Ano ang ibig sabihin ng ekonomiya?
Ayon sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya: Ang ekonomiya ay isang kalipunan ng mga gawain ng tao, pamayanan at institusyon na may kaugnayan sa paglilikha, pamamahagi, palitan, at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo.
Sa ekonomiya ng bansa ng Pilipinas ay nakaugnay sa buwis o taxes ng mga mamayan, sapagkat ang tax na ito ang nagpapagalaw sa lahat ng project ng bansa.
Bakit taxes?
Dahil ang bansa natin, ang Pilipinas ay di katulad ng ibang bansa na may sariling negosyo, oo, noon mayron tayong sariling corporation ngunit dahil ito ay nalulugi, dahil sa hindi maganda pamamalakad o management ay minarapat ng goberno natin na ipagbili sa pribadong sector, kaya sa ngayon ay umaasa ang Pilipinas sa buwis na ibinabayad ng mamayang Pilipino. Ang ibig sabihin, kong walang buwis na ibinayad ng mga mamayan, Pilipino man o banyaga ay dapat bayaran ang buwis na dapat niyang bayaran, dahil kong hindi sila magbabayad ay malulugmok, o magiging lumpo ang Pilipinas.
Sa ngayon ba ay nagbabayad ang mga Pilipino ng kani-kanilang mga buwis sa goberno?
Ang sagot ay Opo, yes. Ngunit ang sabi ng iba mali ka Kaka Alih, dahil ang akin ay NO, hindi.
Bakit yes or no?
Ang mga mamayan ay nagbabayad ng kanilang mga dapat bayarin lalo na yoang mga ordinaryong mamayan, ngunit kadalasan ay nanasa malalaking negosyante o may mamalalaking babayaran na buwis ang may problema, bakit? Dahil dito madalas nagsisimula ang “corruption”. Dito madalas may lagayan o yaong under the table na transaction.
Halimbawa, isang mamayan na milyonaryo, syempre kong milyonaryo di man milyon ang babayaran na buwis sa kanyang negosyo o ari-arian ay daang libo. Dito na magagamit yaong sinasabio natin na corruption, una ipa-assess muna ang kanyang ari-arian, para batayan sa kanyang babayaran, dito ay hindi na niya sasabihin ang tama, mas mababa halaga ang idedeklara para maliit ang mababayaran, syempre hindi papayag ang empleyado, at maaring aalukin ng mamayan ang empleyado, sasabihin na “bibigyan kita ng ganito (syempre libo, paliitin mo lang ang halga ng ari-arian ko” at dahil maliit din ang suweldo ng emplyedo, at kumpare o kumara pa, kong minsan best friend pa, maibubulong sa sarili na: “pera na maging bato pa, at pangalawa kokorakutin din ito ng nasa taas”. Kaya ang resulta imbes na isang libo , naging sampung libo na lang ang mababayaran. Ganoon kadali ang corruption sa ating bansa.
Papaano natin ito, maiiwasan o magagamot?
Sabi noong isang bisitang banyaga, foreigner: “bawasan ninyo ang corruption sa inyong bansa”
Ano ba ang ibig sabihin ng corruption?
Ayon sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya:
“Corruption is a general concept describing any organized, interdependent system in which part of the system is either not performing duties it was originally intended to, or performing them in an improper way, to the detriment of the system’s original purpose”. Ano mang pagnanakaw ay mabibilang sa kuratsyon
Sa sinulat ni Ma. Shiela H. Garcia na may pamagat na “Kurapsyon sa Pilipinas” na mababasa sa kanyang blog na http://bpspolitics.wordpress.com
Ayon kay Garcia:
“Noong unang panahon pa lang ay may kurapsyon nang lumalaganap saan mang bahagi ng mundo. Kaya hindi nakapagtataka na kabilang rin ang bansang Pilipinas.”
Tama ngunit hindi ganito kalala ang sabi ng isang Pastor sa isang pag-uusap naming sa isang sasakyan.
Naitanong din Ms Garcia:
“bakit nga ba may kurapsyon sa Pilipinas?”
At kanyang sinagot ang kanyang katanungan:
“Ang estado ng Pilipinas ay nananatiling mahina at ang patuloy na paggamit ng mga elitista ng kanilang kapangyarihan ang nagpapahirap sa pamahalaan sa magkaroon ng magandang pamumuno sa ating bansa. Ang mga nasa matataas na katungkulan sa pamahalaan ay patuloy na gumagawa ng mga stratehiya upang makapagnakaw sa “Kaban ng Bayan”.
Ngunit may commentaryo tayo na marami rin sa kanila ang gumagaa ng stratehiyana papaano lalaki ang collection sa buwis, dahil tayong mga Pilipino ay likas na rin atin ang may takot sa Diyos, hindi magnanakaw.
Sundan pa natin ang paliwanag ni Ms Garcia tungkol sa corruption:
“Ito ang dahilan kung ba’t di-mawala wala ang kurapsyon sa Pilipinas. Paano nga ba mawawala kung ang mismong mga namummuno sa bansa at ang siyang may mga matataas na katungkulan ang siyang nangunguna sa paggawa ng hindi maganda. Kadalasan pa nga ay nakikita lamang natin sila pag malapit na ang eleksyon at humihingi pa ng suporta sa mga taumbayan. Pero hindi ba’t ang karamihan sa kanila ay pera ng pamahalaan ang ginagamit para sa pangangampanya?”
Mayroon din na ang gamit sa pangangampanya ay mula sa kanyang pinaghirapan, mula sa kanyang naipon sa negosyo, mula sa pamana ng kanyang mga magulang, kong magnakaw man ng kaban ng bayan, sa may bandang huli na.
