"Time is Life"

Home » Archives » 04. September 2008

Mga Basic Knowledge na Dapat Sana ay Maituro sa mga Paaralan sa Lugar na Magkakaiba ang Relihiyon: Islam at Kristiyano

September 4, 2008

(sinulat ni Kaka Alih-May 7, 2008-para sa script ng programang Kapayapaan 5:30-6:30 ng umaga)

At dahil sa ngayon ay bakasyon ng mga Maestra at Maestro, pupil at mga studyante, at alam natin na karamihan ay nasa kanilang mga tahanan at nakikiig sa ating himpilang DXUP FM,  minarapat nating balikan ang mga iba nating topics na concern ang mga Guro at mga mag-aaral.  Noong January 11, 2008 ay may topic tayong tinalakay at nai-post natin sa ating blog na: http://dxup.multiply.com, at http://correctme.multiply.com.:

Ang tanong ay dapat bang ituro sa paaralan ang “Basic knowlwdge in  Islam”?

Kapag ganito raw, ang tanong tiyak   ang agad mong maririnig na sagot : “hindi pwede dahil ang Islam ay relihiyon, at ang relihiyong Islam ay para sa mga Muslim lamang at ang mga paaralan natin ay magkakaiba ng relihiyon ng mga nag-aaral doon, may Kristiyanismo at Islam ang pinnaniniwalan.  Pangalawa Ang systemang goberno natin ay ihawalay ang simbahan at goberno” (system of our government is separation of the church and state).

Sa unang dinig mo pa sa    kasagutan na ito   ay masasabi mong tama!. Hindi Ba? Ngunit….  Ang tanong lahat ba ng tamang sagot ay siyang makakabuti para sa lahat o karamihan?  Kong   ‘di naman  ay ganito ang maitatanong natin, “Ang lahat ba ng tamang kasagutan ay   tunay na katotohanan?”

Base sa mga karanasan natin,  hindi ba may mga holiday tayo, (mga Muslim) ang Eidel fiter at Adha, Amon Jaded (New Year), Izra wal Miraj (Assencion to Heaven) by Prophet Muhammad (SAW) ang lahat ng ito ay iginagalang ng goberno ng Pilipinas, sa mga araw na ito ay deklaradong holiday. Ngunit ang problema, heto hindi natin alam kailan ang dapat na araw, ang pag-celebrate.  Papaano mo isasagawa ang bagay na di mo alam? sapagkat hindi natin alam ang hijri calendar dahil hindi ito ginagamit at lalong hindi itinuturo sa mga paaralan natin sa ngayon. Ngunit  napakahalaga ang bagay na ito dahil ang tatlong nabanggit na holiday ay doon ibinasi at hindi sa Gregorian calendar. Tama mo pa ba?

Heto pa ang mga ibang impormasyon na dapat alam ng bawat mamayan lalot sa isang lugar na iba-iba ang paniniwala, na may Muslim at Kristiyano. Dapt malaman natin na ang mga kapatid na  Muslim ay hindi kumakain ng Haraam, ang tanong alam ba natin ang Haram?  At Ano ang Halal? Ang alam lang natin na haram ay ang karne ng  baboy, samantala isa lamang ang baboy na pagkain na haram o hindi pwedeng  kainin ng mga Muslim. Dont worry doon sa nagtatanong at nagrequest ang topics na Haram at Halal tatalakayin natin sa susunod na mga programa , Insha Allah.

Ang mungkahi ng isang retiradong guro: “Kong ako ang tatanungin dapat maituro sa lahat ang basic teaching ng Islam, sa lahat lalo na sa mga lugar na may Muslim, bakit? Dahil kong may sapat kang kaalaman sa Islam, marerespetuhan mo ng tama ang iyong mga kapatid na Muslim”.

Ituloy natin ang pagpapaliwanag ni Maestro: “Noon ang akala ko bakit ko pa pag-aaksayahan ang Islam ay mayroon na akong relihiyon, ngunit ngayon ay napagtanto ko na mali pala, dahil marami akong nagawa na hindi ko dapat ginawa dahil yaon ay labag sa pakikipagkapuwa tao, lalao sa mga kapatid na Muslim dahi nasasakripisyo ang kanilang paniniwala sa Islam.”

