"Time is Life"

Home » Archives » May 2008

Mga Basic Knowledge na Dapat Sana ay Maituro sa mga Paaralan sa Lugar na Magkakaiba ang Relihiyon: Islam at Kristiyano

May 7, 2008

(sinulat ni Kaka Alih-May 7, 2008-para sa script ng programang Kapayapaan)

At dahil sa ngayon ay bakasyon ng mga Maestra at Maestro, pupil at mga studyante, at alam natin na karamihan ay nasa kanilang mga tahanan at nakikiig sa ating himpilang DXUP FM,  minarapat nating balikan ang mga iba nating topics na concern ang mga Guro at mga mag-aaral.  Noong January 11, 2008 ay may topic tayong tinalakay at nai-post natin sa ating blog na: http://dxup.multiply.com, at http://correctme.multiply.com.:

Ang tanong ay dapat bang ituro sa paaralan ang “Basic knowlwdge in  Islam”?

Kapag ganito raw, ang tanong tiyak   ang agad mong maririnig na sagot : “hindi pwede dahil ang Islam ay relihiyon, at ang relihiyong Islam ay para sa mga Muslim lamang at ang mga paaralan natin ay magkakaiba ng relihiyon ng mga nag-aaral doon, may Kristiyanismo at Islam ang pinnaniniwalan.  Pangalawa Ang systemang goberno natin ay ihawalay ang simbahan at goberno” (system of our government is separation of the church and state).

Sa unang dinig mo pa sa    kasagutan na ito   ay masasabi mong tama!. Hindi Ba? Ngunit….  Ang tanong lahat ba ng tamang sagot ay siyang makakabuti para sa lahat o karamihan?  Kong   ‘di naman  ay ganito ang maitatanong natin, “Ang lahat ba ng tamang kasagutan ay   tunay na katotohanan?”

Base sa mga karanasan natin,  hindi ba may mga holiday tayo, (mga Muslim) ang Eidel fiter at Adha, Amon Jaded (New Year), Izra wal Miraj (Assencion to Heaven) by Prophet Muhammad (SAW) ang lahat ng ito ay iginagalang ng goberno ng Pilipinas, sa mga araw na ito ay deklaradong holiday. Ngunit ang problema, heto hindi natin alam kailan ang dapat na araw, ang pag-celebrate.  Papaano mo isasagawa ang bagay na di mo alam? sapagkat hindi natin alam ang hijri calendar dahil hindi ito ginagamit at lalong hindi itinuturo sa mga paaralan natin sa ngayon. Ngunit  napakahalaga ang bagay na ito dahil ang tatlong nabanggit na holiday ay doon ibinasi at hindi sa Gregorian calendar. Tama mo pa ba?

Heto pa ang mga ibang impormasyon na dapat alam ng bawat mamayan lalot sa isang lugar na iba-iba ang paniniwala, na may Muslim at Kristiyano. Dapt malaman natin na ang mga kapatid na  Muslim ay hindi kumakain ng Haraam, ang tanong alam ba natin ang Haram?  At Ano ang Halal? Ang alam lang natin na haram ay ang karne ng  baboy, samantala isa lamang ang baboy na pagkain na haram o hindi pwedeng  kainin ng mga Muslim. Dont worry doon sa nagtatanong at nagrequest ang topics na Haram at Halal tatalakayin natin sa susunod na mga programa , Insha Allah.

Ang mungkahi ng isang retiradong guro: “Kong ako ang tatanungin dapat maituro sa lahat ang basic teaching ng Islam, sa lahat lalo na sa mga lugar na may Muslim, bakit? Dahil kong may sapat kang kaalaman sa Islam, marerespetuhan mo ng tama ang iyong mga kapatid na Muslim”.

Ituloy natin ang pagpapaliwanag ni Maestro: “Noon ang akala ko bakit ko pa pag-aaksayahan ang Islam ay mayroon na akong relihiyon, ngunit ngayon ay napagtanto ko na mali pala, dahil marami akong nagawa na hindi ko dapat ginawa dahil yaon ay labag sa pakikipagkapuwa tao, lalao sa mga kapatid na Muslim dahi nasasakripisyo ang kanilang paniniwala sa Islam.”

Kong alam natin ang batas ng pag-aasawa,ang “wisdom of marriage in Islam”, sana hindi na natin magagawa na parang tinutuya natin ang mga kapatid na Muslim sa pag-aasawa muli ng pangalawa, pangatlo hanggang pang-apat.