Toloy natin ang sulat ni Garcia:
“ Sa makatuwid ang kurapsyon sa ating bansa ay dahil na rin sa mga namumuno at sa mga taong may mga kapangyarihan. Ang isa pa sa mga sinasabing dahilan ng lumalalang kurapsyon sa ating bansa ay ang di- pagkakapantay ng mga mayayaman at mga mahihirap. Ito ay tumutukoy sa mga kapitalista na patuloy na ibinababa ang sweldo ng mga manggawang Pilipino na lalung nagpapatindi sa problemang kinakaharap ng ating bansa. Kung magbibigay lamang ng daan ang mga kapitalista tungo sa mas maunlad na ekonomiya ng bansa, mababawasan rin kahit paano ang kurapsyon sa ating bansa.”
Ngunit marami pa rin sa mga Pilipino ang nagsisikap na mawala ang corruption at makabangon tayo mula sa pagkalugmok ng ating ekonomiya, halimbawa nandiyan Ang NAMFREL (National Citizens Movement for Free Elections), binuo upang maging bantay ng bayan sa election, at dito sa atin may mga organization taga-bantay din ng bayan. Marami na ang mga samahang may layunin na magkaroon ng reporma sa bansa at masolusyonan ang kurapsyon sa bansa. Maliwanag lamang na ang mga Pilipino ay may adhikain o sabi pa ni Ms Garcia “mulat” na sa lumalalang problema ng bansa at naghahanap ng solusyon para dito.
Ako ay umaasa na malalagpasan natin ang ganitong problema sa bansa, kailangan lamang ang paniniwala na kaya natin ito.
Sabi ni Garcia:
“Kahit sino naman sa atin ay maaaring umasa na matapos na ang problemang ito sa ating bansa ngunit dapat talagang magsimula ang mga pagbabago sa mga namumuno sa bansa. Ang dapat gawin ng mga namumunong ito ay alamin ang pinag- ugatan ng tradisyon ng kurapsyon sa bansa at makaisip ng paraan para mapigilan ito dahil kung hindi, malamang ay hindi na nga umunlad ang ating bansa.”
Tama kayo maam Garcia, dapat simulan ng mga pinuno ng bansa, sila ang maging ehemplo .
Pagkatapos na nasimulan na ng mga leader natin ang maging huwaran o modelo, tayong namang mga mamayan ay dapat matuto na ring sumunod sa batas, sa mga tungkulin, at kong sakaling man mali ang tinatahak na landas ng mga pinuno natin ay ating ituro sa kanila ang tamang landas, huwag nating silang pabayaang mahulog sa bangin, dapat sama –sama tayo, na hindi mahulog sa kumunoy ng kumukulong apoy sa impiyerno ang mga lider.
Para sa mga magulang, ang ating kabataan ay hubugin ang kanilang isipan at itanim sa kanilang mga puso ang isang makabayan, pagmamahal sa ating bansa at higit sa lahat paniniwala sa Poong Lumikha.
Salamat po sa nakaka-inspire na comments… lalo mo akong pinatatag sa aking adhikain ang maisiwalat ang katotohanan….
Posted by kakaalih at October 2, 2008, 10:13 pmthanks for your help!!!!!
Posted by maricelreubal at November 24, 2008, 5:16 pmblAnk mo
Posted by sf at December 5, 2008, 4:57 pmmaganda ang mensahe.
Posted by Jennufer at March 14, 2009, 1:45 pmdahil sa artikulong ito.,.,maz naintindihan ko ang ibig sabihin ng ekonomiya.,at ang mga nayayari sa ating bansa.,.,maganda ang artikulong ito.,nakakainspire,.,sana mabasa rin ito ng iba.,.,^__^ ->
Posted by laarni april at June 2, 2009, 10:59 pmthanks for your help naiintindihan ko na!!!!keep it up!!!
Posted by sheena katrina A.Orihuela at June 4, 2009, 9:28 pmsang ayon ako sa article!! sa kaslukuyang sitwason ng ating bansa ang buwis na lamang ang syang inaasahan ng ating pamahalaan para hindi tuluyang malugmok ang ating bansa..
ngunit masakit isipin na dahil sa buwis mas lalong naghihirap ang mamayang pilipino….at ang buwis na binabayad natin ay napununta lamang sa bulsa ng mga ganid na leader ng ating bansa!!!
ang gusto ko lang malaman ng mga tao na hindi lahat ng problema sa bansa ay dahil sa gobyerno kunhinidi dahil din to sa mga taong abusado
Posted by meljane at December 31, 2009, 3:24 pmGanda po nakakuha ako ng mga reaction tungkol sa corruption thnx po!!!! project namin to eh!!!!
Posted by Aleli at January 6, 2010, 2:39 pm..tnx po..nakatulong po ito ng marami….
Posted by yui at March 9, 2010, 9:31 pmano nga ba ang tungkulin ng pamahalaan sa ating ekonomiya?
Posted by pj at March 11, 2010, 12:38 pmtnx..poh mas nah intidhan q nah ngaun ang ibgsbhin ng economics..at nah gwa q pah ng maaus ang akng ass..
slamat…..ph
Posted by anna at June 16, 2010, 5:55 pm…nice article po…
…labis na nga ang corruption sa ating bansa may crab mentality pa…
KAYA MO YAN PHILIPPINES!!!
If you are a part of society that can afford to pay replica watches but you’d still like to know that you are getting a sweet deal, this session on - how to find a nice discount on a swiss replica watches - is for you. As you probably know, these Replica Omega Watches are some of the most expensive watches in the free market. To be fair; they’re worth every penny!
Posted by replicawatch at July 26, 2010, 9:44 am
totoo ang article! yeah boy!
Posted by hara at August 3, 2008, 1:30 pm