"Time is Life"

Home » Tags

Bakit lumalaki ang hidwaan sa pagitan ng naghahanap-buhay at gumagawa ng gawaing bahay? July 15, 2009

July 16, 2009

July 15, 2009

(July 15, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Madalas na pinagdedebatihan ng mag-asawa na ikaw ang taong bahay kaya dapat gawin mo lahat at ako naman na lalaki ang mag-hahanap buhay.

“Pagod ako maghapon sa paghahanap buhay, para sa pamilya,” sumbat ni Lalaki.

“Bakit? akala mo ba ay hindi AKO nakakapagod? ang mag-alaga ng mga anak mo, dagdagan mo pa ikaw ang  magluluto, maglalaba, blah. Blah…” sagot naman ni Babae.

Iyan ang scenario na madalas mong marinig sa isang pamilyang hindi nagkakasundo.
 
Ganito kaasi iyon sa kasalukuyang lipunan an g ating  ekonomiya ay umaasa  sa pera. Pag walang naghahanap buhay ay walang pera at pag walang pera walang makakain ang pamilya.
 
Nangangahulugan ito na karamihan sa mga pangangailangan sa pagpapanatili ng sambahayan ay pangangailangan sa pera (pambayad ng upa sa bahay, pagkain, kapangyarihan, tubig, buwis, libangan).

Dahil dito ay tumaas ang pangangailangan ng katulong  sa bahay, at ang katulong naman ay nangangailanga  din ng mataas na sahod para sa pamilya. Kaya sa ngayon mataas ang sahod sa mga kasambahay, kung kaya karamihan sa atin ay hindi kayang kumuha ng katulong para gumawa ng mga gawaing-bahay (paglalaba, pagluluto, paglilinis, at pag-aalaga ng mga bata).

Ibig sabihin ay mayroong dalawang uri ng trabaho na may kaugnayan sa pagpapanatili ng pamamahay, pagkuha ng makakatulong sa labas, at sariling pag-awa ng mga gawaing bahay ng hindi binabayaran.

Kapwa kailangan ang dalawa.

Ito ay mas angkop sa urban na pamumuhay, at hindi gaanong naangkop sa rural na pamumuhay.

Sa ating kasaysayan, at sa ating pamantayan, tayo ay may simpleng yunit, mga lalake (ama, asawa) ay naghahanap-buhay sa labas ng bahay at mga babae (asawa, ina) ay ngtatrabaho sa loob ng bahay ng hindi kumikita.

Ang pamantayang ito ay sinusuportahan ng konserbatibong lipunan at mga relihiyoso, kahit hindi pangdaigdigan. At ito ay hindi naging pandaigdigan (universal).

Ito ay produkto ng industriyalisadong pag-unlad.

Ang salungatang pamamaraan sa sosyolohiya, hango sa pananaw ni Carl Marx na ang pagkakaiba ay hango sa kaugnayan sa paggawa, na base sa paniniwalang ang kompetisyon para sa kakaunting yaman ang siyang ugat ng hidwaan.

Sa pamilya, ang ugnayang ito ay kabaliktaran.

Ang hidwaan ay base sa pangangailangan ng parehong paghahanap-buhay at pamamasukan, at ang kompetisyon sa hindi paggawa ng gawaing bahay.

Marami sa mga kalalakihan ang nasasanay sa sitwasyon kung saan ang mga lalake ay inaasahang maghanap-buhay at ang mga babae ay dapat manatili sa bahay at gumawa ng mga gawaing bahay ng walang bayad.  Sa kabaliktaran  maraming kababaihan ang nagtatanong kung bakit kailangan nilang manatili sa bahay kung meron silang kasanayan at karanasan na magtrabaho at kumita.

Ang nangyayari, kadalasan, ay ang mga kababaihan ay ngtatrabaho upang kumita at inaasahan ding gumawa ng mga gawaing bahay.
 
Ito ang basehan ng hindi pagkakaunawaan sa loob ng tahanan.
 
