"Time is Life"

Home » Archives » 28. August 2008

Mga Bakwet Hindi Babalik

August 28, 2008
 

DXUP FM Balita -  Alih S. Anso August 28, 2008- Lunes

 

Pikit, North Cotabato—Patuloy na nananatili at nakatunganga sa mga evacuation center ang mga nagsilikas na mga mamayan  sanhi ng bakbakan ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng  Moro Islamic Liberation Front (BIAF-MILF) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Agosto.  Ang ibang mga  nagsilikas ay    nasa Buisan bodega, nasa tabing kalsada at sa Pikit Parish social center na lahat ay   mula sa municipyo ng Pikit at Aleosan.

“Kagutem i di nami magaga, ka dala den supply,” (gutom ang di namin kaya, dahil wala ng supply) pahayag ni Samakon Abas, 50, isang residente ng Barangay Bualan.

Ngunit sinabi naman  ng World Food Program na nakapagbigay na sila ng 25 kilos na bigas sa bawat pamilya. 

“Samaya na dikena bo nakapila i kinambakwet nami, nalugat kay ren” (Di lang miminsan kaming nakabakwet, pagod na ako) dagdag ni Abas.    Habang sinariwa nya ang paghihirap ng kanilang dinanas nong magbakwet sila noong   1971,  1973, 2000, at 2003.

“Iya nami bo kapangni na maka gemaw so kawagib no Bangsamoro, ka o makainggay na makalintad tano, Insha Allah” (hiling namin ang katarungan para sa Bangsamoro, upang umiral ang kapayapaan, Kong May Awa ang Diyos),  pahayag naman ni Bonbolen Alilaya, 55, taga Barangay Ginatilan.

Nagsilikas ang mga mamayan dahil sa takot na tamaan ng pina puputok na mga   105 howitzer na kanyon mula sa Army  at nagsasalimbayang bala mula sa ibat-ibang kalibre ng baril   ng naglalabanang pwersa. 

“Ang di namin namin kayang tiisin ay putok ng  105 mm howitzer na nagmumula sa Poblacion Pikit”, dagdag ni Alilaya.

Naunang naiulat na umabot na ang mga bakwet ng    22,000  , na ang 5,000 sa kanila ay mula sa Barangay  Tapudok at Langayen sa bayan ng Aleosan  . Ang ibang barangay ay Silik, Pamalian, Bualan, Kulambog, Katilacan Pagangan, Manaulanan, Lagundi, Nalapaan, Dalingawen at Kalakakan lahat sakop ng Pikit.

“Di kami pan makauli ka pangandam ta sa mga taw ni Pinol,” (Hindi kami makabalik dahil takot kami sa     mga tagasunod ni Pinol), pagpapaliwanag ni Muna Guiama, 40 at Guiamalodin Sugagil, 35 na pawang taga Ginatilan.  Ang kanyang tinutukoy ay si Cotabato Vice – Governor Emmanuel Pinol na kamakailan ay nanawagan sa pag-aarmas ng mga sibilyan.

Samantala nong August 28, sa may  national highway ay  namimigay ng mga relief   ang   DSWD volunteer na si Delia M. Angub dahil may mga     bakwet din may  sa Amanah Evacuation Center sa Inug ug  na may bilang na  47 na pamilya mula sa barangay Kulambog, Pamalian, Manaulanan, Nalapaan,   Manaulanan, Pagangen, Bagolibas at Balong na kanilang serbisyohan.

Ang mga bakwet ay nagpahayag na  mananatili   sa evacuation center   hangga’t nagsasagawa ng military operation  ang AFP at habang  may mga armadong sibilyan na gumagala-gala sa kanilang barangay.

Umaasa ang mga bakwet na sa Buisan bodega at national highway na matuloy   ang usapang pangkapayapaan ng MILF at goberno upang mapirmahan na ang kasunduan sa Ancestral Domain.  Ang pagpirma sa Memorandum of Agreement-sa Ancestral Domain (MOA-AD) sa Kuala Lumpur Malaysia ay di natuloy noong Agosto 5, dahil sa Temporary Restraining Order ng Korte Suprema ng Pilipinas.

Posted by kakaalih at 12:40 pm | permalink | Add comment