"Time is Life"

Home » Archives » October 2009

Bakit Nangangaliwa si Mister

October 30, 2009

(October 30,  2009-Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host/Lenyrose: “Mrs. Problema mo ba ang Mister mo?  Mister bakit ba nangangaliwa ang kumpare mo? Ano man ang kasagutan mo, samahan ninyo kami, magbibigay si Kaka Ali ng ilan dahilan kong bakit nangangaliwa si Mister. 

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:  “Masyado naman “brutal” ang tanong kasamang Leny,  Bakit nangangaliwa si Lalaki, pwede bang mag-suggest?  na   medyo pagaanin natin ng ganito: “bakit tinatabangan si Mister kay Mrs?”

 

(LAUGHING)

 

Teka parang pareho din, ah ganito na lang, sagutin na lang natin ang tanong. Sabi ng kasama ko dito:

 

“Kasi Kaka, lusyang na si Mare” (LAUGHING).

 

Yes huwag pagtawanan, totoo yan, dapat maintain mo ang tamis mo mare, ugaliin na ang paglilinis sa katawan at pagpapabeauty, ganito ang gawin mo… makinig palagi sa wow segment ni Nancy Lawan.

 

“Madaldal masyado ang Mrs ko”. Paliwanag ni Pare.

 

“Hindi marunong magluto ang Mrs ko.” Himutok na sabi ni Mare #2.

 

Ah alam ko na, mare, dapat gilingan mo…(LAUGHING) ay bakit? Ah yes.. galingan mo pala mare ang pagluluto, pag-aralan mo, natutuhan naman iyan eh.,

 

Di ko na kaya.. gusto ko ng magpaputok pero ayaw niya.. kaya kahit snipe snipe na lamang ginawa ko na, para hindi kalawangin si Manoy”., Nakakatawang sagot ni Pare # 4.

 

Mare, bakit kasi, sana nag shooting na lang kayo ni pare.. (LAUGHING)

 

“Kaka, gutom na ako.. kaya nagtagad tagad mo na ako… (LAUGHING) sabi naman ni Kapatid na na dalawang taon nang nasa abroad ang seksi at maganda na Mrs. Kaya hayun dahil gutom na talaga kahit papaano daw ay nagtikim mo na habang hindi pa naluluto .. ay hindi pala.. dumarating si Mrs. (LAUGHING)

 

“Dahil sa pag-ibig” papaano nasisi ang pag-ibig? Ganito iyon Kaka, di ba may kasabihan na: “o pag-ibig na makapangyarihan, pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat”

Eh di kong ganyan, huwag ka ng mangaliwa, humanan ka na lang.. (LAUGHING)

 

No joke may friend, kong ganyan na pag-ibig na, ay pakasalan mo lamang siya.. huwag kang maki-apid haram iyan.. ganito ang gawin mo, humingi ng payo kay Imaam o kay Ustadz, kong di mo sila kilala makipagkita ka lamang kay Kaka Ali, tutulungan kita, Insha Allah (kong pahihintulotan ng Diyos).

 

 “Alam ninyo mga anak, kaya may Mister na nangangaliwa, dahil kulang sila ng paniniwala sa kanilang Poong Lumikha.” Paliwanag ni Pastor. “Dapat nating mahikayat ang ating mga pamilya sa maging malapit sa Diyos” Dagdag ni Pastor.

 

“Para sa akin, may malaking contribution ang lipunan na ginagalawan natin, kong bakit may nangangaliwa na Mister at pati Mrs.” Sagot ni Ustadz.

 

Papaano masisi ang ating lipunan Ustadz? Tanong ko kaagad.

 

“Ganito iyon, Kaka Ali, kong ang yong lipunan na ginagalawan, ay maluwag halimbawa, pinapayagan ng yong lipunan ang maghahalubilo ng mga lalaki at babae, at tiyak malapit sila sa tukso. Another sample niyan ay pinapayagan natin ang paglipana ng inumin alak na makalasing, pati na ang droga, na alam natin na ito ay nakapag-wawala sa katinuan ng ating pag-iisip, wala na itong idinudulot na  kabutihan ang alak at droga kundi ilapit sa tayo sa mga gawain ni Satanas”. Paliwanag ni Ustadz.

