(Balita- Kaka Alih- July 25, 2008-Biyernes)
Nuro, Upi…“Parang bumagsak ang langit ng mabalitaan naman namin ang muling pagkadiskaril ng GRP-MILF peace talk”. ito ang himutok ni Babo.
Ang goberno ng Pilipinas (GRP) at ang pinakamalaki at aktibong nakikibaka na grupo na Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay muling nabigo na mag-kasundo nitong Biyernes na isulat ang napagkasunduan sa nakalipas na labing-isang taon na pag-uusap.
Ang kasunduan na iyon ay mahalaga upang pormal na pag-uusap na muli ng GRP at MILF upang tapusin na ang 400 taon na pakikibaka ng mga katutubong Bangsamoro na nagsanhi ng pagkasawi ng mahigit 120,000 na mamayan at sumira sa milyon-milyong ari-arian.
”Muli kaming nabigo na magkasundo pagkatapos ng dalawang araw na pag-uusap”. ayon kay Mohagher Iqbal Punong Negosyador ng MILF, nitong Biyernes pagkatapos nilang mag-usap sa GRP sa Kuala Lumpur Malaysia nitong 16th GRP-MILF Eploratory Talks-July 24-25, 2008.
“Gusto nilang muling ungkatin at baguhin muli ang mga natapos ng usapin tungkol sa ancestral domain. ani Iqbal.
“Masyado kaming mapagbigay ngunit walang kapalit.” pahayag ni Iqbal. “..kaya hindi ko makita kong dapat pa bang ituloy ang pakikipag-usap sa goberno ng Pilipinas”.
”Mayroon kaming hindi pinagkasunduan ng gagawin na namin ang final na kasunduan ng muling maungkat ang usaping ancestral domain”. phayag ni retired general Rodolfo Garcia, punong negosyador ng goberno ng Pilipinas.
“Di ko iniisip na na tuluyang ng breakdown ng pag-uusap. Ako ay naniniwala na maisasalba parin ang usaping pangkapayaan’. dagdag ni Garcia.
Dahil sa pagkadiskaril na muli ng peace talk sa pagitan ng MILF at GRP ay muling nangamba ang karamihan sa mamayan na giyera ang susunod na magaganap sa lupang Mindanao.
Dahil dito ay muling nanawagan ang mga Peace Advocates na muling magbigkis-bigkis upang muling maisulong ang usaping pangkapayapaan at tapusin na ito sa lalong madaling panahon upang matapos na ang paghihirap ng milyong-milyong mga Bangsamoro at Pilipino.
Ang tanong pabor ba kayo o Hindi? Bakit?
narito ang ilang inputs na pwede ninyong pagbasehan, ang mga balita na lumabas sa mga internets:
Panukalang batas para kanselahin ang ARMM polls inihain sa Kamara
http://www.gmanews.tv/s07/24/2008 | 06:18 PM
MANILA – Limang kongresista mula sa Mindanao ang naghain nitong Huwebes ng panukalang batas upang ipagpaliban ang nakatakdang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) hanggang sa 2010. Inaasahan ng mga kongresista na maisasara na sa 2010 ang usapang pangkapayapaan ng pamahalaan at rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sa ilalim ng House Bill 4832, aamyendahan ang Section 1 ng Republic Act 9333 – na nagtatakda na gawin ang ARMM elections sa Agosto 11 – upang iurong sa May 2010 elections kasabay ng panguluhang halalan.
Ang mga may-akda ng panukala ay sina Reps. Faysah Dumarpa (Lanao del Sur), Simeon Datumanong (Maguindanao), Munir Arbison (Sulu), Mujiv Hataman (Anak Mindanao), at Pangalian Balindong (Lanao del Sur).
Sa pahayag, sinabi ni Dumarpa na kasabay sa pag-urong ng ARMM election ay maaalis ang posibleng maging hadlang upang maging matagumpay ang usapang pangkapayapaan sa MILF.
Sinabi ng mambabatas na kasama sa hangarin ng MILF ay palawigin ang sakop ng ARMM na bahagi ng pakikipagnegosasyon nito sa gobyerno.
Idinagdag niya na ang paghahain ng panukalang batas ay pagtugon sa posisyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ipagpaliban ang eleksyon sa rehiyon.
“Aside from the 712 new barangays and the two cities of Lamitan and Cotabato which are set to be included in the expanded ARMM, the MILF is also pushing for the inclusion of its controlled and influenced areas in the region,” ayon sa kongresista.
Sa Hulyo 29, sinabi ni Dumarpa na mag-uusap ang mahigit 50 kongresista mula sa Mindanao upang talakayin nila ang panukala.
Bagaman umusad na sa Kamara ang proseso sa pagkansela ng ARMM polls, tila mahihirapan naman itong magtagumpay sa Senado dahil 10 senador na ang nagpahayag ng pagtutol na ipagpaliban ang halalan sa Agosto 11.
Sa ulat ng dzXL radio, tinukoy na ang mga senador na nais na ituloy ang halalan sa ARMM sa Agosto 11 ay sina:
• Senate President Manuel Villar II, • Senate President Pro-tempore Jose “Jinggoy” Estrada,
• Senate Majority Leader Francis Pangilinan,
• Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr,
• Sen. Richard Gordon,
• Sen. Alan Peter Cayetano,
• Sen. Pia Cayetano,
• Sen. Mar Roxas II,
• Sen. Rodolfo Biazon, at
• Sen. Juan Ponce Enrile.
Kunuwestiyon naman ni Cotabato Rep. Emmylou Taliño-Mendoza ang mungkahing 30-percent expansion na sakop ng ARMM sa ilalim ng bagong memorandum of agreement sa ancestral domain na lalagdaan ng pamahalaan at MILF.
Sinabi ni Taliño-Mendoza na nakasaad sa kasunduan na hanggang 712 barangay ang isasama sa ARMM bilang mga “annexed” ng autonomous region.
Sa kasalukuyan, tinatayang 2,470 barangay sa Marawi City at 111 munisipalidad sa anim na lalawigan ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi at Shariff Kabunsuan ang sakop ng ARMM.
“The government and MILF should stop using Mindanao villages, whether chiefly Christian or Muslim, as pawns to be playfully bargained away,” anang kongresista.
“Have government negotiators bargained away the whole store? How many times to we have to capitulate just to appease the MILF? How many plebiscites do we have to conduct just to satisfy them?” idinagdag ni Taliño-Mendoza.
Hinamon din niya ang mga government negotiators na ilabas sa publiko ang buong detalye ng kasunduan sa MILF.
“The people of Mindanao are entitled to know the fine points of the proposed new accord now, even before it is signed by both parties,” ayon kay Taliño-Mendoza.
“We are Filipinos born and raised in Mindanao. We deserve to know exactly what the government negotiators promised the MILF, and precisely what the MILF pledged in return… It is bad enough negotiators never consulted us from the start. Now, it turns out that some of our villages were apparently reduced as bargaining chips in the talks,” pagtatapos niya. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
Pagpapaliban ng ARMM elections nasa Kongreso - Malakanyang
Manila (22 July) — Ipinahayag ng Malakanyang na ang hiling ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ipagpaliban ang nakatakdang August 11, 2008 Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) elections ay nakasalalay sa desisyon ng Kongreso.
Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, ang Kongreso lamang ang makakapagpasa ng batas o resulosyon na ipagpaliban ang nasabing halalan dahil ang August 11 ARMM elections umano ay itinakda sa pamamagitan ng Republic Act 9333.
Ayon pa rin kay Ermita, kahit na gahol na sa oras ay pagsisikapan pa rin ng pamahalaan na matalakay at mabigyan ng pansin ang hiling ng MILF na ipagpaliban na muna ang nakatakdang ARMM elections sa darating na Agosto. (Abbenal/PIA 12)
Comelec tuloy pa rin ang preparasyon para sa ARMM elections
http://www.journal.com.ph/ July 23, 2008 10:47 AM Wednesday
Sa kabila ng pagsuporta ng Pangulong Gloria Arroyo sa suspensyon ng eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ay tuloy pa rin ang preparasyon para rito ng Commission on Elections.
Sa report ng GMA News, sinabi ni Comelec chairman Jose Melo na tuloy pa rin ang kanilang paghahanda para sa nalalapit na Aug. 11 election sa ARMM subalit handa rin silang sumunod kung ipaguutos ng Kongreso ang postponement ng halalan.
Maganda aniya ang resulta ng “mock election” kahapon dahil maayos na gumagana ang automated counting machines.
“Whatever Congress decides … kung ipo-postpone, susundan namin yan. For our part we are proceeding as if talagang tuloy-tuloy,” ani Melo.
Idinagdag din nito na baka hindi na sapat ang oras para makagawa pa ng batas ang Kongreso na siyang mag-uutos sa postponement ng halalan.
“Bahala ang Congress kung may tyempo pa sila. Very, very short time … sa aking estimate gipit na gipit ang Congress,” saad pa ng Comelec chairman.
Ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang humiling sa gobyerno na ipagpaliban muna ang ARMM elections dahil sa naganap na “breakthrough” sa kanilang (GRP-MILF) peacetalks.
Ayon sa MILF, makakaapekto ang pagkakaroon ng bagong ARMM officials sa pagsasakatuparan ng mga kasunduan sa peace talks kaya dapat munang i-postpone ang eleksyon.
Mga lider sa ARMM kukunsultahin sa planong ipagpaliban ang halalan
http://www.gmanews.tv/ 07/22/2008 | 06:57 PM
MANILA – Inihayag ni Speaker Propero Nograles nitong Martes na kukunsultahin muna nito ang mga kaalyado sa Autonomous Region in Muslim Mindanao kung papabor na ipagpaliban ang nakatakdang halalan sa Agosto 11.
Unang kukunsultahin ay si ARMM Governor Datu Zaldy Ampatuan na siya ring magiging pambato ng Lakas-CMD sa nakatakdang halalan.
“As Lakas president, I shall defer to and consult our ARMM loyal allies, the Ampatuans. Should they advice that postponement will speed up the Mindanao peace process, I shall personally try to fast-track move to postpone,” ayon kay Nograles.
“As speaker, I have called for Mindanao congressmen and women caucus in the House on Tuesday (July 29) 2 pm after the SONA and we decide collectively to postpone or not,” idinagdag niya.
Una rito, inindorso ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ipagpaliban ang halalan sa ARMM alinsunod sa kahilingan ng Moro Islamic Liberation Front.
Kasalukuyang nagnenegosasyon ang pamahalaan at MILF para sa kapayapaan sa Mindanao. - GMANews.TV
Pagpapaliban ng ARMM polls inindorso ni Arroyo
http://www.gmanews.tv/ 07/22/2008 | 04:13 PM
MANILA — Inindorso ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ipagpaliban ang nakatakdang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa Agosto 11.
Ayon kay Press secretary at presidential spokesman Jesus Dureza, sinuportahan ni Gng Arroyo ang panawagan na ipagpaliban ang halalan dahil mahalaga umano ang ginaganap na usaping pangkapayapaan sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Idinagdag ni Dureza na nakausap na ni Arroyo ang mga lokal na opisyal at mambabatas sa ARMM nitong Martes.
“Meron kasi tayong strategic development in peace negotiations, bigyan natin ng chance to succeed. There is a common recognition kailangan natin ng peace settlement in Mindanao,” pahayag ni Dureza sa panayam ng dzBB radio.
Inaasahan na ihahain sa Kongreso ang panukalang batas para ipagpaliban ang halalan sa ARMM pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Arroyo sa July 28. Ang naturang panukala ay sesertipikahan bilang urgent bill ng Malacanang upang mabilis itong maipasa.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang halalan sa ARMM ay gagawin tuwing ikalawang Lunes ng Agosto. Dahil dito, kailangan ang batas upang itakda ang bagong petsa ng halalan.
“Kung marapatin ng Kongreso na suportahan yan I think it will become one of the priority legislations by the new Congress,” pahayag ni Dureza.
Magpupulong umano ang government at MILF panel sa Huwebes upang repasuhin at pagkasunduan ang mga detalye sa ancestral domain, o mga lupain na pinapaniwalaang pag-aari ng mga ninuno ng mga Moro.
Ang usapin sa ancestral domain ang isa sa mga “pinakamadugong” pinagtalunan sa negosasyon na kamuntik nang maging dahilan upang hindi matuloy ang pag-uusap.
“The president, taking a cue from the negotiators and Sec. (Hermogenes Jr.) Esperon and the others, minabuti niyang konsultahin at kausapin ang mga LGU heads,” ayon kay Dureza. “The objective is to reset the ARMM elections and give emphasis to the negotiations ongoing right now.”
Una rito, nagpahayag ng pagtutol ang mga alkalde at gobernador sa mga lalawigang sakop ng ARMM na ipagpaliban ng halalan na hinihingi ng MILF.
Ngunit sinabi ni Dureza na nagkaroon ng “common position” ang mga kasapi ng Gabinete na suportahan na ipagpaliban ang halalan upang pagbigyan ang kahilingan ng MILF.