Kong alam natin ang batas ng pag-aasawa,ang “wisdom of marriage in Islam”, sana hindi na natin magagawa na parang tinutuya natin ang mga kapatid na Muslim sa pag-aasawa muli ng pangalawa, pangatlo hanggang pang-apat.

Ang lahat ng ito ay nagagawa natin, kahit na nasasakripisyo na ang pananampalataya ng mga kapatid na Muslim,  dahil hindi nga  natin alam ang katuruan ng Islam, dahil walang nagbibigay ang tamang impormasyon tungkol dito.

Sa paaralan pinag-aaralan natin ang halos lahat ng karunungan. Ngnunit hindi ang Islam (basic knowledge of Islam).  Bakit hindi ba pwede incorporate ang basic teaching ng Islam sa ating pagtuturo sa paaralan? Ang Islam ay hindi lamang pag-relihiyon kundi lahat ng aspeto ay kanyang sakop: ang agham, social, batas, goberno at iba pa.

Ang prinsipyo ng Islam ay hindi pwede paghiwalayin ang goberno at ang relihiyon, kong ano ang patakaran ng Islam iyon din ang dapat susundin ng goberno nito.

Sa situwasyon natin sa ating bansa, paano mo irere-concile ang dalawa na magkasalungat? May “separation of the church and the state” ang pinaiiral na sistema ng ating bansang Pilipinas, samantala ang Islam na siyang pinaniniwalaan ng halos lahat ng mga Moro at milyon-milyon Pilipino na ngayon ay Muslim na rin,  ay no separation of the church at state ang dapat ang sistema na goberno, dahil ganoon ang turo ng Islam.

Ang tanong sino ang dapat baguhin?  Ang tao ba ang mag adjust o ang sistema ng goberno ang babaguhin para magkaintindihan?.

Marahi, kong ang mga mamayan natin ay may sapat na kaalaman kahit sa basic knowledge of Islam, ay marahil ay hindi tayo magkakaroon ng mga social problem na tulad ngayon. Halimbawa ng mga sinasabi natin an social problem ay:

  • Na kapag ang isang Muslim ay hindi nakihalubilo sa mga kapatid na Kristiyano sa mga occassion, sasabihin natin na walang “pakisama”. Kong kaya kahit ito ay labag sa Islam ay napipilitan ang kapatid na Muslim na gawin,  para lamang maipakita sa kapatid na Kristiyano na marunong din siyang makipagkaibigan, makisama,  ngunit dahil pareho silang walang kaalaman sa Islam, ay nagagawa nila ang mga hindi dapat gawain o kainin.
  • Sa mga Muslim, dapat pagsapit ng bata sa pitong taon, ay dapat mag-sambayang na siya ng limang beses isang araw. May programa ba tayo na dapat nila itong matutuhan, sabi ng texter, sa private school iyan dapat ituro, sa mga Islamic  School, tama ka kaibigan, ngunit ang issue papaano ang public school na doon nag-aaral ang isang ordinaryong Muslim, di kaya sa pribadong paaralan?
  • Wala sa mga Muslim ang Christmas, ngunit ipinagdiriwang natin, alam ba ito ng mga anak natin?
  • Ang haram ay hindi lang karne ng baboy, anomang nahaluan ng laman o lana  niyon ay haram din. Ang alak na makalasing ay haram din, sa nagpabili, bumili, gumawa, pinayagan at uminom ay haram sa kanilang lahat.
  • Ang damit ng kababaihan ay iba sa kalalakihan, at dapat ang babae at lalaki ay natatakpan ang kanilang “awrat” (kahubaran).”

Kayo na mga giliw na nakikinig may dahilan ba na ituturo din ang basic knowledge in Islam sa mga paaralan?

Narito ang ilang mga reaction na mga text na tinanggap natin sa programa na sinagot natin ang iba:

Text - January 11, 2008

(some, only the relevant to the topics-yaong greeting ay hindi ko na isinama)

   1. 09066032157-Kapayapaan-ang mga Muslim ba ay hindi naniniwala that Jesus was born on Christmas dats y Christian keep on Celebrating… from Kim

   2. 09057828230-Kapayapaan-walang xmas ang mga  Muslim pero naniniwala ba cila sa x’mas?

