(Part ng Script na sinulat ni Kaka Alih para sa programang Kapayapaan 5:30-6:30 ng Umaga- mAY 2, 2008)
Isang di matapos tapos na debate kong ang pag-uusapan ay ang alak na makalasing, dahil iba iba ang pagtingin dito ng ibang relihiyon, ngunit sa Islam ay kanya itong tandisang o specific na tinukoy na Haram ang Khamer o alak na makalasing.
“O kayong naniniwala o Nanampalataya! Ang mga nakalalasing na alak (lahat ng uri ng inuming may alkohol at i iba pa na nakapagbibigay ng lambong sa kaisipan tulad ng ipinagbabawal na gamot, droga, ), pagsusugal, Al Ansab at Al Aslam (mga gamit sa paghahanap ng suwerte at pasiya) ay kasuklam-suklam at mga paglalalang (pakana) ni Satanas. Kung kaya’t iwasan ito upang kayo ay mangagsipagtagumpay.” [Qur’an, Surah Al Maida: 90]
”Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, Pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro,” Biblia-Mga Kawikaan 23:31
Tinanong ko ang aking mga kasamahan dito sa station, ang ATBCI ay bawal din sa kanila ang Alak, ang relihiyong kinaaniban ni Donald Good News Fellowship Christian, ay bawal din.
Generally speaking, ang alak na makalasing ay ipinagbabawal ng lahat ng relihiyon, ang iba ay huwag lang maglasing, ang iba naman ay kahit tikim ay hindi pwede.
Sabi ng ating kaibigan,: ”Kaka Alih kahit ang COMELEC ay bawal din ang alak” (papaano napasok ang COMELEC?)….”di Kaka pag election day mahigpit na pinababawal ang alak” ( ok tama ka, upu tell the truth, 5 points ka… dagdagan ko ang goberno natin, bawal din ) ”Kaka diyan naman ako hindi sang-ayun, may permit ang alak na binigay ang goberno” ( eh bakit kong panahon ng mahal na araw di ba bawal?)
Bago tayo magdebate… paalaala muna ng ating himpilan:
( READ: ARMM SOCIAL FUND PLUGS)
Ang pag-inom ng alak na makalasing sa ating bansa o sa ibang parte ng mundo, kong ating mapapansin sa mga lugar na hindi umiiral ang katuruan ng Islam ay Naging pangkaraniwan na lamang ang pagbebenta at pag-inom ng alak, inaakalang isang uri ng libangan o pampalipas ng oras. Kadalasan’y ginagamit sa pag-iistima ng mga importanteng tao o mga kaibigan, o di kaya ay ipinamimigay bilang pangregalo sa mga espesyal na kaibigan.
Kung napag-ukulan lamang natin ng malaking pansin ang pinsala na ibinibigay ng alak sa katawan ng tao, sa pamilya at kapaligiran tiyak na tayo mismo ang kusang lalayo rito at tuluyan na itong iiwasan ang alak!
Batid natin sa ating mga sarili, na karamihan sa mga krimen at aksidenteng nagaganap sa ating kapaligiran ay sanhi ng mga nakainom ng nakalalasing na inumin na tulad ng alak, bawal na gamot at iba pa na mga katulad nito.
Nagiging sanhi ito ng kaguluhan sa pamilya, ng di pagkakaunawaan, pagkamuhi ng mga anak at asawa sa ama ng pamilya, at minsan’y humanhantong sa paghihiwalay ng mag-asawa — ang resulta: ‘Broken Family.’ Dito sa ating likod ay may bilangguan at di minsan lang natin napatunayan na marami ng naipasok dito dahil sa nakainom ng alak na nakakalasing.
Isama mo pa rito ang iba’t ibang uri ng sakit, na ang sanhi ay mula sa pag-inom ng mga nakalalasaing na inumin. Ayon sa mga dalubhasa o maalam, at hindi lang base sa observation natin sa paligid, napakaraming sakit na idinudulot ang alak, halimbawa:
Ang lahat ng ating halimbawa ay maliwanag na nakikita natin ngunit sa kabila ng lahat ng ito, matigas pa rin ang puso natin, hindi poa rin tayo naniniwala. Ang sabi nga ng ating kaibigan na Pastor: ”Sadyang Mapagsamba sa sarili ang tao! At saka pa lamang nagigising kapag huli na ang lahat at wala nang saysay!”
Mga kaibigan na nakikinig, pangalagaan natin ang ating mga sarili mula sa mapaminsalang bagay na ito — ang nakamamatay na inumin. Ito lamang ang uri ng lason na pinahihintulutan ng ibang mga bansa sa kani-kanilang lipunan, gayong batid naman nila ang dinudulot nitong masamang epekto.
ILAN SA MGA TEXT NA NATANGGAP NG PROGRAMANG KAPAYAPAAN: (binuo o dinagdagan ng vowels, para madali mabasa)
isang mgandang araw sayo kaibigan at kapatid isa akong manunulat at mamahayg na naka-base dito sa zambales kalukuyan akong nagsusulat sa pinoy weekly at editor ng isang community newspaper sitio ang pahayagan ng bario central luzon at NCR ang sirkulasyon nito. kaibigan humihingi ako ng paumanhin na sana pahintulutan mo ako nailabas sa sitio ang artikulong ito at ike-kredit ko sa iyo siyempre
asahan ko ang iyong tugon maraming salamat.padayon
Mitch
Welcome, basta para sa magandang layunin, walang problema, any part of this of our blog welcome.
ang pag inom ng alak ay nakakasama sa ating isipan lalo na sa ating katawan…
Posted by hillsrey at June 18, 2009, 7:17 pmdapat sana tigilan na ang pag gawa nang alak dahil sinisira nito ang isipan ng isang tao lao na ang ating katawan….