(July 9, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)(PLAY STINGER-NAKAKA)
(Kaka Alih): “Give and take, ito daw ang mahalaga sa mag-asawa. Kong mabubusog ka, kailangan mabusog din si Mrs…
(PLAY STINGER LAUGHING)
Hindi ganoon, ganito, makinig ka ng taimtim my friend. Sa mag-asawa, kailangan daw ng 90% na pagbibigay at 10% na pagtanggap. Nabasa ko sa isang aklat, may article doon about God’s Little Devotional Book for Couples, at doon ay nakasaad na mayroong 10 katanungan na maari nating itanong sa ating sarili para malaman natin kung isinasagawa nga natin ang pagbibigayan sa ating pagsasama bilang mag-aasawa. Heto ibahahagi ko sa inyo, na hangad natin ay magkaturuan ng katuturan sa ating buhay:
1. Handa ba tayong ibigay ang katahimikan kung kailangan ng ating asawa ng maikling panahon ng katahimikan sa bahay? Kapag hanghingi siya ng ceasefire, tigil na sa pag-sisigaw.
2. Handa ba nating tanggapin kung pagsabihan tayo ng ating asawa lalo na kung ito’y para sa ating ikabubuti? Yes Matuto din tayo minsan na makinig hindi lang tayo ang nagsasalita, kong baka sa valleyball hayaan mong ang partner mo naman ang magserve…
3. Handa ba nating ibigay sa ating asawa ang buong pagtitiwala natin? Huwag masyadong seloso, sa Islam pinapayagan ang selos, ngunit yaong selos na hindi mo papayagan na maagaw ni Satanas saiyo ang iyong asawa,
4. Handa ba tayong tumanggap ng karagdagang gawain kapag nakikita nating pagod na ang ating asawa? Minsan pagsilbihan natin an gating Misses.. papahngahin din natin sila…
5. Handa ba tayong magbigay ng salitang makapagpapalakas o makapagpapaginhawa ng loob ng ating asawa? Matuto din tayong pasalamatan at purihin ang maliliit nilang accomplishment..huwag palaging pinupuna ay yaong kapalpakan niya..
6. Handa ba tayong magbigay ng panahon para sa ating kabiyak, iyong kayong dalawa lamang at walang istorbo? Yes, give time naman sa ating Misses, maaga kayong matulog para makarami.. ay hindi… ipasyal mo din minsan kahit diyan lang sa inyong farm.. na kayong dalawa.
7. Handa ba tayong magbigay sa ating asawa ng magagalang na salita tulad ng “please” at “thank you”? halimbawa. Darling o kayay Tayan.. pwede ba na .. siyempre may paglalambing…
8. Handa ba tayong tanggapin na itigil ang argumento at magpalamig muna ng ulo kapag kumukulo na ang damdamin ng bawat isa? Umatras kong malakas ang kalaban, hindi karuwagan ang pansamantala pag-urong.. ay hindi pala giyera.. ang ibig kong sabihin.. dumistansiya muna habang galit pa ang isa… mamimiss ka rin?
9. Handa ba tayong magbigay ng salitang pagpupuri sa ating asawa? Yes … recognized the accomplishment ng inyong asawa.. kahit maliit lang iyan..
10. Handa ba tayong tumanggap ng kapintasan mula sa ating asawa para sa ating ikabubuti? Basta ang iportante kong mag-criticize tayo ay constructive ika nga..
Kuwento ng isang kaibigang pastor. May isang lalaking kararating lamang sa langit at halos wala siyang katigil-tigil sa pagsasabi daw kay San Pedro ng kaniyang pasasalamat dahil napunta siya sa napakagandang lugar. Nakiusap siya kay San Pedro kung maari niyang masilip ang impiyerno. Pumayag naman si San Pedro. Sa impiyerno, nakita niya ang isang mesa na ang haba ay kung hanggan saan matatanaw ng iyong mga mata. Punong-puno ng iba’t ibang uri ng masasarap na pagkain ito. Pero lahat ng nakapaligid sa mesa ay gutom na gutom at mga payat. Nagtanong ang lalaki kay San Pedro, “Bakit hindi sila kumakain?” Sumagot si San Pedro, “Kinakailangan silang kumuha ng pagkain sa pamamagitan lamang ng paggamit ng tinidor na may apat na piye ang haba. Biruin ninyo? napakahaba ng tinidor at walang makagawa na kumuha ng pagkain mula sa mesa para subuan ang kaniyang sarili. Kaya’t unti-unti silang namamatay.”
Nang bumalik na sila sa langit, nakita nang lalaki ang isang mesa na parehong-pareho ng nakita niya sa impiyerno! Iba’t ibang uri ng masasarap na pagkain ang nakalapag din dito. Pero ang mga taong nakapaligid sa mesang ito ay malulusog at masasaya. Nagsalita ang lalaki, “Ah, siguro ay mas maiikli ang kanilang tinidor dito sa langit kaya’t nakakain nilang mabuti ang mga nakahapag sa mesa.” “Hindi, pareho din ang sukat ng tinidor dito,” ang sagot ni San Pedro. Nagtatakang nagtanong ang lalaki “Kung gayon, bakit ang mga tao sa impyerno ay namamatay sa gutom habang ang mga tao dito sa langit ay malulusog at masasaya? Sumagot si San Pedro “ Dito sa langit, nagsusubuan at nagbibigayan ang bawat isa.”
Konting aral sa ating maikling kuwento, miinsan, nainggit tayo sa samahan ng ibang mag-aasawa na puno ng ligaya at lambingan. Naisip natin na wala silang problema. Sa totoo lang, ang bawat pagsasama ay may kani-kaniyang problemang hinaharap. Ang lahat ng mag-aasawa ay may dinaraanang panahon ng hindi pagkakasunduan. Pero, naniniwala akong nasa atin pa rin ang solusyon. Kung nais nating maging malusog at maligaya ang ating pagsasama, kung nais natin na maging langit ang ating tahanan, magbigayan tayo.
O kayo na mga mag-asawa.. subukan na ninyo.. mamayang gabi.. ehe este ngayon na.. heto ang inyong Pastor.. ehe… Kaka Alih hanggang sa susunod na episode ng inyong nakaka…