Idinagdag ni Dureza na ang Kongreso na ang bahalang magtakda kung kailangan gagawin ang susunod na ARMM elections kapag ipinagpaliban ang halalan sa Aug 11. - GMANews.TV
MILF, pabor sa endorsement ni PGMA na ipagpaliban ang ARMM election
http://www.rmn.ph/July 23, 2008
Sang-ayon ang Moro Islamic Liberation Front ang ginawang pag-eendorso ni Pangulong Gloria Arroyo sa pagpapaliban sa gaganaping halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ngayong Agosto 11.
Ayon kay MILF Spokesman Eid Kabalu, ang hakbang ng Pangulo ay tugon sa kanilang panawagan na payagang umusad ang peace talks.
Sakaling ituloy ang ARMM election ay maipagpapaliban naman ang pagsisimula ng transition period para sa bangsamoro juridical entity na mai-establish sakaling maabot na ang pinal na kasunduan.
Samantala, ipinaliwanag din ni Kabalu na ang partisipasyon ng MILF sa paglilinis sa Rio Grande de Mindanao ay bilang tugon sa aniya’y “Humanitarian Call” dahil sa positibong nangyayari sa peace negotiations.
ARMM elections tuloy - Comelec
http://www.philstar.com/iSaturday, July 19, 2008
Tuloy ang eleksiyon sa darating na Agosto 11, 2008 sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa kabila ng panawagan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na suspendihin ito at isagawa na lamang matapos ang peace talks sa pagitan nila at ng pamahalaan.
Ayon sa tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec) na si Atty. James Jimenez, hindi sila maaring magsuspinde ng halalan o ipagpaliban ito dahil kailangan nilang isagawa ang itinakdang eleksiyon sa ARMMM alinsunod sa batas, na isagawa ito kada-taon.
Pinayuhan ni Jimenez ang MILF na sa Kongreso ito umapela para mabago ang itinakda ng batas.
Para aniya sa Comelec, mahalagang matuloy ang ARMM elections dahil ito ang magiging batayan sa isasagawang full automation ng eleksiyon sa 2010.
Gayunman, kinumpirma ni Jimenez na tuloy na tuloy naman ang automation sa 2010 elections at pagpipiliang gamitin ang Optical Mark Reader at ang Direct Recording Electronic.
Siniguro rin ni Jimenez na ang mga voting at counting machine ay handang-handa na para sa nalalapit na halalan matapos ang masusing pagsusuri o quality assurance tests. (Ludy Bermudo)
(Hinango mula sa Script ng Udto na Adi (na dating Kapayapaanang title) na sinulat ni Kaka Alih- July 21, 2008)
Ang tao ay sadyang pinagkalooban ng Poong Lumikha ng Allah ng likas biniyayang taglay ng kagandahan asal, na siyang nagsisilbing gabay sa kanila sa paglipas ng panahon at nagbibigay linaw sa kanila kung ano ang tama at
Bagama’t ang pamantayan kung papaano natin sasabihin na ang isang katangian ay mabuti o masama ay magkakaiba sa bawa’t tao, may pangkalahatang pagkakaunawaan hinggil sa mga pamantayan ng mabuting asal at ang masamang asal.
Samakatuwid, ang mga katangian tulad ng katapangan at katapatan ay sadyang pinaparangalan.
At walang panahon sa kasaysayan ng tao na ang katangiang tulad ng kawalan ng katapatan at paglabag sa pagtitiwala ay tinanggap ng lipunan o bagay na karapat dapat ng parangal. Ang katapatan, kadakilaan, at pagkamatuwid ay laging binibigyan ng halaga, samantalang ang pagkamasarili, kalupitan, kasakiman at kalabisan ay kailanman hindi tinatanggap ng mamamayan sa pangkalahatan.
Ang katatagan, pagsusumikap at lakas ng loob ay mga katangian na labis na hinahangaan at iginagalang ng tao, samantalang ang kawalan ng pagtitiis, kawalan ng katiyakan at kahinaan ay binibigyan ng maliit na kahalagahan.
Karangalan, disiplina sa sarili, kabaitan at pagkamapagkaibigan ay sadyang tinitingalang katangian hindi tulad ng paghahambog sa sarili, kayabangan at kawalan ng galang ay kailanman hindi kabilang sa mga kagandahang asal.
Ang taong may kusang pagmamalasakit at katapatan sa kanyang tungkulin ay tinitingala at iginagalang habang ang taong tamad at pabaya maging sa kanyang tungkulin ay hindi pinapansin at kinamumuhian sa lipunan.
Ang isang lipunan na matatag at masugid na itinataguyod ang pagkapantay-pantay, hustisya at kalayaan ay nakikitaan ng liwanag.
Ang lipunan na laganap ang kaapihan, kaguluhan, pagkawatak-watak at ang kawalan ng samahan o pagkakaisa ay patungo sa landas ng pagbagsak, sapagka’t pinabayaan nilang mabulok sa haba ng panahon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga nakakasamang patakaran o pamamalakad na siyang nagwasak sa mga pangunahing batayan kung saan ito naitatag.
Ang pagnanakaw, pangungupit, pagpatay (ng walang dahilan), pangangalunya, at pandaraya o panlinlang ay sadyang kinamumuhian. Ang paninirang-puri, pananakot at pagsuhol ay mga gawaing nakakasama sa lipunan. Kabaligtaran nito ang pag-aaruga sa mga matatanda, tapat na pakikipagkaibigan, pagtulong sa mga kamag-anakan, pagmamalasakit sa kapit-bahay, pagtatanggol sa mga mahina at naapi at ang pangangalaga sa mga may sakit ay mga dakilang gawain mula pa noong simula ng kabihasnan.
Ang mga taong maginoo, tapat, tuwid at mapagkakatiwalaan, mga taong palaging handa sa pagtulong sa kanilang kapwa, mga namumuhay nang may kapayapaan ay ninanais din na ang kanilang kapuwa tao na mamuhay ng tulad nito ay siyang bumubuo sa pangunahing haligi ng mahusay at malusog na lipunan.
Ang kabutihan at kasamaan ay hindi mga kasaysayan o alamat na naghihintay na muling buhayin, bagkus ay bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay at tunay na ang Allah (swt) ay binigyang-biyaya ang sangkatauhan ng likas na kaalaman ng tama at
Pagkatapos ng mga paliwanag natin ay maaring maitanong natin sa inyo,
1. Kung ang pangunahing asal ng kabutihan at kasamaan ay tinanggap ng pangkalahatan, bakit nagkaroon ng iba’t ibang uri at pamamaraan ng pag-uugali ang ating masasaksihan sa mundo?
2. Bakit maraming magkasalungat na mga pilosopiya o prinsipiyo?
3. Saan ba ang puno’t dulo ng pagkakaibang ito?
Ang mga katanungang ito ay mahalaga at kailangang harapin ng lubos na pag-iingat at may kahinahunan. Tatalakayin lamang natin ng payak ang mga paksang ito. Ang mga sumusunod ay magsisilbing maigsing pagpapaliwanag sa mga naunang katanungan.
1. Ang kasalukuyang pamantayan at kaparaanan ng kagandahang asal ay hindi napagkaisa ang kahalagahan ng kagandahang asal at mga kinaugalian sa pamamagitan ng pagtatag ng tumpak na mga hangganan at dahil dito, ang pantay at malinaw na balangkas sa pag-uugali ay hindi naisakatuparan.
2. Bawa’t pamantayan ng kagandahang asal ay may ibang pang-unawa kung ano ang mabuti at kung ano ang masama, samakatuwid ang pamantayan sa kagandahang asal ay magkakaiba. Ang isang pagpapalagay ay mahirap mapatutunayan dulot nang kinauukulang nasa likod nito ay magkaiba sa iba. Ganoon din na ang kaisipang ginamit upang mapag-alaman ang layunin ng tao upang sumunod ng isang kaparaanan ng pag-uugali at hindi sa iba.
3. Mapapag-alaman natin sa pamamagitan ng taimtim na pag-iisip na ang mga pagkakaibang ito mula sa ating magkakasalungat na mga pananaw at kaisipan hinggil sa sanlibutan, ang kinalalagyan ng tao at layunin ng pananatili ng tao sa daigdig. Ang dami ng mga relihiyon, pilosopiya, idolohiya at panukala (theories) na nananatili ay mga patunay at salamin sa mga pagkakaiba at ang paglihis ng mga pananaw ng tao sa mga pangunahing katanungan at marami pang iba, tulad ng:
a. Mayroon bang Diyos?
b. Ano ang Kanyang mga Katangian?
c. Ano ang ugnayan ng tao at ang Diyos?
d. Ang tao ba ay may pananagutan sa kanyang mga gawa sa buhay na ito?
e. Bakit nilikha ng Diyoas ang tao?
Sa susunod na programa natin ay dahan-dahan nating sasagutin ang mga katanungan na ating binuksan at sa muli kami aya nag-aanyaya sa lahat ng tagapakinig. Wassallam.
Balita- Kaka Alih July 20, 2008
Nuro, Upi….Dumating kahapon July 19, 2008 sa Upi ang head of Research ng Asian Media Information and Communication Centre, ng bansang Singapore na si Kalinga Seneviratne Phd. Ang layunin ay upang pag-aralan ang pagpapalakad sa community radio na DXUP FM.
Nabasa ni Mr. Seneviratne ang radio researched work ni Ma. Therresa M. Rivera tungkol sa DXUP FM. Ang gusto niyang lalo pang palawakin ang mga information papaano naitatag at nakakatulong sa mamayan ng Upi ang DXUP FM.
Ang himpilang DXUP FM ay itinatag ng LGU Upi sa pakikipagtulungan sa Local Government Support Program ng Canada, noong taong 2004. Ang Notre Dame Foundation for Charitable Activities, Inc.-Women in Enterprise Development (NDFCAI-WED), ang implementing NGO naman ang nagsagawa ng mga technical na kaalaman.
by MANNY MOGATOReuters MANILA - A landmark deal between the Philippine government and the country’s biggest Muslim rebel group on a homeland for Muslims was welcomed on Thursday, but analysts and residents in the area said more needed to be done.
The government and the Moro Islamic Liberation Front (MILF) said on Wednesday they had hammered out long-standing differences on the ancestral domain of local Muslim communities, allowing for the resumption of peace talks stalled since December 2007.
The deal would expand the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), an area in the south of the mainly Catholic Philippines that was carved out in an agreement with another Muslim rebel group, the Moro National Liberation Front.
The latest agreement, reached during talks in Kuala Lumpur, however does not guarantee the end of a near 40-year conflict that has killed 120,000 people and displaced 2 million on the resource-rich southern island of Mindanao.
While the Manila government and leaders of the MILF were rejoicing over the deal, Christian and Muslim communities in the south said they had mixed feelings. Many expressed concern that details of the agreement were not yet known.
“The Christian communities are afraid the Muslims would take back their farmlands,” said Emmanuel Pinol, vice governor of North Cotabato province, adding the groups would petition the Supreme Court next week to force Manila to divulge details.
“Our people are getting anxious and apprehensive. We want information on what was agreed upon and what are the areas covered by the Muslim homeland. I am afraid there could be chaos and violence if this information would not be made available.”
Pinol said some Christian communities were planning to arm themselves to defend property they had acquired from Muslims in the last 50 to 60 years.
Some Muslim rebels were also surprised when they learned a deal had been struck in Kuala Lumpur because they believed the government was reluctant to grant more rights to Muslims and other indigenous people in the south.
“We heard about it, but we’re still very cautious because the government is very clever,” said a guerrilla sub-commander who declined to be named. “There might be a trap, but it’s better than having no agreement at all.”
The two sides have been observing a cease-fire since 2003, although tensions sometimes erupt into fighting.
Analysts said it was premature for both sides to celebrate because the fundamental issues, such as the right of Muslims to self-determination remained unresolved.
“It’s definitely a positive development, giving the peace process a big push forward,” Benedicto Bacani, executive director of the Institute for Autonomy and Governance at the Notre Dame University, told Reuters.
“But, there are still a lot of issues to be resolved. I don’t really think a final deal could be sealed under this government.”
Oscar Sampulna, a senior executive of ARMM administration, said the agreement between the government and the MILF would not affect scheduled elections in the region next month.
“I don’t see how this agreement on ancestral domain can affect us,” Sampulna said, adding the ARMM was created by law and only another law could abolish, expand or touch it.
(Balita- Kaka Alih - July 18, 2008-10:30 pm-Huwebes)
Nuro, Upi…..Pinawalang bisa ng Korte Suprema ang batas na Muslim Mindanao Autonomy Act 201 na pinasa ng Regional Legislative Assembly (RLA) ARMM na siyang nagtatag ng probinsiya ng Shariff Kabunsuan..
Sa desisyon na binasa ni by Associate Justice Antonio T. Carpio, ay nakasaad doon na hindi naayon sa batas ang pagbuo ng RLA -ARMM sa probinsiya dahil ang House of Representative lamang ang may karapatan.
