"Time is Life"

Home » Post Item » Reaction Mula sa SMS (Text) sa Term na: Christian at Muslim or Bangsamoro

Reaction Mula sa SMS (Text) sa Term na: Christian at Muslim or Bangsamoro

July 12, 2008

(Part ng script na sinulat ni Kaka Alih para sa programang “Kapayapaan” 1-22-08)

Sa ating programa kahapon-Lunes-January 21, 2008, may natanggap tayong message na nagbigay sa atin ng idea na lalo mang masigasig na pag-aralan ang mga bagay-bagay na may kaugnayan sa Moro or Bangsamoro.

Heto ang text: 09217117965 time recived: 06:27:27  21-Jan-2008

“Peace Tama yang sulat ni Kaka Zamin..ang suggestion ko dapat talaga  d na gamitin ang salitang Christian at Muslim or Bangsamoro para d lalala ang hidwaan…dapat talagaang gamitin na salita na naraapat ay ang tribu mismo gaya ng magindanaon, Teduray, Illonggo,, Cebuanao and etc…kaya nga ininsist ko matagal na mali ang tripeople of Upi kc ang Muslim at Christian ay di tribe…Teduray lamang ang tribu.”

Sino ang mga Pilipino?

Noong 1543, pinamunuan ni Ruy López de Villalobos ang isang ekspedisyon patungo sa mga pulo at pinagalang Las Islas Felipinas (mula sa pangalan ni Felipe II ng Espanya) ang mga pulo ng Samar at Leyte. Hindi nagtagal, ibinigay ang pangalang ito sa buong arkipelago.

Ang Pilipinas ay naging lalawigan ng Nueva Espanya hanggang 1821, nang makamit ng Mexico ang kalayaan.

Ang pananakop sa kapuluaan ay nagtagumpay nang walang pakikipaglaban (maliban sa mga Muslim). Naging problema ng mga Kastila ang pakikipaglaban ng mga Muslim sa Mindanao at Sulu. Bilang sagot sa pag-atake ng mga Espanyol sa mga Muslim at kanilang mga kakampi, sinalakay nila ang mga lugar sa Luzon at Bisayas na nasa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Naglunsad ang mga Kastila ng mga kampanya laban sa mga Muslim, ngunit wala itong naging tiyak na resulta hanggang sa gitna ng ika-19 siglo.

1896 naging  Republika ng Pilipinas ang Islas Pilipinassa  tinatag na Republika  nina Aguinaldo

Sino ang Bangsamoro?

Bangsamoro” is derived from “Bangsa”, meaning “nation”, and “Moro”, the Islamized people comprising 13 ethno-linguistic groups: Badjao, Iranun (also: Ilanun), Jama-Mapun, Kalagan, Kalibugan, Maguindanao, Maranao, Molbog (or, Melebugnon), Palawani, Samal, Sangil, Tausug, Yakan. (From: Bangsamoro Society and Culture, by Jamail A. Kamlian)

Historian Rudy B. Rodil lists also 13 groups, in the order of population from highest to lowest: Maguindanao, Maranao, Tausug Sama, Iranun, Yakan, Kalibugan/Kolibagan, Kalagan, Sangil, Jama Mapun, Sama Dilaut (Badyao) Panimusang/Palimusa, and Malbog (Palawan). Some of the names in some other references may have other variations.

Sa  article na sinulat ni Kaka Ali (Pilipino at Bangsamoro, Magkapatid? http://dxup.multiply.com/ Dec 26, ‘06 9:30 PM

Ang tinatawag na Pilipino ay yaong mamayan na mga taga Pilipinas, na dinatnan dito ng Kastila, na sumunod sa mga kaugalian, relihiyon o iyong mga napilitang magpasakop sa kapangyarihan ng Kastila, dahil wala ng magawa kundi magpasakop dahil talo sila sa lakas at armas sa pakikipaglaban. Ang ilan sa Pilipino ay ang mga Taga-ilog o Tagalog na taga Bulakan at Maynila, mga Ilokano, Ilonggo, Cebuano at iba pang tribo.

Ang tinatawag naman na Moro ng mga Kastila ay yaong mga mamayan na dinatnan nila na lumalaban sa kanila, at katulad na katulad ng mga ugali, abilidad sa pakikidigma at relihiyon ng mga naging kalaban din nila sa kanilang bansang Espanya, na o mga taga Morocco.

