"Time is Life"

Home » Archives » 02. October 2008

Naghihikahos ang mga Pilipino, Bakit?

October 2, 2008

Kaka Alih-September 21, 2008

Sa nakikita natin sa ating  kapaligiran, karamihan sa ating mga mamamayan ay naghihikahos o naghihirap. Hindi makain ng kanyang pamilya ang tamang pagkain na dapat ihain sa hapag dahil wala siya  o walang maibili. Ang kinakailangan na gamit sa kanilang tahanan ay salat, kong mayroon man ay yaong hindi naman kailangan o priority ng pamilya.

Kung magmamasid ka sa paligid, nandiyan ang biyaya mula sa Poong Lumikha, sa madaling paliwanag, di mabilang ang likas na yaman, na bigay sa ating ng Diyos, ang Pilipinas ay mayaman sa lupa, dahil tumutubo dito kahit anong klaseng tanim. Sa hindi tumutubo ang tanim, dahil mabato ay kayamanan na ito. At sa ilalim ng lupa ay sagana sa mga miniral na pinagsasaan lamang “daw” ng mga banyaga at kapirangot lamang ang naiaambag sa mga Pilipino (?).

 Malawak ang karagatan, malapad ang lawa at maraming ilog, kahit anong laman tubig ay pwede mong alagaan o buhayin dito, pero bakit naghihirap pa rin tayo?

Kung titingnan mo ang mga Pilipino, halos lahat naman ay may hanapbuhay o trabaho pati mga bata na murang edad ay naghahanap buhay, pati ang mga babae na dapat ay nasa tahanan at inaalagaan ang mga maliliit na mga supling ay nasa kalye, bukid o palengke at naghahanap buhay para sa pamilya, ngunit pansinin mo ang kanilang pamumuhay sa kanilang tahanan ay masasabi mong sila ay salat o naghihikahos pa rin. Bakit?

Maraming “factor” o dahilan ang nakalap kong mga sagot mula sa mga ibat-ibang antas ng lipunan natin, kahit na yaong mismong mga tinutukoy  natin na mamayan  ay nagbigay ng pahayag kong bakit sila patuloy na lugmok sa kahirapan sa kabila na sila naman daw ay “nagsisikap “ na makaahon sa kahirapan.

Sabagay sino ba naman na matinong tao ang hindi magpupunyagi na maiahon ang pamilya sa dusa ng kahirapan?

Mismanagement o kaya hindi naba-budget ang  kanilang income”, paliwanag ni Arnel.

Mahal kasi ang mga bilihin”, “mahal ang singil sa pasahe sa mga sasakyan”, “wala kasing ginagawa ang gobernong ito”, “sobra kasi ang corruption sa ating pamahalaan”,  sobrang dami ng tao”, ilan lamang sa kasagutan na ating natatandaan, ikaw kaibigan bakit nga ba tayo naghihirap?

May konting katamaran ang Pinoy,” tulad dito sa atin sa Upi, “maaga pa mag-inum ng kape at habang umiinom nakikipagkuwentuhan, na umaabot na ilang oras at hindi napupuntahan ang kanyang bukirin”.  Paliwanag ni Nancy.

Ang mga ganitong senario ay madalas mong makikita sa mga liblib na lugar, sa mga barangay, marahil dahil andoon pa ang tinatawag na “family ties” yaong magkakalapit ang mga pamilya.

Para sa akin…..Kung ang bawat   Pilipino ay nagsikap mag-aral, makapagtrabaho o makapagtayo ng kahit na maliit na negosyo o dili kaya konting sakahan, tulad ng backyard gardening, magtanim ng gulay sa likod bahay….maghihirap pa ba ang  Pilipinas… tayong mga Pilipino?” paliwang ng isang guro.

Ang paliwanag ni Maam, ay isang self employment na matatawag, malaki ang matitipid ng Pinoy, kong hindi na siya bibili ng gugulayin at hindi mababawasan ang kanyang budget para sa bata,  dahil may  pambili na siya ng    asukal, asin, dahil ang mga ito ay wala. Ang kape hindi na siya dapat bumili, magtanim na siya ng kape kahit ilang puno, para doon na niya kunin ang gagamitin ng pamilya at possible pang may maipagbili sa palengke, para pangdagdag gastos.

Kung ang bawat isa sa Pilipino ay nakapag-plano, nakapag handa sa pag aasawa at siniguradong makakapag aral ang mga anak para sa maayos na kinabukasan….maghihirap ba ang Pilipinas?”

Ang  dahilan kaya naghihirap ang Pilipinas? Corruption? Lack of Education? Poor inefficient governance?  Population Growth? Sang-ayon ka ba dito? May pagka Logic hindi ba?

Ayon sa mga ibang pag-aaral may mga teoriya na may mga dahilan na dapat ding pag-aralan papaano ito haharapin at bago mo ito isagawa kinakailangan ang malalimang pag-aaral.

“Dahil na rin sa ating kagagawan kaya tayo naghihirap”, sagot ng nag-alyas na ka-chat sa skype.

Noon pa man lagi nalang tayong nagpapadikta sa ibang tao, o bansa kaya nasanay na  tayo na iba ang nagde-desisyon para sa atin. Tamad daw tayo? Hindi ako maka-agree masyado, kunti lang kasi hindi naman lahat.  
Ang totoo heto  ma-reklamo tayo, karamihan sa atin mainggitin   kaya ang nangyayari walang team-work kahit sa anong aspeto.   Wala tayong pagpapahalaga sa ating bayan. Palagi nating tinitingala ang ibang bansa partikular ang Amerika. Bakit anong akala ninyo sa Amerika? Marami rin ang palaboy doon.. bakit minsan na anong nanirahan doon.”

