"Time is Life"

Home » Archives » September 2009

Updates: OFW– Philippines

September 5, 2009



  September 5, 2009

   

(Alih Anso- September 5. 2009 Radio DXUP-FM, Upi, Mindanao, Philippines)

Filipinos are referred to as “Overseas Filipino Workers” or “OFWs”. The term “Global Filipino” is another term of more recent vintage but less widely used.

OFW dubbed as the country’s modern day heroes, and contribute a lot to the nation’s growth and development.  They have to leave their own families to work abroad as professionals, engineers, office and factory workers and often as domestic helpers.

OFWs today has a total workforce of 747,696 where land based workers are 559,227 and sea based workers 188,469.

Each year, more than a million Filipinos leave to work abroad through overseas employment agencies and other programs, including government sponsored ones.

Others emigrate and become permanent residents of other countries. Overseas Filipinos  work as doctors, physical therapists, nurses, accountants, IT professionals, engineers, architects, entertainers, technicians, teachers, military servicemen, students, caregivers, domestic helpers and often as a  household maids (or domestic helper - DH).

According to a former Domestic helper (DH) their employer paid US$ 7,000 to her agency,  a legalized human trafficking?

Human trafficking in the country is becoming worst as the  reports says:  “…. that the Philippines is fast-becoming a transit point for international human trafficking. A reason why a member of House of representative seeking for investigation of the issue”.

The issue of www.philstar.com July 17, 2009, quoting Congressman  Jonathan Dela Cruz said the recent arrests of foreigners using fake passports and fake travel documents confirm reports that the country is being used as a transit point for human trafficking.

The hotspot provinces in Mindanao reportedly include Cotabato, Maguindanao, and Davao.

But Vice Mayor Abdullah P. Salik Jr. Al Haj currently chairman of Regional Anti-Human Trafficking in ARMM, does not confirm nor deny the data release to media.

“Maybe before 2007, there were reported incidents but we are waiting for the official reports from the concerned agencies” Salik added.

The number of human trafficking cases in the Philippines doubled in the first half of 2009, a non-government organization said Wednesday.

The Visayan Forum Foundation, Inc. (VFFI) said that in 2008, 90 human trafficking cases were lodged before Philippine courts. From January to June in 2009, or only six months, the number jumped to almost 200.

Mrs Malou Diestro, Department of Social Welfare (DSWD)  worker assigned in Upi said:  “…lots of reported human trafficking in Upi, few years ago”.

“We have some cases which can be considered as  human trafficking  but we can reveal it to media for the protection of victims..” a revelation from PO2 Margie  Pahati, Philippine National Police (PNP) in charge of Violence Against Women & Children    (VAWC) assigned in Upi, Maguindanao.

One of the “modus operandi” of recruitment agency, let the “victim” signed a contract as domestic helper in other countries, in which she/he will received a salary of 400 US $, but before he left the country her agency will let her signed a sub-contract (not registered to Philippine government) in which stating she will just received a salary of 150-200 US $. In which no one of the recruited migrant worker reported to the authority, because they need the money.

“Kapit sa patalim” (holds a blade knife), because of poverty.  they just accept the offer for human survival .

They were recruited by members of syndicates, processing and documentation of their employment abroad was facilitated by corrupt civil servants.

According to the reports  of 2008 Country Review on Human Rights Practices in East Asia and the Pacific by the United Stated Department, reported that Filipino women and children who were victimized were forced to work as household, factory and sex workers.

The unstable economic and political situation in the Philippines is one of the major causes why Filipinos prefer to work abroad. Filipino workers could not see any hope from their leaders to achieve prosperity for the country.

Various recommendation from various sectors were recommended for the stopping or eradicating  this in-human act.

Human trafficking should be taught in school as suggest by National Bureau of Investigation (NBI) executive.

If this NBI chief agent had his way, the problem of human trafficking and how not to be caught in the traffickers’ snares would be discussed among schoolchildren.

“Law enforcers should go to primary and secondary schools to educate kids, especially young girls, on human trafficking,” said Ferdinand Lavin, chief of the National Bureau of Investigation’s Anti-Human Trafficking Division.

