
(July 14, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
“Ang alak na nakakalasing bakit iniinum? Ito ba ay gamot o pantawid gutom.. ngayon naman ay epekto ng alak sa katawan ng tao, o mga sakit na makukuha sa alak na nakakalasing.
Minsan tinanong ko ang aking mga kasamahan sa station, ayon sa kapatid ATBCI ay bawal sa kanila ang Alak, samantala ang relihiyong kinaaniban naman ni Donald, na Good News Fellowship Christian, ay bawal din. Of course ang Islam ay haram o bawal din ito, tulad ng pag-haram sa karneng baboy.
Therefore, generally speaking, ang alak na makalasing ay ipinagbabawal ng lahat ng relihiyon, ngunit ang paniniwala ng iba ay huwag lang maglasing, ang iba naman ay kahit tikim ay hindi pwede.
Sabi ng ating kaibigan,: “Kaka Alih kahit ang COMELEC ay bawal din ang alak” (papaano napasok ang COMELEC?)….”di Kaka pag election day mahigpit na pinababawal ang alak” ( ok tama ka, upu tell the truth, 5 points ka… dagdagan ko ang goberno natin, bawal din ) ”Kaka diyan naman ako hindi sang-ayun, may permit ang alak na binigay ang goberno” ( eh bakit kong panahon ng mahal na araw di ba bawal?)
Kaibigan no more debate, just listen na lang, pwede, pagkatapos nito bigyan kita ng time.
Ang pag-inom ng alak na makalasing sa ating bansa o sa ibang parte ng mundo, kong ating mapapansin sa mga lugar na hindi umiiral ang katuruan ng Islam ay naging pangkaraniwan na lamang ang pagbebenta at pag-inom ng alak, inaakalang isang uri ng libangan o pampalipas ng oras. Kadalasan’y ginagamit sa pag-iistima ng mga importanteng tao o mga kaibigan, o di kaya ay ipinamimigay bilang pangregalo sa mga espesyal na kaibigan.
Ang pag-inum ng alak ay halos kabahagi na ito sa lahat ng mga okasyon nating mga Pinoy (agree o dis-agree??) — Hindi kumpleto ang kasiyahan kapag walang inuman! Katotohanan nga ba na kasiyahan ang naidudulot nito sa tao? O pagkawasak?
Kung napag-ukulan lamang natin ng malaking pansin ang pinsala na ibinibigay ng alak sa katawan ng tao, sa pamilya at kapaligiran, tiyak na tayo mismo ang kusang lalayo rito at tuluyan na itong iiwasan ang alak!
Batid natin sa ating mga sarili, na karamihan sa mga krimen at aksidenteng nagaganap sa ating kapaligiran ay sanhi ng mga nakainom ng nakalalasing na inumin na tulad ng alak, bawal na gamot at iba pa na mga katulad nito.
Nagiging sanhi ito ng kaguluhan sa pamilya, ng di pagkakaunawaan, pagkamuhi ng mga anak at asawa sa ama ng pamilya, at minsan ay humanhantong sa paghihiwalay ng mag-asawa — ang resulta: ‘Broken Family.’ Alam Ba ninyo? Dito sa ating likod ng ating radio station ay may bilangguan at di minsan lang natin napatunayan na marami ng naipasok sa rehas na bakal dahil sa nakalabag sa batas, at ang kaso dahil nakainom ng alak na nakakalasing.
Isama mo pa rito ang iba’t ibang uri ng sakit, na ang sanhi ay mula sa pag-inom ng mga nakalalasaing na inumin. Ayon sa mga dalubhasa o maalam, at hindi lang base sa observation natin sa paligid, napakaraming sakit na idinudulot ang alak, halimbawa:
* Binubuhay nito ang seksuwal na pagnanasa, na siyang nagtutulak sa tao na gumawa ng kasumpa-sumpa at karumal-dumal na tawag ng laman: na tulad ng panggagahasa, karahasan at kalaswaan. At ang pinatutungahan nito kung minsan ay pagpapatiwakal!
* Nagdudulot ito ng pinsala sa utak: Isa sa sanhi nito ay ang pagkawala ng memorya ng isang tao, sanhi rin ito ng pagkakaroon ng impeksiyon sa utak, pagkabulok ng ‘cortex cells’ (nagpapagalaw sa ating kalamnan) sa utak ng isang tao na nauuwi sa pagkasira ng ulo.
* Nagiging sanhi rin ito ng unti-unting pagkabaog o pagkainutil ng isang tao at pagkaparalitiko ng buong katawan. (kayo sigoro marami kayong alam na naparalitiko na palainum ng alak,)
* Pinipinsala rin nito ang atay ng isang tao, na kung kaya mabibigo nitong alisin ang mga lason sa loob ng katawan, lalung-lalo na ang ‘amonia.’ At dahil sa ganitong pangyayari ay tataas ang antas ng lason sa dugo. At ang lason na ito ang makaka-apekto sa pagkilos ng kaisipan at makakagambala sa emosyon: Na kung kaya, hindi na magiging normal ang kanyang pagkilos at pag-uugali. Magiging makasarili na siya, magalitin, mapaghinila at magiging malungkutin.
* Pagkakaroon ng depekto sa kidney, sa albumin sa ihi, at nakakamatay na pangangasim ng dugo (o fatal blood acidity), na magwawakas sa ‘heart failure.’
* Nagdudulot ng impeksiyon sa ‘Nerve’ ng mga mata na humahantong sa pagkabulag ng tao.
* Nagtutulak sa isang tao na gumawa ng mga kakaibang krimen at iba pang mga kasamaan.
Ang lahat ng ating halimbawa ay maliwanag na nakikita natin ngunit sa kabila ng lahat ng ito, matigas pa rin ang puso natin, hindi poa rin tayo naniniwala. Ang sabi nga ng ating kaibigan na Pastor: ”Sadyang Mapagsamba sa sarili ang tao! At saka pa lamang nagigising kapag huli na ang lahat at wala nang saysay!”
Mga kaibigan na nakikinig, pangalagaan natin ang ating mga sarili mula sa mapaminsalang bagay na ito — ang nakamamatay na inumin. Ito lamang ang uri ng lason na pinahihintulutan ng ibang mga bansa sa kani-kanilang lipunan, gayong batid naman nila ang dinudulot nitong masamang epekto.