"Time is Life"

Home » Tags

Updates: OFW– Philippines

September 5, 2009



  September 5, 2009

   

(Alih Anso- September 5. 2009 Radio DXUP-FM, Upi, Mindanao, Philippines)

Filipinos are referred to as “Overseas Filipino Workers” or “OFWs”. The term “Global Filipino” is another term of more recent vintage but less widely used.

OFW dubbed as the country’s modern day heroes, and contribute a lot to the nation’s growth and development.  They have to leave their own families to work abroad as professionals, engineers, office and factory workers and often as domestic helpers.

OFWs today has a total workforce of 747,696 where land based workers are 559,227 and sea based workers 188,469.

Each year, more than a million Filipinos leave to work abroad through overseas employment agencies and other programs, including government sponsored ones.

Others emigrate and become permanent residents of other countries. Overseas Filipinos  work as doctors, physical therapists, nurses, accountants, IT professionals, engineers, architects, entertainers, technicians, teachers, military servicemen, students, caregivers, domestic helpers and often as a  household maids (or domestic helper - DH).

According to a former Domestic helper (DH) their employer paid US$ 7,000 to her agency,  a legalized human trafficking?

Human trafficking in the country is becoming worst as the  reports says:  “…. that the Philippines is fast-becoming a transit point for international human trafficking. A reason why a member of House of representative seeking for investigation of the issue”.

The issue of www.philstar.com July 17, 2009, quoting Congressman  Jonathan Dela Cruz said the recent arrests of foreigners using fake passports and fake travel documents confirm reports that the country is being used as a transit point for human trafficking.

The hotspot provinces in Mindanao reportedly include Cotabato, Maguindanao, and Davao.

But Vice Mayor Abdullah P. Salik Jr. Al Haj currently chairman of Regional Anti-Human Trafficking in ARMM, does not confirm nor deny the data release to media.

“Maybe before 2007, there were reported incidents but we are waiting for the official reports from the concerned agencies” Salik added.

The number of human trafficking cases in the Philippines doubled in the first half of 2009, a non-government organization said Wednesday.

The Visayan Forum Foundation, Inc. (VFFI) said that in 2008, 90 human trafficking cases were lodged before Philippine courts. From January to June in 2009, or only six months, the number jumped to almost 200.

Mrs Malou Diestro, Department of Social Welfare (DSWD)  worker assigned in Upi said:  “…lots of reported human trafficking in Upi, few years ago”.

“We have some cases which can be considered as  human trafficking  but we can reveal it to media for the protection of victims..” a revelation from PO2 Margie  Pahati, Philippine National Police (PNP) in charge of Violence Against Women & Children    (VAWC) assigned in Upi, Maguindanao.

One of the “modus operandi” of recruitment agency, let the “victim” signed a contract as domestic helper in other countries, in which she/he will received a salary of 400 US $, but before he left the country her agency will let her signed a sub-contract (not registered to Philippine government) in which stating she will just received a salary of 150-200 US $. In which no one of the recruited migrant worker reported to the authority, because they need the money.

“Kapit sa patalim” (holds a blade knife), because of poverty.  they just accept the offer for human survival .

They were recruited by members of syndicates, processing and documentation of their employment abroad was facilitated by corrupt civil servants.

According to the reports  of 2008 Country Review on Human Rights Practices in East Asia and the Pacific by the United Stated Department, reported that Filipino women and children who were victimized were forced to work as household, factory and sex workers.

The unstable economic and political situation in the Philippines is one of the major causes why Filipinos prefer to work abroad. Filipino workers could not see any hope from their leaders to achieve prosperity for the country.

Various recommendation from various sectors were recommended for the stopping or eradicating  this in-human act.

Human trafficking should be taught in school as suggest by National Bureau of Investigation (NBI) executive.

If this NBI chief agent had his way, the problem of human trafficking and how not to be caught in the traffickers’ snares would be discussed among schoolchildren.

“Law enforcers should go to primary and secondary schools to educate kids, especially young girls, on human trafficking,” said Ferdinand Lavin, chief of the National Bureau of Investigation’s Anti-Human Trafficking Division.

“The campaign should be focused on grades five to high school because these minors are often the target of syndicates,” he added in a recent informal chat with reporters. He said the campaign should be mounted with the help of Department of Education officials.

“We should strengthen the preventive aspect, perhaps by information dissemination,” he said. “IACAT (Inter-agency Council Against Trafficking) should also map out where the victims came from and focus on info dissemination in that particular area.”

In Upi, Maguindanao, particular in community radio-DXUP FM,  advocacy program in combating human trafficking was adopted . Regular airing  of anti-human trafficking plugs and incorporating topics to talk show programs, like: Udto na Adi, Suara Talainged, Kaadat-adatan were practiced regularly.