Ang Shariff Kabunsuan ay isang lalawigan ng Pilipinas na nabuo mula sa sampung bayan (Barira, Buldon, Datu Odin Sinsuat, Kabuntalan, Matanog, Parang, Sultan Kudarat, Sultan Mastura and Upi) na dating bumubuo sa unang distrito ng lalawigan ng Maguindanao.
Ipinasa ng Regional Legislative Assembly, ARMM’s noong Agosto. 28, 2006 ang batas na MMAA 201.
Ito ang ika-80 lalawigan ng bansa at ikaanim sa Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ito ang unang lalawigan na hindi binuo ng Kongreso dahil nabuo ito sa pamamagitan ng kapangyarian ng Republic Act No. 9054 o ang Expanded ARMM Law.
Inaprubahan (ratified) noong Oktubre 29, 2006 sa pamamagitan ng plebisito ng mga botante ng 29 na munisipalidad ng Maguindano ang pagkabuo ng lalawigan .. Sa mahigit na 500,000 rehistradong botante ng Maguindanao, 285,372 dito ang pumabor sa pagkabuo ng Shariff Kabunsuan. 8,802 lamang ang bumoto laban dito.
Samantala magpapalabas na ng resolusyon ang Commission on Election (Comelec) en banc para maresolba ang posibleng maging epekto sa Autonomous Region on Muslim Mindanao (ARMM) election ng pagpapawalang bisa ng Korte Suprema sa pagkakatatag ng Shariff Kabunsuan.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, bagamat hindi pa pinal ang desisyon ng Supreme Court ay kinakailangang resolbahin ng komisyon ang usapin lalo pa’t malapit na ang ARMM election.
Naniniwala umano siyang maliit lang ang magiging epekto ng nasabing desisyon sa gaganaping halalan.
Sa hanay ng mga lokal na opisyal na iboboto ay mananatili umano na maghahalal ang regional assemblyman para sa unang distrito ng Maguindanao ang mga residente ng Shariff Kabunsuan.
kaka alih- July 17, 2008
Hindi lang natin miminsan tinatalakay ang isyung ito: “Tri-people Concept” o tungkol sa pagrupo-grupo sa ating mga mamayan at tila mahina ang “pag-pick-up” ng ating mga mamayan, kaya naman minarapat natin ipost ditong muli sa ating bagong blog.. of course naman.. mayron tayong konting edti …una natin itong tinalakay sa sa programang “Kapayapaan” noong Enero 21, 2008 at nai-post natin sa http://dxup.multiply.com/ noong Enero 22, 2008.
Ang ating Tri-People (tri=triple or tatlo) concept sa bayan ng Upi ay tumutukoy sa mga grupo ng tribo o ethnic tribe, tama po ba?
Ang mga grupo ay hinati sa pinagmulan, isang grupo ang mula sa Luzon at Visayas, isang grupo ang galing ng Mindanao at isang grupo ang taga Upi. Ang grupo galing sa Luzon at Visayas ay tinawag natin na Christian group, dahil karamihan sa mga Ilocano, Bisaya, Tagalog at iba pang tribu sa Luzon at Visayas ay Christianity ang pinaniniwalaan na religion. Ang ating pagtawag sa taga Mindanao na ibat-ibang tribu, ay tinawag natin na Muslim dahil majority or karamihan dito ay Islam ang religion, at ang tawag sa taong tumanggap ng Islam ay Muslim, at grupong taal na taga Upi o native inhabitants ng Upi ay tinawag na Teduray.
Ang bawat grupo sa Tri-people ay kinabibilangan ng marami o hindi lang isang tribu, sa Muslim kasama dyan ang Maguindanaon, Meranaw, Iranun, Tau Sug, at iba pa. Sa Christian naman ay kabilang dyan ang Ilocano, Ilonggo, Bisaya, Tagalog, Kapangpangan at iba pa. Dito naman sa T’duray ay nag-iisa lang ang tinututukoy, ang tribung T’duray lang. Tama po ang aking explanation?
For any comments please send your message, thru sms o text, just type our key words, kapayapaan, space, mesage, space, namae and address and send to our DXUP FM Mobile Numbers: 09185476707 at 09263029849.
Bago tayo magpatuloy, habang nag-gagawa kayo ng inyong mga reaction, ay pakinggan muna natin ang report ni Hon Mayor Piang Sr. sa mga evaluators ng Canadian International Development Authority (CIDA) -Local Government Support Programs (LGSP), na sina Vicky Alinsug, para sa mga programa na kanilang natulungan, na dumating dito last Friday, Jan 19, 2008, ang ulat ni Mayor Piang tungkol sa Mayor Councils.
Narinig natin ang Ulat ng ating Mayor Piang, at ang I-quote natin ang ayn kanyang magandang sinabi tungkol sa ating topic, Muslim at Christian terms, pakinggan natin ang sinabi ni mayor sa part na yaon:
Maliwanag na ang Kagalang galang na Mayor Ramon A Piasng Sr. na siya mismo ay nakita o nalaman na dapat ng ituwid ang ating terms sa Muslim at Christian.
Bweno kaugnay pa rin ng ating topic ay babasahin ko ang ilang bahagi ng sulat ni Kapatid na Zamin na tinanggap natin noon, Nov 22, 2006.
Heto ang sulat ni Zamin: dated: November 22, 2006
Magandang Umaga Kaka Ali,
Kapayapaan at Magandang umaga po sa lahat ng taga pakinig ng DXUP-FM lalo na sa mga taga pakinig ng inyong napaka-imformative na programa-Kapayapaan.
Kaya po ako sumulat ay gusto kong mag-bigay ng ilang mga kuro-kuro sa mga napapansin ko na dapat nating pag-aralan at pag-usapan dahil sa aking pananaw ay may dapat baguhin sapagkat hindi naangkop sa mga kinauukulan nito. Ang gusto kong pansinin natin ay ang pag-grupo-grupo natin sa ating mga mamayan, na may grupong ganito, ganoon, maari bang hindi na tayo mag-grupo-grupo?
Halimbawa ng sinasabi ko:
Ang lahat ng nabanggit ko ay hindi masama kong tama ang layunin at kong talagang nararapat at kinakailangan, para sa akin, sang-ayon ako dyan, ang mahalaga dito ang layunin kong bakit nag-grupo, ngunit kong minsan ay kalabisan na at mali-mali na dahil kahit ang terms natin na ginagamit ay hindi na naangkop, ang mga halimbawa?:
Sa ating bayan ng Upi, may grupo tayong tinatawag na Muslim, Teduray at Christian, ang katanungan ko dyan: “ano ang grouping na iyan? By Tribe ba? by religion ba? By nationality ba?”
Nalilito ako dyan, kong ano ba talaga ang gruping na iyan, at naitatanong ko-bakit?
Kasi ang term na Muslim, ayon na rin sa inyong programa:
Muslim- ay yaong nanamplataya sa Islam-tama po ba Kaka Ali? Mamaaring siya ay Teduray, Ilonggo, Meranaw, Iranon, Ilocano, dahil ang term na Muslim ay may religious inclination hindi ito nabibilang sa tribo. Ang ibig sabihin ng Muslim, ay nanamplataya- ang kanyang agama o religion ay Islam.
Christian- ay yaong nanampalataya sa agamang Christianismo. Siya ay maaring Ilonggo, Teduray, Iranon, Meranaw, Ilocano o iba pang tribo. Maaring iba pang nationality siya nabibilang, dahil ang pagka-Christiano ng isang tao ay dahil sa pananampalataya hindi dahil sa kanyang tribong kinabibilangan.
Ang term na Teduray ay tinutukoy ay ang tribung Teduray, Ang T’duray ay isang tribu, katulad din sa tribung Iranon, Maguindanaon, Meranaw, Manubo, Subanen, Ilonggo, Ilocano o iba pang tribu.
Ang tanong ko Kaka Ali, ano ba ang basehan ninyo o natin na hinati-hati natin ang ating mamayan na may grupo ng Muslim, Christian at Teduray? Tama ba ang terms na iyan?
Ang sunod kong tanong, Papaano kong ang aking kapatid na Teduray ay tinanggap ang agama (religion) na Islam, hindi ba nararapat na siya ay Muslim na rin? Katulad din siya sa pananamplataya sa Iranon na Muslim, Meranaw na Muslim, o Ilonggo na Muslim. Siya ba ay Muslim o Teduray na tatawagin? Di ba Muslim na rin siya? Di ba dapat tawagin na siyang Muslim na Teduray, katulad ng nauna nating binanggit?.
Ang Teduray na tinanggap ang Christianity, di ba nararapat na tawagin na siyang Christian? Tulad din siya sa Ilonggong Christiano, Iranon, Tagalog, Ilocano na Christiano? Di ba Teduray siyang Christiano?
Ang Katotohanan ay kong Agama (religion) o pananamplataya ang pag-uusapan sa Upi, may mga mamayan tayong nanampalataya sa Christianity sila iyong Christian, Islam at sila naman iyong MUslim at iba pang religion tulad ng Buddhists, at iba pang religion sa mundo. Kong tribu naman ang basehan, hindi na maitatuwa na nakakarami ang bilang ang mga kapatid na Teduray, Maguindanaon, Ilonggo, Ilocano, Iranon, Meranaw at marami pang ibang tribu dito sa Pilipinas na dito na tuluyan o pansamantalang naninirahan.
Ang mungkahi ko Kaka Ali, bakit, pag-aralan o silipin natin ang ginamit na term ng ating mga ninuno, sa pag-grupo nila sa mga mamayan na kanilang nasasakupan, halimbawa:
Sa Saudi Arabia sa panahon ng Propeta Muhammad, ang mga naglipat mula sa Mecca papunta ng Madina ay tinawag na “Muhajir” (new comer) at “Ansari” taga Madina.
Sa ngayon mga panahon, maaring hindi ito maging problema, ngunit balang araw ay magiging problema, bakit? kasi ang term na Muslim ay may religion na aspeto, at ginagamit ito sa buong mundo at may maliwanag na kahulugan sa Qur’an, kaya hindi na natin ito pwedeng baguhin ang kahulugan, ganoon din sa terminong Christian.
Ako ay nanawagan sa Media, Academe, sa official ng goberno at sa lahat ng kinauukulan na minsan din natin itong suriin at pag-aralan para maiwasan ang pagkalito at di pagkakaunawaan sa mga darating na araw.
Lubos na gumagalang, ang iyong kapatid na masugid na tagapakinig.
[Nilagdaan] zamin
(original letter: handwritten in yellow paper by Zamin- binasa ni Kaka Ali sa kanyang programang “kapayapaan” November 27, 2006-5:30-6:30 ng umaga-sa himpilang DXZUP-FM 105.5 MHz)to Friday 5:30-6:30 morning]
kaugnay ng pag-basa natin muli sa sulat at pagtalakay sa issue ay may mga natanggap tayong mga sms (text messages):
(number sadya nating inalis) time recived: 06:27:27 21-Jan-2008
“Peace Tama yang sulat ni Kaka Zamin..ang suggestion ko dapat talaga d na gamitin ang salitang Christian at Muslim or Bangsamoro para d lalala ang hidwaan…dapat talagaang gamitin na salita na naraapat ay ang tribu mismo gaya ng magindanaon, Teduray, Illonggo,, Cebuanao and etc…kaya nga ininsist ko matagal na mali ang tripeople of Upi kc ang Muslim at Christian ay di tribe…Teduray lamang ang tribu.”
|
Sana totoo na itong nasa diyario, na kalalaabas lamang, ang gustong kong sabihin, sana hindi namagbago ang isa sa magkabilang panig…Kong ano ang napagkasunduan ay iyon na… (kong sa chess pa..”touch move”) hindi na idelete ng isang panig.. di tulad nong unag negotiator na pinalitan pa ang tapos na… at iyong mga napagkasunsuduan isagawa… Gov’t, MILF settle all issues on ancestral domain Carolyn O. Arguillas/MindaNews |
|
| Wednesday, 16 July 2008 21:17 | |
|
DAVAO CITY (MindaNews/16 July) – The Philippine government and Moro Islamic Liberation Front (MILF) have settled all the contentious issues on ancestral domain and are now preparing to convene the formal peace talks to sign the memorandum of agreement on the ancestral domain agenda, the government and MILF peace panel chairs told MindaNews.
“Ok na. Thank God!,” government peace panel chair Rodolfo Garcia, told MindaNews from Kuala Lumpur, where the two panels are holding an executive session comprising the panel chairs and two other representatives each. “Finally we have settled all the remaining issues on ancestral domain,” MILF peace panel chair Mohagher Iqbal said. Presidential Adviser on the Peace Process Hermogenes Esperon, Jr., told MindaNews the two chairs are signing the minutes of the executive session and “hopefully within the next 10 days” formal peace talks can resume so the MOA on ancestral domain can be signed and the talks can now focus on the contents of the “final” peace agreement. Esperon said the lone contentious issue on the use of the word “freedom” was resolved by just saying “address the aspirations of the Bangsamoro people.” He said “freedom” was already included in the June 22, 2001 Tripoli Agreement on Peace between the parties. Section 2 of the Security Aspect of the agreement, states that the “negotiation and peaceful resolution of the conflict must involve consultations with the Bangsamoro people free of any imposition in order to provide chances of success and open new formulas that permanently respond to the aspirations of the Bangsamoro people for freedom.” (Carolyn O. Arguillas/MindaNews) |
Sirong played on Saronay/Kulintang a Tiniok.Sirong means “shade”. Among the Tau sa Laya (upstream) Maguindanaon, Sirong is called Duyog, meaning “chase”. As with many kulintang pieces, Sirong has several forms. The Sirong comes under the Minuna/Kamamatuan style.
