Ang artikulong ay nabasa ko minsan ako ay magsurfing ng mga blogs, ang umagaw atensyon sa akin at nakita ang lalim ng pangunawa ni may akda na nagpakilalang si Aimee Achinges na may blog na: http://saintlucifer.multiply.com/ at di na ako nagpatumpik-tumpik na para marami ang makabasa at post ko dito sa aking blog, na ang layunin ay marami rin ang makabasa kong hindi ko man naipalam sa may-akda ay patawarin ako, ang layunin ko lang naman ay maraming makabasa):
Kagaya ng dati, and relasyon sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano ay nasa panganib. Ngayon, higit sa ano pa man, ang dapat na pagtuunan ng pansin ay ang pagbuo ng higit na maayos na relasyon sa dalawang grupo na nakabatay sa paguusap, respeto at pagsasaalang-alang ng mga pagkakatulad ng kanilang relihiyon.
Moro ang ibinigay na pangalan ng mga Espanyol sa mga Muslim sa Pilipinas noong ikalabing-anim na dantaon. Ang pangalang ito ay nangangahulugan din ng pagkamuhi ng mga Espanyol sa lahi at relihiyon na sa loob ng ilang libong taon ay nanguna sa kanilang Kristiyanong bansa. Ang Moro, na ginagamit na ngayon bilang salitang may mababang konotasyon sa ating lipunan ay ang mismong salitang nagiging simbolo ng pagkakakilanlan sa mga Muslim sa pagnanais nilang maisakatuparan ang kanilang adhikain sa kabila ng pangkasalukuyang realidad.
Kahit na pinagtutunan ng pansin ng kasalukuyang pamahalaan ang pagkakaisa ng mga Muslim at Kristiyano, hindi pa rin ito nalulutas nang tuluyan. Mapapansin natin na ang mga Muslim ay higit na interesado sa pakikipag-ugnayan sa mga bansang Muslim. Ang mga Kristiyano naman ay mas binibigyang pansin ang mga pangyayari at pakikipagkasundo sa mga bansa sa Kanluran lalo na sa Amerika.
Noong 1972, ang simula ng Martial Law ay lalong nagpatindi sa adhikain ng mga Muslim dahil sa pagkakabuo ng mga rebolusyunaryong puwersa gaya ng Moro National Liberation Front (MNLF) na ngayon ay kinikilala na sa buong mundo. Ang madaming kaso ng karahasan laban sa mga Muslim ay ay nagpatindi sa alarma sa komunidad ng mga Moro.
Ang problema sa Mindanao ay maaring ipaliwanag sa iba’t ibang paraan. Ang perspektibo ng mga Muslim hinggil sa problema ay sinasabing ginagamit lamang nila para mahiwalay na sila nang tuluyan sa Pilipinas. Ito ay dahil sa maling pagkakaintindi ng mga tao sa kultura ng mga Muslim at ito ang bibigyang linaw ng papel na ito. Madaming tao ang masyadong kinakain ng paniniwalang pampulitika at pang-ekonomiyang suliranin ang bumabalot sa Mindanao na ang mas mabigat na dahilan ay nababalewala na. Sinasabi ng mga Kristiyano na walang kinalaman sa relihiyon ang problema. Itinuturo nila na ang ugat ng lahat ay ang pag-aaway ng mga pinunong Muslim sa kapangyarihan, ang pag-aagawan sa lupa ng mga Muslim at iba pang suliraning pangekonomiya at agraryo. Kaya pag sinasabi ng mga Muslim na ang kanilang pakikibaka ay upang protektahan ang Islam, ito ay pinagdududahan ng mga Kristiyano. Sinasabi nilang ginagamit lamang ng mga Muslim ang relihiyon upang maitago ang kanilang tunay na adhikaing pampulitika at pangekonomiya.
Kailangang pagaralan ang problema sa isang pangkultural at pangrelihiyong pananaw. Kailangang unawain na ang Islam ay isang usaping sosyal at may pangteritoryo at pangsosyal na mundo ang mga Muslim. Marami din ang dapat malinawan sa totoong kahulugan ng jihad. Ang kahalagahan din ng kasaysayan sa pag-aaral ng problema ay hindi dapat ipagsawalang bahala. Maging ang problema din sa representasyon sa mga Muslim sa mga aklat at sa iba pang babasahin ay nagdulot ng pagkakahiwalay ng mga Muslim at Kristiyano.