Posted by kakaalih at 9:40 pm | permalink | comments[3]

Mga bunga ng maagang pag-aasawa?

July 9, 2009



 


(July 9, 2009- Script  na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio-  )

(Host):  “Hanggat maari ayaw ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay mag-asawa ng maaga. Bakit? Minimithi o pangarap  ng mga magulang na   makatapos muna ng pag-aaral at makanahap ng permanenteng trabaho ang kanilang mga anak bago magkapamilya. Dahil bilang mga magulang alam nila ang hirap at sakripisyo ng pagpapamilya at pagkakaroon ng mga anak na kailangang alagaan at palakihin ng maayos. At alam nila na ang bunga ng maagang pag-aasawa ay hindi madali.

(PLAY THE STINGER .. NAKAKA..)

Kaka alih: “Ang mga bunga nito ay ang mga sumusunod:

   1. Pag bata pa ang babae at ito ay nagbuntis agad at nanganak, maaring hindi pa kayanin ng kanyang kalusugan ang dulot ng panganganak lalo pa at maraming dugo ang mawawala sa kanya, at dahil dito maaga kang mababalo my friend.

   2. Pag bata pa pareho ang mag-asawa madalas ang kanilang pag-aaway at pagtatalo dahil na rin sa kanilang ugaling bata pa, akala kasi ni bahay-bahayan lang, hoy, Ting /Adi may kasabihan tayo na ang pag-aasawa ay hindi kanin na isusubo na pag ikaw ay napaso ay pwede mong iluwa.

   3. Magiging kawawa ang mga magulang dahil natural na sa kanila pa rin pipisan o makikitira ang mag-asawa dahil kapwa hindi nakatapos, walang mahanap na trabaho. Kaya naman Ting, Bai, Awi, Adi, Inday, Dong, maawa ka kay nanay at tatay, magtapos ka muna ng pag-aaral bago mag-asawa.

   4. Kung mag-kakaanak agad, (Ay ano?.. di lang masisira ang figure oy) Alam mo ban a, hirap ang daranasin..  Hindi lang sila ang mahihirapan kundi pati mga ang kanilang mga  anak. (mga apo mo yun)
 Hindi maibigay ang pangangailangan ng mga bata dahil hirap sa buhay.

   5. Sabagay sa kabilang banda, may maganda ring bunga ito dahil parang makakasabayan lang nila ang paglaki ng kanilang anak,(di mabuti,  para ka na ring may kapatid  na bunso)

(Hahahaha- PLAY THE STINGER LAUGHING)

Posted by kakaalih at 1:53 pm | permalink | comments[1]

Paano paliligayahin ang babae?

July 8, 2009


(Scrip na sinulat at presentation ni Kaka Alih para sa programang Buhay-buhay sa DXUP sa segment na Nakaka…July 8, 2009 - 7:00-8:00 AM - Host: Lenyrose Bajar Sunio)

(Host:) “Ang bawat babae ay may kanya kanyang katangian, ugali, at pagmamahal. Dito natin sila nakikilala, dito rin natin sila minamahal, minsan naibibigay natin ang gusto nila…. minsan naman eh… hinde.

Sa isang daang ginawa mong mabuti sa kanila sa isang kapalpakan bura lahat iyon.” Ang tanong: Paano ba natin sila mapapaligaya?

(PLAY THE STINGER NAKAKA..)

(Kaka:) “Tanong – Paano ba paligayahin ang babae? Papaano nga ba..? (STINGER NA TAWA)

Ang bawat babae ay may kanya kanyang katangian, ugali, at pagmamahal. Dito natin sila
nakikilala, dito rin natin sila minamahal, minsan naibibigay natin ang gusto nila minsan naman eh hinde. Sa isang daang ginawa mong mabuti sa kanila sa isang kapalpakan bura lahat iyon.” Ang tanong: Paano ba natin sila mapapaligaya?

Mapapaligaya ba ang babae sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagay na nais nila?

“Sa pag-papadama sa kanila ng Pagmamahal, ssagot sa akin ng isang relihiyosong kaibigan….. “pero alam natin na hindi tayo perpekto para maibigay ito lahat”

“Ah para sa akin Kaka, Sex?” sabi ng nagbibinata na estudyante.

“Siguro hindi naman Kaka, hindi lang ng tao, sex lang pwede magpaligaya, diba? (aywan ko)

Kung hahanapin natin ang babae dahil sa nais nila.. na dapat maibigay ang gusto niya, eh baka hindi natin Makita ang babae, na pwede mong mapaligaya.

Anong klaseng bagay, ang makapagpapaligaya sa babae? ….pagmamahal, material, at kung ano pa ang magpapaligaya sa kanila? Palagay nyo.. alam ba nyo?

Mahirap isipin di ba kaya minsan hindi nating magawang iwasang masaktan sila dahil hindi natin maibigay ang talagang nais nila. Dahil maski silang mga babe hindi nila alam iyon.