“The campaign should be focused on grades five to high school because these minors are often the target of syndicates,” he added in a recent informal chat with reporters. He said the campaign should be mounted with the help of Department of Education officials.

“We should strengthen the preventive aspect, perhaps by information dissemination,” he said. “IACAT (Inter-agency Council Against Trafficking) should also map out where the victims came from and focus on info dissemination in that particular area.”

In Upi, Maguindanao, particular in community radio-DXUP FM,  advocacy program in combating human trafficking was adopted . Regular airing  of anti-human trafficking plugs and incorporating topics to talk show programs, like: Udto na Adi, Suara Talainged, Kaadat-adatan were practiced regularly.

Posted by kakaalih at 9:40 pm | permalink | comments[1]

Pakikikapitbahay (Neighborhood)

September 4, 2009


(September 4,  2009-Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host:  “Ang kapitbahay ang katuwang sa lahat ng oras ng pangangailangan, mahihigitan pa nito ang iyong tunay na kapatid, ang kapitbahay ang unang makakapagbigay ng tulong sa iyong pangangailangan?”

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:  Papaano ba kayo makikapitbahay?

 

“Ako Kaka Alih, gusto kong may kapitbahay, kaya lang kong minsan may kapitbahay na hindi tao, asal hayop.” pagkukuwento ng isang respondent.

 

Sabagay totoo naman na marami tayong kapitbahay na hindi tao, pero ang pag-uusapan natin kaibigan ay tao, katulad natin.

 

“Ang ibig kong sabihin Kaka, totoong tao kaya lang ang ugali asal hayop.” Paliwanag ni Pare.

 

Kayo na mga nakikinig, anong kapitbahay  ang ayaw ninyong maging kalapit bahay?

 

“Ako ayaw kong kapitbahay na kapag nalasing  ay nanggugulo, ang ingay-ingay at inaaway pa ang asawa, kong ako lang ang masusunod ipapabilanggo ko ang ganoong tao.” Pangalawang respondent na nainterview natin.

 

“Para sa akin, ayaw ko ang kapit bahay na hindi niya nirerespeto ang aming privacy, biruin mo nakabili lang ng karaoke, akala mo sa kanya na ang buong lugar, kong magpatugtog ba naman akala mo nasa loob ng disco, nakakatulili sa tainga ang lakas ng sounds.”

 

Pero kaibigan may kapitbahay na gustong gusto ng kanyang kapitbahay.

 

Tulad ng kuwento ni Mare: “Ang aming kapit-bahay na hindi naman namin kamag-anak, ang tumulong para madala sa doctor  ang aming anak, ng mag convulsion”

 

“Ang nagustuhan ko na kapitbahay lalo na sa ganitong panahon ng Ramadan ay Muslim.” Pahayag ng isang nakapanayam natin at naitanong ko sa kanya bakit?

 

“Pag Ramadan, nagluluto sila ng mga pagkain na masasarap, at di man kami nag-aayuno at Muslim ay binibigyan nila kami ng kanilang mga niluluto, kaya kami pag ganitong panahon ng Ramadan, di ko napinabibili ang mga anak ko ng baboy, dahil nagpapahtid din ako n gaming naluto.” Patuloy niyang kuwento.

 

“Magandang may kapitbahay, dahil kahit wala kayong pamilya, may tagabantay ka.” Paliwanag naman ni Mare.

 

 Ako Leny, di ako mapalagay na wala kaming kapitbahay, ang kapitbahay mo ang siya mong malapit na kamag-anak, hindi yaong kapatid sa dugo at laman na napakalayo, dahil hindi ka naman nila matutulungan sa oras ng pangangailangan. Ikaw Leny, anong masasabi mo sa iyong kapitbahay?

 

LENYROSE:_______________________________________

 

Ikaw kapatid, kaibigan, kumusta ang iyong kapitbahay? Mabait ka ba sa kanya?  

 

Sa panahon ni Propeta Muhammad SAW ay may kuwento na Siya ay kapatid na hindi Muslim, dahil sa ayaw niya sa relihiyon ni Muhammad, ay araw araw na tinatapunan niya ng basura ang bakuran ng Propeta, ngunit hindi siya inaaway ng Propeta, nililinis na lamang ito araw-araw. Minsan isang araw walang basurang naitapon, kaya nagtaka ang Propeta, at may nagsabi na may sakit ang Hudeo. Binisita ng Propeta, kaya takot na takot ang lalaki, ang akala niya paghihigatihan siya, ngunit hindi pala, dahil sinabi ng Propeta Muhamad SAW na ganoon ang katuruan ng Islam, maging mabait sa iyong kapitbahay.