Ang Mga Muslim
May 13 katutubong grupo ang mga Muslim sa Pilipinas. Lima sa grupong ito ay bumubuo ng 96 na porsiyento ng populasyon ng mga Muslim na tinatayang umaabot sa apat hanggang anim na milyong tao. Ang limang grupong ito ay ang mga Tausug ng Sulu, Sama ng Tawi-tawi, Yakan ng Basilan,, Maranao ng Lanao at Maguindanao ng Cotabato.
Bagamat bumubuo lamang sila ng isang pangkat bilang mga Muslim, nagkakaiba sila sa kanilang diyalekto, mga pangunahing gawaing pangekonomiya, antas ng pagka-Muslim at sa iba pang detalye ng kanilang tradisyunal na buhay kultural.
Kahit na kinikilala ang mga pagkakaibang ito, ang mga hindi Muslim ay pinaaalalahanan na huwag masyadong bibigyan ng pansin ang kanilang pagkakaiba upang maintindihan nila ang Islamikong aspeto na naguugnay sa mga Muslim bilang isang pangkat.
Ang mga Muslim ay sensitibo sa programa ng gobyerno ukol sa integrasyon na sa ilang pagkakataon ay isinasakatuparan sa pamamagitan ng asimilasyon. Kahit sa konteksto ng mga Muslim sa Pilipinas, ang mga Muslim ay ay nangangatwiran na ang Islam ay hindi pinahahalagahan sa mga teksto, na parang hindi ito importante sa buhay at adhikain ng mga Muslim. Para sa mga Moro, ang patuloy na pagnanais ng nasyonalismo na nakabatay sa pagkakatulad at pagsasantabi ng pagkakaiba ay naglalagay sa kanila sa panganib. Pinahahalagahan ng mga Muslim ang kanilang kaibahan sapagkat sa ilalim ng sentralisadong gobyerno at dahil na rin sa kanilang mababang katayuan sa ating lipunan, ang pagpapahayag ng kanilang kaibahan ay importante upang maprotektahan ang kanilang Islamikong pagkakakilanlan. Kung bibigyan sila ng pagkakataong pumili, ang uri ng pagkakaisa na kanilang gugustuhin para sa lahat ay yaong nakabatay sa pagkakaiba at hindi sa pagkakatulad. Ang pangangalaga nila sa kanilang Islamikong pagkakakilanlan ang pangunahing dahilan kung bakit sila naghahangad ng kalayaan o kahit man lang isang autonomiyang pederal. Ang autonomiyang nakabase sa pederal na pamamalakad ay ang tanging paraan upang mapagkasundo an gang dalawang magkaibang interes: ang bigyang kapangyarihan ang mga Muslim at masigurong buhay ang kanilang Islamikong pagkakakilanlan at kasabay nito ang pagpapanatili ng pambansang soberenidad at pangteritoryal na integridad ng Pilipinas. Ang ganitong uri ng pamamahala ay magtatagumpay lamang bilang alternatibo sa kalayaang hinihiling ng ilang mga Muslim kung ang totoong pagbibigay kapangyarihan sa mga Moro ay maisasakatuparan.
Ang paghahanap sa nasyonalismo ay maaring makakuha ng suporta ng mga Muslim. Kailangan lamang ang pag-unawa at pangangalaga sa kanilang kultura. Ang Islam, para sa mga Muslim, ay hindi lamang isang kultural na pundasyon upang palamutian ang kanilang teritoryo o ang kanilang mga kasuotan. Hindi rin ito batayan ng sayaw o paglalagay ng kulay sa isang seremonya. Ang Islam ang siyang nagbibigay buhay sa mga Muslim. Ito rin ang nagsisilbing pananggalang nila laban sa panganib at oposisyon.
Ang Dimensiyong Islam
Sa pag-aaral ng Islam katulad ng sa mga Muslim sa Pilipinas, tatlong prinsipyo ang kailangang unawain upang mabigyan ng linaw ang problema sa Mindanao. Ang mga ito ay ang Tawhid, ang pagkakaiba ng zahir o lahil at batin, at ang konsepto ng tao bilang isang khalifa.
Ang Tawhid na nangangahulugang Pagkakaisa ni Allah ay ang pinakamahalagang doktrina ng Islam. Ito ay nangangahulugan ng monotismo sa kaiba sa politismo ng Arabia bago pa ito naging bansang Muslim. Ang Tawhid ay nasasaad sa Shahadah ng mga Muslim bilang pagpapahalaga sa nag-iisang si Allah.