   3. 09057828230-Kapayapaan-kong ang isang Muslim ba ay sumali sa x’mas party, nagkasala na ba xa.. cindy

Sago ni Kaka Alih sa program: depende sa niyat o intention,ngunit kong regular ng ginagawa ito ay hidni maganda.

   4. 09057828230-Kapayapaan wat is the difference between the word  haram and halal? Cindy

   5. 09265224689-Bapa mahilig ka rin pala ng maistra parihas  tayo BBS

   6. 09057828230-Kapayapaan kya marami ang mga teacher na babae kasi masisipag cla kumpara sa mga lalaki dib a . Cindy

   7. 09263475443-kapayapaan kaka ask ko lang f anu ba ang layunin  ng survey ng dxup? from LM

   8. 09193472577-kapayapaan holiday p b ngayon? From NDU

   9. 09193472577= ayna ang ganda ng musika mo nakaka inlab super.

  10. 09057828230-I think ndi na sigoro kailangan kc pag naghanap na tau ng work,  di naman iyan kailangan- Cindy

  11. 09186375073-kapayapaan comment q lang sa topics n tinatlakay mo wag ka ng maging one sided sa mga ideas na ibinibigay mo.

Sagot ni Kaka Alih sa program:  “sinsabi lamang natin ang dapat malaman, dahil sino ba a g dapat magsabi nito, hindi ba kami na mga Muslim din? Malalaman ba natin itong mga problemang ito kong kami-kami lang ang mag-uusap-usap?, sa problema ba natin ngayon ay hindi ba kasali tayo sa mga problema, lahat tayo ang may problema, kaya dapat sama sama natin  itong isolve. Kong wala ang ating programa, malalaman ba natin ito? Ngayon lang natin ito pinag-uusapan, dahil may radio na tayo. Ang layunin na dito ay upang buksan ang mga usapin na maaring makasolve sa problema.”

  12. 09186375073-kapayapaan ang mga muslim na nakikipagclebrate ng xmas e nagparaktis na xa ng xmas. Nakikcbrate lang ka2lad ng mga Christians na nakikipagcelbrate din mga okasyon ng Muslims.

  13. 0921711796-kapayapaan alam mo bapa parang purpose mo iinsist talga ang islam at usaping kulturang Muslim sa yong programa..dapati yan ibahin iyang pamagat ng programa mo dahil di nagdudulot ng kapayapaan yan.

  14. 09197947128 kapayapan ask ko lang poh holiday po ba ngayon from Loraine

  15. 09217117965 kapayapaan bapa huwag ka magsabi na Islam is not a mere religion.. para ka mang di  Muslim… Islam a religion per se .. and any religion s a way of life and influences everything…

Sagot ni Kaka Alih sa program: Ang religion Islam is Deen ul Islam.. it is not a mere religion a way of life, as the Quran said.

  16. 09217117965-kapayapaan ang pagtuturo ng Islam ay d  dapat  ituro sa public, ituro lamang  ang religion  (islam or Christianity) sa private educ institution ngunit depende  pa rin ito sa Admin ng skul…

Sagot ni Kaka Alih sa program: Ang basic kanowldege of Islam ay dapat, ngunit ang religion Islam (completely) ay hindi, dahil nga separation  of the church and the state.

  17. 09193472577-kapayapaan cguro kailangan pa rin  pag aralan ang muslim, kc di naman mali yan kung pag aralan maybe dapat din pag aralan kc wen taking of culture nd tradition, para naman ma-aware ang mga tao about sa culture nd  tradition! Thanks dxup

  18. 09187133083- kapayapaan holiday p ba ngayon? Salamat sa ngababasa na cute

Kayo ng mga kapatid na nakikinig may pinapaninigan ba tayo? Ang tanging layunin natin ay maintindihan ng lahat ang dapat, na malaman na karunungan, tulad ng katatapos na Amon Jaded, deklarado ng  goberno ng ARMM na nakabase sa Hijri calendar,ganon din sa national, Muharram 1, ay Amon Jaded, ayon sa PD 1083,  alam ba natin ang unang buwan sa Hijri na Muharram? Hindi? Kaya nararapat na pag-aralan din ang mahahalagang aralin tungkol sa Islam,  na kahit papaano ay mayroon tayong kaalaman sa mga basic na information tungkol dito.

Correct me If Im Wrong.

Posted by kakaalih at 10:25 am | permalink | comments[55]