"Time is Life"

Home » Archives » September 2008 » Page 2

ANG PAG-INOM NG MGA NAKALALASING (KHAMR), BAKIT HARAM O BAWAL SA IBANG RELIHIYON, TULAD NG ISLAM AT IBANG SEKTA NG KRISTIYANISMO?

September 8, 2008

(Part ng Script na sinulat ni Kaka Alih para sa programang Kapayapaan  5:30-6:30 ng Umaga- mAY 2, 2008)

Isang di matapos  tapos na debate kong ang pag-uusapan ay ang alak na makalasing, dahil iba iba ang pagtingin dito ng ibang relihiyon, ngunit sa Islam ay kanya itong tandisang o specific na tinukoy na Haram ang Khamer o alak na makalasing.

O kayong naniniwala o Nanampalataya! Ang mga nakalalasing na alak (lahat ng uri ng inuming may alkohol at i iba pa  na  nakapagbibigay ng lambong sa kaisipan tulad ng ipinagbabawal na gamot, droga, ), pagsusugal, Al Ansab at Al Aslam (mga gamit sa paghahanap ng suwerte at pasiya) ay kasuklam-suklam at mga paglalalang (pakana) ni Satanas. Kung kaya’t iwasan ito upang kayo ay mangagsipagtagumpay.” [Qur’an, Surah Al Maida: 90]

”Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, Pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro,” Biblia-Mga Kawikaan 23:31

Tinanong ko ang aking mga kasamahan dito sa station, ang ATBCI ay bawal din sa kanila ang Alak, ang relihiyong kinaaniban ni Donald Good News Fellowship Christian, ay bawal din.

Generally speaking, ang alak na makalasing ay ipinagbabawal ng lahat ng relihiyon, ang iba ay huwag lang maglasing, ang iba naman ay kahit tikim ay hindi pwede.

Sabi ng ating kaibigan,: ”Kaka Alih kahit ang COMELEC ay bawal din ang alak” (papaano napasok ang COMELEC?)….”di Kaka pag election day mahigpit na pinababawal ang alak” ( ok tama ka, upu tell the truth, 5 points ka… dagdagan ko ang goberno natin, bawal din )  ”Kaka diyan naman ako hindi sang-ayun, may permit ang alak na binigay ang goberno” ( eh bakit kong panahon ng mahal na araw di ba bawal?)

Bago tayo magdebate… paalaala muna ng ating himpilan:

( READ: ARMM SOCIAL FUND PLUGS)

Ang pag-inom ng alak na makalasing sa ating bansa o sa ibang parte ng mundo, kong ating mapapansin sa mga lugar na hindi umiiral ang katuruan ng Islam ay   Naging pangkaraniwan na lamang ang pagbebenta at pag-inom ng alak, inaakalang isang uri ng libangan o pampalipas ng oras. Kadalasan’y ginagamit sa pag-iistima ng mga importanteng tao o mga kaibigan, o di kaya ay ipinamimigay bilang pangregalo sa mga espesyal na kaibigan.

Ang pag-inum ng alak ay halos kabahagi na ito sa lahat ng mga okasyon nating mga Pinoy (agree o dis-aree??) — Hindi kumpleto ang kasiyahan kapag walang inuman! Katotohanan nga ba na kasiyahan ang naidudulot nito sa tao?  O pagkawasak?  Kayo baka gusto ninyo makibahagi sa ating talakayan, just type in our keyword in your celpon: Kapayapaan, space, message, space name and address at send to this numbers: 09185476707 & 09263029849

Kung napag-ukulan lamang natin ng malaking pansin ang pinsala na ibinibigay ng alak  sa katawan ng tao, sa pamilya at kapaligiran tiyak na tayo   mismo    ang kusang lalayo rito at tuluyan na itong iiwasan ang alak!

Batid natin sa ating mga sarili, na karamihan sa mga krimen at aksidenteng nagaganap sa ating kapaligiran ay sanhi ng mga nakainom ng nakalalasing na inumin na tulad ng alak, bawal na gamot at iba pa na mga katulad nito.

Nagiging sanhi  ito ng kaguluhan sa pamilya, ng di pagkakaunawaan,  pagkamuhi ng mga anak at asawa sa ama ng pamilya, at minsan’y humanhantong sa paghihiwalay ng mag-asawa — ang resulta: ‘Broken Family.’ Dito sa ating likod ay may bilangguan at di minsan lang natin napatunayan na marami ng naipasok dito dahil sa nakainom ng alak na nakakalasing.

Isama mo pa rito ang iba’t ibang uri ng sakit, na ang sanhi ay mula sa pag-inom ng mga nakalalasaing na inumin. Ayon sa mga dalubhasa o maalam, at hindi lang base sa observation natin sa paligid,  napakaraming sakit na idinudulot ang alak, halimbawa:

  • Binubuhay nito ang seksuwal na pagnanasa, na siyang nagtutulak sa tao na gumawa ng kasumpa-sumpa at karumal-dumal na tawag ng laman: na tulad ng panggagahasa, karahasan at kalaswaan. At ang pinatutungahan nito kung minsan ay pagpapatiwakal!
  • Nagdudulot ito ng pinsala sa utak: Isa sa sanhi nito ay ang pagkawala ng memorya ng isang tao, sanhi rin ito ng pagkakaroon ng impeksiyon sa utak, pagkabulok ng ‘cortex cells’ (nagpapagalaw sa ating kalamnan)  sa utak ng isang tao na nauuwi sa pagkasira ng ulo.
  • Nagiging sanhi rin ito ng unti-unting pagkabaog o pagkainutil ng isang tao at pagkaparalitiko ng buong katawan. (kayo sigoro marami kayong alam na naparalitiko na palainum ng alak,)
  • Pinipinsala rin nito ang atay ng isang tao, na kung kaya mabibigo nitong alisin ang mga lason sa loob ng katawan, lalung-lalo na ang ‘amonia.’ At dahil sa ganitong pangyayari ay tataas ang antas ng lason sa dugo. At ang lason na ito ang makaka-apekto sa pagkilos ng kaisipan at makakagambala sa emosyon: Na kung kaya, hindi na magiging normal ang kanyang pagkilos at pag-uugali. Magiging makasarili na siya, magalitin, mapaghinila at magiging malungkutin.
  • Pagkakaroon ng depekto sa kidney, sa albumin sa ihi, at nakakamatay na pangangasim ng dugo (o fatal blood acidity), na magwawakas sa ‘heart failure.’
  • Nagdudulot ng impeksiyon sa ‘Nerve’ ng mga mata na humahantong sa pagkabulag ng tao.
  • Nagtutulak sa isang tao na gumawa ng mga kakaibang krimen at iba pang mga kasamaan.

