"Time is Life"

Home » Archives » 13. October 2008

Nawalan ng Tiwala sa GRP: MILF

October 13, 2008
     

Kaka Alih- October 13, 2008

Cotabato City-Handa ang MILF sa pakikipag-usap para sa kapayapaan, ngunit sino ang makagarantiya na tutupad ang Pilipinas sa napag-usapan?” Ito ang sagot ni Mohager Iqbal, punong negosyador ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ang mga peace advocates at relihiyosong sector ng Mindanao ay pawang nakikiusap sa goberno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at MILF na muling bumalik sa pag-uusap para maibigay ang katarungan para sa mga Bangsamoro.

Ang Bangsamoro (mga Pilipino na nakatira sa Southern Philippines) ay mahigit tatlumpong taon  ng pakikibaka para maibalik sa kanila ang pagsasarili bilang bilang isang malayang bansa, katulad ng kanilang kapatid na Pilipino.

Ang Pilipinas  ay naging malaya  mula sa mananakop na Espanya noong June 12, 1898,    na kinilala lamang  ng Amerika ang pagsasarili noong Hulyo 4, 1946.

“Sa ngayon ay wala   kaming tiwala sa goberno ng Pilipinas dahil sa mga ipinakita nito sa mga huling araw napagtalikod sa mga napag-usapan’, dagdag ni Iqbal.

Unang mga dahilan ng MILF kong bakit sila nawalan ng tiwala sa goberno ng Pilipinas  na tutupad sa kasunduan ay una ay ng magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema na pansamantalang pagpipigil sa pirmahan na naitakda noon August 5, 2008 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sumunod ay ang pagdeklara ng Presidente nito na si Gloria Macapagal Arroyo na hindi pipirma sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain Aspect, (MOA-AD) at dinagdag pa dito ang pag-dissolved the composition ng peace panel nito.

At nitong huli ang ay ng pagbabago ng policy sa pakikipag-usap: disarmament, demobilization and reintegration (DDR). Ito ang pinamabisang paraan na stratetihiya na ginagamit ng ng peace keeping sa bansa na may rebulosyunaryo.

Ngunit ayon sa pananaw ng MILF ang ganitong strategy sa pakikipag-usap ay hindi katanggap-tanggap, dahil wala pang grupo ng mga rebulosyunaryo sa buong mundo na gumawa nito unang magbaba ng kanilang sandata bago makipag-usap.

Dapat mauna ang kalabaw sa karosa,” ilan sa mga  ipinahayag ni   ni Atty. Michael Mastura,   membro ng negosyador ng MILF..  Ang ibig niyang sabihin dito ay pagkatapos ng comprehensive compact agreement ay pag-uusapan naman ang DDR. Ang mga ganitong stratehiya ay nagawa ng mga bansang may katulad na problema ng Pilipinas.

Ayon sa isang advocates, na ayaw magpakilala kapag tinotoo ng goberno ng Pilipinas na bago makipag-usap ay magbaba muna ng kanilang sandata, ay madaling paniwalaan ay makipag-usap muna pagkatapos ay ang DDR.

Posted by kakaalih at 1:17 pm | permalink | comments[1]