"Time is Life"

Home » Post Item » Ibalik ang Likas na Kalikasan

Ibalik ang Likas na Kalikasan

July 16, 2008

 (Sinulat na ni Kaka Alih-para sa Programang “Bantay Bayan Boses ng Sambyanan” sa segment na “Bantay Kalikasan” July 16, 2008)

Ang pag-uusapan natin sa araw na ito ay tungkol sa Kalikasan. Hindi ba  sa tuwing maririnig  ng ating pandinig ang salitang ito, nalalarawan agad sa ating isipan ang isang malaparaisong kapaligiran?. Mga iba’t ibang nilalang na hitik sa kagandahan, samu’t saring buhay na naninirahan sa malaparaisong kaharian.

Ang lahat ay hahanga sa ganitong tanawin, hindi ba? Paano nga ba hindi ka  mahahalina sa, gayong alam mo na taglay ng kalikasang ito ang lahat ng kanyang mga pangangailangan upang mabuhay sa mundo na kanyang ginagalawan? Dito ay sagana sa mga likas ng yaman, mga kamangha mangha na tanawin na nagbibigay ginhawa at  nagpapangiti sa atin. Bagay na masasabing walang kapantay na ipinagkaloob sa atin ng Panginong Lumikha (Allah)  dahil sa kanyang dakilang pagmamahal  sa tao, sa lahat ng kanyang nilanlang dito sa sansinukob.

Ang tao, siya nga ba ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagbabago ang buong sanlibutan? Sa ating kalikasan?

Nakakalungkot mang isipin ngunit kung ating mamasdan ay isang ganap na pagbabago ang bumabalot sa mundo at sa ating napakagandang kalikasan, at ang katotohanang ito’y ‘di lingid sa ating kaalaman. At ang katotohanang, isa tayo sa mga saksi, saksing nagbubulagbulagan sa kasalakuyang narararanasan ng Inang Kalikasan. Tao ang nagging dahilan ng unti-unting pagkasira ng ating kapaligiran.

Ang tanong ko sa mga giliw na nakikinig, Papaano,   nga ba humantong sa ganitong kalagayan ang ating kalikasan? Ito ba ay dahil   sa pagbabago; mga pagbabago sa mga bagay-bagay dahil sa natatanging kaalaman ng tao? Kaalaman ng tao na siya ring bumabago sa mukha ng kalikasan?

Nariyan ang mga makabagong paraan ng paghahanap buhay gamit ang mga makabagong teknolohiya. Mga makabagong teknolohiya na siya ring nagdudulot ng polusyon sa mga tubig at hangin. Kabilang din ang pagtaas ng bilang populasyon kasabay din ang pagdami ng mga umaasa sa mga kayamanang galing sa kalikasan. Ngunit nakakalungkot ding isipin na minsa’y napapabayaan natin ang pagpapahalaga sa ating mga pinagkukunan ng ating mga pangangailangan, partikular na ang mga kagubatan at ang mga buhay na nakapalood dito.

Sa kabila ng pakikinabang ng tao, ang pang-aabuso ay nariyan na minsa’y tayo rin ang naapektuhan. Sana’y maramdaman din natin na ang kalikasan ay may napakahalagang papel sa ating mga tao. May buhay na kailangang pag-ingatan upang mapanatili ang maayos na sistema sa bawat bagay sa mundong ito na may kanya-kanyang ginagampanan.

Ayong Jess Geralino sa programang Usaping Bayan…”Sana huwag nating hayaan humantong sa pagkakataong maranasan ang galit ng kalikasan  subukan nating gumawa ng mga paraan kung paano mapapanatili ang magandang relasyon ng tao sa kalikasan”.

Hindi pa huli ang lahat upang tayo’y magkaroon ng mga hakbang upang maibalik ang unti-unting pagkawala ng sigla at kagandahang taglay ng “Inang Kalikasan”

Sana’y huwag nating ipagdamot, sanay huwag tayong magtulog-tulogan na masilayan pa ang kagandahang taglay ng kalikasan para sa ating mga susunod pang henerasyon at para sa mga buhay ng bagong kinabukasan!