Totoo di ba mga babae? sagot! Ikaw kilala mo ba ang sarili mo?, Kung hindi huwag mong sagutin baka hindi tama sa damdamin mo mapahiya ka sa sarili mo. Sa mga taong nakakaintindi dyan pwede kayong sumagot.. para sa susunod na episode……

Pero ako marami na akong nakalap na sagot.. heto ang ilan sa na lista ko…kaya lista na kayo.. o text na rin>

Sagot ni Kumare #1: “Pare alam mo Ang babae just wanted to be loved unconditionally by men at yun ang makapagpapaligaya sa amin, yung walang lokohan at wag nyo kaming sasaktan”.

Kumpare # 1: “Sa akin pare? … basta be true to yourself, ipakita mo sa kanya na totoong ikaw… huwag mong pilitin sarili mo gawin ang mga bagay na di mo kayang gawin.”

Tama ka pare, may mga tao talaga na mataas ang expectation at kung ganun sila wag mo ilagay sarili mo sa palad nila at kung di ka nila matanggap sa pagiging ikaw, hindi sila ang babae para sa iyo, they are not worthy to be with you…..Be true lang sa iyong sarili.. kong di ka niya matanggap, so be it…hindi siya ang soul mate…

Kumpare # 2: “Para sa akin, pare, simple lang naman magmahal ng mga babe. Pinakamaganda nyan ay ipakita mo lang naman yung tunay mong pagkatao tapos yung tunay mong bad na ugali para matantya ng bawat isa sa inyo kung kakayanin nyo ba… if acceptable then everything will just come naturally…!!! Mas sweet na ang pagsasamahan…di ba? . (style mo bulok.. hahahaha)

Para naman sa akin Mare,,, ganito ang aking konsepto… actually, mahirap ngang intindihin minsan ang mga babae.. minsan kasi mahirap sa amin na sabihin sa inyo yung nararamdaman namin… sometimes… pero ganun din naman kayo.. di nyo nga lang pansin..may similar lang babae at lalaki..

“The only thing that would make girls happy is that we want to be loved, accept for what we are… feel that we are important and of course… the security… no material thing can replace.” (pa-English Englih ka pa)

O ikaw naman Pare?

Alam mo pare, hindi naman kasi mahirap paligayahin ang mga babae… (sige, tuloy tuloy, iyan ang gusto… ) Alam mo pare…kaunting patawa…konting bola…konting akrobatiks jan…okay na. “deep inside” masaya na talaga sila. lalo na pag mahal nya talaga ang lalake, … kaso…. siyempre nature ng mga babae ang magtago ng emotions. ito ung tinatawag na “pagpapakipot”.

(STINGER TAWA)

Yes alam mo ito, dahil turo sa amin ng nanay namin iyan! madali lang daw talaga…… kaso hindi madaling malaman ang nagpapasaya sa mga ito. at bakit hindi madaling nalalaman at bakit madalas nilang sabihin na hindi nila alam? dahil maraming babae ang hindi dinadaan sa salita ang tunay nilang nararamdaman. minsan umaasa na lang sila na sana dumating sa point na maging “sensitive” enough ang mga lalake para maintindihan niya ito. parte rin ang pabago bago na mood ng mga babae at ang unpredictable ng mga ito.

Sabi nga nila, let’s not only look on one side of the coin. a relationship is a two way street. Bakit naman marami sa mga lalake, pag matagal na ang relationship eh nagbabago ng ugali?
Kaya paghandaan mo, ang panahon na iyon na magbabago ang partner, at dito dapat mong intindihin, kong tiis at adjust… magbabago din iyan.. lalo mong pag-ibayuhin ang iyong pagpapakita ng iyong wagas na pagmamahal…manalangin ka ng madalas sa Diyos….

Ano yan?…. dib a may kasabihan tayong mga Pilipino na: walang matimtimang birher sa matiyagang manalangin.. pero pare ang problema di nasiya birhen… ay tange… paaalm na ako baka pati ako mai-love…Kaka Ali po ang inyong nakaka.. gigil… hanggang sa muli nating pagniniig… (STINGER NA TAWA)

Posted by kakaalih at 1:57 pm | permalink | comments[1]

Lalaki at Babae Dapat Equal?

July 6, 2009

 (Bahagi ng script na sinulat ni Kaka Alih-script/segment producer sa programang Buhay buhay sa DXUP sa segment na “Nakaka” -7:00-8:00 AM Lunes - Biyernes, host: Lenyrose Bajar - Sunio)

HOST: “Ang issue, Mga babae ipinaglalaban, dapat pantay ang babae sa lalaki, tila baga na ang babae ay dehado kaysa kay lalaki, dehado nga ba ang babae kay lalaki? Ang ilan kasagutan, malalaman natin kay Kaka Ali sa kanyang nakaka…..