Ang lahat ng ating halimbawa ay maliwanag na nakikita natin ngunit sa kabila ng lahat ng ito, matigas pa rin ang puso natin, hindi poa rin tayo naniniwala. Ang sabi nga ng ating kaibigan na Pastor:  Sadyang Mapagsamba sa sarili ang tao! At saka pa lamang nagigising kapag huli na ang lahat at wala nang saysay!”

Mga kaibigan na nakikinig, pangalagaan natin ang ating mga sarili mula sa mapaminsalang bagay na ito — ang nakamamatay na inumin. Ito lamang ang uri ng lason na pinahihintulutan ng ibang mga bansa sa kani-kanilang lipunan, gayong batid naman nila ang dinudulot nitong masamang epekto.

ILAN SA MGA TEXT NA NATANGGAP NG PROGRAMANG KAPAYAPAAN: (binuo o dinagdagan ng vowels, para madali mabasa)

  1. 09265291977- 5:42 AM – Kapayapaan bakit wala tayong pablek terminal kawawa naman iyong mga pasahero, lalo ganitong umuulan, diyan na lang ba sa punong kahoy?
  2. 09107502549-06:15 am – Kapayapaan-tama ka kaka alih, kaya lang ang kasayahannila, panandalian lang, hindi nila alam i2 ay nagdudulot sa isang karamdaman ng kanilang kalusugan,hindi lang religion, kc kahit na bawal, sa religion, ang ibapatikim tikim pa ren hanggang sa malulong  na sa alak, kaka ali kailangan pag-ingatan, at pangalagaan ang ating katawan, yn lang ang tanging kayamanan natin kalusugan, tnx .
    anita
  3. 09296114061-6:15 am- Kapayapaan- d po ako nainiwala na makalbaog ang pag-inog ng alak, sa dahil ang mga lasenggo d2sa amin dami nila anak, taon taon pa nga nanganganak ung kanilng mga asawa. From Joan.
  4. 09187133083-6:16 am – kapayapaan- kapayapaan feds of Happy Valley, normal lang ang pan-inom ng alak pero kailangan din sanang limitasyon at disiplina sa sarili. Request me kaka ali ng ulan gikan sa kalangitan by max surban. Plzplay mo kaka ali, i love u.
  5. 090924406696-6:04 am (sori po hindi ko nabasa, nalagpasan/nakalimutan)- kapayapaan- gret kopo ng hapy2x 21st birthday c Michael Siapno I hope u have more birthday 2 come gretings from N.J. thanks
Posted by kakaalih at 10:29 am | permalink | comments[72]

Peace Journalist

September 5, 2008

 Please read this and send yoiur comments.

A peace Journalist must know the “context” of his/her news/story

Source: http://www.philstar.com/ 

               http://www.luwaran.com/

Funds for Muslim community dev’t diverted to buy MILF weapons
 By Jaime Laude
Saturday, August 23, 2008

The Moro Islamic Liberation Front (MILF) has been diverting since 2003 millions of dollars in foreign development aid for depressed Muslim communities in Mindanao to build a strong army.

Sources said the MILF leadership has been using donations to the Bangsamoro Development Agency (BDA) to procure modern weapons, munitions, communication equipment and uniforms for its fighters in Mindanao.

“BDA is now being suspected of having diverted huge livelihood grants for the past two years to rebuild the MILF’s military after having been weakened in the armed conflicts in 2000 and in 2003,” the source, who declined to be named, said.

The MILF’s BDA has been receiving various livelihood  grants from foreign donors, including the World Bank, the Japan International Cooperation Agency (JICA) and the Asian Development Bank (ADB) since its creation on June 2, 2002. BDA also receives donations from most Islamic states.

Since it is not registered with the Securities and Exchange Commission, BDA is not allowed to receive foreign grants.

Reports of the funds’ alleged misuse has prompted some non-government organizations to seek an audit of the financial aid.

The source said video footage of Commander Abdullah “Bravo” Macapaar and his men dressed in full combat uniforms when attacking five towns in Lanao del Norte on Monday, proved that the MILF has funds for weapons and materiel.

The MILF rebels, the source said, are now equipped with ultra high frequency radio sets, new M14-assault rifles and other modern weapons.

The rebels, he added, seem to never run out of munitions for their caliber .30 and caliber .50 machineguns.

“We could only wonder where the MILF are getting the money to procure their logistics,” another source said.

He said some of the firearms of the MILF rebels are more advanced than those of government troops.

Although the military has air superiority and has heavy weapons and equipment, the MILF rebels are now more prepared to face security forces in ground combat.

BDA’s office is inside the MILF’s Camp Darapanan in Sultan Kudarat.

“Peace advocacy groups are now calling for an in-depth review of the funds international donors have given the BDA as livelihood assistance for poor Muslim communities in areas where the MILF has guerrilla camps,” the source said

 

————————————————————————————

 BDA Exec responds to negative media publicity
NewsSeptember 5, 2008
 Source:  http://www.luwaran.com/
Cotabato City – A high-ranking official of the Bangsamoro Development Agency (BDA) has expressed dismay over an allegation by a national daily writer that the Agency has misused funds intended for the development of the Muslim communities.

“This is pure non-sense designed to malign the clean reputation of BDA in particular and the Bangsamoro people in general”, said BDA Executive Director Dr. Danda N. Juanday in reply to a malicious and fallacious statements of Philippine Star reporter Jaime Laude regarding the so-called donation/grants being diverted for procuring high-powered weapons for the MILF forces.