The Minuna style is a formal one that emphasizes the kulintang’s melody, the harmony between the playing ensemble, and clarity of gong sound to affect the listening audience, hence there is a certain etiquette and finesse needed to play in this style. In a Minuna ensemble, instruments are segregated by gender, for instance the kulintang and gandingan would be considered to be only playable by women, while the Dabakan and Agung (which require strength and endurance) would be male instruments (although this segregation in playing is starting to be relaxed). Minuna is the style preferred by older people. Another name for Minuna is Danden or Kamamatuan which means “Old style”.
The Bagu style, on the other hand, emphasizes the dynamics of rhythm and skill of the players, hence is a fierce, young masculine style. Players in the Bagu style often compete with each other by employing several methods, such as complicating the basic notations and melody or highly increasing the tempo to test and challenge other players in the ensemble. Bagu is preferred by younger people. The set up for Bagu ensembles doesn’t follow the traditional gender segregation and formality of Minuna, and men or women could play any given instrument in the ensemble. Another name for the Bagu style is Kangungudan meaning “Young/New style”. Sub-Bagu styles played among the Tau sa Ilud (Downstream) Maguindanao include the Barikata, Taraburutan or Binalig.
Binalig comes from the word Balig, which has several meanings, all of which are relevant to the style: “slang”, “talking in a foreign accent”, “teenage years” or “to make different”. There is a lot of leeway given in the Binalig for much more improvisation on behalf of the kulintang player. It’s origin is said to be with the Tau Sa Laya (upriver) Maguindanaon people, but is now universally found among both Tau sa Laya and Tau sa Ilud (downstream) Maguindanaon. This particular piece is one of the variants of the Binalig. Feelings or emotions traditionally related or evoked by the Binalig are those of anger, love and joy.The Minuna style is a formal one that emphasizes the kulintang’s melody, the harmony between the playing ensemble, and clarity of gong sound to affect the listening audience, hence there is a certain etiquette and finesse needed to play in this style. In a Minuna ensemble, instruments are segregated by gender, for instance the kulintang and gandingan would be considered to be only playable by women, while the Dabakan and Agung (which require strength and endurance) would be male instruments (although this segregation in playing is starting to be relaxed). Minuna is the style preferred by older people. Another name for Minuna is Danden or Kamamatuan which means “Old style”.
The Bagu style, on the other hand, emphasizes the dynamics of rhythm and skill of the players, hence is a fierce, young masculine style. Players in the Bagu style often compete with
each other by employing several methods, such as complicating the basic notations and melody or highly increasing the tempo to test and challenge other players in the ensemble. Bagu is preferred by younger people. The set up for Bagu ensembles doesn’t follow the traditional gender segregation and formality of Minuna, and men or women could play any given instrument in the ensemble. Another name for the Bagu style is Kangungudan meaning “Young/New style”. Sub-Bagu styles played among the Tau sa Ilud (Downstream) Maguindanao include the Barikata, Taraburutan or Binalig.
(Sinulat na ni Kaka Alih-para sa Programang “Bantay Bayan Boses ng Sambyanan” sa segment na “Bantay Kalikasan” July 16, 2008)
Ang pag-uusapan natin sa araw na ito ay tungkol sa Kalikasan. Hindi ba sa tuwing maririnig ng ating pandinig ang salitang ito, nalalarawan agad sa ating isipan ang isang malaparaisong kapaligiran?. Mga iba’t ibang nilalang na hitik sa kagandahan, samu’t saring buhay na naninirahan sa malaparaisong kaharian.
Ang lahat ay hahanga sa ganitong tanawin, hindi ba? Paano nga ba hindi ka mahahalina sa, gayong alam mo na taglay ng kalikasang ito ang lahat ng kanyang mga pangangailangan upang mabuhay sa mundo na kanyang ginagalawan? Dito ay sagana sa mga likas ng yaman, mga kamangha mangha na tanawin na nagbibigay ginhawa at nagpapangiti sa atin. Bagay na masasabing walang kapantay na ipinagkaloob sa atin ng Panginong Lumikha (Allah) dahil sa kanyang dakilang pagmamahal sa tao, sa lahat ng kanyang nilanlang dito sa sansinukob.
Ang tao, siya nga ba ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagbabago ang buong sanlibutan? Sa ating kalikasan?
Nakakalungkot mang isipin ngunit kung ating mamasdan ay isang ganap na pagbabago ang bumabalot sa mundo at sa ating napakagandang kalikasan, at ang katotohanang ito’y ‘di lingid sa ating kaalaman. At ang katotohanang, isa tayo sa mga saksi, saksing nagbubulagbulagan sa kasalakuyang narararanasan ng Inang Kalikasan. Tao ang nagging dahilan ng unti-unting pagkasira ng ating kapaligiran.
Ang tanong ko sa mga giliw na nakikinig, Papaano, nga ba humantong sa ganitong kalagayan ang ating kalikasan? Ito ba ay dahil sa pagbabago; mga pagbabago sa mga bagay-bagay dahil sa natatanging kaalaman ng tao? Kaalaman ng tao na siya ring bumabago sa mukha ng kalikasan?
Nariyan ang mga makabagong paraan ng paghahanap buhay gamit ang mga makabagong teknolohiya. Mga makabagong teknolohiya na siya ring nagdudulot ng polusyon sa mga tubig at hangin. Kabilang din ang pagtaas ng bilang populasyon kasabay din ang pagdami ng mga umaasa sa mga kayamanang galing sa kalikasan. Ngunit nakakalungkot ding isipin na minsa’y napapabayaan natin ang pagpapahalaga sa ating mga pinagkukunan ng ating mga pangangailangan, partikular na ang mga kagubatan at ang mga buhay na nakapalood dito.
Sa kabila ng pakikinabang ng tao, ang pang-aabuso ay nariyan na minsa’y tayo rin ang naapektuhan. Sana’y maramdaman din natin na ang kalikasan ay may napakahalagang papel sa ating mga tao. May buhay na kailangang pag-ingatan upang mapanatili ang maayos na sistema sa bawat bagay sa mundong ito na may kanya-kanyang ginagampanan.
Ayong Jess Geralino sa programang Usaping Bayan…”Sana huwag nating hayaan humantong sa pagkakataong maranasan ang galit ng kalikasan subukan nating gumawa ng mga paraan kung paano mapapanatili ang magandang relasyon ng tao sa kalikasan”.
Hindi pa huli ang lahat upang tayo’y magkaroon ng mga hakbang upang maibalik ang unti-unting pagkawala ng sigla at kagandahang taglay ng “Inang Kalikasan”
Sana’y huwag nating ipagdamot, sanay huwag tayong magtulog-tulogan na masilayan pa ang kagandahang taglay ng kalikasan para sa ating mga susunod pang henerasyon at para sa mga buhay ng bagong kinabukasan!
Ano ang ibig sabihin ng ekonomiya?
Ayon sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya: Ang ekonomiya ay isang kalipunan ng mga gawain ng tao, pamayanan at institusyon na may kaugnayan sa paglilikha, pamamahagi, palitan, at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo.
Sa ekonomiya ng bansa ng Pilipinas ay nakaugnay sa buwis o taxes ng mga mamayan, sapagkat ang tax na ito ang nagpapagalaw sa lahat ng project ng bansa.
Bakit taxes?
Dahil ang bansa natin, ang Pilipinas ay di katulad ng ibang bansa na may sariling negosyo, oo, noon mayron tayong sariling corporation ngunit dahil ito ay nalulugi, dahil sa hindi maganda pamamalakad o management ay minarapat ng goberno natin na ipagbili sa pribadong sector, kaya sa ngayon ay umaasa ang Pilipinas sa buwis na ibinabayad ng mamayang Pilipino. Ang ibig sabihin, kong walang buwis na ibinayad ng mga mamayan, Pilipino man o banyaga ay dapat bayaran ang buwis na dapat niyang bayaran, dahil kong hindi sila magbabayad ay malulugmok, o magiging lumpo ang Pilipinas.
Sa ngayon ba ay nagbabayad ang mga Pilipino ng kani-kanilang mga buwis sa goberno?
Ang sagot ay Opo, yes. Ngunit ang sabi ng iba mali ka Kaka Alih, dahil ang akin ay NO, hindi.
Bakit yes or no?
Ang mga mamayan ay nagbabayad ng kanilang mga dapat bayarin lalo na yoang mga ordinaryong mamayan, ngunit kadalasan ay nanasa malalaking negosyante o may mamalalaking babayaran na buwis ang may problema, bakit? Dahil dito madalas nagsisimula ang “corruption”. Dito madalas may lagayan o yaong under the table na transaction.
Halimbawa, isang mamayan na milyonaryo, syempre kong milyonaryo di man milyon ang babayaran na buwis sa kanyang negosyo o ari-arian ay daang libo. Dito na magagamit yaong sinasabio natin na corruption, una ipa-assess muna ang kanyang ari-arian, para batayan sa kanyang babayaran, dito ay hindi na niya sasabihin ang tama, mas mababa halaga ang idedeklara para maliit ang mababayaran, syempre hindi papayag ang empleyado, at maaring aalukin ng mamayan ang empleyado, sasabihin na “bibigyan kita ng ganito (syempre libo, paliitin mo lang ang halga ng ari-arian ko” at dahil maliit din ang suweldo ng emplyedo, at kumpare o kumara pa, kong minsan best friend pa, maibubulong sa sarili na: “pera na maging bato pa, at pangalawa kokorakutin din ito ng nasa taas”. Kaya ang resulta imbes na isang libo , naging sampung libo na lang ang mababayaran. Ganoon kadali ang corruption sa ating bansa.
Papaano natin ito, maiiwasan o magagamot?
Sabi noong isang bisitang banyaga, foreigner: “bawasan ninyo ang corruption sa inyong bansa”
Ano ba ang ibig sabihin ng corruption?
Ayon sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya:
“Corruption is a general concept describing any organized, interdependent system in which part of the system is either not performing duties it was originally intended to, or performing them in an improper way, to the detriment of the system’s original purpose”. Ano mang pagnanakaw ay mabibilang sa kuratsyon
Sa sinulat ni Ma. Shiela H. Garcia na may pamagat na “Kurapsyon sa Pilipinas” na mababasa sa kanyang blog na http://bpspolitics.wordpress.com
Ayon kay Garcia:
“Noong unang panahon pa lang ay may kurapsyon nang lumalaganap saan mang bahagi ng mundo. Kaya hindi nakapagtataka na kabilang rin ang bansang Pilipinas.”
Tama ngunit hindi ganito kalala ang sabi ng isang Pastor sa isang pag-uusap naming sa isang sasakyan.
Naitanong din Ms Garcia:
“bakit nga ba may kurapsyon sa Pilipinas?”
At kanyang sinagot ang kanyang katanungan:
“Ang estado ng Pilipinas ay nananatiling mahina at ang patuloy na paggamit ng mga elitista ng kanilang kapangyarihan ang nagpapahirap sa pamahalaan sa magkaroon ng magandang pamumuno sa ating bansa. Ang mga nasa matataas na katungkulan sa pamahalaan ay patuloy na gumagawa ng mga stratehiya upang makapagnakaw sa “Kaban ng Bayan”.
Ngunit may commentaryo tayo na marami rin sa kanila ang gumagaa ng stratehiyana papaano lalaki ang collection sa buwis, dahil tayong mga Pilipino ay likas na rin atin ang may takot sa Diyos, hindi magnanakaw.
Sundan pa natin ang paliwanag ni Ms Garcia tungkol sa corruption:
“Ito ang dahilan kung ba’t di-mawala wala ang kurapsyon sa Pilipinas. Paano nga ba mawawala kung ang mismong mga namummuno sa bansa at ang siyang may mga matataas na katungkulan ang siyang nangunguna sa paggawa ng hindi maganda. Kadalasan pa nga ay nakikita lamang natin sila pag malapit na ang eleksyon at humihingi pa ng suporta sa mga taumbayan. Pero hindi ba’t ang karamihan sa kanila ay pera ng pamahalaan ang ginagamit para sa pangangampanya?”
Mayroon din na ang gamit sa pangangampanya ay mula sa kanyang pinaghirapan, mula sa kanyang naipon sa negosyo, mula sa pamana ng kanyang mga magulang, kong magnakaw man ng kaban ng bayan, sa may bandang huli na.