(PLAY THE INTRO NAKAKA)

KAKA: “Dapat pantay ang lalaki at babae, kaya dapat ipaglaban ang karapata ng mga kababaehan, iyan ang sigaw ng liberated woman, hindi ba.. ang tanong ni Kaka Alih, totoo ba na naapi o dehado ang mga babae, o mga baka naman lalaki ang dehado?

Ganito kasi iyon mga friend,

Kapag ang lalaki umiihi sa pader o sa gilid ng kalsada o kung saan man ay okey lang   para sa ibang tao? (pero hindi kay Kaka Ali ha? Bawal sa Islam ang ganoon)

Pero kapag ang babae ang nakita natin. Di ba ganito ang sinasabi natin: “ano ba naman yan! kakabaeng tao eh..” at kung ano-ano pa.

Bakit kapag ang lalaki ang nangaliwa. Okey lang para sa iba? “Lalaki kasi”,  yan ang madalas nilang sabihin di ba . Pero kapag babae ang nahuli. Kulang na lang batuhin siya ng bato para mamatay. Tila ba hindi yata patas diba?

Bakit sa mga sasakyan? Bakit kailangan paupuin muna ang babae bago ang lalaki? Di ba hindi rin yata patas yun?

Naalala ko tuloy minsan sa aming seminar workshop sa Gender Advocacy. Ang issue na ito ay talagang naging matinding o madugonmg debate . Sabi ng resource person,  na doon  nag-aral at lumaki  sa kanluran bansa, (sa Tate) . Hindi daw ganoon doon , taliwas daw sa  Pilipinas,  talagang nagulat siya at natataka sa kanyang nakita, pag-uwi sa Pinas. Ang tanong niya ay: “Bakit sa States tila pantay yata ang babae at lalaki. Pero bakit dito parang Hindi?” (DAW?)

Ang masasabi ko lang hindi maaring maging equal ang lalaki at babae. (O Taas na kaagad ang kilay nito.. makinig ka muna, hindi pa tapos, )  

Bakit? Dahil hindi naman sila talaga magkaparehas. Ang lalaki ay nilikha ng Diyos bilang lalaki at ang babae naman ay nilikha bilang Babae. Bigay tayo ng halimbawa mula sa maraming Halimbawa:

Ang babae nilikha upang manganak. Pero ang lalaki, kaya  ba niyang manganak? Ang Sagot ay Hindi, Hindi pantay ang Diyos.. Astag Firuulah (Humingi tayo ng Tawad sa Diyos, kinuQuestion natin ang kanyang Kakayanan)

Heto pa ang isa, ang lalaki binigyan ng higit na lakas kesa sa babae. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay dapat na itong pagtalunan, ni babae at lalaki. Higit na matalino ang lumikha sa atin sa kahit na sino pa mang matalinong tao dyan!

Ang Lalaki at Babae at tunay na magkaiba. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay kaya nilang mabuhay ng mag-isa. Ang lalaki ay nilikha para sa Babae at ang babae ay nilikha para sa lalaki. Nilikha sila upang magtunlungan.

Hindi nga sila Equal  pero dapat magkaroon ng Balance.

Heto ang totoo, instinct ng tao, o natural sa atin.    Kailangan ng lalaki ang respeto. ang bawat lalaki ay may ego na kapag ito ang tinapakan mo ay talagang magkakagulo. Kailangan ng lalaki ang nagpapadama sa kanya na malakas siya at makapangyarihan. At ito ang mga bagay na kayang ibigay ng mga babae. Ngunit bilang kapalit nito kailangan naman ng babae ang pamamahal, kalinga at pag-aaruga. Gusto ng babae ang may nagtatangol sa kanya. Na siya ay magkakaroon ng isang lalaki na magmamahal sa kanya at    kaya siyang itaguyod at alagaan.

Ito naman talaga ng disenyong ginawa ng Diyos. Ang sabi nga sa bibiliya. Ang mga asawang lalaki ay dapat na irespeto ng mga asawang babae kapalit nito kailangan ng asawang lalaki na  mahalin ang asawang babae.

Kaya’t malinaw na ang bakaibang bagay ay hindi maaaring maging EQUAL ngunit maari silang maging BALANCE. Give and take ika nga!

Ang tanong ko; Payag ba kayong maging pantay ang lalaki at babae sa lahat ng antas? Man & woman must be equal in all level? Sagutin ninyo iyan sa susunod na episode ng nakaka…ni Kaka Ali..

Ito ang inyong  nakaka.. kilig na kapartner….. Kaka Ali

Posted by kakaalih at 1:40 pm | permalink | comments[2]

Negotiating beyond the Constitution, not unconstitutional - Atty. Soliman M. Santos, Jr

August 6, 2008

Negotiating beyond the Constitution, not unconstitutional - Atty. Soliman M. Santos, Jr



OPINION
ATTY. SOLIMAN M. SANTOS JR.