In a published statement dated August 23, 2008, it says that” the MILF’s BDA has been receiving various livelihood grants from foreign donors, including the World Bank, Japan International Cooperation Agency (JICA) and the Asian Development Bank (ADB) since its creation on June 2, 2002”.

Dr. Juanday emphasized that BDA is not receiving any money from donor institutions except for development-related activities designed to assist the war-stricken communities in Mindanao. He also added that at present, BDA is engaged with a trust fund recipient (TFR) whereby the foreign funds are channeled for capacity-building (learning by doing) purposes. Financial consultants are also fielded by World Bank to the BDA office to ensure that all transactions are properly monitored.
 

“We can prove that all our activities have been directed for the relief, rehabilitation and development of the conflict-affected areas in Mindanao, unlike what the writer is trying to convey to the public. The Community and Family Services International (CFSI), the current Trust Fund Recipient for the Mindanao Trust Fund – Reconstruction and Development Program (MTFRDP), a World Bank-administered undertaking can give Mr. Laude necessary documents to prove that every single centavo of the MTF-RDP funds really go to the hands of the program beneficiaries”, added Dr. Juanday. The same is true with the other programs being implemented and handled by BDA, he said.

He also pointed out that the donor agencies have been closely monitoring the program implementation and have even assigned their own people to work with BDA as on-site coaches, field advisers and consultants. “So how could it be possible for the BDA to buy weapons for the MILF forces? Maybe this reporter should do further inquiry in all BDA-related activities so that truth will be unveiled rather than making unfounded statements that create confusion and hatred.

When the Agency verified the identity of Laude, it was confirmed that he works with Department of National Defense (DND) in Camp Crame. The Agency also learned that Mr. Laude was in Cotabato just after the incidents in North Cotabato, together with some Generals. “It appears that he uses his profession and the media to oppress the Bangsamoro People represented by BDA”, noted Dr. Juanday.
 
He even nullified the claim that BDA has received funds from ADB,  as there’s no official BDA-ADB tie-up as far as the agency is concerned, much less some Muslim countries which he did not specify in the article. It’s purely a work of a fictitious mind, Dr. Juanday commented.

The statements are tantamount to accusing the World Bank, the JICA and other donor agencies of buying weaponries for the MILF forces, said Dr. Juanday as he called on the said agencies to submit their own positions in response to the issue.

Posted by kakaalih at 11:00 am | permalink | comments[46]

Mga Basic Knowledge na Dapat Sana ay Maituro sa mga Paaralan sa Lugar na Magkakaiba ang Relihiyon: Islam at Kristiyano

September 4, 2008

(sinulat ni Kaka Alih-May 7, 2008-para sa script ng programang Kapayapaan 5:30-6:30 ng umaga)

At dahil sa ngayon ay bakasyon ng mga Maestra at Maestro, pupil at mga studyante, at alam natin na karamihan ay nasa kanilang mga tahanan at nakikiig sa ating himpilang DXUP FM,  minarapat nating balikan ang mga iba nating topics na concern ang mga Guro at mga mag-aaral.  Noong January 11, 2008 ay may topic tayong tinalakay at nai-post natin sa ating blog na: http://dxup.multiply.com, at http://correctme.multiply.com.:

Ang tanong ay dapat bang ituro sa paaralan ang “Basic knowlwdge in  Islam”?

Kapag ganito raw, ang tanong tiyak   ang agad mong maririnig na sagot : “hindi pwede dahil ang Islam ay relihiyon, at ang relihiyong Islam ay para sa mga Muslim lamang at ang mga paaralan natin ay magkakaiba ng relihiyon ng mga nag-aaral doon, may Kristiyanismo at Islam ang pinnaniniwalan.  Pangalawa Ang systemang goberno natin ay ihawalay ang simbahan at goberno” (system of our government is separation of the church and state).

Sa unang dinig mo pa sa    kasagutan na ito   ay masasabi mong tama!. Hindi Ba? Ngunit….  Ang tanong lahat ba ng tamang sagot ay siyang makakabuti para sa lahat o karamihan?  Kong   ‘di naman  ay ganito ang maitatanong natin, “Ang lahat ba ng tamang kasagutan ay   tunay na katotohanan?”

Base sa mga karanasan natin,  hindi ba may mga holiday tayo, (mga Muslim) ang Eidel fiter at Adha, Amon Jaded (New Year), Izra wal Miraj (Assencion to Heaven) by Prophet Muhammad (SAW) ang lahat ng ito ay iginagalang ng goberno ng Pilipinas, sa mga araw na ito ay deklaradong holiday. Ngunit ang problema, heto hindi natin alam kailan ang dapat na araw, ang pag-celebrate.  Papaano mo isasagawa ang bagay na di mo alam? sapagkat hindi natin alam ang hijri calendar dahil hindi ito ginagamit at lalong hindi itinuturo sa mga paaralan natin sa ngayon. Ngunit  napakahalaga ang bagay na ito dahil ang tatlong nabanggit na holiday ay doon ibinasi at hindi sa Gregorian calendar. Tama mo pa ba?

Heto pa ang mga ibang impormasyon na dapat alam ng bawat mamayan lalot sa isang lugar na iba-iba ang paniniwala, na may Muslim at Kristiyano. Dapt malaman natin na ang mga kapatid na  Muslim ay hindi kumakain ng Haraam, ang tanong alam ba natin ang Haram?  At Ano ang Halal? Ang alam lang natin na haram ay ang karne ng  baboy, samantala isa lamang ang baboy na pagkain na haram o hindi pwedeng  kainin ng mga Muslim. Dont worry doon sa nagtatanong at nagrequest ang topics na Haram at Halal tatalakayin natin sa susunod na mga programa , Insha Allah.

Ang mungkahi ng isang retiradong guro: “Kong ako ang tatanungin dapat maituro sa lahat ang basic teaching ng Islam, sa lahat lalo na sa mga lugar na may Muslim, bakit? Dahil kong may sapat kang kaalaman sa Islam, marerespetuhan mo ng tama ang iyong mga kapatid na Muslim”.