Ang lahat ng ito ay nagagawa natin, kahit na nasasakripisyo na ang pananampalataya ng mga kapatid na Muslim,  dahil hindi nga  natin alam ang katuruan ng Islam, dahil walang nagbibigay ang tamang impormasyon tungkol dito.

Sa paaralan pinag-aaralan natin ang halos lahat ng karunungan. Ngnunit hindi ang Islam (basic knowledge of Islam).  Bakit hindi ba pwede incorporate ang basic teaching ng Islam sa ating pagtuturo sa paaralan? Ang Islam ay hindi lamang pag-relihiyon kundi lahat ng aspeto ay kanyang sakop: ang agham, social, batas, goberno at iba pa.

Ang prinsipyo ng Islam ay hindi pwede paghiwalayin ang goberno at ang relihiyon, kong ano ang patakaran ng Islam iyon din ang dapat susundin ng goberno nito.

Sa situwasyon natin sa ating bansa, paano mo irere-concile ang dalawa na magkasalungat? May “separation of the church and the state” ang pinaiiral na sistema ng ating bansang Pilipinas, samantala ang Islam na siyang pinaniniwalaan ng halos lahat ng mga Moro at milyon-milyon Pilipino na ngayon ay Muslim na rin,  ay no separation of the church at state ang dapat ang sistema na goberno, dahil ganoon ang turo ng Islam.

Ang tanong sino ang dapat baguhin?  Ang tao ba ang mag adjust o ang sistema ng goberno ang babaguhin para magkaintindihan?.

Marahi, kong ang mga mamayan natin ay may sapat na kaalaman kahit sa basic knowledge of Islam, ay marahil ay hindi tayo magkakaroon ng mga social problem na tulad ngayon. Halimbawa ng mga sinasabi natin an social problem ay:

  • Na kapag ang isang Muslim ay hindi nakihalubilo sa mga kapatid na Kristiyano sa mga occassion, sasabihin natin na walang “pakisama”. Kong kaya kahit ito ay labag sa Islam ay napipilitan ang kapatid na Muslim na gawin,  para lamang maipakita sa kapatid na Kristiyano na marunong din siyang makipagkaibigan, makisama,  ngunit dahil pareho silang walang kaalaman sa Islam, ay nagagawa nila ang mga hindi dapat gawain o kainin.
  • Sa mga Muslim, dapat pagsapit ng bata sa pitong taon, ay dapat mag-sambayang na siya ng limang beses isang araw. May programa ba tayo na dapat nila itong matutuhan, sabi ng texter, sa private school iyan dapat ituro, sa mga Islamic  School, tama ka kaibigan, ngunit ang issue papaano ang public school na doon nag-aaral ang isang ordinaryong Muslim, di kaya sa pribadong paaralan?
  • Wala sa mga Muslim ang Christmas, ngunit ipinagdiriwang natin, alam ba ito ng mga anak natin?
  • Ang haram ay hindi lang karne ng baboy, anomang nahaluan ng laman o lana  niyon ay haram din. Ang alak na makalasing ay haram din, sa nagpabili, bumili, gumawa, pinayagan at uminom ay haram sa kanilang lahat.
  • Ang damit ng kababaihan ay iba sa kalalakihan, at dapat ang babae at lalaki ay natatakpan ang kanilang “awrat” (kahubaran).”

Kayo na mga giliw na nakikinig may dahilan ba na ituturo din ang basic knowledge in Islam sa mga paaralan?

Narito ang ilang mga reaction na mga text na tinanggap natin sa programa na sinagot natin ang iba:

Text - January 11, 2008

(some, only the relevant to the topics-yaong greeting ay hindi ko na isinama)

   1. 09066032157-Kapayapaan-ang mga Muslim ba ay hindi naniniwala that Jesus was born on Christmas dats y Christian keep on Celebrating… from Kim

   2. 09057828230-Kapayapaan-walang xmas ang mga  Muslim pero naniniwala ba cila sa x’mas?

   3. 09057828230-Kapayapaan-kong ang isang Muslim ba ay sumali sa x’mas party, nagkasala na ba xa.. cindy

Sago ni Kaka Alih sa program: depende sa niyat o intention,ngunit kong regular ng ginagawa ito ay hidni maganda.