Ang kabuuan ng Tawhid ay sumasakop sa mga pansamantalang material na aspeto ng mg abagay at ang pagiging replesksiyon nila ng Diyos sa mundo. Ang kahulugan ng Islam hindi lamang bilang isang relihiyon kundi bilang kabuuan ng pamumuhay ng mga Muslim ang naglalagay kay Allah bilang sentro ng kanilang mga buhay. Kung kaya sa Islam, ang pagsuko sa Kanya ang nagiging batayan ng mga gawain nila. Ang salitang Islam ay nagmula sa salitang Arabikong aslama na ang ibig sabihin ay “pagsuko.” Ang Muslim ay isang taong dapat na isuko ang sarili sa kagustuhan ng iisang
Ang Tawhid ay inilalagay ang lahat sa kanilang relasyon at sa kanilang pagkakaisa. Ang pagkakaisa ng kalawakan, ng buhay, ng sangkatauhan, ng kaalaman at iba pa ay hindi lamang pananaw na pilosopikal kundi isang aktibong puwersa na nagtutulak o gumagabay sa mga Muslim na kumilos ayon sa pananaw na ito.
Sa zahir-batin na dimensiyon naman, karaniwang inilalarawan ito ng mga Muslim sa pamagitan ng pagkakaiba ng batin o ang kawalan ng laman ng mga bagay sa mundo at ang lahil o ang materyal na aspeto ng realidad. Ayon sa paniniwalang Muslim, ang lahil ay may kinalaman sa mga gawaing pisikal samantalang ang batin ay may kinalaman sa higit na malalim na kahulugan ng relasyon ng tao at Diyos. Sa batin maiuugnay ang mga pangunahing interes ng mga Muslim at ang ugat ng suliranin sa Mindanao na nahahati sa tatlong bahagi. Ang tatlong ito ay ang pagprotekta sa sikolohikal na pagkatao ng mga Muslim, ang pangangalaga sa ummah (komunidad ng mga naniniwala kay Allah) at ang pag-iwas na maging dar-al Harb (lugar ng kawalan ng katarungan) ang dar-al Islam (lugar ng kapayapaan o ang teritoryo ng mga Muslim).
Sa pagiging khalifa naman ng isang Muslim, ang konsepto ng jihad ay dapat maunawaan bilang isang responsibilidad na isulong ang katarungan, pangalagaan ang moralidad at pagpapanatiling maayos ang kapaligiran laban sa pang-aabuso ng mga tao. Ang salitang khalifa ay nangangahulugan na ang kapangyarihang ipinagkaloob sa kanya ni Allah ay dapat niyang suklian sa pamamagitan ng pagsuko sa Kanya. Ang mga Muslim ay naniniwala na may kasunduan sa pagitan ng mga tao at ni Allah na tatanggapin ng sanlibutan si Allah bilang Diyos. Hinahayaan ng Diyos na magkaroon ng kapangyarihan ang mga tao sa mundo ngunit Siya pa rin ang nagmamay-ari ng kapangyarihang ipinagkaloob Niya.
Ang pagunawa ng sosyal at teritoryal na aspeto ng problema ay mahalaga dahil sa kontekstong ito mabibigyan ng linaw ang pagsasagawa ng jihad. Ang batas ng Islam ay nagbibigay ng karapatan sa mga Moro na magsagawa ng jihad sa ilalim ng mga sumusunod na sitwasyon: 1) Kung tanging ang legal na dsisiyon lamang ng mga Kristiyano ang nasusunod at ang sa mga Muslim ay hindi; 2) Kung ang dar-al Islam ay napaliligiran na ng dar-al Harb; at 3) Kung nag kaligtasan ng mga Muslim ay hindi na kayang protektahan ng pamahalaan.
