat sa ngababasa na cute
Kayo ng mga kapatid na nakikinig may pinapaninigan ba tayo? Ang tanging layunin natin ay maintindihan ng lahat ang dapat, na malaman na karunungan, tulad ng katatapos na Amon Jaded, deklarado ng goberno ng ARMM na nakabase sa Hijri calendar,ganon din sa national, Muharram 1, ay Amon Jaded, ayon sa PD 1083, alam ba natin ang unang buwan sa Hijri na Muharram? Hindi? Kaya nararapat na pag-aralan din ang mahahalagang aralin tungkol sa Islam, na kahit papaano ay mayroon tayong kaalaman sa mga basic na information tungkol dito.
Correct me If Im Wrong.
(Part ng Script na sinulat ni Kaka Alih para sa programang Kapayapaan 5:30-6:30 ng Umaga- mAY 2, 2008)
Isang di matapos tapos na debate kong ang pag-uusapan ay ang alak na makalasing, dahil iba iba ang pagtingin dito ng ibang relihiyon, ngunit sa Islam ay kanya itong tandisang o specific na tinukoy na Haram ang Khamer o alak na makalasing.
“O kayong naniniwala o Nanampalataya! Ang mga nakalalasing na alak (lahat ng uri ng inuming may alkohol at i iba pa na nakapagbibigay ng lambong sa kaisipan tulad ng ipinagbabawal na gamot, droga, ), pagsusugal, Al Ansab at Al Aslam (mga gamit sa paghahanap ng suwerte at pasiya) ay kasuklam-suklam at mga paglalalang (pakana) ni Satanas. Kung kaya’t iwasan ito upang kayo ay mangagsipagtagumpay.” [Qur’an, Surah Al Maida: 90]
”Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, Pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro,” Biblia-Mga Kawikaan 23:31
Tinanong ko ang aking mga kasamahan dito sa station, ang ATBCI ay bawal din sa kanila ang Alak, ang relihiyong kinaaniban ni Donald Good News Fellowship Christian, ay bawal din.
Generally speaking, ang alak na makalasing ay ipinagbabawal ng lahat ng relihiyon, ang iba ay huwag lang maglasing, ang iba naman ay kahit tikim ay hindi pwede.
Sabi ng ating kaibigan,: ”Kaka Alih kahit ang COMELEC ay bawal din ang alak” (papaano napasok ang COMELEC?)….”di Kaka pag election day mahigpit na pinababawal ang alak” ( ok tama ka, upu tell the truth, 5 points ka… dagdagan ko ang goberno natin, bawal din ) ”Kaka diyan naman ako hindi sang-ayun, may permit ang alak na binigay ang goberno” ( eh bakit kong panahon ng mahal na araw di ba bawal?)
Bago tayo magdebate… paalaala muna ng ating himpilan:
( READ: ARMM SOCIAL FUND PLUGS)
Ang pag-inom ng alak na makalasing sa ating bansa o sa ibang parte ng mundo, kong ating mapapansin sa mga lugar na hindi umiiral ang katuruan ng Islam ay Naging pangkaraniwan na lamang ang pagbebenta at pag-inom ng alak, inaakalang isang uri ng libangan o pampalipas ng oras. Kadalasan’y ginagamit sa pag-iistima ng mga importanteng tao o mga kaibigan, o di kaya ay ipinamimigay bilang pangregalo sa mga espesyal na kaibigan.
Kung napag-ukulan lamang natin ng malaking pansin ang pinsala na ibinibigay ng alak sa katawan ng tao, sa pamilya at kapaligiran tiyak na tayo mismo ang kusang lalayo rito at tuluyan na itong iiwasan ang alak!
Batid natin sa ating mga sarili, na karamihan sa mga krimen at aksidenteng nagaganap sa ating kapaligiran ay sanhi ng mga nakainom ng nakalalasing na inumin na tulad ng alak, bawal na gamot at iba pa na mga katulad nito.
Nagiging sanhi ito ng kaguluhan sa pamilya, ng di pagkakaunawaan, pagkamuhi ng mga anak at asawa sa ama ng pamilya, at minsan’y humanhantong sa paghihiwalay ng mag-asawa — ang resulta: ‘Broken Family.’ Dito sa ating likod ay may bilangguan at di minsan lang natin napatunayan na marami ng naipasok dito dahil sa nakainom ng alak na nakakalasing.
Isama mo pa rito ang iba’t ibang uri ng sakit, na ang sanhi ay mula sa pag-inom ng mga nakalalasaing na inumin. Ayon sa mga dalubhasa o maalam, at hindi lang base sa observation natin sa paligid, napakaraming sakit na idinudulot ang alak, halimbawa:
Ang lahat ng ating halimbawa ay maliwanag na nakikita natin ngunit sa kabila ng lahat ng ito, matigas pa rin ang puso natin, hindi poa rin tayo naniniwala. Ang sabi nga ng ating kaibigan na Pastor: ”Sadyang Mapagsamba sa sarili ang tao! At saka pa lamang nagigising kapag huli na ang lahat at wala nang saysay!”
Mga kaibigan na nakikinig, pangalagaan natin ang ating mga sarili mula sa mapaminsalang bagay na ito — ang nakamamatay na inumin. Ito lamang ang uri ng lason na pinahihintulutan ng ibang mga bansa sa kani-kanilang lipunan, gayong batid naman nila ang dinudulot nitong masamang epekto.
ILAN SA MGA TEXT NA NATANGGAP NG PROGRAMANG KAPAYAPAAN: (binuo o dinagdagan ng vowels, para madali mabasa)