   4. 09057828230-Kapayapaan wat is the difference between the word  haram and halal? Cindy

   5. 09265224689-Bapa mahilig ka rin pala ng maistra parihas  tayo BBS

   6. 09057828230-Kapayapaan kya marami ang mga teacher na babae kasi masisipag cla kumpara sa mga lalaki dib a . Cindy

   7. 09263475443-kapayapaan kaka ask ko lang f anu ba ang layunin  ng survey ng dxup? from LM

   8. 09193472577-kapayapaan holiday p b ngayon? From NDU

   9. 09193472577= ayna ang ganda ng musika mo nakaka inlab super.

  10. 09057828230-I think ndi na sigoro kailangan kc pag naghanap na tau ng work,  di naman iyan kailangan- Cindy

  11. 09186375073-kapayapaan comment q lang sa topics n tinatlakay mo wag ka ng maging one sided sa mga ideas na ibinibigay mo.

Sagot ni Kaka Alih sa program:  “sinsabi lamang natin ang dapat malaman, dahil sino ba a g dapat magsabi nito, hindi ba kami na mga Muslim din? Malalaman ba natin itong mga problemang ito kong kami-kami lang ang mag-uusap-usap?, sa problema ba natin ngayon ay hindi ba kasali tayo sa mga problema, lahat tayo ang may problema, kaya dapat sama sama natin  itong isolve. Kong wala ang ating programa, malalaman ba natin ito? Ngayon lang natin ito pinag-uusapan, dahil may radio na tayo. Ang layunin na dito ay upang buksan ang mga usapin na maaring makasolve sa problema.”

  12. 09186375073-kapayapaan ang mga muslim na nakikipagclebrate ng xmas e nagparaktis na xa ng xmas. Nakikcbrate lang ka2lad ng mga Christians na nakikipagcelbrate din mga okasyon ng Muslims.

  13. 0921711796-kapayapaan alam mo bapa parang purpose mo iinsist talga ang islam at usaping kulturang Muslim sa yong programa..dapati yan ibahin iyang pamagat ng programa mo dahil di nagdudulot ng kapayapaan yan.

  14. 09197947128 kapayapan ask ko lang poh holiday po ba ngayon from Loraine

  15. 09217117965 kapayapaan bapa huwag ka magsabi na Islam is not a mere religion.. para ka mang di  Muslim… Islam a religion per se .. and any religion s a way of life and influences everything…

Sagot ni Kaka Alih sa program: Ang religion Islam is Deen ul Islam.. it is not a mere religion a way of life, as the Quran said.

  16. 09217117965-kapayapaan ang pagtuturo ng Islam ay d  dapat  ituro sa public, ituro lamang  ang religion  (islam or Christianity) sa private educ institution ngunit depende  pa rin ito sa Admin ng skul…

Sagot ni Kaka Alih sa program: Ang basic kanowldege of Islam ay dapat, ngunit ang religion Islam (completely) ay hindi, dahil nga separation  of the church and the state.

  17. 09193472577-kapayapaan cguro kailangan pa rin  pag aralan ang muslim, kc di naman mali yan kung pag aralan maybe dapat din pag aralan kc wen taking of culture nd tradition, para naman ma-aware ang mga tao about sa culture nd  tradition! Thanks dxup

  18. 09187133083- kapayapaan holiday p ba ngayon? Salamat sa ngababasa na cute

Kayo ng mga kapatid na nakikinig may pinapaninigan ba tayo? Ang tanging layunin natin ay maintindihan ng lahat ang dapat, na malaman na karunungan, tulad ng katatapos na Amon Jaded, deklarado ng  goberno ng ARMM na nakabase sa Hijri calendar,ganon din sa national, Muharram 1, ay Amon Jaded, ayon sa PD 1083,  alam ba natin ang unang buwan sa Hijri na Muharram? Hindi? Kaya nararapat na pag-aralan din ang mahahalagang aralin tungkol sa Islam,  na kahit papaano ay mayroon tayong kaalaman sa mga basic na information tungkol dito.

Correct me If Im Wrong.

Posted by kakaalih at 12:54 pm | permalink | comments[3]

ANG PAG-INOM NG MGA NAKALALASING (KHAMR), BAKIT HARAM O BAWAL SA IBANG RELIHIYON, TULAD NG ISLAM AT IBANG SEKTA NG KRISTIYANISMO?