To seek constitutional change and reform (e.g. a shift to federalism) has not been usually treated as unconstitutional, except it seems when it has to do with the Moro question.

 

 

The unsigned Government of the Republic of the Philippines (GRP)-Moro Islamic Liberation Front (MILF) Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) is being assailed now for being unconstitutional because some of its provisions admittedly go beyond the framework of the 1987 Philippine Constitution.  We beg to disagree that this is necessarily unconstitutional.  To seek constitutional change and reform (e.g. a shift to federalism) has not been usually treated as unconstitutional, except it seems when it has to do with the Moro question.  In fact, it is even normal for peace processes, as shown by the experience of many countries, to seek and effect constitutional change and reform as needed for a negotiated political settlement.

A peace process may seek from the very start to eventually achieve constitutional reform, among other reforms, as is the case in the GRP-National Democratic Front (NDF) peace negotiations, per The Hague Joint Declaration of 1 September 1992.  Or a peace process, esp. at the government end, may see the need for constitutional change only towards the later part of the process, when questions of implementation start to be grappled with.  In the case of the GRP-MILF peace negotiations, it started in 1997 with the MILF’s single talking point: “To solve the Bangsamoro problem.”  It was only 11  years later, in 2008, that the GRP side saw that the emerging ancestral domain aspect of a still to come “just, lasting and comprehensive solution to the Bangsamoro problem” would already entail changes in the existing legal, including constitutional, framework.  And now, in the MOA-AD, the MILF in effect recognizes or acknowledges this “existing legal framework” albeit with a view to some key changes.

It is to the credit of the GRP side that it is now willing to effect constitutional change as needed as part for an overall solution to the Bangsamoro problem.  After all, as a number of legal and scholarly studies have long pointed out, the Philippine Constitution 1935, 1973 and 1986 have all been part of the problem in so far these have framed the structural relationship between the Philippine state and the Bangsamoro people. This is a colonial-type structural relationship which does injustice (this word used by Cotabato Archbishop Orlando V. Quevedo) to the Bangsamoro identity, way of life and longing for self-rule.  The framework and provisions of the 1986 Philippine Constitution, inc. its provisions for an Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), and its overarching application to the 1996 GRP-Moro National Liberation Front (MNLF) Final Peace Agreement (FPA), have been proven by 12 years of experience, to be inadequate in terms of effectively and qualitatively restructuring that relationship in a way that helps solve the problem.  Thus, the effort in the GRP-MILF peace negotiations to frame a qualitatively better and higher degree of self-determination for the Bangsamoro people (not just the MILF) short of independence or secession (the last upper limit for the GRP).  The MOA-AD is an important part of the process of this effort but it is not yet the Comprehensive Compact (final peace agreement).        

These are peace negotiations, not surrender negotiations, between two sides which simply have different frameworks, if not world views.  As the MILF and for that matter the NDF have often said, what point is there to these negotiations if their side will just accept the framework of the Philippine Constitution?  This Constitution represents to them precisely the system that they are fighting to overthrow or separate from.  It is the inherent character of peace negotiations of this sort to seek and find mutually acceptable common ground, usually somewhere in between the respective minimum and maximum positions of the parties.  In the MOA-AD, the MILF (like the MNLF before), has clearly come down from a maximum position of independence for the whole of Mindanao, Sulu and Palawan as the Bangsamoro homeland.  This should help place the MOA-AD in perspective in terms of who is really giving and taking in the overall, inc. historical, scheme of things.

But if the Philippine Constitution is the definitive framework of the GRP side, how can the GRP Peace Panel agree to provisions, such as those in the MOA-AD, which go beyond the existing constitutional framework and provisions?  The quick simple answer is that it is because the Constitution itself allows for a process of amendments or revisions, as among its constitutional processes.  To illustrate this, we cite two examples, one each, from the peace negotiations with the NDF and with the MNLF.  First, in the GRP-NDF Breukelen Joint Statement of 14 June 1994, there is this paragraph:  “The GRP Panel reaffirms its position that the GRP commitment to Constitutional processes… does not mean it will cite the GRP Constitution as a basis for rejecting what otherwise would be just and valid proposals fore reforms in society.  If it is shown in fact that certain provisions of the GRP Constitution hinder the attainment of genuine reforms, the GRP Panel is willing to recommend to GRP authorities amendments thereto.  In this context, it is clear that the GRP’s adherence to constitutional processes does not constitute the imposition of the GRP Constitution as framework for the peace talks.”