Toloy natin ang sulat ni Garcia:
“ Sa makatuwid ang kurapsyon sa ating bansa ay dahil na rin sa mga namumuno at sa mga taong may mga kapangyarihan. Ang isa pa sa mga sinasabing dahilan ng lumalalang kurapsyon sa ating bansa ay ang di- pagkakapantay ng mga mayayaman at mga mahihirap. Ito ay tumutukoy sa mga kapitalista na patuloy na ibinababa ang sweldo ng mga manggawang Pilipino na lalung nagpapatindi sa problemang kinakaharap ng ating bansa. Kung magbibigay lamang ng daan ang mga kapitalista tungo sa mas maunlad na ekonomiya ng bansa, mababawasan rin kahit paano ang kurapsyon sa ating bansa.”
Ngunit marami pa rin sa mga Pilipino ang nagsisikap na mawala ang corruption at makabangon tayo mula sa pagkalugmok ng ating ekonomiya, halimbawa nandiyan Ang NAMFREL (National Citizens Movement for Free Elections), binuo upang maging bantay ng bayan sa election, at dito sa atin may mga organization taga-bantay din ng bayan. Marami na ang mga samahang may layunin na magkaroon ng reporma sa bansa at masolusyonan ang kurapsyon sa bansa. Maliwanag lamang na ang mga Pilipino ay may adhikain o sabi pa ni Ms Garcia “mulat” na sa lumalalang problema ng bansa at naghahanap ng solusyon para dito.
Ako ay umaasa na malalagpasan natin ang ganitong problema sa bansa, kailangan lamang ang paniniwala na kaya natin ito.
Sabi ni Garcia:
“Kahit sino naman sa atin ay maaaring umasa na matapos na ang problemang ito sa ating bansa ngunit dapat talagang magsimula ang mga pagbabago sa mga namumuno sa bansa. Ang dapat gawin ng mga namumunong ito ay alamin ang pinag- ugatan ng tradisyon ng kurapsyon sa bansa at makaisip ng paraan para mapigilan ito dahil kung hindi, malamang ay hindi na nga umunlad ang ating bansa.”
Tama kayo maam Garcia, dapat simulan ng mga pinuno ng bansa, sila ang maging ehemplo .
Pagkatapos na nasimulan na ng mga leader natin ang maging huwaran o modelo, tayong namang mga mamayan ay dapat matuto na ring sumunod sa batas, sa mga tungkulin, at kong sakaling man mali ang tinatahak na landas ng mga pinuno natin ay ating ituro sa kanila ang tamang landas, huwag nating silang pabayaang mahulog sa bangin, dapat sama –sama tayo, na hindi mahulog sa kumunoy ng kumukulong apoy sa impiyerno ang mga lider.
Para sa mga magulang, ang ating kabataan ay hubugin ang kanilang isipan at itanim sa kanilang mga puso ang isang makabayan, pagmamahal sa ating bansa at higit sa lahat paniniwala sa Poong Lumikha.
Ang artikulong ay nabasa ko minsan ako ay magsurfing ng mga blogs, ang umagaw atensyon sa akin at nakita ang lalim ng pangunawa ni may akda na nagpakilalang si Aimee Achinges na may blog na: http://saintlucifer.multiply.com/ at di na ako nagpatumpik-tumpik na para marami ang makabasa at post ko dito sa aking blog, na ang layunin ay marami rin ang makabasa kong hindi ko man naipalam sa may-akda ay patawarin ako, ang layunin ko lang naman ay maraming makabasa):
Kagaya ng dati, and relasyon sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano ay nasa panganib. Ngayon, higit sa ano pa man, ang dapat na pagtuunan ng pansin ay ang pagbuo ng higit na maayos na relasyon sa dalawang grupo na nakabatay sa paguusap, respeto at pagsasaalang-alang ng mga pagkakatulad ng kanilang relihiyon.
Moro ang ibinigay na pangalan ng mga Espanyol sa mga Muslim sa Pilipinas noong ikalabing-anim na dantaon. Ang pangalang ito ay nangangahulugan din ng pagkamuhi ng mga Espanyol sa lahi at relihiyon na sa loob ng ilang libong taon ay nanguna sa kanilang Kristiyanong bansa. Ang Moro, na ginagamit na ngayon bilang salitang may mababang konotasyon sa ating lipunan ay ang mismong salitang nagiging simbolo ng pagkakakilanlan sa mga Muslim sa pagnanais nilang maisakatuparan ang kanilang adhikain sa kabila ng pangkasalukuyang realidad.
Kahit na pinagtutunan ng pansin ng kasalukuyang pamahalaan ang pagkakaisa ng mga Muslim at Kristiyano, hindi pa rin ito nalulutas nang tuluyan. Mapapansin natin na ang mga Muslim ay higit na interesado sa pakikipag-ugnayan sa mga bansang Muslim. Ang mga Kristiyano naman ay mas binibigyang pansin ang mga pangyayari at pakikipagkasundo sa mga bansa sa Kanluran lalo na sa Amerika.
Noong 1972, ang simula ng Martial Law ay lalong nagpatindi sa adhikain ng mga Muslim dahil sa pagkakabuo ng mga rebolusyunaryong puwersa gaya ng Moro National Liberation Front (MNLF) na ngayon ay kinikilala na sa buong mundo. Ang madaming kaso ng karahasan laban sa mga Muslim ay ay nagpatindi sa alarma sa komunidad ng mga Moro.
Ang problema sa Mindanao ay maaring ipaliwanag sa iba’t ibang paraan. Ang perspektibo ng mga Muslim hinggil sa problema ay sinasabing ginagamit lamang nila para mahiwalay na sila nang tuluyan sa Pilipinas. Ito ay dahil sa maling pagkakaintindi ng mga tao sa kultura ng mga Muslim at ito ang bibigyang linaw ng papel na ito. Madaming tao ang masyadong kinakain ng paniniwalang pampulitika at pang-ekonomiyang suliranin ang bumabalot sa Mindanao na ang mas mabigat na dahilan ay nababalewala na. Sinasabi ng mga Kristiyano na walang kinalaman sa relihiyon ang problema. Itinuturo nila na ang ugat ng lahat ay ang pag-aaway ng mga pinunong Muslim sa kapangyarihan, ang pag-aagawan sa lupa ng mga Muslim at iba pang suliraning pangekonomiya at agraryo. Kaya pag sinasabi ng mga Muslim na ang kanilang pakikibaka ay upang protektahan ang Islam, ito ay pinagdududahan ng mga Kristiyano. Sinasabi nilang ginagamit lamang ng mga Muslim ang relihiyon upang maitago ang kanilang tunay na adhikaing pampulitika at pangekonomiya.
Kailangang pagaralan ang problema sa isang pangkultural at pangrelihiyong pananaw. Kailangang unawain na ang Islam ay isang usaping sosyal at may pangteritoryo at pangsosyal na mundo ang mga Muslim. Marami din ang dapat malinawan sa totoong kahulugan ng jihad. Ang kahalagahan din ng kasaysayan sa pag-aaral ng problema ay hindi dapat ipagsawalang bahala. Maging ang problema din sa representasyon sa mga Muslim sa mga aklat at sa iba pang babasahin ay nagdulot ng pagkakahiwalay ng mga Muslim at Kristiyano.
Ang Mga Muslim
May 13 katutubong grupo ang mga Muslim sa Pilipinas. Lima sa grupong ito ay bumubuo ng 96 na porsiyento ng populasyon ng mga Muslim na tinatayang umaabot sa apat hanggang anim na milyong tao. Ang limang grupong ito ay ang mga Tausug ng Sulu, Sama ng Tawi-tawi, Yakan ng Basilan,, Maranao ng Lanao at Maguindanao ng Cotabato.
Bagamat bumubuo lamang sila ng isang pangkat bilang mga Muslim, nagkakaiba sila sa kanilang diyalekto, mga pangunahing gawaing pangekonomiya, antas ng pagka-Muslim at sa iba pang detalye ng kanilang tradisyunal na buhay kultural.
Kahit na kinikilala ang mga pagkakaibang ito, ang mga hindi Muslim ay pinaaalalahanan na huwag masyadong bibigyan ng pansin ang kanilang pagkakaiba upang maintindihan nila ang Islamikong aspeto na naguugnay sa mga Muslim bilang isang pangkat.
Ang mga Muslim ay sensitibo sa programa ng gobyerno ukol sa integrasyon na sa ilang pagkakataon ay isinasakatuparan sa pamamagitan ng asimilasyon. Kahit sa konteksto ng mga Muslim sa Pilipinas, ang mga Muslim ay ay nangangatwiran na ang Islam ay hindi pinahahalagahan sa mga teksto, na parang hindi ito importante sa buhay at adhikain ng mga Muslim. Para sa mga Moro, ang patuloy na pagnanais ng nasyonalismo na nakabatay sa pagkakatulad at pagsasantabi ng pagkakaiba ay naglalagay sa kanila sa panganib. Pinahahalagahan ng mga Muslim ang kanilang kaibahan sapagkat sa ilalim ng sentralisadong gobyerno at dahil na rin sa kanilang mababang katayuan sa ating lipunan, ang pagpapahayag ng kanilang kaibahan ay importante upang maprotektahan ang kanilang Islamikong pagkakakilanlan. Kung bibigyan sila ng pagkakataong pumili, ang uri ng pagkakaisa na kanilang gugustuhin para sa lahat ay yaong nakabatay sa pagkakaiba at hindi sa pagkakatulad. Ang pangangalaga nila sa kanilang Islamikong pagkakakilanlan ang pangunahing dahilan kung bakit sila naghahangad ng kalayaan o kahit man lang isang autonomiyang pederal. Ang autonomiyang nakabase sa pederal na pamamalakad ay ang tanging paraan upang mapagkasundo an gang dalawang magkaibang interes: ang bigyang kapangyarihan ang mga Muslim at masigurong buhay ang kanilang Islamikong pagkakakilanlan at kasabay nito ang pagpapanatili ng pambansang soberenidad at pangteritoryal na integridad ng Pilipinas. Ang ganitong uri ng pamamahala ay magtatagumpay lamang bilang alternatibo sa kalayaang hinihiling ng ilang mga Muslim kung ang totoong pagbibigay kapangyarihan sa mga Moro ay maisasakatuparan.
Ang paghahanap sa nasyonalismo ay maaring makakuha ng suporta ng mga Muslim. Kailangan lamang ang pag-unawa at pangangalaga sa kanilang kultura. Ang Islam, para sa mga Muslim, ay hindi lamang isang kultural na pundasyon upang palamutian ang kanilang teritoryo o ang kanilang mga kasuotan. Hindi rin ito batayan ng sayaw o paglalagay ng kulay sa isang seremonya. Ang Islam ang siyang nagbibigay buhay sa mga Muslim. Ito rin ang nagsisilbing pananggalang nila laban sa panganib at oposisyon.
Ang Dimensiyong Islam
Sa pag-aaral ng Islam katulad ng sa mga Muslim sa Pilipinas, tatlong prinsipyo ang kailangang unawain upang mabigyan ng linaw ang problema sa Mindanao. Ang mga ito ay ang Tawhid, ang pagkakaiba ng zahir o lahil at batin, at ang konsepto ng tao bilang isang khalifa.
Ang Tawhid na nangangahulugang Pagkakaisa ni Allah ay ang pinakamahalagang doktrina ng Islam. Ito ay nangangahulugan ng monotismo sa kaiba sa politismo ng Arabia bago pa ito naging bansang Muslim. Ang Tawhid ay nasasaad sa Shahadah ng mga Muslim bilang pagpapahalaga sa nag-iisang si Allah.
Ang kabuuan ng Tawhid ay sumasakop sa mga pansamantalang material na aspeto ng mg abagay at ang pagiging replesksiyon nila ng Diyos sa mundo. Ang kahulugan ng Islam hindi lamang bilang isang relihiyon kundi bilang kabuuan ng pamumuhay ng mga Muslim ang naglalagay kay Allah bilang sentro ng kanilang mga buhay. Kung kaya sa Islam, ang pagsuko sa Kanya ang nagiging batayan ng mga gawain nila. Ang salitang Islam ay nagmula sa salitang Arabikong aslama na ang ibig sabihin ay “pagsuko.” Ang Muslim ay isang taong dapat na isuko ang sarili sa kagustuhan ng iisang
Ang Tawhid ay inilalagay ang lahat sa kanilang relasyon at sa kanilang pagkakaisa. Ang pagkakaisa ng kalawakan, ng buhay, ng sangkatauhan, ng kaalaman at iba pa ay hindi lamang pananaw na pilosopikal kundi isang aktibong puwersa na nagtutulak o gumagabay sa mga Muslim na kumilos ayon sa pananaw na ito.
