"Time is Life"

Home » Archives » 17. September 2008

Papaano Uunlad ang Bayan?

September 17, 2008
   

(Script na sinulat Kaka Alih September 15, 2008 para sa progrmang Kapayapaan)

Dapat ang goberno hindi mangurakot” iyan ang madalas na maririnig mo sa mga mamayan. Ang tanong tama ba iyan?  Sino ba talaga ang goberno, hindi tayong mamayan?  Hindi ba ang gobernong ito ay demokrasiya?  Anong democracy= “Ang demokrasya ay ang pamamahala ng mga tao (mula sa Griyego: demos, “mga tao,” at kratos, “paghahari” o “pamamahala“)..”

Aminin natin na sangkatutak na nga talaga problema ng Pilipinas, ang tanong may pag-asa pa ba tayo? . my answer is Yes positive, dapat huwag   tayong mawalan ng pag-asa  . humulagpos tayo sa ating mental  kolonisasyon… ipinama ng mga nagging “colonizers” natin na sila ang magaling at tayo “segunda Mano” lamang.  Itatak natin sa ating isipan at puso na “kaya natin ito”.

Sana maliban sa mga negatibong obserbasyon, magbigay din tayo ng mga positibo na likas sa ating mga Pilipino na maipagmamalaki natin.

Halimbawa:   “likas sa atin ang pagkakaroon ng close family ties”, tugon ng isang retiradong guro. “Diba sa ibang mauunlad na bansa, kadalasan pinapaubaya na lang sa mga caregivers ang pag-aalaga sa mga matatanda.”

Ito ang isa pang positibong sagot: “…unahin and edukasyon ng ating mga mamamayan” advise ni Ustadz Muhamad Taha Yusof (guro sa Arabic school sa Upi).

Tama si Ustadz, marami sa ating mga mamamayan ang hindi alam ang mga proseso sa gobyerno, marami rin ang hindi alam ang pinagkaiba ng Senate sa Congress, kahit ako   hindi ko alam ang tunay na struktura ng gobyerno,  Democracy raw tayo, pero anung klase? Free Capital pero may kulang, di ba minsan  kailangan  din natin ng political science?

…dapat highschool palang ituro na and economics  politics at sistemang  goberno na dapat pairalin” tugon ng isang educators na nainterview natin.,

Yes,  marami sa ating mga kabayan ang hindi aabot na makapasok sa Unibersidad o college.. ditto sa bayan ng Upi, mapalad na ang makatungngong sa high school.

Dapat alam natin  paano nilalakad and bansa at kung bakit ginagawa ang mga “bill and policy”, sa totoo lang kahit ako natuto lang ako sa mga term na ito ng nasa media na ako.

Ayon sa isang nakasama natin sa seminar workshop:

ang kulang lang satin ay pagmamahal sa sariling bayan, ang tao natin laging pinapagbintangan ang goberno, pero kelangan din natin kumilos hindi lamang ang gobyerno, sabi nga ay democracy tayo, kaya may kapangyarihan ang boses natin (tulad sa EDSA I and II), pero kelangan din natin alamin ang limitasyon ng kakayahan na ito, hindi lahat ay gagawin ng gobyerno,o hindi lahat gagawin ng mamamayan, alalahanin ang Pilipinas ay isang pamilya.”

“Dapat matuto tayong  sumunod sa batas papaano kasi kahit simpleng batas lamang, tulad ng traffic rules di sinusunod ng mamayan.” Payo naman ng isang municipal kagawad ng Upi

Kailangan seryosohin na natin ang sinasabi nating pag-unlad, dapat lahat tayo ay  kikilos, kung ang gobyerno man ay walang ginagawa, atleast tayo kumilos, kung mapaganda natin ang paligid o ambianace  sa Pilipinas pwedeng tumaas ang tourism natin. 

Alam nyo napansin ko kasi dito sa Pinas ang ibang Pilipino   lakas manglait sa kapuwa Pinoy, ganito kasi ang problema  natin ay hindi natin tinitingnan ang mga mabuting gawain ng gobyerno, ang hinahanap lagi ng reporter ay yum mga basurang ginagawa nila, kung may ipakita naman na maganda, ang sinasabi natin ay “ngayon lang yan”, o di kaya “hindi yan totoo”.

“Kailangan itaas rin ang morale ng ating mga kababayan, kailangan rin mahalin natin ang ating sariling kultura, mayroon pa rin sa ating mga mamayan na hindi nila kilala ang kanilang sariling kultura at kaugalian, kong minsan pa ikinahihiya nila na sila ay nabibilang sa kanilang tribu.”  E-mail ng isang peace advocates na ngayon ay nakabase na sa Cotabato City.

Madali lang Kaka, teach Pinoys na   to plant malungay para hindi na sila manghingi.. bigyan sila ng talbos ng kamote para makatanim at din a manghingi sa kapitbahay.. bigyan ng buto ng kamatis, para di nabumili sa palengke.” Dagdag ng kaibigan guro.

“Regaluhan ng    tandang at inahin na manok na walang bird flu para  paramihin at

sigoradohing  hindi gawing pulutan or pang ulam ang inahin para dumami pa”. biro ni Maestro, nakaugalian kong tawag sa kaibigang guro.

Ang mga tao sa pamayanan walang sakit, dapat malinis ang kanilang kapaligiran. Dapat  isulong nila ang family planning program. “ paliwanag ni Jackielyn “Life Saver” Gamit, health worker Derpartment of Health sa byan ng Upi.

“…use condom kayong mga lalaki, sa mga babae pumunta   sa health center tutulungan naming kayo  .. para hindi masyadong maraming palamunin.” Dagdag Life Saver.

Para  naman sa isang manunulat sa  blog: “Disiplina ang kailangan”  Ang tanong papaano mo ipapatupad ang disiplina?

Para kay Marvin: “Magiging maulnalad ang pamayanan pag ang mga tao ay reklihiyoso” nagbabayad sila ng kaukulang buwis, may proyekto silang pinatutpad sa kanilang mga barangay”

Ikaw kaibigan my alam ka ba papaano paunlarin ang iyong bayan?

source: http://dxup.multiply.com/

Posted by kakaalih at 9:47 am | permalink | comments[1]