"Time is Life"

Home » Archives » 26. August 2008

Bangsamoro at Pilipino: Magkapatid?

August 26, 2008

(Script ni Kaka Alih August 25, 2008 para sa Programang “Udto na Adi” 11:00-12:00 Lunes-Biernes).

Hindi miminsan   nating tinalakay kong  sino ang Bangsamoro. Sino nga ba Sila?  Sila ang mga kapatid natin na hindi sumuko sa mga Espaniol at lumalaban at naihambing nila sa mga nakalaban nila na mga taga Morocco na kaya nman tinawag nilang Moro ang ganoon din mga tao dito sa atin, at nito ng circa 70 ay umusbong ang katawagang  Moro at nitong huli na ay nagiging palasak na sa tainga ang katawagang  Bangsamoro, hindi lang dito sa atin kundi buong mundo na, kong gusto ninyong masubukan just type in the word Bangsamoro sa ano mang search engine sa mga website at tiyak makakakuha kayo ng libo-libong sagot.  Try mo. (nag-try ako sa search engine na google in 3 seconds  193,000 ang resulta)

Moro sa una ang tawag, nitong mga huling panahon ay nadugtongan ng Bangsa na ang kahulugan sa sariling wika natin ng Bangsa ay angkan, kaya naging Bangsamoro na ngayon ang tawag. Nabibilang sa mga tinatawag ngayon na Bangsamoro ay ang tribong M’ranaw, Yakan, Maguindanaon, Iranon, T’duray, Suban’n, Tau Sug at marami pang iba, ang ibang manunulat, tulad ni Prof. Rudy Rodil ay hinati sa sa dalawang kategorya ang Moro, ang Islamized at hindi, o ang ibig sabihin ng Islamized ay tinanggap ang Islam bilang religion at pangalawang kategorya ay nanatili sa kanilang nakaugaliang pananampalataya.. Ito ang nagging katawagang sa kanilang lupain, ang Bangsamoro

Ang tinatawag naman Pilipino ay yaong mamayan na mga taga Pilipinas, na dinatnan dito ng Kastila, na sumunod sa mga kaugalian, relihiyon o iyong mga napilitang magpasakop sa kapangyarihan ng Kastila, dahil wala ng magawa kundi magpasakop dahil talo sila sa lakas at armas sa pakikipaglaban. Ang ilan sa Pilipino ay ang mga Taga-ilog o Tagalog na taga Bulakan at Maynila, mga Ilokano, Ilonggo, Cebuano at iba pang tribo.

Hindi ba ang  magkapatid ay halos magkapareho ng mga kaugalian, paniniwala sa mga salita at iba pang bagay. Ganoon din ba ang Pilipino at Bangsamoro, saan sila magkapareho?

Ang kasagutan sa tanong, ay marami, ngunit magbibigay tayo ng ilang halimbawa; sa pagsasaya o merry making, paano nila ito ipinagdiriwang? pareho dito ang dalawa, sa mga Pilipino tuwing sumasapit ang Pasko o bagong taon, paputok ang common sa dalawa. Halos lahat na yata na pumuputok ay pinapuputok ng mga Pilipino, di baling gumasto ng kayaman pati buhay maipagdiwang lamang ang pasko o bagong taon ng may paputok.

Sa mga Bangsamoro na Muslim, tuwing sasapit ang Id o katapusan ng Ramadan o itong darating na Id’l Adha, ang mga Bangsamoro kahit ito ay sinasabi ng ng mga nakakaalam o ng mga Uztadz na wala ito sa katuruan ng Islam ang pagpapaputok sila ay patuloy pa rin sa namana nilang kaugalian,. Nagpapaputok tuwing sasapit ang araw ng Id,  Di baling may madisgrasya basta maipagdiwang lamang ang isang bagay na may putukan.Ang sabi akin  ng isang  Lolo, iyan Teng ang  namana natin sa mga Intsik, paputok, alalahanin natin na  minsan na tayong dinayo ng mga  Intsik  sa  larangan ng kalakalan.

Sa paghihiganti o vendetta ng isang kaanak na napatay, pareho sila dito, hindi mapalagay ang Pilipino at Bangsamoro na hindi maipaghiganti ang kapatid o kaanak na napatay o naapi, dito lamang sila medyo nagkakaiba, ang Bangsamoro, ay agad naisasakatuparan ang paghihiganti. Bakit? Dahil may armas na hawak hanggang sa ngayon, di tulad ng mga Pilipino na pinagbawalan ng mga Kastila o hanggang ngayon ng goberno na humawak ng sandatang nakakamatay. Samantala sa mga Bangsamoro, dahil sigoro sa hindi nagpasakop nanatiling hawak pa rin ang kanyang sandatang panglaban sa kalaban hanggang sa mga sandaling ito.

Sa mga salita, o wika marami silang similarity ng pagbanggit sa parehong kahulugan, halimbawa: bahay sa Tagalog, balay sa Bisaya at walay sa Bangsamoro at marami pa kong ating ilalahad lahat.

Kaya nararapat lamang na magmahalan, mag-unawan at magrespetuhan ang dalawang angkan na ito dahil malapit silang mag-anak, maliban pa sa iisa ang pinamulang ng lahat ng lahi ng tao mula  kay Adan at Eba.

Posted by kakaalih at 4:10 am | permalink | Add comment