Tatlong mga kakaibang situwasyon ang maaring mangyari:

(1) ang mga kalalakihan ay naghahanap-buhay at ang mga kababaihan ang gumagawa ng nga gawaing bahay,
(2) ang mga kababaihan ay nghahanap-buhay at sya ring gumagawa ng mga gawaing bahay,
(3) parehong lalake at babae ang nagtutulungan sa paghahanap-buhay at sa mga gawaing bahay.

Ang pagbabago ay hindi kaagad-agad nangyayari, kaya iilan sa mga pamilya sa iilang henerasyon ay napagsasabay ang tatlong modelo.

Tumaas ang bilang ng mga babae na naghahanap-buhay noong 1914-1919 (Unang Pandaigdigang Digmaan) kung saan ang mga kalalakihan ay pumapasok sa militar at nakikidigma, at ang mga kababaihan ay binabayaran upang mgtrabaho.

Subalit ito ay hindi naging permanente, at noong mga 1920 at 1930, marami sa mga kababaihan ang bumalik sa pananatili sa tahanan.

Noong panahon ng depresyon ng 1930, kung saan tumaas ang bilang ng mga walang trabaho, marami sa mga kababaihan ang pinatalsik para mabigyan ng trabaho ang mga kalalakihan.

Ang Pangalawang Pandaigdigang Digmaan (1939-46) ay kahalintulad ng naunang digmaan, kung saan maraming mga kababaihan ang binabayaran upang magtrabaho.

Mayroon na ring mga kababaihan ang pumapasok sa militar.
.
Pagkatapos ng ikalawang pandaigdigang digmaan, iilan na lang ang bumalik sa dati, at malawak na ang pagtanggap sa mga kababaihang naghahanap-buhay sa labas ng kanilang mga tahanan.
.
Hindi naging dahilan ang kilusang pangkababaihan sa pagbabagong ito, maliban sa pagiging repleksyon nito.

Maiuugnay natin ang mga pagbabago sa loob nga pamilya, kung saan dumarami ang mga kababaihang naghahanap-buhay, sa paglawak ng pangkabuhayan at pulitikal na pagbabago sa labas ng tahanan at pagbabago ng lipunan. Subalit ang hindi pagkakaunawaan ng mg-asawa sa loob ng tahanan ay bunga ng mga pagbabago sa mga tungkulin ng mag-anak.

At para maiwasan ang hidwaan o hindi pagkakaunawaan, tanggapin natin na ang lalaki ang malakas ang katawan, ayon sa pagkakalalang ng Panginoon, kaya nararapat na siya ang papas an sa mga mabibigat na gawaan, sa labas o sa bahay man. Tulad halimbawa ng pang-kuha ng pang-gatong, pag-igib ng tubig sa batis o balon lalo na kong nasa malayo.  Ang pag-aaro, ang paghahawan  sa bukid. 

Ang babae bagamat para sa kanya ang magagaan na trabaho ay marami rin ang trabahong iniatang sa kanya ng Poong Lumikha. Halimbawa ay ang pag-dadala ng pagbubuntis at pagsilang sa anak. Ang pagpapasuso at pag-aalaga dito.

Ang ibang gawain bahay bagamat magaan ay pwedeng pagsaluhan ng mag-asawa. Tulad halimbawa ng paglalaba, pagluluto, paglilinis sa bahay, ay pwedeng magbigay ng panahon si Lalaki upang akuin ang nasabing trabaho.

Ganoon din naman kay Babae, ang trabaho ni Lalaki na mabibigat ay pwede naman siyang tumulong dito, halimbawa ang trabahong bukid ay kailangan ni Lalaki ang makakain, pwede naman na siya na ang maghatid kay Lalaki ng pagkain sa bukid. 

Posted by kakaalih at 2:08 pm | permalink | comments[1]

Mga Hadlang sa Kaunlaran (Hindrance to Development)

June 23, 2009

June 22, 2009

Alih S. Anso – June 22, 2009
Kaunlaran sa sarili, sa mamayan, sa bayan, kultura at kaugalian, kaunlaran sa kanilang paniniwala,  ang lahat ng anggulo ng mga nababanggit  ay dapat tataas ang antas nito para mapabilang sa sinasabi nating kaunlaran.