May 2, 2008
     

(Part ng Script na sinulat ni Kaka Alih para sa programang Kapayapaan  5:30-6:30 ng Umaga- mAY 2, 2008)

Isang di matapos  tapos na debate kong ang pag-uusapan ay ang alak na makalasing, dahil iba iba ang pagtingin dito ng ibang relihiyon, ngunit sa Islam ay kanya itong tandisang o specific na tinukoy na Haram ang Khamer o alak na makalasing.

O kayong naniniwala o Nanampalataya! Ang mga nakalalasing na alak (lahat ng uri ng inuming may alkohol at i iba pa  na  nakapagbibigay ng lambong sa kaisipan tulad ng ipinagbabawal na gamot, droga, ), pagsusugal, Al Ansab at Al Aslam (mga gamit sa paghahanap ng suwerte at pasiya) ay kasuklam-suklam at mga paglalalang (pakana) ni Satanas. Kung kaya’t iwasan ito upang kayo ay mangagsipagtagumpay.” [Qur’an, Surah Al Maida: 90]

”Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, Pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro,” Biblia-Mga Kawikaan 23:31

Tinanong ko ang aking mga kasamahan dito sa station, ang ATBCI ay bawal din sa kanila ang Alak, ang relihiyong kinaaniban ni Donald Good News Fellowship Christian, ay bawal din.

Generally speaking, ang alak na makalasing ay ipinagbabawal ng lahat ng relihiyon, ang iba ay huwag lang maglasing, ang iba naman ay kahit tikim ay hindi pwede.

Sabi ng ating kaibigan,: ”Kaka Alih kahit ang COMELEC ay bawal din ang alak” (papaano napasok ang COMELEC?)….”di Kaka pag election day mahigpit na pinababawal ang alak” ( ok tama ka, upu tell the truth, 5 points ka… dagdagan ko ang goberno natin, bawal din )  ”Kaka diyan naman ako hindi sang-ayun, may permit ang alak na binigay ang goberno” ( eh bakit kong panahon ng mahal na araw di ba bawal?)

Bago tayo magdebate… paalaala muna ng ating himpilan:

( READ: ARMM SOCIAL FUND PLUGS)

Ang pag-inom ng alak na makalasing sa ating bansa o sa ibang parte ng mundo, kong ating mapapansin sa mga lugar na hindi umiiral ang katuruan ng Islam ay   Naging pangkaraniwan na lamang ang pagbebenta at pag-inom ng alak, inaakalang isang uri ng libangan o pampalipas ng oras. Kadalasan’y ginagamit sa pag-iistima ng mga importanteng tao o mga kaibigan, o di kaya ay ipinamimigay bilang pangregalo sa mga espesyal na kaibigan.

Ang pag-inum ng alak ay halos kabahagi na ito sa lahat ng mga okasyon nating mga Pinoy (agree o dis-aree??) — Hindi kumpleto ang kasiyahan kapag walang inuman! Katotohanan nga ba na kasiyahan ang naidudulot nito sa tao?  O pagkawasak?  Kayo baka gusto ninyo makibahagi sa ating talakayan, just type in our keyword in your celpon: Kapayapaan, space, message, space name and address at send to this numbers: 09185476707 & 09263029849

Kung napag-ukulan lamang natin ng malaking pansin ang pinsala na ibinibigay ng alak  sa katawan ng tao, sa pamilya at kapaligiran tiyak na tayo   mismo    ang kusang lalayo rito at tuluyan na itong iiwasan ang alak!

Batid natin sa ating mga sarili, na karamihan sa mga krimen at aksidenteng nagaganap sa ating kapaligiran ay sanhi ng mga nakainom ng nakalalasing na inumin na tulad ng alak, bawal na gamot at iba pa na mga katulad nito.

Nagiging sanhi  ito ng kaguluhan sa pamilya, ng di pagkakaunawaan,  pagkamuhi ng mga anak at asawa sa ama ng pamilya, at minsan’y humanhantong sa paghihiwalay ng mag-asawa — ang resulta: ‘Broken Family.’ Dito sa ating likod ay may bilangguan at di minsan lang natin napatunayan na marami ng naipasok dito dahil sa nakainom ng alak na nakakalasing.