Second, there was this GRP position during its 1992-96 peace talks with the MNLF:  “… that is not to say, however, that the Constitution is an inflexible and static document.  It is a living constitution with built-in procedures for its amendments or revision, that will bring back to the people for approval such amendments or revision, to meet the needs and aspirations of the Filipino people…. Any agreement which runs counter to the provisions of the Constitution or goes beyond its framework, needs to go through the tedious process of amending or revising the constitution, through a proposal made by a constitutional convention called by Congress or a proposal made by Congress by itself acting as a constituent assembly or a proposal by people’s initiative; and approval or ratification of the proposal by a majority of the votes cast in a plebiscite conducted throughout the Philippines.”  This was, however, not really tested then because the negotiated political settlement with the MNLF did not go beyond the framework of the Constitution – the implication is that it could have, albeit through a tedious process. 

But the peace talks with the MILF is another matter, with much indications that the negotiated political settlement this time must go beyond the framework of the Constitution, if it is to be a real and lasting solution to the Bangsamoro problem.  The GRP Peace Panel, as an extension of the President and Chief Executive, must be given the necessary leeway and support – political, moral, technical, legislative and judicial  – to negotiate this difficult terrain of effectively resolving an armed conflict of four decades already this year, counting from the 1968 Jabidah Massacre.-Quezon City, August 5, 2008



[1] Bicolano human rights lawyer, peace advocate, legal scholar;  A.B. History cum laude (UP), LL.B. (UNC), LL.M (Melb);  author of The Moro Islamic Challenge: Constitutional Rethinking for the Mindanao Peace Process (UP Press, 2001), Peace Advocate (DLSU Press, 2002), Dynamics and Directions of the GRP-MILF Peace Negotiations (Alternate Forum for Research in Mindanao, 2005), and Peace Zones in the Philippines (Gaston Z. Ortigas Peace Institute, 2005); and co-author of Philippine Human Development Report 2005: Peace, Human Security and Human Development in the Philippines (Human Development Network, 2005).

Posted by kakaalih at 1:42 pm | permalink | comments[3]

Kababaihan Mahalaga sa Lipunan

July 14, 2008

(Bahagi ng Script na Sinulat  ni Kaka Alih July 14, 2008-Lunes-para sa programang Udto na Adi July 14, 2008- 11:00-12:00 noon)

Noong mga unang panahon panahon ng Jahiliya… day of the  ignorance…alam ba ninyo na ang kababaihan ang turing ng  lipunan ay segunda klase na nilalang ng Diyos… Tinuturing nila ito na pag-aari ng lalaki.. ang sabi ng iba hinugot  lang sa   tadyang  ni Adan ang paglalang ng babaeng si Eba…Ang iba naman ay mahina ang babae.. kaya pangkama na sila… ang lahat ng ito ay nagbago ng ihayag  ng Allah ang Islam … sa panahon na ihayag ng Allah na si Muhammad ay kanyang Sugo o Propeta ay nagbago ang turing ng mga tao sa Babae… umangat ang kanilang kinalalagyan… nagkaroon sila ng karapatan.. karapatan na ka-level ng kalalakihan.. taliwas sa paniniwala ng iba  sa ngayon na ang babaeng Muslim ay walang karapatan…Mabuti pa ay isa-isa natin ang mga bansa..

Alam din ba ninyo ang pananaw sa mga babae ng mga ibang bansa at kung paano ang kanilang pakikitungo sa kanila?. Ang mga babae sa mga Griyego noon ay naipagbibili at nabibili at wala itong anumang karapatan sa halip, ang lahat ng karapatan ay nasa lalaki lamang. Pinagkaitan din siya ng karapatang magmana o magpatakbo ng sariling ari-arian. Ang sabi pa nga ng kanilang bantog na pilosopo na si Socrates: “Ang pagkakaroon ng babae ang siyang pinakamalaking dahilan at pinagmumulan ng pagkasira ng mundo. Ang babae ay katulad ng nakalalasong punong-kahoy na ang panlabas na anyo ay maganda subali’t sa sandaling ang bunga nito ay kainin ng mga ibon, agad mamamatay ang mga ito.”

Ang mga Romano naman ay naniniwalang walang kaluluwa ang isang babae. Walang anumang halaga sa kanila ang babae at wala ring mga karapatan. At ang kanilang kasabihan noon ay: “walang kaluluwa ang babae.” Dahil dito ay pinarurusahan nila ang mga babae sa pamamagitan ng pagbuhos ng kumukulong langis sa kanilang katawan at iginagapus sila sa mga haligi. Hindi lamang iyon, kasama rin dito ang mga walang kasalanang kababaihan ay itinatali nila sa buntot ng mga kabayo kasabay ng pagpapatakbo nang ubod ng bilis hanggang sa mamatay ang mga babae.

Ang bansang Tsina o ang mga Intsik naman ay  ang babae sa kanila ay katulad sa isang tubig na tumatangay sa kaligayahan at yaman. Ang isang lalaking Tsino noon ay may karapatang ipagbili ang kanyang maybahay at may karapatan din siyang ilibing ito ng buhay.