May mga kaunlaran na sa mga pisikal na anyo lamang, nakikita. Halimbawa nito ay ang mga pag-usbong ng mga malalaki at matataas na building, tulad halimbawa sa Makati City,  ay sasabihin na natin na mauland na ang Makati.

Bawat tribu, bansa at henerasyon ay may sariling pananaw sa sinasabing kaunlaran. Ano bang bansa ngayon sa mundo ang maulad? America? Japan? Singapore?

Ayon sa mga malalayo ang pananaw o malaki ang anking talino o sa madaling salita matatalinong tao, “May pag-unlad ang kanilang pisikal na kaunyuhan, ngunit sira naman ang kanilang moralidad, nawawala ang kanilang pananampalataya sa Diyos”

Ito ang basehan natin sa mga ipapahayag natin na mga  hadlang sa Pag-unlad ng Sambayanan o Kaunlaran na minimithi ng bawat tao sa mundong ito na punong-puno ng pagkukunwari.

1.    Sistema ng goberno (system of government)

Bawat tribu o bansa ay may kinamulatan, nakaugalian at pinaniniwalaan na sistema ng kanyang pamamahala sa sariling pamilya, tribu o bansa.

Kadalasan, ang nangyayari ay iniinsist o ipinipilit natin na ito ang tamang sistemang ng pamahalaan ang nararapat sa isang bansa, isang rehiyon o tribu. Ang halimbawa nito ay ang Pilipinas, ang nilimbag na sistema ng pamahalaan (system of government) ng  Amerika  sa atin ay isang experiment lamang, dahil ang kanilang sisetma ay di katulad ng kanilang nilmbag para sa mga Pilipino. Sa America ay hinati hati sa estado (state) at bawat estado ay may sariling system na angkop sa kanilang mamayan.

Sa Pilipinas ngayon ay nahati-hati ang mga pinuno (leader) natin kong anong sistimang goberno ang paiiralin. Ang iba ay nagsusulong na panatilihin ang kasalukuyang sistema na ang presidente ay separate sa legislature, ang iba naman ay parliamentary system, ang iba tulad ni Nene Pementel. Ayon sa balita, ang    Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. ay nag- filed Joint Resolution 10 na may mungkahi (proposal) na magpapalit tayo ng mula sa  presidential patungo sa  parliamentary system ng government. Ito ay sinuportahan ng ibang senador. ( Manuel Villar Jr., Edgardo Angara, Pia Cayetano, Juan Ponce Enrile, Francis Escudero, Jose “Jinggoy” Estrada, Gregorio Honasan, Panfilo Lacson, Francis Pangilinan and Ramon “Bong” Revilla Jr.)

Ayon kay Chiz Escudero: “Ang sistema ng goberno   ay isang paraan lamang ng pagbibigay ng serbisyo sa mamayan at hinahati ito sa kanya kanyang aspeto at nasasakupan, hindi na natin kailangan magpalit ng gobyerno kundi ang magkaroon lang ng tamang implementasyon ng mga polisiya na para sa mamayan,”.

Wala daw sa sistema ng goberno ang ikaayos kundi sa pagpapatupad at pamamalakad ng isang lider.

2.    Pinuno (leadership)

May sinabi si Senador Ecudero: “SA LIDER BA  SA SISTEMA BA NG GOBYERNO  O SA MAMAMAYAN”…  ang kaularan ng Bansa?

May nagsasabi na: “sa pinuno ng Bansa (presidente) nakasalalay ang pagkakaroon ng malinaw at malawak na pagkakaintindi sa hinaharap na pamumuhay ng bawat isa sa ating bansa, tayong mga pilipino ay may ugaling asa kung saan ay palagi nating tinitignana ang lider na simbulo ng katatagan at may paninindigan para sa pangkalahatan…ngunit kapag ang ating pinuno ay me mga isyung kinahaharap na walang kasagutan at puro pagbabalat kayo tayo ay nadadala na at imbis na katigan ay ating isinasawalangbahala na lamang dahil sa kapangyarihan nya, na kung tutuusin ay tayo rin dapat ang mag alis sa kanya….”.

