"Time is Life"

Home » Archives » 20. September 2008

MOA-AD ni Al Murad:MILF

September 20, 2008

Kaka Alih-September 20, 2008

 
August 13, 2008-DARAPANAN, Sultan Kudarat, Shariff Kabunsuan-- “Ang  Moro Islamic Liberation Front (MILF)  ay bukas sa pagapapatuloy ng usapang pangkapayaan, ngunit hindi sang-ayon sa renegotiation ng  Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) dahil ito ay tapos ang pag-uusap dito..” ito sabi ng Amerul Mujihideen ng MILF na si   Al Haj Murad Ebrahim, sa press con kahapon sa Darapan, Sultan Kudarat, Shariff Kabunsuan.

Inulan ng sunod -sunod na katanungan ang mga lider ng MILF sa press conference na umabot ng dalawang oras kalahati pagkatapos na basahin ni Al Murad Ebrahim ang dalawang pahinang mensahe ng MILF, tungkol sa pagkatapos na mabigigong mapirmahan ang MOA-AD sa Malaysia noong Agust 5, 2008.

“Bakit ngayon lang nakita ng mga senador at korte suprema ang mga mali ng MOA-AD, samantalang pinag-usapan ito ng mgakabilang panel ng apat na taon at bago pa nagbigay ng initial noong July 27, 2008 ay pinapag-aralan pa ito sa experto na mga abugado, “paliwanag ni Murad.
Sa tanong kong isusuko nila ang mga “renegede” commanders na umatake sa North Cotabato at Lanao Del Sur, ay pinaliwanag ni Murad na ang MILF ay isang revolutionary na grupo, at kalaban ang goberno, walang ugnayan ang dalawa kundi ang peace process, kaya nararapat na ang magbibigay desisiyon ay ang peace panel, dahil may mekanismo silang itinatag na kong papaano ireresolba ang mga ganitong problema.

“Kinakailangan ang masusing imbistigasyon sa pangyayari.. na magagawa lamang ng third party, na walang pinapanigan.. dugtong ni Murad.

Ayon naman kay Atty Michael Mastura, senior member ng MILF panel, ay hindi nangyari sa  mga revolutioanry group na isusuko ang membro sa kalaban.  Ang MILF ay may sariling batas na sinusunod at pinaiiral sa kanyang mga lahat ng membro.

Ayon pa kay Murad, ang opensiba ng militar na ayon sa goberno ay para kay Commander Ameril Umbra Kato ngunit ang katotohanan sa ngayon ay  bakbakan  sa pagitan ng   MILF forces  na walang kinalaman sa pag-ataake sa North Cotabato. Ang walang patumanggang pag-huhulog ng mga bomba at mortal shelling ng militar ng goberno ng Pilipinas sa mga lugar ng Bangsamoro ay  tunay na naapektuhan ay ang mamayang Moro hindi ang Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF).

Sa panahon na ito ay umabot na mahigit isang daang libong mamayan ang naapektuhan ng giyera at daang ektarya ng taniman ang nasira maliban ba sa mga buhay na nalagas.

Panawagan ng mga sektor, pirmahan na ang MOA-AD upang matigil na ang putukan, at ituloy ang pag-uusap ng magkabilang panig upang marating ang tunay na kasagutan sa problema ng mga Bangsamoro.
Posted by kakaalih at 11:05 am | permalink | comments[4]