Ituloy natin ang pagpapaliwanag ni Maestro: “Noon ang akala ko bakit ko pa pag-aaksayahan ang Islam ay mayroon na akong relihiyon, ngunit ngayon ay napagtanto ko na mali pala, dahil marami akong nagawa na hindi ko dapat ginawa dahil yaon ay labag sa pakikipagkapuwa tao, lalao sa mga kapatid na Muslim dahi nasasakripisyo ang kanilang paniniwala sa Islam.”

Kong alam natin ang batas ng pag-aasawa,ang “wisdom of marriage in Islam”, sana hindi na natin magagawa na parang tinutuya natin ang mga kapatid na Muslim sa pag-aasawa muli ng pangalawa, pangatlo hanggang pang-apat.

Ang lahat ng ito ay nagagawa natin, kahit na nasasakripisyo na ang pananampalataya ng mga kapatid na Muslim,  dahil hindi nga  natin alam ang katuruan ng Islam, dahil walang nagbibigay ang tamang impormasyon tungkol dito.

Sa paaralan pinag-aaralan natin ang halos lahat ng karunungan. Ngnunit hindi ang Islam (basic knowledge of Islam).  Bakit hindi ba pwede incorporate ang basic teaching ng Islam sa ating pagtuturo sa paaralan? Ang Islam ay hindi lamang pag-relihiyon kundi lahat ng aspeto ay kanyang sakop: ang agham, social, batas, goberno at iba pa.

Ang prinsipyo ng Islam ay hindi pwede paghiwalayin ang goberno at ang relihiyon, kong ano ang patakaran ng Islam iyon din ang dapat susundin ng goberno nito.

Sa situwasyon natin sa ating bansa, paano mo irere-concile ang dalawa na magkasalungat? May “separation of the church and the state” ang pinaiiral na sistema ng ating bansang Pilipinas, samantala ang Islam na siyang pinaniniwalaan ng halos lahat ng mga Moro at milyon-milyon Pilipino na ngayon ay Muslim na rin,  ay no separation of the church at state ang dapat ang sistema na goberno, dahil ganoon ang turo ng Islam.

Ang tanong sino ang dapat baguhin?  Ang tao ba ang mag adjust o ang sistema ng goberno ang babaguhin para magkaintindihan?.

Marahi, kong ang mga mamayan natin ay may sapat na kaalaman kahit sa basic knowledge of Islam, ay marahil ay hindi tayo magkakaroon ng mga social problem na tulad ngayon. Halimbawa ng mga sinasabi natin an social problem ay:

  • Na kapag ang isang Muslim ay hindi nakihalubilo sa mga kapatid na Kristiyano sa mga occassion, sasabihin natin na walang “pakisama”. Kong kaya kahit ito ay labag sa Islam ay napipilitan ang kapatid na Muslim na gawin,  para lamang maipakita sa kapatid na Kristiyano na marunong din siyang makipagkaibigan, makisama,  ngunit dahil pareho silang walang kaalaman sa Islam, ay nagagawa nila ang mga hindi dapat gawain o kainin.
  • Sa mga Muslim, dapat pagsapit ng bata sa pitong taon, ay dapat mag-sambayang na siya ng limang beses isang araw. May programa ba tayo na dapat nila itong matutuhan, sabi ng texter, sa private school iyan dapat ituro, sa mga Islamic  School, tama ka kaibigan, ngunit ang issue papaano ang public school na doon nag-aaral ang isang ordinaryong Muslim, di kaya sa pribadong paaralan?
  • Wala sa mga Muslim ang Christmas, ngunit ipinagdiriwang natin, alam ba ito ng mga anak natin?
  • Ang haram ay hindi lang karne ng baboy, anomang nahaluan ng laman o lana  niyon ay haram din. Ang alak na makalasing ay haram din, sa nagpabili, bumili, gumawa, pinayagan at uminom ay haram sa kanilang lahat.
  • Ang damit ng kababaihan ay iba sa kalalakihan, at dapat ang babae at lalaki ay natatakpan ang kanilang “awrat” (kahubaran).”

Kayo na mga giliw na nakikinig may dahilan ba na ituturo din ang basic knowledge in Islam sa mga paaralan?

Narito ang ilang mga reaction na mga text na tinanggap natin sa programa na sinagot natin ang iba:

Text - January 11, 2008

(some, only the relevant to the topics-yaong greeting ay hindi ko na isinama)

   1. 09066032157-Kapayapaan-ang mga Muslim ba ay hindi naniniwala that Jesus was born on Christmas dats y Christian keep on Celebrating… from Kim

   2. 09057828230-Kapayapaan-walang xmas ang mga  Muslim pero naniniwala ba cila sa x’mas?

   3. 09057828230-Kapayapaan-kong ang isang Muslim ba ay sumali sa x’mas party, nagkasala na ba xa.. cindy

Sago ni Kaka Alih sa program: depende sa niyat o intention,ngunit kong regular ng ginagawa ito ay hidni maganda.

   4. 09057828230-Kapayapaan wat is the difference between the word  haram and halal? Cindy

   5. 09265224689-Bapa mahilig ka rin pala ng maistra parihas  tayo BBS

   6. 09057828230-Kapayapaan kya marami ang mga teacher na babae kasi masisipag cla kumpara sa mga lalaki dib a . Cindy

   7. 09263475443-kapayapaan kaka ask ko lang f anu ba ang layunin  ng survey ng dxup? from LM

   8. 09193472577-kapayapaan holiday p b ngayon? From NDU

   9. 09193472577= ayna ang ganda ng musika mo nakaka inlab super.

  10. 09057828230-I think ndi na sigoro kailangan kc pag naghanap na tau ng work,  di naman iyan kailangan- Cindy

  11. 09186375073-kapayapaan comment q lang sa topics n tinatlakay mo wag ka ng maging one sided sa mga ideas na ibinibigay mo.

Sagot ni Kaka Alih sa program:  “sinsabi lamang natin ang dapat malaman, dahil sino ba a g dapat magsabi nito, hindi ba kami na mga Muslim din? Malalaman ba natin itong mga problemang ito kong kami-kami lang ang mag-uusap-usap?, sa problema ba natin ngayon ay hindi ba kasali tayo sa mga problema, lahat tayo ang may problema, kaya dapat sama sama natin  itong isolve. Kong wala ang ating programa, malalaman ba natin ito? Ngayon lang natin ito pinag-uusapan, dahil may radio na tayo. Ang layunin na dito ay upang buksan ang mga usapin na maaring makasolve sa problema.”