Itinuturing naman ng mga Hudyo ang babae na isang sumpa dahil siya ang tumukso at nag-udyok kay Adan na kainin ang ipinagbabawal na bunga. Itinuturing din nilang ang babae ay marumi kapag ito’y nireregla at ang bahay ay nagiging marumi at ang lahat ng mahawakan nito. Hindi rin siya nakapagmamana ng kahit ano buhat sa kanyang ama kapag siya ay may mga kapatid na lalaki.

Ang mga kababaihang Ingles (British), alinsunod sa pangkalahatang batas ng mga Ingles hanggang sa kalagitnaan ng nagdaang-siglo (ikalabinsiyam na siglo), ay nanatiling hindi itinuturing na mga mamamayan. Wala silang mga karapatang personal at walang karapatang magmay-ari ng anumang bagay kasama na ang mga damit na kanilang isinusuot. Noong 1567 ay gumawa ng batas ang Pamahalaang Parliyamento ng Scotland na nagbabawal na pagkalooban ng kapangyarihan sa anumang bagay ang isang babae.

Ang Pamahalaang Parliyamento nanam ng Inglatera noong panahon ni Haring Henry II ay nagbawal sa babae na magbasa ng Bibliya dahil diumano siya ay marumi. Noong 586 ay nagdaos ang mga Pranses ng isang Kumperensiya upang talakayin kung ang babae ba ay tao o hindi tao. Kinilala nilang ang babae ay tao nguni’t siya ay nilikha para paglingkuran ang lalaki. Pinahihintulutan noon sa batas ng mga Ingles hanggang sa taong 1805 na ipagbili ng lalaki ang kanyang maybahay. At itinakda pa ang halaga ng maybahay sa anim na sterling pence.

Sa mga babaing arabo naman bago dumating ang Islam ay itinuturing na isang hamak, hindi nagmamana, hindi pinahahalagahan, at walang anumang karapatan. Maraming mga arabo bago dumating ang Islam ang naglilibing nang buhay sa kanilang mga anak na babae.

Nang dumating ang Islam, inalis nito ang kawalang-katarungang ito at nilinaw na ang babae at lalaki ay magkapantay sa karapatan. Ang sabi ng AllahU:

“O Sangkatauhan, nilalang Namin kayo buhat sa isang lalaki at isang babae at ginawa Namin kayong mga bansa at mga lipi upang kayo ay magkilalanan (sa isa’t-isa). Tunay na ang pinakamarangal sa inyo para sa Allah ay siya na may pinakamalaking pagkatakot sa Kanya. Ang Allah ay nakaaalam at nakababatid sa lahat ng bagay.” [Qur’an, 49:13]

Ito sa maikling salita, ang pananaw ng Islam sa babae tulad ng mga pinapahayag natin  noong una pa man dito sa ating mga programa sa  DXUP FM  , ang mga kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro ay hinango sa katuruan ng Islam, kaya naman noon pa man kinilala na ang mga Bangsamoro bilang mga  Muslim sa dahil sa mga kaugalian na yaon. 

Ang mga kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro, noon at magpahanggang sa ngayon na nasakop na ng mga kanluranin ay nanantili pa rin ang ganoon kultura bagamat malakas ang asimilasyon sa ibang kultura, tulad halimbawa ng kulturang Pilipino, na minana pa nila ang iba sa mga mananakop.

Sa Bangsamoro ang mga kababaihan ay napakahalaga at napakalaki ang kanilang pagpapahalaga dito. Saan sa mga sa ipinagbabawal kapag nasalungat o nalabag tiyak na may karapatang kaparusahan, (penalty) Halimbawa:

        Mahigpit na pinagbabawal sa kultura ng Bangsamoro ang pagsasama ng lalaki at babae na hindi pa kasal, na silang dalawa lamang sa isang lugar, na walang mahram o kasama;

        Sa bahay ng babae, hindi pinapayagan ang pag-akyat ng lalaki sa bahay kapag walang kasama ang babae, hanggang unang baytang lamang siya ng hagdanan;

        Kahit kamay lamang ang nahawakan ng lalaki sa babae na pwede niyang asawahin ay mahigpit na itong pinagbabawal;

Alin man sa nabanggit ay ang maaring kaparusahan ay multa na katumbas ng maratabat o dangal ng kababaihan… at isa na ditto ang pag-ingi ng kamay o pakakasalan ng lalaki ang babae.. upang ibangon  ang kanyang dangal na nayurakan ng lalaki.