Posted by kakaalih at 9:52 pm | permalink | Add comment

Paano Maipapakita Pagmamahal Sa mga Magulang?

September 3, 2009

September 3, 2009

(September 3,  2009-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host:  “Maraming paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa magulang, ikaw papaano ka magpakita ng pagmamahal sa kanila?”

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:  Yes alam ko , maraming paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa magulang. Papaano nga ba?

 

(BRIDGE MUSIC)

 

Una, puwede mong ipakita ang pamamgitan ng material. Alam natin na its payback time o araw ng pagbabayad sa magulang ngunit hindi natin obligasyon na ibalik kung ano man ang naitulong sa atin ng magulang natin paglaki natin. But in our own little way, tulungan natin ang mga magulang natin especially kung wala naman silang pagkukunan ng ikinabubuhay, lalo na kong matatanda na sila.

 

Pangalawa, give your time, to be with them, bigyan mo rin sila ng iyong oras. Kahit hindi sabihin ng parents natin, masaya silang makikita tayo  lalot    kung magkakalayo kayo ng lugar na tinitirhan.  Lalot may mga apo na sila sa inyo, gustong-gustong nilang makasama ang kanilang mga apo, mas higit pa sa kayo noong mga maliliit pa kayo. Maniwala ka, dahil ako na ito, experience at naranasan ko…

 

Ang pangatlo, to love our children as how our parents loved us. Ito na siguro ang painakamagandang paraan upang maipakita natin ang pagmamahal sa ating mga magulang.

 

“Para sa akin Kaka Alih heto ang advice ko sa mga may magulang pa, maging showy kayo ng pagmamahal sa paents niyo, palagi niyong sabihin na mahal niyo sila, marami namang paraan ng pagsasabi .  Doon sa  sa mga nakabukod na ng pamilya, make it a point na every week mapuntahan niyo sila and masabayan niyo sa pagkain sabay kwentuhan, malaking bagay sa kanila yun”. ito ang bahagi ng paliwanag ng isang kumpare na patay na ang tatay, nanay na lang ang buhay.

 

Heto ang kuwento ng isa nating respondents: “…ako ma ma-pride ako noon sa magulang.  Iyong bang tipong binabalewala ko lang sila,  Totoo Kaka, ganun  ako dati, hindi ko alam kung bakit parang ang hirap hirap kong masabi sa kanila na mahal na mahal ko sila. Para bang   nahihiya   akong sabihin sa kanila na mahal ko sila o sadyang hindi ko naman sila ganun ka mahal….. yun ang iniisip ko dati.

 

Sayang Kaka, ngayun ko lang napagtanto na mahal kop ala talaga sila ng pumaanaw na silang pareho. Sayang huli na ang lahat. Ngayon ko lang napagtanto na mahal ko pala sila.   Naisip ko na  dala lang siguro ng kahirapan sa buhay kaya noon parang sinisisi ko pa sa kanila kung bakit naghihirap kami at wala kaming makain. Heto pa ang nakakahiya   naisip ko..sabi ko sasarili ko noon, sana pwede akong makapili ng magulang ko,,, kung makakapili lang ako hindi sila ang pipililin kong maging magulang. Pero iba na ngayun ako na gumgawa ng paraan para makaahon kami sa kahirapan..at mahal na mahal ko pala  ang aking mga magulang.. saying nga lamang dahil wala na sila.. dito ko na lamang ibinubuhos ang pagmamahal ko sa aking mga anak at apo.

 

Mga Kapatid na nakikinig, kong may magulang pa kayo, bumawi kayo, habang buhay pa sila, kong wala na, ipakita ninyo at ituro sa inyong mga anak at apo papaano magmahal sa magulang, hindi lang sinasabi, pinakikita at pinaparandam.