  12. 09186375073-kapayapaan ang mga muslim na nakikipagclebrate ng xmas e nagparaktis na xa ng xmas. Nakikcbrate lang ka2lad ng mga Christians na nakikipagcelbrate din mga okasyon ng Muslims.

  13. 0921711796-kapayapaan alam mo bapa parang purpose mo iinsist talga ang islam at usaping kulturang Muslim sa yong programa..dapati yan ibahin iyang pamagat ng programa mo dahil di nagdudulot ng kapayapaan yan.

  14. 09197947128 kapayapan ask ko lang poh holiday po ba ngayon from Loraine

  15. 09217117965 kapayapaan bapa huwag ka magsabi na Islam is not a mere religion.. para ka mang di  Muslim… Islam a religion per se .. and any religion s a way of life and influences everything…

Sagot ni Kaka Alih sa program: Ang religion Islam is Deen ul Islam.. it is not a mere religion a way of life, as the Quran said.

  16. 09217117965-kapayapaan ang pagtuturo ng Islam ay d  dapat  ituro sa public, ituro lamang  ang religion  (islam or Christianity) sa private educ institution ngunit depende  pa rin ito sa Admin ng skul…

Sagot ni Kaka Alih sa program: Ang basic kanowldege of Islam ay dapat, ngunit ang religion Islam (completely) ay hindi, dahil nga separation  of the church and the state.

  17. 09193472577-kapayapaan cguro kailangan pa rin  pag aralan ang muslim, kc di naman mali yan kung pag aralan maybe dapat din pag aralan kc wen taking of culture nd tradition, para naman ma-aware ang mga tao about sa culture nd  tradition! Thanks dxup

  18. 09187133083- kapayapaan holiday p ba ngayon? Salamat sa ngababasa na cute

Kayo ng mga kapatid na nakikinig may pinapaninigan ba tayo? Ang tanging layunin natin ay maintindihan ng lahat ang dapat, na malaman na karunungan, tulad ng katatapos na Amon Jaded, deklarado ng  goberno ng ARMM na nakabase sa Hijri calendar,ganon din sa national, Muharram 1, ay Amon Jaded, ayon sa PD 1083,  alam ba natin ang unang buwan sa Hijri na Muharram? Hindi? Kaya nararapat na pag-aralan din ang mahahalagang aralin tungkol sa Islam,  na kahit papaano ay mayroon tayong kaalaman sa mga basic na information tungkol dito.

Correct me If Im Wrong.

Posted by kakaalih at 10:25 am | permalink | comments[128]

Kalikasan, Pangalagaan

September 3, 2008
 

(Excerpt  from the  script  of  radio program: “Bantay Bayan  Boses ng  Sambayanan” sa segment na “Bantay  Kailkasan”. anchor  ni Lenyrose Bajar-  script writer/segment  producer at  co-anchor: Alih  Anso)

Bago ang  lahat kasamang Leny,   tayo ay pansamantalang munang magnilay-nilay kahit ilang sandali at humingi ng kapahintulutan sa Poong Maykapal o Sa Allah na bigyan tayo ng lakas at kapahintulutan na mapag-usapan natin ang kanyang biyaya sa tao….   ang kalikasan. 

At tayo’y magpasalamat sa kalikasan, lalo na sa mga puno, pagkat sa kanila nanggaling ang mga papel na ginagawang sulatan at aklat. Kung wala ang mga puno, tiyak na wala tayong binabasang mga aklat ang ating mga guro at estudyante, magasin at mga pahayagan.

Pagpugayan din natin ang mga kababayang nagsakripisyo’t nagpakasakit, lalo na ang mga environmental activists at advocates sa kanilang walang sawang pagtutok at pagkilos upang ang ating kalikasan ay maging maayos.

Pagpugayan din natin ang ating local na pamahalaan ng Upi sa pagpasa ng batas na Municipal Ordinance #3 Comprehensive  Ecologiocal Solid Waste Management, dahil sa batas na ito ay natuto ang mga mamayan ng Upi na pahalagahan ang ating kalikasan at kapaligiran.

Napakahalaga ng mga isyung pangkalikasan na karaniwang hindi nabibigyang-pansin ng ibang ibang  media,  ng karamihan sa opisyal ng  gobyerno,  ng mga eskwelahan o ng akademya, maliban na lang kung may trahedyang naganap at saka lang sila nagsasalita at gumagalaw..

Bakit?  Dahil ba wala silang pakialam o dahil hindi nila alam ang isyu.

Alam mo Len? Kong minsan nga ay nagtataka ako, dahil marami sa atin, bata pa lang ay tinuruan naman sa sa paaralan ng simpleng pagtatapon ng basura sa tamang basurahan, kaya lang ang tanong tama ba ba ang ginagawa natin noon na itapon sa dumping pit ang ating mga basura?.

Ngunit nang lumaki na tayo, nalimutan na ito. Kung saan-saan itinatapon ang basura. Ang balat ng kendi, na hindi naman basura hangga’t hindi pa lumalapat sa basurahan, ay agad pinandidirihan. Itinatapon agad kung saan-saan, at ayaw munang ibalik sa bulsa hanggang sa makakita ng basurahan.

Isang panibagong karanasan ang ating  natutunan sa Ordinance #3 o COMPREHENSIVE ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT, may nagbabantay nandiyan ang mga EnforcerS, andiyan ang street sweeperS at garbage technicianS, araw-araw ay nanagbabantay, nagwawalis at humahakot ng basura.