Posted by kakaalih at 2:27 pm | permalink

Previous Comments

napakaganda po ng isinulat ninyong artikulo, pagpalain nawa kayo ng panginoon,sana nga mamaulat na ang mga tao upang hindi na lumala pa ang sitwasyon ng ating kalikasan

Posted by ley-an l. llamas at January 13, 2009, 6:00 pm

Marming salamat po sa magandang comments.

Kaka Alih

Posted by kaka alih at January 14, 2009, 5:21 am

hello poewh

Posted by angie at March 14, 2009, 8:06 pm

Salam brother in ISLAM. .
Your article that u’ve written here in your blog is very informative to the youth/community of the new generation that will give them knowledge regarding of the history, political, traditions, and etc. . . I’ll make some correction regarding with the spelling of (iranun). . The correct spelling is IRANON. .I hope we can share information regarding the Iranon Tribe (indigenous and multi/ethnolinguistic tribe) as you claimed that u are an Iranon. . As an Iranon from the Royal Datus’ of the Iranon Dynasty from Pagadian City, i would like to congratulate u 4 sharing information to the networld regarding of tradition, religion, political and other other important issues at the present. . Anytime by now their will be a new Muslim historian here in the Island of Mindanao from the Iranon tribe who studied his Ph.D in History at UP Diliman, he is also a Chairman in Political Science and Faculty Regent in Western Mindanao State University. .

Posted by Datu FMCJ at March 15, 2009, 12:35 am

sana ,imulat natin ang ating mga mata na ang bawat buhay na nilikha ni ALLAH o ng PANGINOON ay panandalian lang ,habang naririto pa ang mga ito ay pagyamanin natin,dahil dito rin tayo nakakaraos sa pagtawid sa araw-araw na buhay natin,”give and take ” ika nga nila,wag tayong maging bingi at bulag sa napipintong karamdaman ng ating kaikasan,kaya pa nating sagipin ang bawat himaymay ng problema,magsimula tayo sa sarili nating bakuran,igala nyo ang inyong mga mata at makikita mo kung saan at paano kang magsisimula sa pagsagip ng INANG KALIKASAN.

Posted by ROGELIO at June 20, 2009, 8:23 pm

Assallamu Alaikum to Datu FMCJ..

Sukran for your comments, Insha Allah We will be friends and have regulkar contacts.. here my email address: kaka_alih@yahoo.com.ph.

Please send me your article or messages.

Kaka

Posted by Kaka Alih at June 21, 2009, 7:16 am

Napakaganda namn ng essay na yan
talagang nakakamungkahi sa mga tao na dapat pagingatan ang ating likas na yaman

Posted by XOxo_ZElle at October 26, 2009, 5:22 pm

ang ganda po nakatulong din po sa aking ass. tnx..

Posted by clarissa at November 5, 2009, 6:42 pm

mabuti ng ganyan. npakaganda ng tema! mabuhay!!

Posted by ken at November 17, 2009, 8:18 pm

09172703223

Posted by ken at November 17, 2009, 8:20 pm

Napakaganda naman pong talaga ng inyong theme. Sana marami po sa ating ang maapreciate ang kahalagahan ng atin pong kalikasan. Alam ko pong hindi ganon kadali ang mangumbinsi para mahikayat ang mga tao na huwag abusuhin ang kalikasan bagkus ay hindi nila po ito pinapansin. Darating din po ang araw na ang atin pong kalikasan ay kanilang bibigyang importansya.

Posted by Jesseca Rivera at November 18, 2009, 2:13 pm

i learn something very important from all of you by reading your comments…thanks…maliking tulong nato para sa term paper ko…

Posted by vaughnny gal valeroso at January 22, 2010, 11:13 am

malaking tulong po to sa course ko….

Posted by vaughnny gal valeroso at January 22, 2010, 11:30 am

ok yan pag patuloy mu lng nkagawa aku ng assignment tnx!!!!! ^_^

Posted by Arben at July 8, 2010, 10:28 pm

mali ka!wqeak

Posted by aweasd at July 18, 2010, 10:09 am

Add a comment