Posted by kakaalih at 9:53 pm | permalink | comments[1]

Pagpili ng Kursong Kukunin sa Kolehiyo

September 2, 2009



(September 2,  2009-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host:  Sigorado ka na ba sa kursong kukunin mo pagkagraduate mo? , ikaw na Pare/Mare nakapili nab a si Adi o si Awi ng Kurso pagka-college?”

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih: “Makinig my friend, pare at mare, alam mo ba na ang pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na okasyon at kapag hindi mo nakursunadahan ang damit na nabili ay puwede mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili, hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay hindi na  maibabalik pa.

 

Papaano kong sa kalagitnaan ng semestre ay saka nalaman na hindi pala angkop sa iyo ang kursong kinukuha? Hindi mo na pwedeng bawiin ang naenrol mo, marefund mo man dahil malakas ka sa administration, dahil lahi kayo ng mga VIP, papaano ang oras mo na naguguol mo  di na  maibabalik.

 

Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay hindi lang ginagastusan ng salapi kundi pinagugulan din ito ng lakas at oras. Ang salapi, lakas at oras ay ang mga importanteng yaman sa buhay ng isang tao at hindi na naibabalik kapag nagamit kayat kung sasayangin mo ang mga ito dahil lamang sa iyong pagwawalang-bahala ay maaring sagad sa iyong buto ang madadamang pag-sisisi pagdating ng panahon.

 

Alalahaninm, ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay magiging bahagi na ng inyong buhay. Alam mo my Friend,  pwede itong ihalintulad sa pagpili ng mapapangasawa. Isipin mo kung ang mapapangasawa mo eh pinakasalan mo lang dahil sa yaman niya o di kaya ay sa udyok lang ng magulang o kaibigan mo pero ang buo niyang pagkatao ay malayung-malayo sa hinahangad mong maging asawa, sa palagay ko alin lang sa dalawa ang gagawin mo, makipaghiwalay o mag-sisi habang buhay.

 

Walang pinagkaiba sa pagpili ng kurso, kung ang kurso mong pinili ay kinuha mo dahil sa ito ang sikat ngayon at maraming makukuhang trabaho kahit na malayo sa iyong interes, paano na kung dumating ang panahong nalaos na ito at na-ngaunti na ang mga kumpanyang naghahanap ng nagtapos ng kurso mong kinuha (na ayaw mo naman)? Ibig ba nitong sabihin ay tapos na ang maliligayang araw mo?

 

Natatandaan ko ang sinabi sa akin ng Tatay ko na… “Ting, Mas mahirap tiisin ang pag-sisisi kesa sa lungkot”……………

 

Uulitin ko na sa pagpili ng isang profession ay wala itong iniwan sa pagpili ng mapapangasawa tulad ng nasabi ko nung una,(pwedeng kumuha ng isa pang kurso pagkagraduate, tulad ng pag-aasawa pwedeng mag-asawa muli, ngunit huwag hiwalayan ang una, ehe ang ibig kong sabihin tapusin mo na ang kurso bago kumuha ng iba… ay ano bay an nagkalitolito na tayo..

 

(PLAY LAUGHING WOMAN)

 

Tandaan sa paglipas ng panahon tatanda kayong parehas at maaring ang sekswal na interaksyon ay hihina na,( yes ganoon hihiona si manoy.. ehe.. heindi si Tatang) (PLAY LAUGHING WOMAN)… ang mga material na bagay ay hindi na ganoong kaakit-akit sa inyong dalawa at ang pinaka magiging pundsyon na magtataguyod sa inyong mag-asawa ay ang mabuting relasyon at pagmamahalan. Halos pareho sa profession o kursong kukunin mo sa kolehiyo, dadating ang panahon na maaring kuntento ka na sa mga material na bagay o parangal.

 

Pero ang hilig mo o passion sa ginagawa mo ang mananatiling magtutulak sa iyo para magtrabaho, sa puntong ito ay magtratrabaho ka hindi dahil ang pangunahin mong layunin ay kumita ng pera kundi ginagawa mo ito dahil ito ang gusto mong gawin sa buhay at lumalabas na hindi na ito trabaho kundi libangan, libangan na kung saan ay kumikita ka narin ng salapi.

 

Posted by kakaalih at 9:49 pm | permalink | comments[1]