Ang kaparusahan ng lalaki at babae na ginawa ang ginagawa lamang ng mag-asawa (adultery) ay pagpaparusa na katumbas ay kamatayan… 40 na palo sa lalaki at babae.. na ang magsasagawa ay ang pinamalakas na lalaki at ang gamit ay bakal na pamalo na pinag-aapoy muna bago ilalapat sa likod ng nagkasala…sa mga Bangsamoro.. ay may kaunti silang modification dito.. dahil kailangan nila ang buhay na tagapagtanggol ng kanilang angkan ay hindi nila ito isinasagawa.. kundi binabayaran ang buhay nito.. magmumulta sila na katumbas ng buhay halaga ng tao, at para ibangon ang dangal ng babae ay kailangan pakasalan niya ito, pagkatapaos ng mailapat ang parusa…

Ang mga  babae, maging Kristiyano o Muslim o ano pa mang pananampalataya mayrooon siya sila ay may pangkalahatang karapatan na dapat nilang malaman at kilalanin ng lahat upang ito ay kanyang mapakinabangan ng lubusan sa anumang oras na kanyang nanaisin. Ang ilan sa mga karapatang ito ay ang mga simusunod:

1.   May karapatang magmay-ari   tulad ng bahay, mga lupain, mga pagawaan, mga patananiman, ginto, pilak, at iba’t-ibang uri ng hayop gaya ng kalabaw, baka, at kamabing —maging siya man ay isang maybahay, ina, isang anak, o isang kapatid.

2.   Maykarapatang pumili ng mapangangasawa, tumutol sa lalaking ayaw niya, at humingi ng diborsiyo kapag ang pananatili sa piling ng kanyang asawa ay makapipinsala sa kanya. Ang mga ito ay ang mga karapatang para sa babae na ang katiyakan ay napagkaisahan ng mga pantas ng Islam.

3.   May  karapatang matuto ng lahat ng kanyang kailangan tulad ng kaalaman tungkol sa kanyang relihiyon, kaalaman tungkol sa pagsamba sa Kanya, mga tungkuling kailangan gampanan kalakip ng mga kagandahang-asal para rito, at mga pag-uugaling mahusay na kailangan niyang taglayin sa lahat ng sandali. 

Sa Islam ay nag-utos ang Allah sa Qur’an: “Ang paghahanap ng karunungan ay tungkulin ng bawa’t Muslim.”

4.   Ang karapatang magbigay ng Sadaqah (kawanggawa) buhat sa kanyang ari-arian at gumugol buhat sa mga ito para sa kanyang sarili at para sa kanino man na kanyang naisin gaya ng asawa, anak, at mga magulang hanggang ang paggugol ay hindi humahantong sa pag-aaksaya. Ang pagbabawal sa pag-aksaya ay kapuwa para sa babae at lalaki.

5.   Ang karapatang gumawa ng huling habilin (testamento) na nagsasaad ng kanyang kagustuhang ipamana sa kanyang mga pamilya.

7.   Ang karapatang mag-suot na naisin niya. ngunit sa Islam ay may batayan na dapat sundin ng kababaihan. Maaari niyang isuot ang anumang maibigan niya gaya ng seda at ginto – kapuwa ipinagbawal sa mga kalalakihan – nguni’t hindi siya maaaring mag-alis ng damit at magsuot ng maikling salawal, damit na pampaligo, damit na maikli o walang manggas at iba pang kasuutang katulad ng mga ito kapag siya ay nasa mga lugar na pampubliko.

Hindi rin niya maaaring alisin ang belo sa kanyang ulo o ilantad ang kanyang leeg o dibdib maliban na lamang kung ang kanyang kapiling ay ang kanyang asawa lamang. Hindi rin siya dapat lumabas ng bahay na hindi suot ang Hijab.

8.   Maykarapatang magpaganda para sa asawa. Sa mga babaeng Muslima ay  maaari siyang gumamit ng pangguhit sa kilay o pilikmata (eye-liner), pulbos, o pangkulay sa labi (lipstick) kung gusto niya. Maaari siyang magsuot ng pinakamagara at pinakamagandang damit maliban sa mga damit na kilalang gamit ng mga hindi Muslimah o kilalang gamit ng mga babaeng nagbebenta ng aliw, hindi niya isusuot ang mga ito upang maiwasan na mapagkamalang siya ay kabilang sa kanila.

9.  May karapatan sa pagkain at inumin. Maiinom at makakain niya ang masarap at mabuti para sa kanya. Walang ipinagkaiba ang babae sa lalaki pagdating sa pagkain at inumin. Sa mga babaeng Muslim naman ay ang anumang ipinahihintulot ng Islam na pagkain at inumin ay kapuwa puwede sa lalaki at babae.

Marami pang karapatan ng kababaihan na magandang talakayin na nagpapatunay na mahalaga sila ating lipunan.  Dahil wala na tayong panahon hanggang sa susunod na araw sa ganito ring oras at himpilan. 

Posted by kakaalih at 3:03 pm | permalink | comments[6]