Ayon sa  isang leader ng bansa: “ isang lider na na may paninindigan, tapat sa pangkahalatan polisiya ng pamamalakad”

Ayon kay Michael “Mike” Mastura (dating congressman at ngayon ay member ng MILF peace panel): “….ang kailangan sa leader ay may political will”.

Ang ibig sabihin nito ay lider na may paninindigan sa sarili, hindi basta-basta ma-psy-war ng kanyang kalaban, hindi nagdadalawang isip na ipatupad ang alam niyang tama.

Sabi ng isang retired na guro at politician: “Mamayan ang syang sandigan ng isang bansa para sa kanyang kaunlaran. Kailangan iwasan ang lagayan, usigin ang lumalabag sa batas, at higit sa lahat palakasin natin ang pananampalataya sa Diyos”.

3.    Edukasyon-

Ang edukasyon ay hadlang sa kaunlaran kong ito ay hindi angkop sa paniniwala ng mga mamayan, ang mga tinuturo nito. Kinakailangan ang tamang disinyo (design) mga curriculum para sa mga bata, na angkop sa kanilang kultura at paniniwala. Kinakailangan  na linangin ang  kanilang kamulatan sa “moral values” na kailangan paniniwala, upang hindi tumino sa kanilang isip at matanim sa kanilang puso at damdamin.

Kinakalilangan din na maitama ang pag-iisip ng mga kabataan kong papaano gagamitin ang karunungan na kanilang natutunan, lalo na sa makabagong imbensyon. Dahil mawawalan ang saysay ang  mga pagsusulong na binsagang: “Edukasyon Tungo sa Kaunlaran”.

Ako, ikaw, tayo ay nangangarap na maging propesyunal sa darating na panahon upang marahil ay makatulong naman tayo sa ating magulang at nakakabatang kapatid o kaya naman ay  makiisa sa pagsulong at pag-unlad ng daigdig.

Sa panahong ito, tapang, tiyaga, talino at paniniwala sa itaas ang kailangan. Hindi sapat na makatapos ka lamang ng kolehiyo, kailangan ang patuloy na pag-aaral para sa kaunlaran.

Mga kaibigan, nasa COMPUTER AGE na po tayo ngayon, makabago at moderno ang teknolohiya. Kung ating iisipin, sadyang mabilis ang pagsulong natin. Subalit sa isang sulok ng aking pag-iisip ay nagtatanong.

“Kaunlaran nga bang matatawag ang dulot ng edukasyon sa ngayon?”

Kasi nga nariyan ang mataas na antas ng teknolohiya subalit mataas na antas din ng suliraning kinakaharap ng ating bansa. Halimbawa nito   maalaala ba ninyo ang millenium bug o Y2K? Noon  ang pagkasira ng mga computer sa taong 2000. Ang patuloy na imbensyon ng mga gamit pandigma,  na ang bunga sa sanlibutan ay   pagkasira ng ating kinabukasan, o pagkagunaw ng mundo.

Payo ni Ustadz (ayaw ipabanggit ang pangalan): “Bakit hindi natin gamitin ang katalinuhan sa paggawa ng mga bagay na ayon sa ikabubuti ng lahat, hindi upang maging tanyag at kilalanin ng buong mundo. Bakit hindi natin isipin ang susunod na henerasyon.”

Maranasan pa kaya ng ating susunod na henerasyon  ang kaginhawahan at kaunlaran  pagdating ng panahon kung ang ninanais ng ating mga henyo ay makapagpabagsak ng ekonomiya ng iba upang tanghalin at kilalaning pinakamatalino at pinakamataas?

Nakalulunos isipin na ang dulot ng kaunlaran sa edukasyon ay ang pagbagsak at maling layunin. Kung ating sasariwain, tunay na nga ba  tayong maunlad. Bakit ko naitanong  iyan?