Ngunit  kahit marahil   araw-araw, 365 araw bawat taon, 7 araw bawat linggo, 24 oras bawat araw, ang gagawing paglilinis at paghahakot ng   mga basura sa karagatan , hindi pa rin ito mauubos, yes I know, bagamat unti-unti itong mababawasan. Alam nyo ba kung bakit? Dahil habang nililinis natin ang kapaligiran, tuluy-tuloy pa rin ang pagtatapon ng basura ng marami kong saan-saan. Habang nagbabawas tayo, makailang beses ang nadadagdag.. Dapat mapigilan ang pagtatapon ng basura sa mga ilog at kanal sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan, tulad ng eco-mercials (ecology commercials), media, forum, edukasyon sa bawat barangay, atbp.
 

Dagdag pa rito, isa sa mga natutunan ko sa mga pagdalo sa mga forum, natutuhan ko doon na  na bawal magsunog ng basura dahil nagdudulot ito ng sakit at pagkawasak ng kalikasan.

Bilang nagsisimulang  manunulat sa isang sa blog (salamat sa MindaNews sa seminar sa amin ng Grassroots Journalism) at bilang media man, naipangako ko sa sarili na ipinalaganap ko sa iba’t ibang komunidad lalo na sa Upi na bawal magsunog ng basura.  

At alam mo ba Len? Aba’y marami ang tumalima, nakikinig at di  ko lang alam kong maging bahagi na ng kanilang buhay na isagawa ang pangangalaga sa kalikasan. Marami na sa kanila ang di na nagsusunog ng basura. Kaya napakahalaga ng pagbibigay ng impormasyon ukol sa kalikasan. Dapat ang pagbibigay ng information ng LGU Upi ay  tuloy-tuloy at iba pang samahang makakalikasan upang tuluy-tuloy ang pangangalaga sa ating kapaligiran.

Kung ating pagninilayan, alam nating lahat na bago pa tayo mabuhay sa mundo, nariyan na ang kalikasan. Nariyan ang dagat, lupa, hangin, atbp. Halos lahat ng ginagamit natin sa araw-araw ay mula sa kalikasan.

Sa kasalukuyan, laganap sa mundo ang sistema ng kalakalan, kung saan nagbebentahan ng iba’t ibang produkto o serbisyo ang iba’t ibang tao, samahan o maging bansa, para sila tumubo. Sa kalakalang ito, malaki ang papel ng kalikasan. Paano? Ang komposisyon ng lahat ng kalakal sa daigdig ay mula sa dalawang elemento :

1. Ang materyal na galing sa kalikasan,

2. At ang paggawang galing sa tao. Sa pangkalahatan, ang unamateryal na galing sa kalikasan ay libre at walang “halaga sa pera”. Ang ikalawapaggawang galing sa tao ay may “bayad” at ito ang nagbibigay ng halaga sa mga kalakal. Magbigay

Ok  para maintindihan, magbigay tayo ng mga halimbawa.:

Ang isda na galing sa dagat ay libre. Ang binayaran ay ang paggagawa ng mga  mangingisda. Ang kahoy na ginamit sa bangka ay libre galing sa gubat. Ang binayaran ay ang paggawa nang pumutol ng kahoy at gumawa ng bangka. Kaya’t papasok sa presyo ng isda hindi lang ang paggawa ng mangingisda kundi ang porsyon ng paggawang nagamit para sa kanyang mga kasangkapan sa pangingisda.

Libre ang materyales ng dyamante na walang sangkap ng paggawa ng tao. Ang binayaran ay ang paggawa at panahon ng minero para hanapin ito at hukayin sa kailaliman ng lupa, at ang paggawang nakapaloob sa mga kasangkapan at prosesong ginamit sa dyamante. Halimbawa, kung ginamitan ito ng makinarya, ang binarayan sa makinarya ay ang paggawa nito at hindi ang mga sangkap ng bakal na hindi gawa ng taoat galing sa kalikasan sa kanyang natural na porma. Kung ginamitan ng kemikal ang paglinang ng dyamante, ang binayaran ay ang paggamit ng kemikal at hindi ang sangkap na galing sa kalikasan.

Isa pang halimbawa ang mineral water. Libre ang inuming tubig mula sa kalikasan, ngunit kapag inilagay na ito sa boteng plastik at inilako na, ito’y may bayad. Ang binayaran dito ay ang paggawa, mula sa pagkuha ng tubig sa kalikasan, transportasyon, proseso at paglalagay sa boteng plastik, at ang paglalako ng mineral water.

Sa madaling salita, anumang mula sa kalikasan na ginagamit natin ngayon at binabayaran ay dahil sa paggawa ng tao. Ang ginawa ng tao, sa proseso ng produksyon, ay baguhin ang porma ng materyales na galing sa kalikasan at gawin itong produktong may kabuluhan sa pamamagitan ng paggawa.

Kaya kung aanalisahin natin ang materyales mula sa kalikasan, ang matitirang laman ng kalakal ay ang paggawa ng tao. Kaya napakahalaga ng manggagawa sa pag-iral ng ating lipunan ngayon. Sila ang bumubuhay sa lipunan. Sinasabi nga sa Konstitusyon, ang manggagawa ang pangunahing pwersa sa ekonomya ng bansa.

Ngunit dapat nating bigyang diin na hindi ang paggawa ang dahilan ng unti-unting pagkawasak ng kalikasan, kundi ang pagkuha ng materyales mula sa kalikasan upang pagtubuan at pagkakitaan.

At dahil ang Kalikasan at ang Pag-gawa ang dalawang kambal na elemento na nagpapatakbo sa lipunan, dapat na kilalanin ng mga environmental advocates ang mga manggagawa at ang paggawa, gayundin ang mga manggagawa ay kilalanin ang kahalagahan ng kalikasan at ng mga nangangampanya para protektahan ito.

Ang pagprotekta sa kalikasan ay hindi madaling gawin. Kailangan natin itong pag-isipan at pag-aralan.

Hindi sapat na maunawaan lang  natin kung paano nasisira ang kalikasan.

Hindi simpleng itapon lang natin sa basurahan ang balat ng kendi ay ayos na. pagkat baka naman naihahalo ang nabubulok sa di nabubulok.

Kung ang lahat ng ito ay hindi makukuha sa isang tulugan lamang.    Dapat ang pakikibaka ay tuloy-tuloy, di dapat kalimutan,  ang ganitong mga adhikain  ito ay hindi isang piknik, ang pag-aaral hinggil sa proteksyon ng kalikasan ay hindi katulad ngh pagbabasa ng komiks. Dapat itong  isapuso at  isa-isip at isagawa.

