Magandang umaga sa lahat ng mga mag-sasaka dahil masaya kayo dahil umulan kagabi pa at tiyak maganda ang tubig ng ating mga farm at maganda ang tubo ng ating mga pananim.
Ang topics natin ngayon araw ng Lunes May 12, 2008 at ika 9 ng Jumadil Ula 1429, sa Hijri calendar ay sisimulan natin sa isang maikling kuwento.
“Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.
Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang- hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.
“Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?” pakiusap ng kalabaw.
“
“Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init angkatawan ko,” pakiusap pa rin ng kalabaw.
“Bahala ka sa buhay mo,” naiinis na sagot ng kabayo.
Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw.
Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.
“Kung tinulungan ko
anong nakuha nating aral sa ating kuwento?
Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay magtutulungan. Ang pag-sisi ay nasa bandang huli.
Sa binigay natin na pabula o maikling kuwento, na tungkol sa kalabaw at kabayo ay pwede nating gamitin sa pag-araw araw na pamumuhay natin, halimbawa:
Kong may mga programa, di ba SOP na natin ang magkakaroon tayo ng mga committee? Dito kong minsan ang napapansin natin ang chairman lang ng committee ang nagtratrabaho, wala ang kanyang mga kasama, ang rason ng iba, hindi naman ako sinabihan o kong sinabihan, (o talagang sadyang pabaya ka kaibigan).
Ok, Sa una maaring totoo na hindi ka sinabihan o well inform, sa kasong ganyan, madali ang sulosyon. Ganito ang dapat gawin: ang Chairman naman ay i-coordinate o kausapin niya ang kanyang mga kasama, huwag presumed o inaakala na alam na ng mga membro ang kanilang gagawin, dahil ang sabi mo sa sarili ay nasabi o naisulat na, sila ay mga kasama sa nasabing committee. Kailangan ang proper planning, pag-isipan o planuhin ang mga gagawin , kailangan ang tasking o pagbibigay ng assignment o gagawin ng bawat membro at ikaw naman na membro dapat inaalam mo o alam mo ang iyong task o assignment. Sa mga committee ay parang larong basketball, na kailangan ang team up ng grupo, kundi hindi kayo mananalo sa laro kong mag-isa mong drible ang bola at hindi mo na ipapasa sa iba o hindi kayo magpasahan o wala kayong coordinated efforts para mai-shoot ang bola sa ring.
May isa pang tayong kuwento: may isang malaking sasakyan pangtubig, na marami ang nakasakay at ang pagkuha sa tubig ay kailangan umakyat at lumabas bago ka makasalok ng tubig. Ang mga tao sa taas ng sasakyan madalai ang pagsalok nila ng tubig samantalang ang nasa ibaba ay kailangan pang umakyat sa taas bago makasalok ng tubig mula sa labas ng sasakyan. Kaya ag sabi ng nasa ibaba bakit pa tayo naghihirap sa pag-salok ng tubig na dito naman mlapit sa atin ang tubig ang kailangan lamang ay butasin natin ang tagiliran nitong sasakyan natin. Ngayon pag hindi pinigil ng nasa itaas ang gagawin ng nasa ibaba sila ay lulubog sa tubig at kapahamakan para sa kanilang lahat.
Ang aral dito ay kailangan pigilan mo ang alam na hindi tama, para sa kabutihan ng lahat.
(PLAY THE PLUG BY USTADZ LINAS- STOP BAD THINGS)
Sa dalawang magkasunog na kuwento ay may kaugnayan sa isat isa, balikan natin ang halimbawa natin, sa mga programa, (closing ng mga paaralan o madraza, family reunion, organizational anniversary o extrta activities) marami ang mga gagawin, dito kailangan ng proper planning, kailangan ang mga committee, at hindi basta committee na nakasulat lamang sa papel kundi working committee, trabaho at kailangan dito ang well coordinated sa bawat grupo o bawat member ng committee.
Halimbawa na kailangan na mag-coordinate at hall preparation at ang food committee papaano ang arrangement ng mga mesa, Kailangan din ang “centralized” ang activities. Sa committee, ito ang over-all-chairman o executive committee kailangan alam ng nasa over-all-all ang
Ang napansin natin binuo ang committee for the sake of invitation program na ipapadala o kaya ay kinopya lamang sa nanga-unang programa. Kailangan dito na alamin mo o alam ng lahat, mangyayari lamang ito kong may meeting at nag-aatend ka rin ng meeting, dahil papaano mo malalaman kong walang meeting o hindi ka dumalo o inalam ang pinag-usapan sa meeting.
Ang payo natin sa chairman ng committee pag-aralan papaano maging epektibo sa pag-sasagawa ng pulong (how to conduct effective meeting?).