Nariyan ang mga ATM’s na isang pindot mo lang ay pera na, mga computer na sasagot sa marami mong katanungan kahit sa pag-aaral, mga cellular phones, mga remote control na sasakyan at ang huli’y ang napapabalitang micro o computer chips na kapag napalagay sa kanang kamay o sa noo ay di na kailangan ng salapi sapagkat mabibili mo na ng anumang nais bilihin– ang tawag diyan ay cashless society.

Nakapangingilabot isipin, dahil sa labis na kaalinuhan ng tao, ang Diyos na makapangyarihan ay kinakalaban na ng tao. Pilit na binagago ang  mga nilalang ng Diyos. Pinapalitan ang kasarian, nagkamali ba ang Diyos?

Ang mga Kabataan sa ngayon  ang susunod na henyo ng darating na panahon, susundan ba natin ang yapak ng naunang henyo?

Hindi masama ang pag-unlad kung layunin ay para sa ikabubuti ng tao at hindi pansarili lamang.

Sa panahong ito, kailangang bukas ang ating isipan sa anumang teknolohiya na pumapasok sa bansa mula sa silangan at kanluran at ibang panig ng daigdig upang hindi tayo madaya ninuman. Isang hamon ang nais kong iwanan sa bawat kabataan–saan mo nais gamitin ang iyong talino –sa kabutihan? sa katanyagan? sa pansarili lang ba? na sa bandang huli’y siguradong pagsisihan mo?.

Mga kaibigan ang tunay na Edukasyon tungo sa kaunlaran, ay ang mga imbensyong hindi nakasisira sa kalikasan at sangkatauhan o ni nagiging sanhi ng karahasan.

4.    Kultura at Kaugalian

Dahil sa kultura at kaugalian na iba-iba ay isa sumasagabal sa ating kaunlaran, kaya, nararapat na maintindihan natin ang mga kultura at kaugaliang ito ng bawat tribu upang ating mabigyan pansin at respeto. Palagi nating bigyan ng consideration  sa ating pag-mumungkahi at pagpapatupad ng mga batas ang kultura at kaugalian.

5.    Peace & Condition

Kinakailangan natin alamin ang punot dulo ng mga kaguluhan, hindi lamang sa kanyang kasalukuyang dahilan kundi ang pinakaugat nito.

Halimbawa nito ay peace at order na lumalabo dito sa atin bansa. Ang palaging tinitingnan ng karamihan ay ang dahilan ay ang kasalukuyang    pinagmulan ng gulo, hindi tiningtingnan ang pinaka-ugat nito. Para sa mga Bangsamoro ang dahilan ay ang Justice na hindi naipapagkalob sa kanila.

(Script  na sinulat ni Alih Anso-program Director para sa   radio program na  “Bantay Bayan  Boses ng  Sambayanan” sa segment na “Bantay  Kaunlaran.  script writer/segment  producer at   anchor:   7:00-8:00-June 22, 2009)

Posted by kakaalih at 1:48 pm | permalink | comments[1]

Ekonomiya ng Bansa Nasa Kamay ng Mamayan

July 15, 2008
(Kaka Alih Nobyembre 19, 2007)
Ang kaunlaran ng isang bansa ay nakasalalay sa kanyang ekonomiya, kong mahina ang kanyang economy, mahina rin pag-unlad nito.

Ano ang ibig sabihin ng ekonomiya?

Ayon sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya: Ang ekonomiya ay isang kalipunan ng mga gawain ng tao, pamayanan at institusyon na may kaugnayan sa paglilikha, pamamahagi, palitan, at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo.

Sa ekonomiya ng bansa ng Pilipinas ay nakaugnay sa buwis o taxes ng mga mamayan, sapagkat ang tax na ito ang nagpapagalaw sa lahat ng project ng bansa.

Bakit taxes?

Dahil ang bansa natin, ang Pilipinas ay di katulad ng ibang bansa na may sariling negosyo, oo, noon mayron tayong sariling corporation ngunit dahil ito ay nalulugi, dahil sa hindi maganda pamamalakad o management ay minarapat ng goberno natin na ipagbili sa pribadong sector, kaya sa ngayon ay umaasa ang Pilipinas sa buwis na ibinabayad ng mamayang Pilipino. Ang ibig sabihin, kong walang buwis na ibinayad ng mga mamayan, Pilipino man o banyaga ay dapat bayaran ang buwis na dapat niyang bayaran, dahil kong hindi sila magbabayad ay malulugmok, o magiging lumpo ang Pilipinas.

