"Time is Life"

Home

Pagpupulong -Meeting

November 3, 2009

 (November 3, 2009,   -Martes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Lenyrose: “Na-experience mo na bang ikaw ang presiding officer o tagapangasiwa ng isang pulong o meeting? Kumusta naman? Ikaw kaibigan na nakikinig,  kontento ka ba sa pagsasagawa ng inyong presidente sa inyong mga meeting? Matagumpay o palpak man ang inyong meeting pwede mong dagdagan ang inyong nalalaman, just listen to us..dahil  ipapaliwang sa atin ni Kaka Ali mga ilang gabay sa epektibong pagpupulong ”.

(PLAY INTRO)

Kaka Alih:  “Yes my friend tulad ng naunang katanungan ni Lenyrose na  “Na-experience mo na bang ikaw ang presiding officer o tagapangasiwa ng isang pulong o meeting? Kumusta naman? Ikaw kaibigan na nakikinig,  kontento ka ba sa pagsasagawa ng inyong presidente sa inyong mga meeting? Matagumpay o palpak man ang inyong meeting pwede mong dagdagan ang inyong nalalaman, just listen to us..dahil heto may sinaliksik akong pag-uusapan natin, mga gabay sa epektibong pagpupulong.

Alam ko bibihira sa atin ang hindi nakadalo sa meeting.. pero napansin ninyo tila palaging hindi tayo kuntento sa mga meeting.. minsan matagal at maliit na bagay lamang naman ang pinag-usapan.. bakit? Kasi magulo Kaka..

(LAUGHING)

PAG-OORGANISA NG PUL0NG (ORGANIZING THE MEETING)

Ang pag-oorganisa ng pulong ay mahalaga upang ito ay maging epektibo at mabisa. Ang apat (4) na elemento ng isang organisadong pulong .

1. PAGPAPLANO (PLANNING)

Mga  tanong na dapat masagot kapag nagpaplano ng isang pulong:

    * Ano ba ang dapat makuha o maaabot ng grupo pagkatapos ng pulong?

    * Ano ang magiging epekto sa grupo kapag hindi nagpulong?

Kung kinakailangang magpulong, linawin ang layunin ng pulong: ito ba ay pagbibigay lamang ng impormasyon? May mga kailangan bang pagpasyahan? Mahalaga ito upang malinaw kung sino ang dapat na iimbitahan sa pulong.

1. MAGKAROON NG MALINAW NA LAYUNIN, KONG BAKIT DAPAT MAY PAGPUPULONG:

    * Pagpaplano para sa organisasyon  (Planning)

    * Pagbibigay impormasyon (may mga dapat ipaalam sa mga kasapi)

    * Konsultasyon (may dapat isangguni na hindi kayang sagutin ng ilang membro lamang)

    * Paglutas ng problema (may suliranin na dapat magkaisa ang lahat)

    * Pagtatasa (evaluation, sa mga nakaraang gawain o proyekto)

2. PAGHAHANDA (ARRANGING)

Sa imbitasyon (by letter, text o verbal), kailangang sabihan ang mga taong dapat dumalo sa pulong: kung kalian (petsa at oras), saan (lugar ng pulong), at ano ang agenda (mga bagay na pag-uusapan) na tatalakayin. Ang paghahanda ay nakadepende rin sa mga particular na tungkulin ng mga tao sa pulong.

    * Chairman/President  (presiding officer)– kailangang alam nya ang agenda, kung paano patatakbuhin ang pulong, at alam kung paano hahawakan ang mga mahihirap at kontrobersyal na mga isyu.

    * Secretary (Kalihim)– kailangan niyang ihanda ang katitikan (minutes of the meeting) o talaan noong nakaraang pulong at iba pang mga ulat at kasulatan ng organisasyon.

    * Mga kasapi sa pulong (members)– kailangang pag-aralan nila ang agenda o mga bagay na pag-uusapan para aktibo ang kanilang pakikilahok.

SA IMBITASYON DAPAT IPAALAM AT ISULAT ANG MGA PAG-UUSAPAN/TATALAKAYIN

(Agenda of the Meeting)

·   Pagbubukas ng pulong (date, day, time, and place of meeting)

·    Pagbasa at pagsang-ayon sa katitikan ng nakaraang pulong(reading the minutes of the previous meeting)

·   Pagtatalakay ng ibang paksa na may kinalaman na nakaraang pulong.(pending matters)

·   Pinakamahalagang pag-uusapan (business  of the day)

·   Ibang paksa (other matters)

·   Pagtatapos ng pulong (adjournment)

MAGHANDA SA PULONG

·   Ihanda ang lugal, (mesa. Upuan, pagkain kong kinakailangan, palikuran, kasiguruhan o security at iba pa)

·  ang mga gagamitin (pisara o blackboard, chalk or pentel pen at iba pa)

· pag-aralan (research) ang mga topic na tatalakayin, kong kinakailangan magtalataga (assign) ng taong mas higit na nakakaalam sa usapin.