“Kahit saan mang bansa sa mundo  laging magkapitbahay ang mayaman at mahirap, walang bansa na puro lang mayaman o lahat ay mahirap. Dito sa  kaso natin sa Pinas, di lahat nabibigyan ng pagkakataon dahil na rin sa monopolyo at dinastiyang (dynasty) pamamaraan ng ating sistemang umiiral sa political system. Para sa akin marami pang dapat isaayos  ng ating bansa.  Heto ang  opinion ko dapat bigyang priyoridad ang kalusugan ng mamamayan at ang edukasyon ng kabataan. Ang medya dapat maging mas responsable,huwag masyadong hinuhubog ang mga kabataan sa materyal na bagay. Medyo limitahan ang pag-gamit ng  celfone, electronic gadget at kung ano-ano pa ang alam nating pag-usapan.”

Pwede bang magkaisa tayo sa ating adhikain,mayaman o mahirap huwag lang haluan ng drama gaya ng ginagawa ng ilan sa mga nagdaang mga araw, na kinustiyun pa ang MOA-AD kya hayon giyera ang aksunod, payo ko  maki-usisa sa mga programa sa kaunlaran.”

Social Aspect

  1. personal:

Ang iba sa  Pilipino “likas na daw kanila ang katamaran”.  Ngunit kong titingnan mo ang kapaligiran, makikita mo na ang lahat naman ay nagsisikap, nabibilad sa init ng araw ang magsasaka, ang trisikad driver ay walang palya sa padyak sa kanyang trisikad, ngunit kung tanungin mo, kulang ang income, di makabili ng ulam, walang baon ang anak na nag-aaral.

Pano naman kasi, matapos ang kalahating araw ng pagsisikad ng isang sikad driver, hihinto na at maglalaro ng tong-its at hantak o kaya talang. Kaya paano kakasya ang  kanyang kinita sa isang araw dahil sa halip na ibigay sa pamilya, naitalo pa sa sugal.

Isa sa mga nakita na dapat pagtuunan ay sinabi ng isang respondent natin na “mismanagement” . May income  ka na dalawang libo para sa isang buwan gastusin ng pamilya, ngunit bumili ka o gumastos ka ng 2.5 libo, short ka ng 500 na  piso, ang logical na paraan, mangungutang ka. Reminder: pag utang ay kinakailangan bayaran.

May kasabihan ang Pinoy na dapat pairalin: “habang maigsi ang kumot matuto kang mamaluktot”, na ang ibig sabihin sa simpleng ekonomista ay gumasto katumbas ng income mo, o maigi na may matitira para  maitabi at maidagdag na budget para sa bagong plano.

Ang katwiran ng isang mangungutang, hindi nga makabili ng gamit kung hindi pautang.

Sa mga magsasaka naman, hindi makapagtanim ng mais, kung hindi mangungutang ng  farm inputs sa mga negosyante.

 

Walang Disiplina. Hindi marunong sumunod sa batas. Kahit simpleng pagtapon ng basura hindi masunod mas lalo pa kaya ang ibang bagay? Pasaway ika nga, napakahirap turuan ang mga tao, kung nakikita rin nila ito sa mga mas nakakantanda sa kanila.

  1. Cultural:

Dahil sa minsan na katayuan sa buhay ay nahihiyang magtrabaho sa mga gawain na hindi niya “daw” gawin dahil nakakahiya para sa pamilya o angkan.

 Napakaraming kaugaliang Pilipino ang masasabing hindi maganda at hindi ito dahilan na atin na itong tatanggapin halimbawa nito ang  Crab mentality, Palakasan system, Ningas kugon,  Pilipino time atbp.

  1. Populasyon :

Kakulangan ng kaalaman sa tamang pagtataguyod sa pamilya. Patuloy ang pagdami ng tao, kaya dumarami rin ang dapat nilang kainin,  ngunit ang sinasaka ay lumalapad kundi ito paliit ng paliit, dahil nagagamit bilang kabahayan, industriya.  Anak ng anak hindi naman kayang buhayin. Totoo marahil ito sa mga mahihirap na pamilya. Kung sino na nga ang mahirap sila pa ang dose dosenang anak. Dahil ba sa walang magawa kaya pag-gawa ng bata ang pinagkakaabalahan?

Political Aspect

Sa aspetong ito ay tatlo ang mahalaga na hindi dapat mawawala :System, Leader at followers. Kong gusto mong maganda (good) ang iyong lipunan kinakailangan na ang tatlong ito ay lahat good, kinakailangan walang negative para mananatili na ang product nito ay positive.

  1. Systema ng goberno- kagustuhan ng ibang tao ang nasusunod, hindi ang iyong kagustuhan na naayon sa iyong paniniwala at kinasanayan
  1. Pinuno (Leader) ang talamak na corruption ang isa sa mga nakikitang dahilan. Hidi bukal sa kanilang puso ang pagbibigay ng serbisyo hindi para sa bayan kundi para sa kanilang sarili.
  1. Tagasunod (followers) ang tao ay likas na  masunurin, kong ano ang nakikita sa kanyang paligid ay siyang pilit na gagayahin. Tulad ng ng isang simpleng tindahan (sari-sari store) pag nakita ng isang kapit bahay na may nabibiling mga bagong kagamitan dahil may maliit na tindahan siya ay magpapatayo din, kaya ang mangyayari ay mahahati ang income at hindi na makakabuhay sa ganansiya.

Ang tagasunod kasama na ang Pinuno ay kulang sa Pananamanpalataya.Walang takot sa Diyos. Kurapsyon, dahilan kung bakit walang pakundangan dinudugas ng mga opisyales ang kaban ng bayan. Kung makaDiyos lang sana ang mga ito at magkaroon ng kunsensya.

Posted by kakaalih at 9:55 am | permalink | comments[2]