Sa ngayon ba ay nagbabayad ang mga Pilipino ng kani-kanilang mga buwis sa goberno?

Ang sagot ay Opo, yes. Ngunit ang sabi ng iba mali ka Kaka Alih, dahil ang akin ay NO, hindi.

Bakit yes or no?

Ang mga mamayan ay nagbabayad ng kanilang mga dapat bayarin lalo na yoang mga ordinaryong mamayan, ngunit kadalasan ay nanasa malalaking negosyante o may mamalalaking babayaran na buwis ang may problema, bakit? Dahil dito madalas nagsisimula ang “corruption”. Dito madalas may lagayan o yaong under the table na transaction.

Halimbawa, isang mamayan na milyonaryo, syempre kong milyonaryo di man milyon ang babayaran na buwis sa kanyang negosyo o ari-arian ay daang libo. Dito na magagamit yaong sinasabio natin na corruption, una ipa-assess muna ang kanyang ari-arian, para batayan sa kanyang babayaran, dito ay hindi na niya sasabihin ang tama, mas mababa halaga ang idedeklara para maliit ang mababayaran, syempre hindi papayag ang empleyado, at maaring aalukin ng mamayan ang empleyado, sasabihin na “bibigyan kita ng ganito (syempre libo, paliitin mo lang ang halga ng ari-arian ko” at dahil maliit din ang suweldo ng emplyedo, at kumpare o kumara pa, kong minsan best friend pa, maibubulong sa sarili na: “pera na maging bato pa, at pangalawa kokorakutin din ito ng nasa taas”. Kaya ang resulta imbes na isang libo , naging sampung libo na lang ang mababayaran. Ganoon kadali ang corruption sa ating bansa.

Papaano natin ito, maiiwasan o magagamot?

Sabi noong isang bisitang banyaga, foreigner: “bawasan ninyo ang corruption sa inyong bansa”

Ano ba ang ibig sabihin ng corruption?

Ayon sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya:

“Corruption is a general concept describing any organized, interdependent system in which part of the system is either not performing duties it was originally intended to, or performing them in an improper way, to the detriment of the system’s original purpose”. Ano mang pagnanakaw ay mabibilang sa kuratsyon

Sa sinulat ni Ma. Shiela H. Garcia na may pamagat na “Kurapsyon sa Pilipinas” na mababasa sa kanyang blog na http://bpspolitics.wordpress.com

Ayon kay Garcia:

“Noong unang panahon pa lang ay may kurapsyon nang lumalaganap saan mang bahagi ng mundo. Kaya hindi nakapagtataka na kabilang rin ang bansang Pilipinas.”

Tama ngunit hindi ganito kalala ang sabi ng isang Pastor sa isang pag-uusap naming sa isang sasakyan.

Naitanong din Ms Garcia:

“bakit nga ba may kurapsyon sa Pilipinas?”

At kanyang sinagot ang kanyang katanungan:

“Ang estado ng Pilipinas ay nananatiling mahina at ang patuloy na paggamit ng mga elitista ng kanilang kapangyarihan ang nagpapahirap sa pamahalaan sa magkaroon ng magandang pamumuno sa ating bansa. Ang mga nasa matataas na katungkulan sa pamahalaan ay patuloy na gumagawa ng mga stratehiya upang makapagnakaw sa “Kaban ng Bayan”.

Ngunit may commentaryo tayo na marami rin sa kanila ang gumagaa ng stratehiyana papaano lalaki ang collection sa buwis, dahil tayong mga Pilipino ay likas na rin atin ang may takot sa Diyos, hindi magnanakaw.