Isama mo pa rito ang iba’t ibang uri ng sakit, na ang sanhi ay mula sa pag-inom ng mga nakalalasaing na inumin. Ayon sa mga dalubhasa o maalam, at hindi lang base sa observation natin sa paligid,  napakaraming sakit na idinudulot ang alak, halimbawa:

  • Binubuhay nito ang seksuwal na pagnanasa, na siyang nagtutulak sa tao na gumawa ng kasumpa-sumpa at karumal-dumal na tawag ng laman: na tulad ng panggagahasa, karahasan at kalaswaan. At ang pinatutungahan nito kung minsan ay pagpapatiwakal!
  • Nagdudulot ito ng pinsala sa utak: Isa sa sanhi nito ay ang pagkawala ng memorya ng isang tao, sanhi rin ito ng pagkakaroon ng impeksiyon sa utak, pagkabulok ng ‘cortex cells’ (nagpapagalaw sa ating kalamnan)  sa utak ng isang tao na nauuwi sa pagkasira ng ulo.
  • Nagiging sanhi rin ito ng unti-unting pagkabaog o pagkainutil ng isang tao at pagkaparalitiko ng buong katawan. (kayo sigoro marami kayong alam na naparalitiko na palainum ng alak,)
  • Pinipinsala rin nito ang atay ng isang tao, na kung kaya mabibigo nitong alisin ang mga lason sa loob ng katawan, lalung-lalo na ang ‘amonia.’ At dahil sa ganitong pangyayari ay tataas ang antas ng lason sa dugo. At ang lason na ito ang makaka-apekto sa pagkilos ng kaisipan at makakagambala sa emosyon: Na kung kaya, hindi na magiging normal ang kanyang pagkilos at pag-uugali. Magiging makasarili na siya, magalitin, mapaghinila at magiging malungkutin.
  • Pagkakaroon ng depekto sa kidney, sa albumin sa ihi, at nakakamatay na pangangasim ng dugo (o fatal blood acidity), na magwawakas sa ‘heart failure.’
  • Nagdudulot ng impeksiyon sa ‘Nerve’ ng mga mata na humahantong sa pagkabulag ng tao.
  • Nagtutulak sa isang tao na gumawa ng mga kakaibang krimen at iba pang mga kasamaan.

Ang lahat ng ating halimbawa ay maliwanag na nakikita natin ngunit sa kabila ng lahat ng ito, matigas pa rin ang puso natin, hindi poa rin tayo naniniwala. Ang sabi nga ng ating kaibigan na Pastor:  Sadyang Mapagsamba sa sarili ang tao! At saka pa lamang nagigising kapag huli na ang lahat at wala nang saysay!”

Mga kaibigan na nakikinig, pangalagaan natin ang ating mga sarili mula sa mapaminsalang bagay na ito — ang nakamamatay na inumin. Ito lamang ang uri ng lason na pinahihintulutan ng ibang mga bansa sa kani-kanilang lipunan, gayong batid naman nila ang dinudulot nitong masamang epekto.

ILAN SA MGA TEXT NA NATANGGAP NG PROGRAMANG KAPAYAPAAN: (binuo o dinagdagan ng vowels, para madali mabasa)

  1. 09265291977- 5:42 AM – Kapayapaan bakit wala tayong pablek terminal kawawa naman iyong mga pasahero, lalo ganitong umuulan, diyan na lang ba sa punong kahoy?
  2. 09107502549-06:15 am – Kapayapaan-tama ka kaka alih, kaya lang ang kasayahannila, panandalian lang, hindi nila alam i2 ay nagdudulot sa isang karamdaman ng kanilang kalusugan,hindi lang religion, kc kahit na bawal, sa religion, ang ibapatikim tikim pa ren hanggang sa malulong  na sa alak, kaka ali kailangan pag-ingatan, at pangalagaan ang ating katawan, yn lang ang tanging kayamanan natin kalusugan, tnx . anita
  3. 09296114061-6:15 am- Kapayapaan- d po ako nainiwala na makalbaog ang pag-inog ng alak, sa dahil ang mga lasenggo d2sa amin dami nila anak, taon taon pa nga nanganganak ung kanilng mga asawa. From Joan.
  4. 09187133083-6:16 am – kapayapaan- kapayapaan feds of Happy Valley, normal lang ang pan-inom ng alak pero kailangan din sanang limitasyon at disiplina sa sarili. Request me kaka ali ng ulan gikan sa kalangitan by max surban. Plzplay mo kaka ali, i love u.
  5. 090924406696-6:04 am (sori po hindi ko nabasa, nalagpasan/nakalimutan)- kapayapaan- gret kopo ng hapy2x 21st birthday c Michael Siapno I hope u have more birthday 2 come gretings from N.J. thanks
Posted by kakaalih at 7:20 am | permalink | comments[4]