Tulad din ng pagprotekta sa manggagawa, hindi lamang dapat ianunsyo na pinagsasamantalahan sila ng mga kapitalista. Dapat ding ipakita kung paanong sa walong oras nilang pagtatrabaho, hindi kumpletong bababayaran ng kapitalista ang walong oras na paggawa, dahil karaniwan, malaki na ang apat na oras na paggawa ay bayad na ang manggagawa, at ang natitirang oras bawat araw ay libre na.

Ang panghuli kasamang Leny,   ating pag-isipan:

1.  Anong klaseng kalikasan, kapaligiran, at sistema ng lipunan ang ating ipamamana sa susunod na henerasyon kung wala tayong gagawin ngayon upang protektahan ito?

2.   Nais ba nating wasak na kapaligiran ang ating ipamana sa kanila?

3.  Kong hindi……. Nawa’y isapuso natin ang awiting “Masdan Mo Ang Kapaligiran” ng bandang ASIN na siyang itinuturing na theme song ng mga mapagmahal saating se\gment na bantay kalikasan.

 aNG INYONG KAKA ALIH,   MARAMING SAMALAT, FIYO BAGI MUYAG TOM.. WASSALAMU ALAIKUM WARAHMATULLAHI WABARAKATUH.

 

Posted by kakaalih at 10:14 am | permalink | comments[63]

Pangangalaga sa Celpon na Nahulog sa Tubig

September 2, 2008

(part of the script  ni kaka alih para sa programang  “Udto na  Adi (Kapayapaan)”  11:00-12:00 noon  July 2, 2008)

 ”Malas, sa lahat ng Malas! Sigaw ni Kuya…“  Bakit? “nahulog ang celpon ko sa bathtub na may tubig”, (sigoro sa palanggana na may tubig, bakit may bath tub ba sa Upi?) Sa CR madaling paniwalaan, ok saan man nahulog basta nahulog sa tubig…   O nahulog sa baha habang malakas ang ulan? Huwag itapon sa basura ang celpon pwede pang mailigtas… makinig ka sa ating programa……

narito ang mga guidelines na maari mong mailigtas ang celpon mo (na hindi mo na maitatapon sa basurahan, kasi baka di mo alam ssaan mo itatapon sa bio-degradable; Recyclable waste; residual waste or Toxic waste ba iyan… saan ba talaga itatapon
Ate Glo kong Celpon??):

1. ‘Wag magdalawang isip, ihaon sa tubig kaagad ang iyong celpon na nahulog sa tubig.

2. Madali!  As quickly as possible, tanggalin ang baterya (hindi ka makaintindi…) remove the battery. Mas malaki ang chance na ma-save mo ang celpon mo kung tatanggalin agad ang baterya nito… bakit?…. dahil may kuryente na dumadaloy dito kaya dapat madis-connect (kahit may load pa, di tulad sa Magelco disconnect pag di nakabayad ng 3 months.)

3. Iyugyog mo Day….I mean…Shake the water out of your cell phone. (PLAY LAUGHING)  Hold it tight, baka mabitiwan mo eh matapon at mabasag pa iyan..  baka di ka na mabilhan ulit ni Papa… then shake it out with large downward arm movements, as if you were losing your temper and throwing a fit. Kung maraming tubig ang lalabas sa pag-shake mo, meaning mas madaling matutuyo at effective and technique na ‘ to

4. Tanggalin ang mga dumikit pang tubig… Remove the excess water. Sacrifice many sheets of absorbing paper and press them against your cell phone. Tissue paper.. mayroon… or tuyong pamunas ang pwedeng gamitin, syempre iyong hindi pa nagamit ni  Ate… kung wala, t-shirt mo na lang, total hindi naman ikaw ang naglalaba.

5. Ulitin ang ganitong patakaran ng 3-4 na beses….Repeat steps 3 and 4. I-shake mo lang paulit ulit and tuyuin ng tissue or pamunas.

6. Hayaan na matuyo ang celpon at battery nito….Let both the cell phone and battery dry. I-pwesto ang gadget sa mahangin at tuyong lugar, sa window ng room (mag-ingat lang sa magnanakaw kung marami kang kapit-bahay). OK din siyang ilagay sa ibabaw ng TV dahil sa heat na inilalabas nito, habang nanonood ng Lobo? Akala ko di na aabutan ang Lobo . Pero wag na wag ilalagay malapit sa microwave oven or heater, dahil sa sobrang init nito baka pumutok ang battery, baka mapagkamang kang bomber, eh alert pa naman ngayon ang mga bomb expert sa mga bomba .

7. Hayaan matuyo ng 24 na oras…….Let it dry for at least 24 hours (kong gusto mo 3 araw na patuyo.. tatlong araw rin na walang text… kalimutan ko tanggalin din pala ang simpack.. patuyuin din  at pag tuyo … na manghiram ka ng celpon ng kaibigan at magtext sa mga text mate na tatlong araw kang mawawala dahil nalunog ka… ehe… nahulog sa tubig ang unti mo).Kung meron pang lumalabas na tubig sa pag shake after 24 hours, kumuha ka ng balde.. libre na na kayo.. baka dyan na lumipat ang Rumagongrong Fall… patagalin pa ulit ng 24 hours.

Dagdag na tip:(HINDI tip sa last two o last 3, dahil wala na iyan hinuhuli na ng  Kapulisan ng Upi… totoo …? talaga?… hinuhuli?)

1. Kong ang celpon ay sa dagat nahulog…(kailangan sisirin mo)  kailangan mo  ng tubig na tabang.. mineral water.. is the best…. If your cell phone falls in salt water, rinse it completely with fresh water before proceeding to the steps mentioned here. Bakit kailangan ang mineral water eh este tubing tabang???   Bakal na nalagyan ng alat ay madaling kalawangin…..The salt can further damage your cell phone and increase the risk of corrosion. Banlawan ng fresh na tubig bago sundin ang steps sa taas, para matanggal ang mga buhangin or asin na pumasok.

