(October 30, 2009-Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Host/Lenyrose: “Mrs. Problema mo ba ang Mister mo? Mister bakit ba nangangaliwa ang kumpare mo? Ano man ang kasagutan mo, samahan ninyo kami, magbibigay si Kaka Ali ng ilan dahilan kong bakit nangangaliwa si Mister. ”
(PLAY INTRO)
Kaka Alih: “Masyado naman “brutal” ang tanong kasamang Leny, Bakit nangangaliwa si Lalaki, pwede bang mag-suggest? na medyo pagaanin natin ng ganito: “bakit tinatabangan si Mister kay Mrs?”
(LAUGHING)
Teka parang pareho din, ah ganito na lang, sagutin na lang natin ang tanong. Sabi ng kasama ko dito:
“Kasi Kaka, lusyang na si Mare” (LAUGHING).
Yes huwag pagtawanan, totoo yan, dapat maintain mo ang tamis mo mare, ugaliin na ang paglilinis sa katawan at pagpapabeauty, ganito ang gawin mo… makinig palagi sa wow segment ni Nancy Lawan.
“Madaldal masyado ang Mrs ko”. Paliwanag ni Pare.
“Hindi marunong magluto ang Mrs ko.” Himutok na sabi ni Mare #2.
Ah alam ko na, mare, dapat gilingan mo…(LAUGHING) ay bakit? Ah yes.. galingan mo pala mare ang pagluluto, pag-aralan mo, natutuhan naman iyan eh.,
Di ko na kaya.. gusto ko ng magpaputok pero ayaw niya.. kaya kahit snipe snipe na lamang ginawa ko na, para hindi kalawangin si Manoy”., Nakakatawang sagot ni Pare # 4.
Mare, bakit kasi,
“Kaka, gutom na ako.. kaya nagtagad tagad mo na ako… (LAUGHING) sabi naman ni Kapatid na na dalawang taon nang nasa abroad ang seksi at maganda na Mrs. Kaya hayun dahil gutom na talaga kahit papaano daw ay nagtikim mo na habang hindi pa naluluto .. ay hindi pala.. dumarating si Mrs. (LAUGHING)
“Dahil sa pag-ibig” papaano nasisi ang pag-ibig? Ganito iyon Kaka, di ba may kasabihan na: “o pag-ibig na makapangyarihan, pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat”
Eh di kong ganyan, huwag ka ng mangaliwa, humanan ka na lang.. (LAUGHING)
No joke may friend, kong ganyan na pag-ibig na, ay pakasalan mo lamang siya.. huwag kang maki-apid haram iyan.. ganito ang gawin mo, humingi ng payo kay Imaam o kay Ustadz, kong di mo sila kilala makipagkita ka lamang kay Kaka Ali, tutulungan kita, Insha Allah (kong pahihintulotan ng Diyos).
“Alam ninyo mga anak, kaya may Mister na nangangaliwa, dahil kulang sila ng paniniwala sa kanilang Poong Lumikha.” Paliwanag ni Pastor. “Dapat nating mahikayat ang ating mga pamilya sa maging malapit sa Diyos” Dagdag ni Pastor.
“Para sa akin, may malaking contribution ang lipunan na ginagalawan natin, kong bakit may nangangaliwa na Mister at pati Mrs.” Sagot ni Ustadz.
Papaano masisi ang ating lipunan Ustadz? Tanong ko kaagad.
“Ganito iyon, Kaka Ali, kong ang yong lipunan na ginagalawan, ay maluwag halimbawa, pinapayagan ng yong lipunan ang maghahalubilo ng mga lalaki at babae, at tiyak malapit sila sa tukso. Another sample niyan ay pinapayagan natin ang paglipana ng inumin alak na makalasing, pati na ang droga, na alam natin na ito ay nakapag-wawala sa katinuan ng ating pag-iisip, wala na itong idinudulot na kabutihan ang alak at droga kundi ilapit sa tayo sa mga gawain ni Satanas”. Paliwanag ni Ustadz.
Sang-ayon ako kay Ustadz, dahil sa Islam ay Haram ang Alak na makalasing at ang droga. Mabigat ang kaparusahan sa Islam, hindi pinapayagan ang pag-gawa, pagpabili, pagbili, pagiimbak at pag-inom ng alak.
Dagdagan ko ang sinabi ni Ustadz, ayon sa Islam, ipinagbabawal ang paghahalobilo ng babae at lalaki, lalo yaong pwedeng mag-asawahan. Di rin pinapayagan ang pag-papakita ng kahubaran ng babae at lalaki, dahil ito ay mag-tutulak sa atin na mapalapit sa tukso.
Dapat ang mga babae ay magsuot ng marangal na damit, hindi yaong nakikita na ang gustong-gustong ni Lolo (LAUGHING).. Yes diba..dahil masyado body fit ang suot ni Inday ay nakamarka na ang kapal at lapad.ng (LAUGHING) hey please laugh…makipustahan ako.. iyan ang gustong-gustong tingnan ng mga kalalakihan, kasali na si Lolo Tasyo…bakit? dahil iyan ay ipinagbabawal ng Poong Lumikha o ng Allah. At kong ano ang bawal ay siyang masarap kainin at gawin.. oh di ba?
Please don’t dis-agree… huwag ng kumontra.. dahil pansamatala ko muna itong ititigil at babalik tayo sa Lunes, sa higit pang nakakakilig na talakayan.. (LAUGHING)
Ito ang inyong Lolo ay hindi pala ito ang inyong segment writer/reporter si Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.