Jihad
Ang salitang jihad ay hango sa salitang Arabiko jahada na nangangahulugan ng pakikibaka o pakikipaglaban. Sa mga hindi Muslim, ang jihad ay limitado lamang sa banal na pakikidigma ngunit ang jihad ay marami pang sinasaklaw sapagkat ito ay pakikibaka para kay Allah sa pamamagitan ng lahat ng paraan maging sa pamamagitan ng salita, buhay at kayamanan. Nangangahulugan din ito ng pagbibigay ng isang Moro ng lahat ng kanyang makakaya upang malupig ang kalaban. Dahil dito, maaaring maihiwalay sa tatlong bahagi ang jihad: pakikibaka laban sa nakikitang kalaban, sa demonyo at sa makasariling interes o nafs. Sa pang-indibidwal na aspeto naman, ang jihad ay ang pag-iwas sa kamunduhan at personal na interes. Ang jihad ay nagpapatibay sa paniniwala ng mga Muslim. Sinasabi na mas madaling malalabanan ng tao ang kalaban kung pag-iibayuhin niya nag kanyang disiplina at paniniwala. Sa higit na kilalang kahulugan nito, ang jihad ay ang paglaban sa sa pang-aapi at pang-aabuso, pagtangging magpatalo sa mga kalaban ng Islam, pagprotekta sa paniniwala at pangangalaga ng ummah. Ang batas ng Islam ay maaaring magbigay ng kapangyarihan sa mujahideen (banal na sundalo) upang sumuong sa jihad.
Ang Dimensiyong Pangkasaysayan
Habang pinipilit ng isang tao na unawain ang kinalaman ng mga Muslim sa kasaysayan ng Pilipinas, mahalagan ilagay sa isip na ang kasaysayan ay hindi isang inosenteng didiplina at hindi natural na pag-aaral ng kultura at nakaraan ng bansa. Ang kasaysayan ay nakatali sa kpangyarihan. Ang mga salitang ginamit sa mga teksto ay pinili upang umayon sa kultura ng kapangyarihan na umiiral sa mga lugar ng paggawa ng kaalaman. Ang kahakagahan ng pag-aaral ng kasaysayan ay hindi dapat isantabi upang higit na mabigyang linaw ang problema ng mga Moro.
Ang tanging paraan upang maging hari ng hinaharap ay ang baguhin ang nakalipas. Ang kasaysayan ay nakabatay sa ideolohiya ng mga makapangyarihan. Ang nakalipas ay hindi nawawala sa kasalukuyan at lahat ng nagbibigay buhay sa nakalipas tulad ng mga rebulto, monumento at iba pang labi ng nakaraan ay mga pananggalang upang maprotektahan ang kapangyarihan ng iilang grupo ng tao. Ayon sa isang manunulat, ang kumukontrol sa nakaraan ay siyang kukontrol ay siyang kukontrol sa hinaharap at ang kumukontrol sa kasalukuyan ay siyang kumukontrol sa nakalipas.
Bilang isang pagpapatotoo sa Pilipinas, ang kasaysayan ay nilinis at pinili upang mapanatili ang interes ng nakararami. Dahil dito, nagging sentro ng pakikipaglaban ng mga Muslim ang pagnanais nilang mailahad ang totoo at buong kasaysayan ng Pilipinas.
Ayon sa isa pang manunulat, ang katotohanan tungkol sa nakaraan at ang katotohanan tungkol sa kasalukuyan ay hindi mapaghihiwalay. Kapag hindi tinaggap ang katotohanan sa mga nangyari, imposibleng malutas nang tama ang mga pangyayari ngayon. Kung wlang katotohanan ng kasalukuyan, imposibleng mapagbuti ang kalagayan at pakikitungo ng mga grupo ng tao sa iisang lipunan.
Ang kakulangan ng perspektibo ng mga Muslim sa kasaysayan lalo na ang kakulangan ng pang-unawa at pagpapahalaga sa ugat ng suliranin sa Mindanao ay higit na tumindi at umabot na sa puntong mahirap nang isaayos ang lahat. Ang isang mahalagang panawagan na kaugnay sa pagpapahalaga sa kasaysayan ng mga Muslim ay ipinahayag ng dating senador na si Wigberto Tañada na humikayat sa pamahalaan na pangunahan ang pagbibigay liwanag sa isip ng mga tao tungkol sa pangkasaysayang pinagmulan ng suliranin ng mga Moro at kung bakit ang pagbabago ng maling kasaysayang bumibiktima sa mga Moro ay nangangailangan ng ibayong pagsisikap (Today, p. 11, ika-3 ng Hulyo, 1996).
Sa pamamagitan ng kaalaman tungkol sa totoo at malawak na kasaysayan ng Pilipinas, amuunawaan ng mga tao ang ang pakikipaglaban ng mga Muslim sa Mindanao. Sa pamamagitan din nito, maisasakatuparan ang kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao sa pamamagitan ng Southern Philippines Council for Peace and Development (SPCPD) na nabuo noong 1996.