3. PAGPOPROSESO (PROCESSING)

Ang pulong ay dapat mayroong mga “rules, procedures o standing orders” kung paano ito patatakbuhin. Sa pangkalahatan, pareho naman ang mga prinsipyo ng mga patakarang (rules) ginagamit ng union, nagkakaiba lang sa mga detalye.

Ang ilang mahahalagang patakaran (rules) ng pulong at ang tungkol sa mga dumalo (attendance) at pagsasagawa ng desisyon.

    * Quorum – ito ang bilang ng mga kasapi ng kasama sa pulong na dapat dumalo para maging opisyal ang pulong. Madalas ito ay 50% + 1 ng bilang ng mga inaasahang dadalo sa pulong.

    * Consensus – isang proseso ng pagdedesisyon ng kung saan kinukuha ang nagkakaisang desisyon ng lahat ng mga kasapi sa pulong.

    * Simpleng mayorya – isang proseso ng pagdedesisyon ng kung saan kinakailangan ang 50% + 1 (simple majority) ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga nakadalo sa isang opisyal na pulong.

    * 2/3 majority – isang proseso ng pagdedesisyon na kung saan kinakailangan ang 2/3 o 66% ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga dumalo sa isang opisyal na pulong.

MAGSIMULA AT MAGTAPOS SA TAKDANG ORAS

    * Simulan ang pagpupulong sa itinakdang panahon o oras.

    * Sikaping matapos ang pagpupulong sa itinakdang oras, alalahanin, ang ibang kasapi ay may iba pang nakatatakdang gagawin.

4. PAGTATALA (RECORDING)

          Ang tala ng pulong ay tinatawag na katitikan (minutes) ito ay mahalaga dahil ito ang opisyal na record ng mga desisyon at pinag-uusapan sa pulong. Maaari itong balikan ng organisasyon kung may kinakailangang linawin sa mga nakaraang pag-uusap. Dapat hindi lang ang Kalihim ang magtatala, ang mga kasapi dapat nagtatala rin sila ng hindi nila makalimutan ang pinag-usapan.

MAY MGA MAHAHALAGANG PAPEL SA PULONG

   1. Pinuno (Chairperson) – tinatawag ding “facilitator” tagpatnubay, o “meeting leader”. Sinisiguro niya na maayos ang takbo ng pag-uusap at pagdedesisyon. Ang chairperson ay parang pulis-trapiko na siyang nagpapaandar o nagpapahinto ng usapan sa pulong:

·         MGA PATRIKULAR NA GAWAIIN NG CHAIRPERSON

1)     Nangunguna at nag-aambag sa usapan.

2)     Kumukuha ng impormasyon at paglilinaw tungkol sa mga bagay na pinag-uusapan.

3)     Nagbibigay ng karagdagang impormasyon, naglilinaw at nagpapatawa sa mga usapan.

4)     Nag-aayos ng sistema ng pulong.

5)     Namamagitan sa mga alitan o hindi pagkakaunawaan ng mga kasama sa pulong.

   2. Secretary – tinatawag ding recorder, minutes-taker, o tagatala. Responsibilidad niya ang sistematikong pagtatala ng mga nagpag-uusapan at desisyon sa pulong. Tungkulin niya na ipaalala kung ano ang dapat pag-uusapan upang hindi mawala sa direksyon ang grupo at upang maging tuloy-tuloy ang pag-uusap.

   3. Mga kasapi sa Pulong (Members of the Meeting) – sila ang mga aktibong miyembro o kalahok sa pulong. Responsibilidad nila na ipaalala sa Chairperson at Secretary ang kanilang mga gawain. Maaari ding silang magbigay ng mga mungkahi o panukala sa pamamaraan ng pulong. Sila ang nagbabahagi, nagpapaliwanag, nagtatanong, makatuwirang pumumuna at gumagawa ng desisyon.

MGA DAPAT IWASAN SA PULONG

1.     Malabong layunin sa pulong – dapat  malinaw ang layunin sa pulong, ang may iba’t ibang paksa ang pinag-uusapan at walang direksyon ang pulong ay nakawawalang gana sa mga kasapi.

2.     Bara-bara na pulong – walang sistema ang pulong. Ang lahat ay gustong magsalita kaya nagkakagulo, kaya dapat ang “house rules”.

3.     Pagtalakay sa napakaraming bagay – hindi na nagiging epektibo ang pulong dahil sa dami ng agenda at pinag-uusapan. Pagod na ang isip ng nagpupulong.

4.     Pag-atake sa indibidwal – may mga kasama sa pulong na mahilig umatake o pumuna sa pagkatao ng isang indibidwal. Nagiging personal ang talakayan, kaya’t daihil dito nagkakasamaan ng loob ang mga tao sa pulong.