Sa zahir-batin na dimensiyon naman, karaniwang inilalarawan ito ng mga Muslim sa pamagitan ng pagkakaiba ng batin o ang kawalan ng laman ng mga bagay sa mundo at ang lahil o ang materyal na aspeto ng realidad. Ayon sa paniniwalang Muslim, ang lahil ay may kinalaman sa mga gawaing pisikal samantalang ang batin ay may kinalaman sa higit na malalim na kahulugan ng relasyon ng tao at Diyos. Sa batin maiuugnay ang mga pangunahing interes ng mga Muslim at ang ugat ng suliranin sa Mindanao na nahahati sa tatlong bahagi. Ang tatlong ito ay ang pagprotekta sa sikolohikal na pagkatao ng mga Muslim, ang pangangalaga sa ummah (komunidad ng mga naniniwala kay Allah) at ang pag-iwas na maging dar-al Harb (lugar ng kawalan ng katarungan) ang dar-al Islam (lugar ng kapayapaan o ang teritoryo ng mga Muslim).
Sa pagiging khalifa naman ng isang Muslim, ang konsepto ng jihad ay dapat maunawaan bilang isang responsibilidad na isulong ang katarungan, pangalagaan ang moralidad at pagpapanatiling maayos ang kapaligiran laban sa pang-aabuso ng mga tao. Ang salitang khalifa ay nangangahulugan na ang kapangyarihang ipinagkaloob sa kanya ni Allah ay dapat niyang suklian sa pamamagitan ng pagsuko sa Kanya. Ang mga Muslim ay naniniwala na may kasunduan sa pagitan ng mga tao at ni Allah na tatanggapin ng sanlibutan si Allah bilang Diyos. Hinahayaan ng Diyos na magkaroon ng kapangyarihan ang mga tao sa mundo ngunit Siya pa rin ang nagmamay-ari ng kapangyarihang ipinagkaloob Niya.
Ang pagunawa ng sosyal at teritoryal na aspeto ng problema ay mahalaga dahil sa kontekstong ito mabibigyan ng linaw ang pagsasagawa ng jihad. Ang batas ng Islam ay nagbibigay ng karapatan sa mga Moro na magsagawa ng jihad sa ilalim ng mga sumusunod na sitwasyon: 1) Kung tanging ang legal na dsisiyon lamang ng mga Kristiyano ang nasusunod at ang sa mga Muslim ay hindi; 2) Kung ang dar-al Islam ay napaliligiran na ng dar-al Harb; at 3) Kung nag kaligtasan ng mga Muslim ay hindi na kayang protektahan ng pamahalaan.
Jihad
Ang salitang jihad ay hango sa salitang Arabiko jahada na nangangahulugan ng pakikibaka o pakikipaglaban. Sa mga hindi Muslim, ang jihad ay limitado lamang sa banal na pakikidigma ngunit ang jihad ay marami pang sinasaklaw sapagkat ito ay pakikibaka para kay Allah sa pamamagitan ng lahat ng paraan maging sa pamamagitan ng salita, buhay at kayamanan. Nangangahulugan din ito ng pagbibigay ng isang Moro ng lahat ng kanyang makakaya upang malupig ang kalaban. Dahil dito, maaaring maihiwalay sa tatlong bahagi ang jihad: pakikibaka laban sa nakikitang kalaban, sa demonyo at sa makasariling interes o nafs. Sa pang-indibidwal na aspeto naman, ang jihad ay ang pag-iwas sa kamunduhan at personal na interes. Ang jihad ay nagpapatibay sa paniniwala ng mga Muslim. Sinasabi na mas madaling malalabanan ng tao ang kalaban kung pag-iibayuhin niya nag kanyang disiplina at paniniwala. Sa higit na kilalang kahulugan nito, ang jihad ay ang paglaban sa sa pang-aapi at pang-aabuso, pagtangging magpatalo sa mga kalaban ng Islam, pagprotekta sa paniniwala at pangangalaga ng ummah. Ang batas ng Islam ay maaaring magbigay ng kapangyarihan sa mujahideen (banal na sundalo) upang sumuong sa jihad.
Ang Dimensiyong Pangkasaysayan
Habang pinipilit ng isang tao na unawain ang kinalaman ng mga Muslim sa kasaysayan ng Pilipinas, mahalagan ilagay sa isip na ang kasaysayan ay hindi isang inosenteng didiplina at hindi natural na pag-aaral ng kultura at nakaraan ng bansa. Ang kasaysayan ay nakatali sa kpangyarihan. Ang mga salitang ginamit sa mga teksto ay pinili upang umayon sa kultura ng kapangyarihan na umiiral sa mga lugar ng paggawa ng kaalaman. Ang kahakagahan ng pag-aaral ng kasaysayan ay hindi dapat isantabi upang higit na mabigyang linaw ang problema ng mga Moro.
Ang tanging paraan upang maging hari ng hinaharap ay ang baguhin ang nakalipas. Ang kasaysayan ay nakabatay sa ideolohiya ng mga makapangyarihan. Ang nakalipas ay hindi nawawala sa kasalukuyan at lahat ng nagbibigay buhay sa nakalipas tulad ng mga rebulto, monumento at iba pang labi ng nakaraan ay mga pananggalang upang maprotektahan ang kapangyarihan ng iilang grupo ng tao. Ayon sa isang manunulat, ang kumukontrol sa nakaraan ay siyang kukontrol ay siyang kukontrol sa hinaharap at ang kumukontrol sa kasalukuyan ay siyang kumukontrol sa nakalipas.
Bilang isang pagpapatotoo sa Pilipinas, ang kasaysayan ay nilinis at pinili upang mapanatili ang interes ng nakararami. Dahil dito, nagging sentro ng pakikipaglaban ng mga Muslim ang pagnanais nilang mailahad ang totoo at buong kasaysayan ng Pilipinas.
Ayon sa isa pang manunulat, ang katotohanan tungkol sa nakaraan at ang katotohanan tungkol sa kasalukuyan ay hindi mapaghihiwalay. Kapag hindi tinaggap ang katotohanan sa mga nangyari, imposibleng malutas nang tama ang mga pangyayari ngayon. Kung wlang katotohanan ng kasalukuyan, imposibleng mapagbuti ang kalagayan at pakikitungo ng mga grupo ng tao sa iisang lipunan.
Ang kakulangan ng perspektibo ng mga Muslim sa kasaysayan lalo na ang kakulangan ng pang-unawa at pagpapahalaga sa ugat ng suliranin sa Mindanao ay higit na tumindi at umabot na sa puntong mahirap nang isaayos ang lahat. Ang isang mahalagang panawagan na kaugnay sa pagpapahalaga sa kasaysayan ng mga Muslim ay ipinahayag ng dating senador na si Wigberto Tañada na humikayat sa pamahalaan na pangunahan ang pagbibigay liwanag sa isip ng mga tao tungkol sa pangkasaysayang pinagmulan ng suliranin ng mga Moro at kung bakit ang pagbabago ng maling kasaysayang bumibiktima sa mga Moro ay nangangailangan ng ibayong pagsisikap (Today, p. 11, ika-3 ng Hulyo, 1996).
Sa pamamagitan ng kaalaman tungkol sa totoo at malawak na kasaysayan ng Pilipinas, amuunawaan ng mga tao ang ang pakikipaglaban ng mga Muslim sa Mindanao. Sa pamamagitan din nito, maisasakatuparan ang kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao sa pamamagitan ng Southern Philippines Council for Peace and Development (SPCPD) na nabuo noong 1996.
Ang Problema sa Representasyon ng mga Muslim
Ang representasyon bilang isang problema ay binigyang linaw ni Edward Said sa aklat na Orientalism (1978) kung saan pinagkaiba niya ang presentasyon o ang natural na paglalahad ng kultura o lipunan at ang representasyon o ang artipisyal na paglalahad ng kultura o lipunan. Sa pag-aaral ng kasaysayan at kultura, mas malawak ang nararating ng representasyon kesa sa presentasyon. Ayon naman sa aklat na The Crisis of Representation ni Raul Pertiera, ang problema sa representasyon ng ibang kultura ay isang prosesong nakadikit sa kapangyarihan na siyang nagbibigay ng posisyon sa isang tao o isang grupo ng tao sa lipunang kanilang ginagalawan.
Ang problemang ito ang siya ding nagdulot ng pagkakahiwalay ng mga Moro at ng kanilang kultura sa karamihan ng mga aklat na isinusulat ng mga Pilipino. Dahil dito, hindi malinaw ang kanilang tunay na papel sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa. Sila ay napasailalim sa representasyon kung saan sila ay binigyan ng mababa at permanenteng papel sa lipunan. Kinundisyon ng mga nasa kapangyarihan ang pananaw ng nakararaming Pilipino hinggil sa mga Moro Ang representasyon ng mga Muslim ay bahagya lamang nabago ngunit ang pagbabagong ito ay hindi pa rin sapat upang maipakita kung sino at ano talaga ang mga Muslim.
Maging ang salitang Filipino o Pilipino ay nagsimula bilang isang modelo ng organisasyon ng walong pangunahing grupo sa Pilipinas na halos lahat ay mga Kristiyano at ang iba naman ay lumad.Ang walong grupong ito ay ang Tagalog, Iloko, Kapampangan, Pangasinan, Bikol, Cebuano, Hiligaynon at Samar-Leyte. Bagamat ang iba pang mga bagay tulad ng impluwensiyang Indo-Malaya at ang epekto ng ekolohiya ay naisaalang-alang, ang Kristiyanong pagkakakilanlan ng walong grupong ito, ayon sa aklat na Generalized Lowlands Philippine Social organization (Robert Fox), ang nagsilbing basehan ng mga Pilipinong manunulat upang sumulat tungkol sa lipunang Pilipino, pamilyang Pilipino at iba pang nosyon ng pagiging Pilipino. Sa kasong ito, ang salitang Filipino bilang isang representasyong nakabatay sa pagiging Kristiyano ng walong grupo sa bansa ay nagiging isang problema sa pagkilala sa mga sosyal at kultural na katangian ng ibang grupo ng mamamayan sa bansa lalo ng ng mga Muslim.
Ang Pag-uusap Bilang Susi sa Suliranin sa Mindanao
Bago dumating ang dekada ’90, maraming grupo ang nabuo sa pagnanais na mahikayat ang gobyerno at ang mga Muslim na pumasok sa isang dayalogo at kasunduan. Isa na dito ang Islamo-Christian Silsilah na gustong maayos ang relasyon sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano sa pamamagitan ng pag-unawa sa sa ispiritwal na dimensiyon ng kani-kanilang relihiyon. Sa isang dayalogo, ang dalawang pangkat ay dapat matutong magkompromiso ng kanilang posisyon at paniniwala sa isang paraan na ang pangunahing adhikain at ang integridad ng bawat isa ay narirespeto. Ang awayan sa pagitan ng dalawang grupo ay maihahalintulad sa awayan ng dalawang tao sa magkabilang dulo ng ilog. Nagtatalo sila sa loob ng maraming taon ngunit wala ni isa man lang sa kanila ang nagtangkang tawirin ang ilog.
Dapat na unawain ng mga Muslim at Kristiyano ang bawat isa sa kanilang relihiyon sa halip na sa kanilang pangekonomiya at pampulitikang pagkakaiba. Maging si Pope John Paul ay nanawagan ng isang matiwasay na pag-uusap sa pagitan nila. Sinabi niya na ang isang pag-uusap ay nagsimula na kung kaya’t dapat na tingnan ang nakaraan upang makabuo ng isang magandang hinaharap para sa buong bansa. Ang Islam at Kristiyanismo ay hindi dapat na maging basehan ng krisis at alitan ng mga Muslim at Kristiyano. Dapat ang dalawang relihiyong ito ang maging basehan ng pagkakaisa at pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang grupo. Ang mga Muslim at Kristiyano ay maaaring manirahan nang matiwasay sa iisang bansa. Sila ay mga biktima lamang ng mga pangyayaring hindi nila ginusto at ang patuloy na karahasan ay walang maidudulot na maganda sa alinman sa dalawang panig. Ang mga sugat ng kasaysayan ay maaaring magamot at ang mga Muslim at Kristiyano ay maaaring magkaisa bilang isang lahi, bilang isang bansa.
(SOURCE: http://saintlucifer.multiply.com/)
Noong mga unang panahon panahon ng Jahiliya… day of the ignorance…alam ba ninyo na ang kababaihan ang turing ng lipunan ay segunda klase na nilalang ng Diyos… Tinuturing nila ito na pag-aari ng lalaki.. ang sabi ng iba hinugot lang sa tadyang ni Adan ang paglalang ng babaeng si Eba…Ang iba naman ay mahina ang babae.. kaya pangkama na sila… ang lahat ng ito ay nagbago ng ihayag ng Allah ang Islam … sa panahon na ihayag ng Allah na si Muhammad ay kanyang Sugo o Propeta ay nagbago ang turing ng mga tao sa Babae… umangat ang kanilang kinalalagyan… nagkaroon sila ng karapatan.. karapatan na ka-level ng kalalakihan.. taliwas sa paniniwala ng iba sa ngayon na ang babaeng Muslim ay walang karapatan…Mabuti pa ay isa-isa natin ang mga bansa..