Identity Crisis

May 1, 2008

Kaka Alih  May 1, 2008

Upi, Shariff KabunsuanIn early times, the people of Mindanao Island were divided into groups: the indigenous peoples who are referred to by Visayan speakers as “Lumads”, and the “Talainged” or native inhabitants whom the Spaniards called “Moros”, and the “Rafu” or migrant settlers as the natives called them.

The term Moros derived from Moors, the name the Spaniards gave to the inhabitants of Mauritania and Morocco.

The indigenous peoples [native inhabitants] are those who have maintained historical continuity with pre-invasion societies that developed their territories. They have their own social and cultural characteristics which are distinct from the dominant cultures of the majority.

According to Republic Act 8371, the Indigenous Peoples are those groups of people who resisted assimilation during the colonial times. In the case of those in Mindanao, they are divided into two ethno-linguistic tribes: the 23 — some say 18 — ethno-linguistic tribes who are unIslamized, such as T’duray, Manobo, Bilaan, T’boli, Mansaka, Subanen, Bagobo, Lambangian, Higaonon, Mansaka, etc., and the 13 Islamized ethno-linguistic tribes such as the Maranao, Maguindanao, Tausug, Samal, Yakan, Sangil, Badjao, Kalibogan, Jama Mapun, Iranun, Palawanon, Kalagan and Malbog.

The coming of settlers from Luzon and the Visayas or “Filipinos” to Mindanao can be attributed to the “initial successes” of the pacification campaign of the Americans in this region. As soon as they shifted from military rule to civilian administration, the Americans started to send migrants to Mindanao, viewing it as the final solution to the “Moro Problem.”

Waves after waves of new migrants came thereafter, and this frenzied search for new frontiers increased after the US annexed Mindanao and Sulu to the national territory of the Republic of the Philippines in the grant of independence on July 4, 1946. The same policy was pursued during the time of President Ramon Magsaysay (1953-57), who included thousands of former criminals and former communist rebels in his resettlement programs in Mindanao. Other Filipino presidents followed suit, especially during the reign of President Ferdinand Marcos. In fact, more than one half of the total number of settlers came during his time.

The concept of tri-people in depicting the peoples of Mindanao — Christians, Muslims, and lumads — is a dilemma and a question of identity crisis.

The term Christian refers to those people who adhere to Christianity; Muslim to those whose religion is Islam, while “highlander” or Lumad refer to the 23 ethno-linguistic tribes no matter what their religion is.

Presently, some of the indigenous tribes have embraced Islam, while others have accepted Christianity.

Similarly, some of the settlers have accepted Islam as their religion and likewise a few from the 13 Islamized ethno-linguistic tribes converted to Christianity.

Now the dilemma or crisis in identity is this. For example, what’s the identity of a certain native inhabitant [T’duray] who is a Roman Catholic? Highlander, Lumad or Christian? On the other hand, if he accepts Islam as his religion, should he be called Highlander or Muslim?

An Ilocano or Ilonggo is by birth or choice Christian. But if he later on embraces Islam as his faith, where does he belong to the so-called tri-people concept: Christian, Muslim, or Lumad?

The term Muslim is defined by the Holy Qur’an, as one w ho is a “Believer; one who submits to the will of Allah; while Christian is one who believes in Jesus, the Son of Mary – and at same time of God — while the term Lumad refers to a group of tribes.

In the case of Upi and neighboring municipalities, including Cotabato City, the T’duray [Highlanders] and R’nawon [Tiduray’s word for the people of the lowland, e.g. Iranun, Maguindanawon, etc.] share a common ancestry. Tabunaway and Mamalo were brothers by blood, the former as the forefather of R’naon who accepted Islam, the latter of the T’duray who chose to remain animist.

One relevant question may be posed. For instance, how about the other new settlers, the Chinese, who are still adhering to Buddhism as their religion? Where do they belong to based on the tri-people concept? It’s neither Moro nor Lumad nor Christian. Where then, we don’t know.

 

Correct Me If I’m Wrong 

Posted by kakaalih at 5:24 am | permalink | comments[1]