Ang Problema sa Representasyon ng mga Muslim
Ang representasyon bilang isang problema ay binigyang linaw ni Edward Said sa aklat na Orientalism (1978) kung saan pinagkaiba niya ang presentasyon o ang natural na paglalahad ng kultura o lipunan at ang representasyon o ang artipisyal na paglalahad ng kultura o lipunan. Sa pag-aaral ng kasaysayan at kultura, mas malawak ang nararating ng representasyon kesa sa presentasyon. Ayon naman sa aklat na The Crisis of Representation ni Raul Pertiera, ang problema sa representasyon ng ibang kultura ay isang prosesong nakadikit sa kapangyarihan na siyang nagbibigay ng posisyon sa isang tao o isang grupo ng tao sa lipunang kanilang ginagalawan.
Ang problemang ito ang siya ding nagdulot ng pagkakahiwalay ng mga Moro at ng kanilang kultura sa karamihan ng mga aklat na isinusulat ng mga Pilipino. Dahil dito, hindi malinaw ang kanilang tunay na papel sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa. Sila ay napasailalim sa representasyon kung saan sila ay binigyan ng mababa at permanenteng papel sa lipunan. Kinundisyon ng mga nasa kapangyarihan ang pananaw ng nakararaming Pilipino hinggil sa mga Moro Ang representasyon ng mga Muslim ay bahagya lamang nabago ngunit ang pagbabagong ito ay hindi pa rin sapat upang maipakita kung sino at ano talaga ang mga Muslim.
Maging ang salitang Filipino o Pilipino ay nagsimula bilang isang modelo ng organisasyon ng walong pangunahing grupo sa Pilipinas na halos lahat ay mga Kristiyano at ang iba naman ay lumad.Ang walong grupong ito ay ang Tagalog, Iloko, Kapampangan, Pangasinan, Bikol, Cebuano, Hiligaynon at Samar-Leyte. Bagamat ang iba pang mga bagay tulad ng impluwensiyang Indo-Malaya at ang epekto ng ekolohiya ay naisaalang-alang, ang Kristiyanong pagkakakilanlan ng walong grupong ito, ayon sa aklat na Generalized Lowlands Philippine Social organization (Robert Fox), ang nagsilbing basehan ng mga Pilipinong manunulat upang sumulat tungkol sa lipunang Pilipino, pamilyang Pilipino at iba pang nosyon ng pagiging Pilipino. Sa kasong ito, ang salitang Filipino bilang isang representasyong nakabatay sa pagiging Kristiyano ng walong grupo sa bansa ay nagiging isang problema sa pagkilala sa mga sosyal at kultural na katangian ng ibang grupo ng mamamayan sa bansa lalo ng ng mga Muslim.
Ang Pag-uusap Bilang Susi sa Suliranin sa Mindanao
Bago dumating ang dekada ’90, maraming grupo ang nabuo sa pagnanais na mahikayat ang gobyerno at ang mga Muslim na pumasok sa isang dayalogo at kasunduan. Isa na dito ang Islamo-Christian Silsilah na gustong maayos ang relasyon sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano sa pamamagitan ng pag-unawa sa sa ispiritwal na dimensiyon ng kani-kanilang relihiyon. Sa isang dayalogo, ang dalawang pangkat ay dapat matutong magkompromiso ng kanilang posisyon at paniniwala sa isang paraan na ang pangunahing adhikain at ang integridad ng bawat isa ay narirespeto. Ang awayan sa pagitan ng dalawang grupo ay maihahalintulad sa awayan ng dalawang tao sa magkabilang dulo ng ilog. Nagtatalo sila sa loob ng maraming taon ngunit wala ni isa man lang sa kanila ang nagtangkang tawirin ang ilog.