Alam din ba ninyo ang pananaw sa mga babae ng mga ibang bansa at kung paano ang kanilang pakikitungo sa kanila?. Ang mga babae sa mga Griyego noon ay naipagbibili at nabibili at wala itong anumang karapatan sa halip, ang lahat ng karapatan ay nasa lalaki lamang. Pinagkaitan din siya ng karapatang magmana o magpatakbo ng sariling ari-arian. Ang sabi pa nga ng kanilang bantog na pilosopo na si Socrates: “Ang pagkakaroon ng babae ang siyang pinakamalaking dahilan at pinagmumulan ng pagkasira ng mundo. Ang babae ay katulad ng nakalalasong punong-kahoy na ang panlabas na anyo ay maganda subali’t sa sandaling ang bunga nito ay kainin ng mga ibon, agad mamamatay ang mga ito.”
Ang mga Romano naman ay naniniwalang walang kaluluwa ang isang babae. Walang anumang halaga sa kanila ang babae at wala ring mga karapatan. At ang kanilang kasabihan noon ay: “walang kaluluwa ang babae.” Dahil dito ay pinarurusahan nila ang mga babae sa pamamagitan ng pagbuhos ng kumukulong langis sa kanilang katawan at iginagapus sila sa mga haligi. Hindi lamang iyon, kasama rin dito ang mga walang kasalanang kababaihan ay itinatali nila sa buntot ng mga kabayo kasabay ng pagpapatakbo nang ubod ng bilis hanggang sa mamatay ang mga babae.
Ang bansang Tsina o ang mga Intsik naman ay ang babae sa kanila ay katulad sa isang tubig na tumatangay sa kaligayahan at yaman. Ang isang lalaking Tsino noon ay may karapatang ipagbili ang kanyang maybahay at may karapatan din siyang ilibing ito ng buhay.
Itinuturing naman ng mga Hudyo ang babae na isang sumpa dahil siya ang tumukso at nag-udyok kay Adan na kainin ang ipinagbabawal na bunga. Itinuturing din nilang ang babae ay marumi kapag ito’y nireregla at ang bahay ay nagiging marumi at ang lahat ng mahawakan nito. Hindi rin siya nakapagmamana ng kahit ano buhat sa kanyang ama kapag siya ay may mga kapatid na lalaki.
Ang mga kababaihang Ingles (British), alinsunod sa pangkalahatang batas ng mga Ingles hanggang sa kalagitnaan ng nagdaang-siglo (ikalabinsiyam na siglo), ay nanatiling hindi itinuturing na mga mamamayan. Wala silang mga karapatang personal at walang karapatang magmay-ari ng anumang bagay kasama na ang mga damit na kanilang isinusuot. Noong 1567 ay gumawa ng batas ang Pamahalaang Parliyamento ng Scotland na nagbabawal na pagkalooban ng kapangyarihan sa anumang bagay ang isang babae.
Ang Pamahalaang Parliyamento nanam ng Inglatera noong panahon ni Haring Henry II ay nagbawal sa babae na magbasa ng Bibliya dahil diumano siya ay marumi. Noong 586 ay nagdaos ang mga Pranses ng isang Kumperensiya upang talakayin kung ang babae ba ay tao o hindi tao. Kinilala nilang ang babae ay tao nguni’t siya ay nilikha para paglingkuran ang lalaki. Pinahihintulutan noon sa batas ng mga Ingles hanggang sa taong 1805 na ipagbili ng lalaki ang kanyang maybahay. At itinakda pa ang halaga ng maybahay sa anim na sterling pence.
Sa mga babaing arabo naman bago dumating ang Islam ay itinuturing na isang hamak, hindi nagmamana, hindi pinahahalagahan, at walang anumang karapatan. Maraming mga arabo bago dumating ang Islam ang naglilibing nang buhay sa kanilang mga anak na babae.
Nang dumating ang Islam, inalis nito ang kawalang-katarungang ito at nilinaw na ang babae at lalaki ay magkapantay sa karapatan. Ang sabi ng AllahU:
“O Sangkatauhan, nilalang Namin kayo buhat sa isang lalaki at isang babae at ginawa Namin kayong mga bansa at mga lipi upang kayo ay magkilalanan (sa isa’t-isa). Tunay na ang pinakamarangal sa inyo para sa Allah ay siya na may pinakamalaking pagkatakot sa Kanya. Ang Allah ay nakaaalam at nakababatid sa lahat ng bagay.” [Qur’an, 49:13]
Ito sa maikling salita, ang pananaw ng Islam sa babae tulad ng mga pinapahayag natin noong una pa man dito sa ating mga programa sa DXUP FM , ang mga kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro ay hinango sa katuruan ng Islam, kaya naman noon pa man kinilala na ang mga Bangsamoro bilang mga Muslim sa dahil sa mga kaugalian na yaon.
Ang mga kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro, noon at magpahanggang sa ngayon na nasakop na ng mga kanluranin ay nanantili pa rin ang ganoon kultura bagamat malakas ang asimilasyon sa ibang kultura, tulad halimbawa ng kulturang Pilipino, na minana pa nila ang iba sa mga mananakop.
Sa Bangsamoro ang mga kababaihan ay napakahalaga at napakalaki ang kanilang pagpapahalaga dito. Saan sa mga sa ipinagbabawal kapag nasalungat o nalabag tiyak na may karapatang kaparusahan, (penalty) Halimbawa:
• Mahigpit na pinagbabawal sa kultura ng Bangsamoro ang pagsasama ng lalaki at babae na hindi pa kasal, na silang dalawa lamang sa isang lugar, na walang mahram o kasama;
• Sa bahay ng babae, hindi pinapayagan ang pag-akyat ng lalaki sa bahay kapag walang kasama ang babae, hanggang unang baytang lamang siya ng hagdanan;
• Kahit kamay lamang ang nahawakan ng lalaki sa babae na pwede niyang asawahin ay mahigpit na itong pinagbabawal;
Alin man sa nabanggit ay ang maaring kaparusahan ay multa na katumbas ng maratabat o dangal ng kababaihan… at isa na ditto ang pag-ingi ng kamay o pakakasalan ng lalaki ang babae.. upang ibangon ang kanyang dangal na nayurakan ng lalaki.
Ang kaparusahan ng lalaki at babae na ginawa ang ginagawa lamang ng mag-asawa (adultery) ay pagpaparusa na katumbas ay kamatayan… 40 na palo sa lalaki at babae.. na ang magsasagawa ay ang pinamalakas na lalaki at ang gamit ay bakal na pamalo na pinag-aapoy muna bago ilalapat sa likod ng nagkasala…sa mga Bangsamoro.. ay may kaunti silang modification dito.. dahil kailangan nila ang buhay na tagapagtanggol ng kanilang angkan ay hindi nila ito isinasagawa.. kundi binabayaran ang buhay nito.. magmumulta sila na katumbas ng buhay halaga ng tao, at para ibangon ang dangal ng babae ay kailangan pakasalan niya ito, pagkatapaos ng mailapat ang parusa…
Ang mga babae, maging Kristiyano o Muslim o ano pa mang pananampalataya mayrooon siya sila ay may pangkalahatang karapatan na dapat nilang malaman at kilalanin ng lahat upang ito ay kanyang mapakinabangan ng lubusan sa anumang oras na kanyang nanaisin. Ang ilan sa mga karapatang ito ay ang mga simusunod:
1. May karapatang magmay-ari tulad ng bahay, mga lupain, mga pagawaan, mga patananiman, ginto, pilak, at iba’t-ibang uri ng hayop gaya ng kalabaw, baka, at kamabing —maging siya man ay isang maybahay, ina, isang anak, o isang kapatid.
2. Maykarapatang pumili ng mapangangasawa, tumutol sa lalaking ayaw niya, at humingi ng diborsiyo kapag ang pananatili sa piling ng kanyang asawa ay makapipinsala sa kanya. Ang mga ito ay ang mga karapatang para sa babae na ang katiyakan ay napagkaisahan ng mga pantas ng Islam.
3. May karapatang matuto ng lahat ng kanyang kailangan tulad ng kaalaman tungkol sa kanyang relihiyon, kaalaman tungkol sa pagsamba sa Kanya, mga tungkuling kailangan gampanan kalakip ng mga kagandahang-asal para rito, at mga pag-uugaling mahusay na kailangan niyang taglayin sa lahat ng sandali.
Sa Islam ay nag-utos ang Allah sa Qur’an: “Ang paghahanap ng karunungan ay tungkulin ng bawa’t Muslim.”
4. Ang karapatang magbigay ng Sadaqah (kawanggawa) buhat sa kanyang ari-arian at gumugol buhat sa mga ito para sa kanyang sarili at para sa kanino man na kanyang naisin gaya ng asawa, anak, at mga magulang hanggang ang paggugol ay hindi humahantong sa pag-aaksaya. Ang pagbabawal sa pag-aksaya ay kapuwa para sa babae at lalaki.
5. Ang karapatang gumawa ng huling habilin (testamento) na nagsasaad ng kanyang kagustuhang ipamana sa kanyang mga pamilya.
7. Ang karapatang mag-suot na naisin niya. ngunit sa Islam ay may batayan na dapat sundin ng kababaihan. Maaari niyang isuot ang anumang maibigan niya gaya ng seda at ginto – kapuwa ipinagbawal sa mga kalalakihan – nguni’t hindi siya maaaring mag-alis ng damit at magsuot ng maikling salawal, damit na pampaligo, damit na maikli o walang manggas at iba pang kasuutang katulad ng mga ito kapag siya ay nasa mga lugar na pampubliko.
Hindi rin niya maaaring alisin ang belo sa kanyang ulo o ilantad ang kanyang leeg o dibdib maliban na lamang kung ang kanyang kapiling ay ang kanyang asawa lamang. Hindi rin siya dapat lumabas ng bahay na hindi suot ang Hijab.
8. Maykarapatang magpaganda para sa asawa. Sa mga babaeng Muslima ay maaari siyang gumamit ng pangguhit sa kilay o pilikmata (eye-liner), pulbos, o pangkulay sa labi (lipstick) kung gusto niya. Maaari siyang magsuot ng pinakamagara at pinakamagandang damit maliban sa mga damit na kilalang gamit ng mga hindi Muslimah o kilalang gamit ng mga babaeng nagbebenta ng aliw, hindi niya isusuot ang mga ito upang maiwasan na mapagkamalang siya ay kabilang sa kanila.
9. May karapatan sa pagkain at inumin. Maiinom at makakain niya ang masarap at mabuti para sa kanya. Walang ipinagkaiba ang babae sa lalaki pagdating sa pagkain at inumin. Sa mga babaeng Muslim naman ay ang anumang ipinahihintulot ng Islam na pagkain at inumin ay kapuwa puwede sa lalaki at babae.
Marami pang karapatan ng kababaihan na magandang talakayin na nagpapatunay na mahalaga sila ating lipunan. Dahil wala na tayong panahon hanggang sa susunod na araw sa ganito ring oras at himpilan.
(Kaka Alih)
Sa Radio Program Bantay Bayan Boses ng Sambayanan Community radio station DXUP FM 105.5 MHz Anchor: Miss Lenyrose Bajar (Note: excerpt from the script)
Lenyrose : KAKA ALI, MAITANONG KO PO SA INYO BAKIT ANG MGA KAPATID NA MUSLIM AY HINDI KUMAKAIN NG BABOY?
Kaka Ali ; “MAGANDA ANG KATANUNGAN MO KAPATID NA LENY DAHIL ANG BAGAY NA IYAN ANG PINAKASIMBOLO O TANDA O TATAK NAMING MGA BANGSAMORO MUSLIM, ANG DI KUMAKAIN NG LAMAN NG BABOY O MAY NAHALUAN NG ANO MANG PARTE NITO. IYAN ANG NAGSISILBING PAGKAIBHAN NATIN NA SIYANG NAKAMULATAN NATIN, NA KAMING MGA MUSLIM AY HINDI KUMAKAIN NG BABOY, IN WHICH IYAN AY TALIWAS SA SINABI NG PROPETA MUHAMAD S.AW.,
BAKIT? SINABI NG PROPETA MUHAMMAD, S.A.W. NA:
“ ANG PAGKAKAIBA NG MUSLIM SA HINDI MUSLIM AY DAHIL SA SALAAH O SAMBAYANG”…
BWENO, BAGO KO SAGUTIN ANG MAGANDA MONG KATANUNGAN KAPTID NA LENY, AY GUSTO KO MUNANG IPALIWANAG SA ATING MGA TAGAPAKINIG SA DXUP FM, NA ANG KULTURA AT KAUGALIAN NG MGA KAPATID NA BANGSAMORO AY NAKABASE SA KATURUAN NG ISLAM, AT ANG BATAS NG ISLAM AY SIYA NA RING BATAS NA SINUSUNOD NG MGA BANGSAMORO MUSLIM, ITO NA RIN ANG NAGSISILBING GOBERNO NILA, ANG IBIG KONG SABIHIN AY INSEPARABLE ANG GOVERNMENT AT RELIGION PARA SA KANILA, TALIWAS NAMAN SA NAKAUGALIAN NG MGA PILIPINO, NA HIWALAY ANG GOBERNO SA RELIHIYON……………..”