Bagamat Moro sa una ang tawag, nitong mga huling panahon ay nadugtongan ng Bangsa na ang kahulugan sa sariling wika natin ng Bangsa ay angkan, kaya naging Bangsamoro na ngayon ang tawag. Nabibilang sa mga tinatawag ngayon na Bangsamoro ay ang tribong M’ranaw, Yakan, Maguindanaon, Iranon, T’duray, Suban’n, Tau Sug at marami pang iba, ang ibang manunulat, tulad ni Prof. Rudy Rodil ay hinati sa sa dalawang kategorya ang Moro, ang Islamized at hindi, o ang ibig sabihin ng Islamized ay tinanggap ang Islam bilang religion at pangalawang kategorya ay nanatili sa kanilang nakaugaliang pananampalataya.”

MGA TEXT reaction na  natanggap sa programa:

09217117965 time recieved: 05:58:00  22-Jan-2008

Peace ang opinion ko bapa d pa rin acceptable ang Moro or Bangsamoro kc sa adhikain ng MILF gusto nila, halimbawa lang, ang Teduray ay Bangsamoro na rin, pero ang Tduray ay karamihan Christinized na.. ang term Bangsamoro ay ang futurecountry ng mindanaon muslims ngunit d ito marrealize kc d  papayag ang Mindanaon Christians. Bangsamoro will remain as unreliazed society just like d communist society of Karl Marx.

Sagot ni Kaka Alih:”Optional ang ibang tribu na ayaw magpatawag ng Moro o  Bangsamoro, iyan ang issue na lumabas sa GRP-MILF peace talk. Ngunit bukas ang MILF kong tatanggapin  ng Teduray na sila ay Bangsamoro, dahil ang katotohanan, base sa Tarsila, o history ay kabilang sa /Bangsamoro ang Teduray, katulad sa Maguindanaon, Iranon at iba pa.”

09217117965 time recieved: 06:16:59  22-Jan-2008

Peace tama yan bapa na d necessary na tawagin ka na moro kung Muslim ka, pwede  rin Christian tawagin Moro.. ito ang pananaw ng furute Bangsamoro Islamic state, kaya iniimune ang taga Mindanao sa tawag na Moro para marelize  ang Bangsamoro sanay na…dapat d muna  Moro ang tawag ang nararapat  Filipino or pinoy kc wala pa man Bangsamoro Islamic State”.

Sagot ni Kaka Alih: “to be called Bangsamoro ay hindi ibig sabihin ay Muslim ka, ang Bangsamoro ay maaring Muslim o Christiano, dahil to be Muslim ay pananampalataya at pagka Muslim ay pwedeng palitan anytime na gusto mo, tulad ng din ng pagka Christian, pwedeng palitan anytime of the day, but not your tribe, na Ilonggo, Iranun o iba pa, forever na iyan.;”

09217117965 time recieved: 06:18:11  22-Jan-2008

“Peace sa akin pananaw kung mag materialsang BJI ang Bangsamoro ay nangangahuluganng citizenship hindi relihiyon o sekta. Gaya ng  Filipino ng bangsang pilipinas”

09217117965 time recieved: 06:19:43  22-Jan-2008

“Peace noon bapa ayaw nila tawagin moro kahit mga muslim dahil sa kasabihan a good moro is a dead  moro. Ngayun lang tinaggap ang moro dahil ito  ang magiging tawag kung marealized  ang Bangsamoro Islamic country.”

Sagot: kahit ako noon ayaw ko rin tawagin na Moro dahil ang alam ko masama ang conotation nito, ngunit ng malaman ko ang katotohanan na di naman pala masama ang Moro I am proud to be called Moro.

09217117965 time recieved: 06:31:13  22-Jan-2008

Peace kahit sino maglead sa Mindanao na muslim walang development ang isang town for  example karamihan corruption”

 Dahil sa mga text na ito na ito na ating natanggap ay lalo tayong magiging masigasig na pag-aralan (magresearch) ng husto sa mga bagay na may kaugnayan sa Bangsamoro.

Posted by kakaalih at 11:55 am | permalink

Previous Comments

ok

un

ah

galing

mo!

Posted by camille at August 26, 2009, 10:23 am

The replica handbags comes with four attractive colors (Red, Ivory, Green and Violette). It’s bigger than the ordinary wallets in the Monogram line so louis vuitton bags can also be held as a clutch. lv has a zipper and double snap button closure for double protection. The replica louis vuitton also has 2 zipped pockets and 12 credit card slots interior.

Posted by replica bags at July 26, 2010, 9:21 am

Add a comment