Dapat na unawain ng mga Muslim at Kristiyano ang bawat isa sa kanilang relihiyon sa halip na sa kanilang pangekonomiya at pampulitikang pagkakaiba. Maging si Pope John Paul ay nanawagan ng isang matiwasay na pag-uusap sa pagitan nila. Sinabi niya na ang isang pag-uusap ay nagsimula na kung kaya’t dapat na tingnan ang nakaraan upang makabuo ng isang magandang hinaharap para sa buong bansa. Ang Islam at Kristiyanismo ay hindi dapat na maging basehan ng krisis at alitan ng mga Muslim at Kristiyano. Dapat ang dalawang relihiyong ito ang maging basehan ng pagkakaisa at pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang grupo. Ang mga Muslim at Kristiyano ay maaaring manirahan nang matiwasay sa iisang bansa. Sila ay mga biktima lamang ng mga pangyayaring hindi nila ginusto at ang patuloy na karahasan ay walang maidudulot na maganda sa alinman sa dalawang panig. Ang mga sugat ng kasaysayan ay maaaring magamot at ang mga Muslim at Kristiyano ay maaaring magkaisa bilang isang lahi, bilang isang bansa.
(SOURCE: http://saintlucifer.multiply.com/)
Bahay ng Muslim? o ang tinatanong mo ay bahay ng mga Bangsamoro?
Kong Bahay ng mga Muslim, depende sa country na kanilang kinabibilangan, iba ang design ng bahay ng mga Muslim sa Saudi Arabia, at iba din ang mga bahay ng Muslinm sa Indonesia at Malaysia.
Kong Bahay ng Bangsamoro, depende sa tribu na kibibilangan, iba ang bahay ng Iranon sa bahay ng ibang tribu…
Posted by kakaalih at November 22, 2008, 10:13 amAno ang kalagayan ng mga kababayan nating mga muslim sa Mindanao? Ano ang meron sa pag dadala ng armas ng mga sibilyan sa Mindanao ?
Posted by Filipino Dude at February 10, 2009, 8:11 pmJake
Please explain further about your question:
What are the houses of muslims? And can you give a short description?
What are you like to know? dwellings of the Bangsamoro Muslims in the Southern Philippines?
Please, elaborate.
Kaka
what is the diff. bet. christian ang islamic?
can u explain each of two.
is it truth!that no one religion can save the person except his own, on hows profounding his believed to god?
Posted by almz at March 3, 2009, 3:38 pmnakakatakot po b talaga ang mga muslim?
salamat po!!
Posted by mary dioda gay remedio at March 6, 2009, 4:41 pmTanonong ni mary dioda gay remedio at March 6, 2009, 4:41 pm,
“: nakakatakot po b talaga ang mga muslim?”
My answer: Muslim means Believer, naniniwala sa Diyos, nanampalataya sa katuruan ayon sa katuruan ng Allah (Diyos), ang kanyang relihiyon ay Islam. Ang Islam ay relihiyon na ang ibig sabihin ay peace o sa relihiyong pag-uusap ay pagsuko sa Allah. I invite you to examine or make a research sa Islam, ang kanyang source of knowlewdge ay ang akalat na pinadala ng Allah na Quran, bakit hindi magbasa ng Qurran at hanapin mo saan ang mali nito, Allah nag-anyaya sa tao kong di ka naniniwala, ,maghanap ka ng mali kong walang mali maniwwala ka …
Kapayapaan
Kaka
“what is the diff. bet. christian ang islamic?
can u explain each of two.
Posted by almz at March 3, 2009, 3:34 pm
—–
the diff is that in Islam, we only worship the Creator, who has no likeness and who has no sons or daughters
we believe that if the Creator (God/Allah) wants to guide mankind or any creation, He will just send Angels or Prophets. If you follow the Messengers-you gain, if you dont follow the Messengers-you lose, in this life and and importantly the Next Life.
All this is stated in the Quran and agrees with Reason)
thank you for your question. more?
Posted by tmj at July 23, 2009, 11:32 pm====================================
is it truth! that no one religion can save the person except his own, on hows profounding his believed to god?
Posted by almz at March 3, 2009, 3:38 pm
—————
to almz,
Islam states that you should only worship the Creator of the Universe, if you worship a cow or a monkey(w/c some ppl do) even if you really believe this monkey is the Creator who came down to be near the ppl, it will not help you.
So to be save, worship only the Creator of all that exist, and dont degrade the Creator by saying or thinking things that only humans or creations do.
The Creator is differnt from the creation and they will not mix or become like one or vise versa.
think about this.
thank you for your question, more?
Posted by tmj at July 23, 2009, 11:39 pmHi. This is Aimee, the author of the article. Thanks for helping me out spreading this article.
What are the houses of muslims? And can you give a short description?
Posted by Jake at August 8, 2008, 7:53 am