2. Paalaala huwag ilagay sa apoy o malapit sa apoy…Never place the battery near a source of heat. It may explode!  (baka mapagkamalang kang  bomber… mahuli ka pa ng IED)…………………………………………………………………………………………………………………………………………………………….

Posted by kakaalih at 10:10 am | permalink | comments[23]

Kumusta ang Estado Ng Kalikasan ng Bansa sa Ngayon?

September 1, 2008
   

(Bahagi ng script na sinulat ni Kaka Alih bilang segemtn producer at writer para sa programang “Bantay Bayan Boses ng Sambayanan’ sa segment nitong “Bantay kalikasan” -july 9, 2008- anchorperson ay si Lenyrose Bajar at Co Anchor ay si Kaka Ali- naguong araw ng Miyerkules July 9 2008 sa himpilang DXUP FM 105.5 MHz)

·          Ang kalikasan sa ating bansa sa kasalukuyan ay masasabi natin nasa di magandang kalagayan dahil sa pag-abuso ng mismong mamamayan ng ating bansa.  

·          Ang ating mga bukirin at kagubatan na noon ay puno ng mga kahoy o masaganang likas yaman ngayon ay nakalbo na.  Ito ay dahil sa illegal logging na talamak sa ating bansa.

·          Ikalawa sa ating karagatan kung saan ang mga lamang dagat ay inaabuso ng mga mangingisda sa pagtatapon ng mga toxic kung saan nalalason ang mga ito.

·          Ang ating mga ilog, kahapon nga pala  may text tayong tinanggap, na may nangongorente raw ng isda sa mga natitira pang ilog natin dito sa Upi, sabi ng texter masama ito dahil pati ang maliliit na i\sda at itlog nito  ay nadadamay, may pakinabang nga siya na nangongorente ng isda , ngunit mas malaki ang kanyang napipinsala, dahil nauubos niya ang isda.

·          Ang lunsod ng maynila ay pinakamarumi at polluted sa ating bansa, ngunit ang bayan natin ang Upi kong hindi natin aalagaan susunod sa Lungsod ng Maynila.

·          Mga baradong kanal,at napakaruming ilog,tambak na basura at mga kemikal na lumilikha ng pollusyon sa hangin at tubig.

·          Ito ang pilipinas ngayon kaya tao,mga tao ay dapat mag-isip at pangalagaan ang kalikasan.

Dapat ang mga Mamayan ng Upi may Malasakit at Pakikilahok sa mga Gawaing Pambayan

Alam ba ninyo mga kapatid na nakikinig na anumang ganda ng proyekto at gastusan pa ito ng pamahalaan, ng mga funding institution, na nasa ibang bansa ay  hindi magiging ganap ang tagumpay nito kung walang suporta at pagpapahalaga rito ang taumbayan. Yes hindi magtatagumpay kong ang mga taga Upi ay magbingi-bingihan, silay matulog-tulugan. Magiging tagumpay ito kong tayo ay magkaisa at magtutulungan. Tiyak ang tagumpay ng isang gawain kung may malasakit at may pakikilahok ang pinag-uukulan ng mamayan. 

Ang mga mamayan ay ugat ng  ng pagsulong ng isang bansa.

May mga bahaging nangangailangan ng pakikilahok ng mamamayan tungo sa pagsulong ng kanyang bansa. Ang pagmamalasakit at pagtugon sa mga suliranin at usaping kinakaharap ng ating bansang Pilipinas ang Bansang Maharlika, ayon sa dating Pangulo ng Pilipinas, ang pagsali at pagtugon sa mga programang isinusulong ng mga NGO at ng goberno ay isang pagpapatunay ng pagmamahal sa bayan.

Mga kapatid na taga Upi, Sa kasalukuyang panahon, isa sa mga usaping kinakaharap ng bansa, ng ating baying Upi  at maging ng maraming bansa sa mundo at bayan ay ang pangangalaga sa ating kapaligiran.

Sa maraming paraan maaaring makilahok ang taumbayan upang pangalagaan ang kapaligiran. Mga halimbawa ang wastong paggamit ng mga yamang likas, pagpapanatili ng mga kagubatan sa pamamagitan ng pagbabawal sa iligal na pagtotroso, pagputol ng mga punong kahoy sa mga malapit sa mga bukal, halimbawa yaong diyan sa Barangay Kibucay, mayroon diyan tubig mula sa bukal ngunit may nagkaingin sa paanan ng bundok kong saan nagmumula ang tubig, sana pinigil ng mga mamayan lalo ng mga Barangay Official. Sana  pagtatanim ng mga puno an g ating gagawin, ng sa gayon ay ma palitan ang mga naputol na punong kahoy, hindi pagtatapon ng basura sa mga katawang tubig, hindi pagtatapon ng basura sa mga kanal at Nuro creek,  hindi pagsusunog ng basura upang maiwasan ang pagkabutas ng ozone layer at marami pang iba.

Maraming pamayanan na sa bansa ang ipinatutupad na ang zero waste management o hangga’t maaari ay walang basura, ang recycling o paggamit muli ng mga patapon nang basura; waste segregation o pagbubukod ng mga hasura sa nabubulok at di-nabubulok. Tulad halimbawa ang ginawa ng local na pamahalaan ng Upi, nagpasa ng Muncipal Ordinance # 3: Comprehensive  Ecological  Sdolid Waste Management.

Alam ba ninyo sa ibang bayan at lungsod ng ating bansa sa ngayon? Unti-unti na ring nagiging popular ang paggamit ng natural na lalagyan sa pamimili, tulad halimbawa ng basket. Iniiwasan na nila ang paggamit ng plastik na supot bilang lalagyan ng mga pinamili at pagkatapos ay itatapon na lamang sa basura at nakadaragdag pa sa kalat o di kaya’y banta sa kapaligiran, dahil hindi ito basta nabubulok at nagiging bara ng mga kanal at ilog.

Kung paiiralin ng mga tao ay pagmamalasakit sa kapakanan ng nakararami, hindi malayong magtagumpay ang anumang adhikain o proyekto ng pamahalaan.

Posted by kakaalih at 10:11 am | permalink | comments[399]