 

Sang-ayon ako kay Ustadz, dahil sa Islam ay Haram ang Alak na makalasing at ang droga. Mabigat ang kaparusahan sa Islam, hindi pinapayagan ang pag-gawa, pagpabili, pagbili, pagiimbak at pag-inom ng alak.

 

Dagdagan ko ang sinabi ni Ustadz, ayon sa Islam, ipinagbabawal ang  paghahalobilo ng babae at lalaki, lalo yaong pwedeng mag-asawahan. Di rin pinapayagan ang pag-papakita ng kahubaran ng babae at lalaki, dahil ito ay mag-tutulak sa atin na mapalapit sa tukso.

 

Dapat ang mga babae ay magsuot  ng marangal na damit, hindi yaong nakikita na ang gustong-gustong ni Lolo (LAUGHING).. Yes diba..dahil masyado body fit ang suot ni Inday ay nakamarka na ang kapal at lapad.ng (LAUGHING) hey please laugh…makipustahan ako.. iyan ang gustong-gustong tingnan ng mga kalalakihan, kasali na si Lolo Tasyo…bakit? dahil iyan ay ipinagbabawal ng Poong Lumikha o ng Allah. At kong ano ang bawal ay siyang masarap kainin at gawin.. oh di  ba? 

 

Please don’t dis-agree… huwag ng kumontra.. dahil pansamatala ko muna itong ititigil at babalik tayo sa Lunes, sa higit pang nakakakilig na  talakayan.. (LAUGHING)

 

Ito ang inyong Lolo ay hindi pala ito ang  inyong segment writer/reporter si Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Posted by kakaalih at 6:47 am | permalink | comments[1]

Papaano ang Pagbubuo ng isang Matatag na Pamilya

October 26, 2009

(October 26,  2009-Lunes  script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host/Lenyrose: “Samahan ninyo kami ni Kaka Alih sa ating segment na  Nakaka….dahil ang kanyang tatalakayin ay para sa inyo:  Papaano ang Pagbubuo ng isang Matatag na Pamilya 

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:   Mahalaga ang pamilya dahil ito   ang sentro ng ating lipunan. Ang isang barangay ay binubuo ng bawat pamilya. Kung walang mga pamilya walang barangay, walang bayan, walang lungsod, walang probinsiya, walang rehiyon at walang isang bansa. Nabuuo ang isang bansa mula sa pinagbuklod-buklod na pamilya. Yan ang ilan  sa nga kahalagahan ng isang pamilya.

 

Ang tanong ay Papaano ang Pagbubuo ng isang Matatag na Pamilya?  Bago natin talakayin ang pagbuo ng isang matatag na pamilya ay sagutin muna  natin ang katanungan na: “Ano ang kahulugan ng pamilya para sa yo?   

 

Simple lang iyan Kaka: Si “Tatay, nanay, si ate, si kuya at si bunso, equals isang pamilya”

May mga taong naniniwalang ang isang pamilya ay tulad sa isang   kahong puno ng mga bagay na ipinasok ano gusto mo, nakapaloob dito ang  pagmamahal, katuwaan, kaligayahan  at iba pang magagandang bagay. Ito ay isang kahong mabubuksan kailan mo.

 

Ngunit lalong mainam na ihalintulad natin pamilya sa   walang lamang kahon.  Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa natin dito. Kong ano ang gusto mong laman, ay siya mong ilagay.  Ang ibig sabihin nasa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng iyong pamilya.

 

Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isa’t isa. Kailangan punuin natin ang kahon, at huwag nating ilabas ang laman nito.

