Sa panahon ngayon uso ang ma-inlove. Kapag in-love ka, kaya mo gawin lahat ng tama para sa taong minamahal mo. Kailangan nga lang isipin natin mabuti lahat ng kahihinatnan kapag ika’y nagmahal. Sa dinami-dami ng kabataan ngayon, hindi maiwasan na mahulog ang kanilang loob sa mga kabataan na ka-lebel nila. Mapabata man o matanda, walang pinipili ang pagmamahal hindi rin ito hinihingi o binibili, ibinibigay lang ito sa taong karapat-dapat. Ngunit, kung bakit?!… naman nila sinabing nakakabaliw ang umibig ! ! ! Siguro’y sa mga kadahilanang…iniiwan o nawawala sa kanila ang taong kanilang minamahal.
Sa tingin nyo…bakit kaya nagkakaroon ng hiwalayan o tinatawag na “break-up” sa isang relasyon??
Marahil hindi pa sapat ang pagmamahal na ibinibigay ng isa’t-isa at hindi pa ganon kalawak ang isip nila para humawak ng seryosong relasyon.. Sa mga mag-aasawa, hindi rin maiiwasan ang “hiwalayan at kung bakit??! Marahil hindi pa ganon katatag ang kanilang pagsasama o may pagkukulang si babae o si lalake… hindi madali ang magmahal hindi naman kailangan, puro puso ang pinaiiral, minsan kailangan din ang isip… Ang “love” nga naman!!! Maraming nagagawa!! At wala ding pinipili, andyan ang mga bakla sa lalake. tomboy sa babae.. matanda sa bata, at bata sa matanda… pero kahit ano pa man hindi dapat sila husgahan yon ang pamamaraan ng pagmamahalan nila eh!..
Sabi nila masakit at masarap kapag umibig ka… bakit??! Malalaman mo bang?! Nagmahal ka kung hindi ka nasaktan… Kung paano ka makitungo sa pag-ibig, ganon din ang pakitungo nito sayo at lahat ng ating mga puso’y makararamdan ng parehong sakit at tuwa, kahit na ang ating mga buhay at landas ay magkaiba.
Kapag nahulog ang loob mo sa kanya at nahulog ang loob nya sayo at ang pag-ibig ay lumayo.. Wag kang magreklamo o magsisi,,, pakawalan mo ito dahil may mga dahilan ka rin na malalaman balang araw.
Tandaan mo na hindi ka pumili umibig, pag-ibig ang pumili sayo.
Ang dapat mo lang gawin ay tanggapin ito at ang buo nitong misteryo, kapag dumating ito sa iyong buhay, damdamin mo nalang ang pagpaparamdam nito sa’yo, at tapos abutin at ipamahagi ito.
Ibigay mo ito pabalik sa taong nagbigay nito sa’yo, ibahagi mo sa iba… sa mga taong madilim na may kawawang kaluluwa, ibigay mo sa mundong pumapalibot sa’yo sa paraan na kaya mo. Maraming nagmamahalan na nagkamali o nasasayang!! Yung pag-ibig na ibinigay nila sa isa’t isa.
Ang mga taong hindi nagkakaroon ng minamahal sa mahabang panahon, inuunawa nila ito sa paraang ito’y kinakailangan lamang. Nakakalimutan nila ang “secret of love” ay ito’y regalo, at ito’y mabubuo para yumabong sa paraan na ipamahagi ito.
Tandaan mo, at itago mo ito sa iyong puso, ang pag-ibig ay may kanyang oras, kanyang panahon at kanyang rason para dumating at mawala…
Maaari mo lang ‘tong hagkan pagdating nito sa’yo, pero kung pumili ito na kumawala sa’yong puso o sa taong iyong inibig… wala kang pweding gawin..
Ang pag-ibig ay mananatiling may misteryo.. maging masaya ka nalang sa sandaling dumating ito sa iyong buhay… kung hahayaan mong bukas ang iyong puso ito’y darating……..