"Time is Life"

Home » Post Item » ANO ANG MGA DAPAT MALAMAN SA BANGSAMORO MUSLIM?

ANO ANG MGA DAPAT MALAMAN SA BANGSAMORO MUSLIM?

July 14, 2008

(Kaka Alih)

  1. Dapat malaman mo na “generally” ang mga Bangsamoro Muslim ay Islam ang kanilang religion.
  • Ang ibig sabihin ng Islam ay Kapayapaan.
  • Pag-talima sa kautusan ng Poong Lumikha.
  • Na sila ay naniniwala sa mga Propeta, tulad nina Jesus, Muhammad, Moses, David, Ismael, Isaac at iba pa (Ang Kapayapaan ay Sumasakanya Nawa)
  • Na ang ibig namang sabihin ng Muslim ay iyong taong tumalima sa Islam, sumuko sa Allah.
  • 2. Dapat malaman mo na ang isa sa mahalagang araw sa isang linggo ay araw ng Biyernes, araw ng Jamaah prayer- at ito ay isinasagawa sa katanghalian (12-1:00 pm).
  • 3. Dapat malaman mo na hindi sila kumakain ng haram. halimbawa: Baboy, o ano mang nahaluan noon, alak na makalasing.
  • 4. Dapat malaman mo sa panahon ng Ramadan ang lahat ng Muslim ay nag-aayuno di sila kumakain o umiinom bago mag-bukang liwayway hanggang takip silim.
  • 5. Dapat malaman mo na sila ay pinapayagan ng Allah, ang mga lalaking Muslim na mag-asawa hanggang apat. Sa kondisyong kong kaya nilang pag-timbang-timbangin.
  • 6. Dapat malaman mong ang mga Bangsamoro ay inagawan ng kanyang karapatan (rights) mula pa noong isama ng Amerika ang kanilang “Homeland” sa Pagpapasarili sa bansang Pilipinas.
Posted by kakaalih at 2:16 pm | permalink

Previous Comments

Ginoo, nakatawag sa akin ng pansin ang winika mong ito,

“Dapat malaman mong ang mga Bangsamoro ay inagawan ng kanyang karapatan (rights) mula pa noong isama ng Amerika ang kanilang “Homeland” sa Pagpapasarili sa bansang Pilipinas.”

nawa’y ipaliwanag mo sa akin ng mabuti na inagawan sila ng karapatan? at karapatan saan? sa tinatawag nilang “Ancestral domains”?

Posted by PINOY_RADICAL at August 21, 2008, 2:15 pm

Sori ngayon ko lang nasagot, dahil masyado tayong busy…. ang sagot ko ito:….
Karapatan na maibalik sa kanila ang inagaw na malayang bansa, kong ang mga Pilipino ay ibinigay ang kanilang kalayaan, bilang isang malayang bansa, bakit hindi ang mga nauna pang nagsasarili at ang totoo ay hindi naman nila nasakop o nabili, dahil sa papel lamang.

Maraming salamat sa mga comments niyo.. lalo ninyo akong pinalalakas na lalo pang patindihin ang pananaliksik.. dahil may bunga ang aking mga tinanim sa parang…

May the Creator Blessed us alll…

Posted by kakaalih at October 2, 2008, 10:12 pm

Add a comment