 

Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na pamilya.  Maaaring mayaman o mahirap sila.  Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, halimbawa: isang ina, ama, at mga anak; o isang ina na may isa o higit pang anak; o  mga lolo’t lolang kasama ng kanilang mga anak at apo, o mag-asawang walang anak. Saan ka man sa mga nabanggit ay bahagi ka ng ating talakayan, kaibigan.

 

Sabi nga nila ang matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa. Tama po ba?  Tumutulong silang humubog ng mga taong magiging duyan ng magandang lipunan. 

 

Ang payo nga ng isang guidance counselor: “Kung kailangan nating lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak natin, mahalagang magkaroon tayo ng matatatag na pamilya”

.

Ano ang  kailangan sa pagbubuo ng matatag na pamilya?

 

 Kaibigan para maging matatag ang inyong pamilya, kailangang magkaroon ng sumusunod na katangian ang isang pamilya: may pananagutan  sila sa isa’t isa;  nagpapakita ng pagpapahalaga; may mabuting komunikasyon; may panahong nagkakasama-sama sila; sumusunod sa kanilang mga paniniwalang ispiritwal at umaayon sa kanilang mga pagpapahalaga at nakakaagapay sa stress.

 

Pananagutan  

 

Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa,  sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang grupo, at sa pag-aalaga sa isa’t isa.  Maraming paraan para maipakita ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya.  Halimbawa ay:

  • Maging tapat sa inyong pamilya. Sa puntong sekswal, maging tapat sa kapareha. Bawasan ang mga aktibidad sa labas at gumugol ng mas maraming oras sa piling ng iyong pamilya;
  • Tuparin ang mga pangako sa mga miyembro ng pamilya.
  • Maging maaasahan.  Tumawag o magtext  sa bahay kung mahuhuli ka ng uwi lalo na kong hindi makabalik sa takdang araw ng pag-usi mula sa trabaho.
  • Kung naglakbay ka sa malayo, huwag din kalimutang tumawag at huwag mangingiming  magsabi ng  “mahal kita ikaw lang babae sa aking puso” (PLAY LAUGHING)
  • Kapag may problema,  dumulog  sa isang kamag-anak, kaibigan   , para matulungan kayong harapin ito.

Pagpapahalaga

 

Ipakita  pagpapahalaga sa pamilya sa pamamagitan ng mga salita at gawa, sa ganito ay naipakikita natin sa ating pamilya na pinahahalagahan at itinatangi natin sila. 

  • Sabihin sa isang miyembro ng pamilya na siya ay mahal mo.
  • Kilalalanin ang katangian ng membro ng pamilya. Purihin ng  positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw.
  • Dalasan ang pagyakap sa mga miyembro ng pamilya, Ikaw tatay lalo na kay Nanay (PLAY LAUGHING).
  • Tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa kanyang gawain ( pagliligpit, paglalaba,  

Pag-agapay

 

Alalahanin walang pamilya ay hindi nagkakaroon ng  problema.  Ngunit gamitin ang problemang ito   para maging lalong matatag ang samahan ng pamilya at maging dam para mapalapit sa isa’t isa.  Kaibigan, makinig ka,  kung medyo babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para maging matatag. 

 

Pwede mo itong subukin para isolb ang problema ng iyong pamilya:

  • Mag-isip ng anumang mabuti, gaano man kasama ang sitwasyon.
  • Kunsultahin ang iyong pamilya, magsagawa ng Maswara o meeting.  Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ay  malalagpasan ng  pamilya ang kahit pinakamahirap na problema.
  • Harapin ang mga problema nang dahan-dahan.  Gumawa ng listahan ng mga bagay na dapat gawin at isa-isang asikasuhin ito.
  • Mag-ehersisyo para mawala ang tensiyon at matulungan kayong magrelaks.  Gawin ito nang magkakasama bilang isang pamilya.

Kapamilya  muli ninyo kaming samahan   sa ating segment na Nakaka.. sa programang buhay-buhay sa DXUP.. ito ang inyong kapamilya ang inyong segment writer/reporter si Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Posted by kakaalih at 6:50 pm | permalink | Add comment