(October 26, 2009-Lunes script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Host/Lenyrose: “Samahan ninyo kami ni Kaka Alih sa ating segment na Nakaka….dahil ang kanyang tatalakayin ay para sa inyo: Papaano ang Pagbubuo ng isang Matatag na Pamilya ”
(PLAY INTRO)
Kaka Alih: Mahalaga ang pamilya dahil ito ang sentro ng ating lipunan. Ang isang barangay ay binubuo ng bawat pamilya. Kung walang mga pamilya walang barangay, walang bayan, walang lungsod, walang probinsiya, walang rehiyon at walang isang bansa. Nabuuo ang isang bansa mula sa pinagbuklod-buklod na pamilya. Yan ang ilan sa nga kahalagahan ng isang pamilya.
Ang tanong ay Papaano ang Pagbubuo ng isang Matatag na Pamilya? Bago natin talakayin ang pagbuo ng isang matatag na pamilya ay sagutin muna natin ang katanungan na: “Ano ang kahulugan ng pamilya para sa yo?
Simple lang iyan Kaka: Si “Tatay, nanay, si ate, si kuya at si bunso, equals isang pamilya”
May mga taong naniniwalang ang isang pamilya ay tulad sa isang kahong puno ng mga bagay na ipinasok ano gusto mo, nakapaloob dito ang pagmamahal, katuwaan, kaligayahan at iba pang magagandang bagay. Ito ay isang kahong mabubuksan kailan mo.
Ngunit lalong mainam na ihalintulad natin pamilya sa walang lamang kahon. Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa natin dito. Kong ano ang gusto mong laman, ay siya mong ilagay. Ang ibig sabihin nasa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng iyong pamilya.
Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isa’t isa. Kailangan punuin natin ang kahon, at huwag nating ilabas ang laman nito.
Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na pamilya. Maaaring mayaman o mahirap sila. Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, halimbawa: isang ina, ama, at mga anak; o isang ina na may isa o higit pang anak; o mga lolo’t lolang kasama ng kanilang mga anak at apo, o mag-asawang walang anak. Saan ka man sa mga nabanggit ay bahagi ka ng ating talakayan, kaibigan.
Sabi nga nila ang matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa. Tama po ba? Tumutulong silang humubog ng mga taong magiging duyan ng magandang lipunan.
Ang payo nga ng isang guidance counselor: “Kung kailangan nating lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak natin, mahalagang magkaroon tayo ng matatatag na pamilya”
.
Ano ang kailangan sa pagbubuo ng matatag na pamilya?
Kaibigan para maging matatag ang inyong pamilya, kailangang magkaroon ng sumusunod na katangian ang isang pamilya: may pananagutan sila sa isa’t isa; nagpapakita ng pagpapahalaga; may mabuting komunikasyon; may panahong nagkakasama-sama sila; sumusunod sa kanilang mga paniniwalang ispiritwal at umaayon sa kanilang mga pagpapahalaga at nakakaagapay sa stress.
Pananagutan
Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa, sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang grupo, at sa pag-aalaga sa isa’t isa. Maraming paraan para maipakita ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya. Halimbawa ay:
Pagpapahalaga
Ipakita pagpapahalaga sa pamilya sa pamamagitan ng mga salita at gawa, sa ganito ay naipakikita natin sa ating pamilya na pinahahalagahan at itinatangi natin sila.
Pag-agapay
Alalahanin walang pamilya ay hindi nagkakaroon ng problema. Ngunit gamitin ang problemang ito para maging lalong matatag ang samahan ng pamilya at maging dam para mapalapit sa isa’t isa. Kaibigan, makinig ka, kung medyo babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para maging matatag.
Pwede mo itong subukin para isolb ang problema ng iyong pamilya:
Kapamilya muli ninyo kaming samahan sa ating segment na Nakaka.. sa programang buhay-buhay sa DXUP.. ito ang inyong kapamilya ang inyong segment writer/reporter si Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.