Sundan pa natin ang paliwanag ni Ms Garcia tungkol sa corruption:

“Ito ang dahilan kung ba’t di-mawala wala ang kurapsyon sa Pilipinas. Paano nga ba mawawala kung ang mismong mga namummuno sa bansa at ang siyang may mga matataas na katungkulan ang siyang nangunguna sa paggawa ng hindi maganda. Kadalasan pa nga ay nakikita lamang natin sila pag malapit na ang eleksyon at humihingi pa ng suporta sa mga taumbayan. Pero hindi ba’t ang karamihan sa kanila ay pera ng pamahalaan ang ginagamit para sa pangangampanya?”

Mayroon din na ang gamit sa pangangampanya ay mula sa kanyang pinaghirapan, mula sa kanyang naipon sa negosyo, mula sa pamana ng kanyang mga magulang, kong magnakaw man ng kaban ng bayan, sa may bandang huli na.

Toloy natin ang sulat ni Garcia:

“ Sa makatuwid ang kurapsyon sa ating bansa ay dahil na rin sa mga namumuno at sa mga taong may mga kapangyarihan. Ang isa pa sa mga sinasabing dahilan ng lumalalang kurapsyon sa ating bansa ay ang di- pagkakapantay ng mga mayayaman at mga mahihirap. Ito ay tumutukoy sa mga kapitalista na patuloy na ibinababa ang sweldo ng mga manggawang Pilipino na lalung nagpapatindi sa problemang kinakaharap ng ating bansa. Kung magbibigay lamang ng daan ang mga kapitalista tungo sa mas maunlad na ekonomiya ng bansa, mababawasan rin kahit paano ang kurapsyon sa ating bansa.”

Ngunit marami pa rin sa mga Pilipino ang nagsisikap na mawala ang corruption at makabangon tayo mula sa pagkalugmok ng ating ekonomiya, halimbawa nandiyan Ang NAMFREL (National Citizens Movement for Free Elections), binuo upang maging bantay ng bayan sa election, at dito sa atin may mga organization taga-bantay din ng bayan. Marami na ang mga samahang may layunin na magkaroon ng reporma sa bansa at masolusyonan ang kurapsyon sa bansa. Maliwanag lamang na ang mga Pilipino ay may adhikain o sabi pa ni Ms Garcia “mulat” na sa lumalalang problema ng bansa at naghahanap ng solusyon para dito.

Ako ay umaasa na malalagpasan natin ang ganitong problema sa bansa, kailangan lamang ang paniniwala na kaya natin ito.

Sabi ni Garcia:

“Kahit sino naman sa atin ay maaaring umasa na matapos na ang problemang ito sa ating bansa ngunit dapat talagang magsimula ang mga pagbabago sa mga namumuno sa bansa. Ang dapat gawin ng mga namumunong ito ay alamin ang pinag- ugatan ng tradisyon ng kurapsyon sa bansa at makaisip ng paraan para mapigilan ito dahil kung hindi, malamang ay hindi na nga umunlad ang ating bansa.”

Tama kayo maam Garcia, dapat simulan ng mga pinuno ng bansa, sila ang maging ehemplo .

Pagkatapos na nasimulan na ng mga leader natin ang maging huwaran o modelo, tayong namang mga mamayan ay dapat matuto na ring sumunod sa batas, sa mga tungkulin, at kong sakaling man mali ang tinatahak na landas ng mga pinuno natin ay ating ituro sa kanila ang tamang landas, huwag nating silang pabayaang mahulog sa bangin, dapat sama –sama tayo, na hindi mahulog sa kumunoy ng kumukulong apoy sa impiyerno ang mga lider.

Para sa mga magulang, ang ating kabataan ay hubugin ang kanilang isipan at itanim sa kanilang mga puso ang isang makabayan, pagmamahal sa ating bansa at higit sa lahat paniniwala sa Poong Lumikha.

(ang artikulong ito ang tinalakay sa programang: “Bantay Bayan, Boses ng Sambayan, sa Segment na “Bantay Kaunlaran”- November 19, 2007[Lunes-7:00-8:00 am-Anchor ni Miss Lenyrose Bajar-Co Anchor ni Kaka Alih at siya ang Segment producer)

Posted by kakaalih at 1:26 pm | permalink | comments[17]