ANG PINAKADAHILAN KONG BAKIT DI KUMAKAIN ANG MGA KAPATID NA BANGSAMORO NA MUSLIM AY DAHIL ANG ALLAH MISMO ANG NAG-UUTOS SA MGA MUSLIM,(BELIEVER) AYON SA QURAN, 5:3-
“”FORBIDDEN TO YOU (FOR FOOD) ARE: DEAD MEAT, BLOOD, THE FLESH OF SWINE, AND THAT ON WHICH HATH BEEN INVOKED THE NAME OF OTHER THAN ALLAH.”
SA WIKANG PILIPINO, PATAWARIN NAWA AKO NG ALLAH KONG MAY MALI SA AKING TRANSLATION, .. “HARAM SA INYO NA PAGKAIN, AY ANG PATAY NA HAYOP (DI NASUMBALI NG BUHAY PA ITO) ANG LAMAN NG BABOY AT ANG MGA HINDI NAKATAY SA PANGALAN NG LUMIKHA..”
ALAM MO BA KAPATID NA LENY, NA KAHIT SA BIBLIA (SA 66 BOOKS-SA LUMANG TIPAN) AY NABANGGIT DIN ANG DI DAPAT KAININ ANG BABOY? SA AKLAT NA LEVITICUS 11:7-8:
“AND THE SWINE, THOUGH HE DIVIDE THE HOOF, AND BE CLOVEN FOOTED, YET HE CHEWETH NOT THE CUD; HE IS UNCLEAN TO YOU”.
“OF THEIR FLESH SHALL YE NOT EAT, AND THEIR CARCASS SHALL YE NOT TOUCH, THEY ARE UNCLEAN TO YOU.”
SA AKLAT NA DEUTERONOMY 14:8-“”AND THE SWINE, BECAUSE IT DIVIDETH THE HOOF, YET CHEWETH NOT THE CUD, IT IS UNCLEAN UNTO YOU. YE SHALL NOT EAT OF THEIR FLESH, NOR TOUCH THEIR DEAD CARCASS.”
LENYROSE : “KAKA ALI, MAITANONG KO DIN MAYROON PA BANG IBANG DAHILAN, KONG BAKIT HINDI NINYO KINAKAIN ANG BABOY?”
KAKA ALI :”MARAMI PANG DAHILAN KAPATID NA LENY, MALIBAN SA RELIHIYON NA PAGPALIWANAG, SA LARANGAN NG AGHAM (SCIENCE) AY “IPINAGBABAWAL” DIN ANG PAGKAIN NG BABOY DAHIL MARAMI KANG MAKUKUHANG SAKIT.
CONSUMPTION OF PORK CAUSES SEVERAL DISEASES
THE OTHER NON-MUSLIMS AND ATHEISTS WILL AGREE ONLY IF CONVINCED THROUGH REASON, LOGIC AND SCIENCE. EATING OF PORK CAN CAUSE NO LESS THAN SEVENTY DIFFERENT TYPES OF DISEASES. A PERSON CAN HAVE VARIOUS HELMINTHES LIKE ROUNDWORM, PINWORM, HOOKWORM, ETC. ONE OF THE MOST DANGEROUS IS TAENIA SOLIUM, WHICH IS IN LAY MAN’S TERMINOLOGY CALLED TAPEWORM. IT HARBOURS IN THE INTESTINE AND IS VERY LONG. ITS OVA I.E. EGGS, ENTER THE BLOOD STREAM AND CAN REACH ALMOST ALL THE ORGANS OF THE BODY. IF IT ENTERS THE BRAIN IT CAN CAUSE MEMORY LOSS. IF IT ENTERS THE HEART IT CAN CAUSE HEART ATTACK, IF IT ENTERS THE EYE IT CAN CAUSE BLINDNESS, IF IT ENTERS THE LIVER IT CAN CAUSE LIVER DAMAGE. IT CAN DAMAGE ALMOST ALL THE ORGANS OF THE BODY.
ANOTHER DANGEROUS HELMINTHES IS TRICHURA TICHURASIS. A COMMON MISCONCEPTION ABOUT PORK IS THAT IF IT IS COOKED WELL, THESE OVA DIE. IN A RESEARCH PROJECT UNDERTAKEN IN AMERICA, IT WAS FOUND THAT OUT OF TWENTY-FOUR PEOPLE SUFFERING FROM TRICHURA TICHURASIS, TWENTY TWO HAD COOKED THE PORK VERY WELL. THIS INDICATES THAT THE OVA PRESENT IN THE PORK DO NOT DIE UNDER NORMAL COOKING TEMPERATURE.
PORK HAS FAT BUILDING MATERIAL
PORK HAS VERY LITTLE MUSCLE BUILDING MATERIAL AND CONTAINS EXCESS OF FAT. THIS FAT GETS DEPOSITED IN THE VESSELS AND CAN CAUSE HYPERTENSION AND HEART ATTACK. IT IS NOT SURPRISING THAT OVER 50% OF AMERICANS SUFFER FROM HYPERTENSION…….
T
|
|
||
(Part ng script na sinulat ni Kaka Alih para sa programang “Kapayapaan” 1-22-08)
Sa ating programa kahapon-Lunes-January 21, 2008, may natanggap tayong message na nagbigay sa atin ng idea na lalo mang masigasig na pag-aralan ang mga bagay-bagay na may kaugnayan sa Moro or Bangsamoro.
Heto ang text: 09217117965 time recived: 06:27:27 21-Jan-2008
“Peace Tama yang sulat ni Kaka Zamin..ang suggestion ko dapat talaga d na gamitin ang salitang Christian at Muslim or Bangsamoro para d lalala ang hidwaan…dapat talagaang gamitin na salita na naraapat ay ang tribu mismo gaya ng magindanaon, Teduray, Illonggo,, Cebuanao and etc…kaya nga ininsist ko matagal na mali ang tripeople of Upi kc ang Muslim at Christian ay di tribe…Teduray lamang ang tribu.”
Sino ang mga Pilipino?
Noong 1543, pinamunuan ni Ruy López de Villalobos ang isang ekspedisyon patungo sa mga pulo at pinagalang Las Islas Felipinas (mula sa pangalan ni Felipe II ng Espanya) ang mga pulo ng Samar at Leyte. Hindi nagtagal, ibinigay ang pangalang ito sa buong arkipelago.
Ang Pilipinas ay naging lalawigan ng Nueva Espanya hanggang 1821, nang makamit ng Mexico ang kalayaan.
Ang pananakop sa kapuluaan ay nagtagumpay nang walang pakikipaglaban (maliban sa mga Muslim). Naging problema ng mga Kastila ang pakikipaglaban ng mga Muslim sa Mindanao at Sulu. Bilang sagot sa pag-atake ng mga Espanyol sa mga Muslim at kanilang mga kakampi, sinalakay nila ang mga lugar sa Luzon at Bisayas na nasa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Naglunsad ang mga Kastila ng mga kampanya laban sa mga Muslim, ngunit wala itong naging tiyak na resulta hanggang sa gitna ng ika-19 siglo.
1896 naging Republika ng Pilipinas ang Islas Pilipinassa tinatag na Republika nina Aguinaldo
Sino ang Bangsamoro?
“Bangsamoro” is derived from “Bangsa”, meaning “nation”, and “Moro”, the Islamized people comprising 13 ethno-linguistic groups: Badjao, Iranun (also: Ilanun), Jama-Mapun, Kalagan, Kalibugan, Maguindanao, Maranao, Molbog (or, Melebugnon), Palawani, Samal, Sangil, Tausug, Yakan. (From: Bangsamoro Society and Culture, by Jamail A. Kamlian)
Historian Rudy B. Rodil lists also 13 groups, in the order of population from highest to lowest: Maguindanao, Maranao, Tausug Sama, Iranun, Yakan, Kalibugan/Kolibagan, Kalagan, Sangil, Jama Mapun, Sama Dilaut (Badyao) Panimusang/Palimusa, and Malbog (Palawan). Some of the names in some other references may have other variations.
Sa article na sinulat ni Kaka Ali (Pilipino at Bangsamoro, Magkapatid? http://dxup.multiply.com/ Dec 26, ‘06 9:30 PM
“Ang tinatawag na Pilipino ay yaong mamayan na mga taga Pilipinas, na dinatnan dito ng Kastila, na sumunod sa mga kaugalian, relihiyon o iyong mga napilitang magpasakop sa kapangyarihan ng Kastila, dahil wala ng magawa kundi magpasakop dahil talo sila sa lakas at armas sa pakikipaglaban. Ang ilan sa Pilipino ay ang mga Taga-ilog o Tagalog na taga Bulakan at Maynila, mga Ilokano, Ilonggo, Cebuano at iba pang tribo.
Ang tinatawag naman na Moro ng mga Kastila ay yaong mga mamayan na dinatnan nila na lumalaban sa kanila, at katulad na katulad ng mga ugali, abilidad sa pakikidigma at relihiyon ng mga naging kalaban din nila sa kanilang bansang Espanya, na o mga taga Morocco.
Bagamat Moro sa una ang tawag, nitong mga huling panahon ay nadugtongan ng Bangsa na ang kahulugan sa sariling wika natin ng Bangsa ay angkan, kaya naging Bangsamoro na ngayon ang tawag. Nabibilang sa mga tinatawag ngayon na Bangsamoro ay ang tribong M’ranaw, Yakan, Maguindanaon, Iranon, T’duray, Suban’n, Tau Sug at marami pang iba, ang ibang manunulat, tulad ni Prof. Rudy Rodil ay hinati sa sa dalawang kategorya ang Moro, ang Islamized at hindi, o ang ibig sabihin ng Islamized ay tinanggap ang Islam bilang religion at pangalawang kategorya ay nanatili sa kanilang nakaugaliang pananampalataya.”
MGA TEXT reaction na natanggap sa programa:
09217117965 time recieved: 05:58:00 22-Jan-2008
“Peace ang opinion ko bapa d pa rin acceptable ang Moro or Bangsamoro kc sa adhikain ng MILF gusto nila, halimbawa lang, ang Teduray ay Bangsamoro na rin, pero ang Tduray ay karamihan Christinized na.. ang term Bangsamoro ay ang futurecountry ng mindanaon muslims ngunit d ito marrealize kc d papayag ang Mindanaon Christians. Bangsamoro will remain as unreliazed society just like d communist society of Karl Marx.“
Sagot ni Kaka Alih:”Optional ang ibang tribu na ayaw magpatawag ng Moro o Bangsamoro, iyan ang issue na lumabas sa GRP-MILF peace talk. Ngunit bukas ang MILF kong tatanggapin ng Teduray na sila ay Bangsamoro, dahil ang katotohanan, base sa Tarsila, o history ay kabilang sa /Bangsamoro ang Teduray, katulad sa Maguindanaon, Iranon at iba pa.”
09217117965 time recieved: 06:16:59 22-Jan-2008
“Peace tama yan bapa na d necessary na tawagin ka na moro kung Muslim ka, pwede rin Christian tawagin Moro.. ito ang pananaw ng furute Bangsamoro Islamic state, kaya iniimune ang taga Mindanao sa tawag na Moro para marelize ang Bangsamoro sanay na…dapat d muna Moro ang tawag ang nararapat Filipino or pinoy kc wala pa man Bangsamoro Islamic State”.
Sagot ni Kaka Alih: “to be called Bangsamoro ay hindi ibig sabihin ay Muslim ka, ang Bangsamoro ay maaring Muslim o Christiano, dahil to be Muslim ay pananampalataya at pagka Muslim ay pwedeng palitan anytime na gusto mo, tulad ng din ng pagka Christian, pwedeng palitan anytime of the day, but not your tribe, na Ilonggo, Iranun o iba pa, forever na iyan.;”
09217117965 time recieved: 06:18:11 22-Jan-2008
“Peace sa akin pananaw kung mag materialsang BJI ang Bangsamoro ay nangangahuluganng citizenship hindi relihiyon o sekta. Gaya ng Filipino ng bangsang pilipinas”
09217117965 time recieved: 06:19:43 22-Jan-2008
“Peace noon bapa ayaw nila tawagin moro kahit mga muslim dahil sa kasabihan a good moro is a dead moro. Ngayun lang tinaggap ang moro dahil ito ang magiging tawag kung marealized ang Bangsamoro Islamic country.”
Sagot: kahit ako noon ayaw ko rin tawagin na Moro dahil ang alam ko masama ang conotation nito, ngunit ng malaman ko ang katotohanan na di naman pala masama ang Moro I am proud to be called Moro.
09217117965 time recieved: 06:31:13 22-Jan-2008
“Peace kahit sino maglead sa Mindanao na muslim walang development ang isang town for example karamihan corruption”
Dahil sa mga text na ito na ito na ating natanggap ay lalo tayong magiging masigasig na pag-aralan (magresearch) ng husto sa mga bagay na may kaugnayan sa Bangsamoro.