5.     Pag-iwas sa problema – posible sa isang pulong ay hindi ilabas ng mga kasama ang problema ng organisayon. Sa halip, ang binabangit nila ay iba’t iba at walang kabuluhang bagay para maiwasan ang tunay na problema.

6.     Kawalan ng pagtitiwala sa isa’t isa – walang ibubunga ang mga pulong na walang pagtitiwala at pagbubukas sa isa’t isa, dito kinakailangan ang “Iklas” manalig ka sa Allah, palaging alalahanin ang kasabihan: “may Makita kang isda sa dagat na wala sa ilog, at may Makita ka na isda na wala naman sa dagat”.

7.     Masamang kapaligiran ng pulong – masyadong maingay o magulo ang lugar ng pinagpupulungan kaya hindi magkarinigan. Minsan naman ay napakainit ng lugar o maraming istorbo gaya ng mga usyoso na nanonood, nakikinig o nakikisali, magkakalayo ang mga kinanalagyan ng mga kasamahan, dapat ang pinuno ay nakikita at naririnig ang lahat.

8.     Hindi tamang oras ng pagpupulong – ang miting ay hindi dapat natatapat sa alanganing oras – tulad halimbawa ng tanghaling tapat, sobrang gabi o sa oras ng trabaho ng mga manggagawa.

Iwasan o dapat hindi makadalo ang MGA KASAMANG NAKAKAGULO SA PULONG, sino sila? Kilalanin….

   1. Mr Huli- papaano hindi tawaging Huli eh Parating Huli – nahihinto ang takbo ng pag-uusap dahil kailangang ipaliwanag at ulitin sa nahuling dumating kung anong nangyari o napag-usapan. (LAUGHING)

   2. Mr Umali- si Maagang Umaalis – umaalis kaagad kahit hindi pa tapos ang pulong. Kadalasan ay hindi siya nakakasama sa pagdedesisyon sa huling bahagi ng pulong at siya pa minsan ang reklamador. (LAUGHING)

   3. Mr Sira-Sirang Plaka – paulit-ulit ang sinasabi dahil maaaring hindi nakikinig o talagang may kakulitan lang o gumawa ng sariling “papel” o gustong palaging “bida”. Dahil dito, nauubos ang oras ng pulong.  

   4. Mrs Duda- Parating Nagdududa – anumang tinatalakay  sa pulong ay pinagdududahan o pinagsususpetsahan. Ang tingin niya ay laging masama o negatibong balak ang grupo o ang ilang mga kasama. Walang tiwala sa kakayahan ng kasamahan.  

   5. Mr Iling-Laging Umiiling-iling – parang laging hindi tanggap ang sinasabi ng mga kasama sa grupo, na sa tuwing sasabihin ang kasamahan ay pailing-iling na walang namang sinasabi.

   6. Miss Gana-Walang Gana – bagamat pisikal na nasa pulong, ang kanyang isip ay nasa ibang lugar at may ibang ginagawa nagbabasa, nagdro-drowing, hikab ng hikab, natutulog, at iba pa, habang nagpupulong.

   7. Mr Whisper-Bulungero – nakakainis at nakakailang dahil kahit nagsasalita ang mga kasama sa grupo, bulong siya ng bulong (pangiti-ngiti pa kung minsan) sa kanyang katabi. Para bang may intrigang sinasabi sa katabi niya.

   8. Mr Apeng Daldal-Daldalero – halos sa buong pulong, siya at siya na lamang ang nagsasalita. Kadalasan din siya ang may pinakamalakas na boses, at madalas ay “out of topic.”

   9. Miss Tsismosa – nagdadala na kung anu-anong balita, tsismis at intriga na walang katuturan sa pulong. Dahil dito, nauubos ang oras ng pulong sa kanyang mga kuwento.

  10. Mr Henyo-Masyadong Marunong – ayaw magpatalo kahit kanino. Ayaw din niyang makinig sa mungkahi ng iba dahil akala niya siya ang palaging tama.

  11. Mr Pal-Paalis alis – habang nagpupulong, paalis-alis (pupunta ng comfort room, tatawag sa telepono o cellpon, makikipagkwentuhan sa iba, at kong ano-ano pa ang pinag-aabalahan) pero pagbalik ang daming tanong.

  12. Mr Tang-Tagasunod  - taga-tango at nakikisanay sa lahat ng nangyayari sa pulong at walang sariling opinion, kundi sama-sama lang sa mas maraming kasama.

Lenyrose: “Mr Chairman I moved for the adjournment of the Meeting..”

Kaka Alih: “I second the motion”   (LAUGHING) Now ladies and gentlemen, there is a move for adjournment and duly seconded.. Meeting adjourn.. Kaka Alih presiding until next meeting.

Posted by kakaalih at 6:42 pm | permalink | comments[445]

Kanduli ng mga Bangsamoro

November 2, 2009

 

(November 2, 2009,   -Lunes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Lenyrose: “Nakapunta ka na ba sa isang Kanduli ng ating mga kapatid na Iranun, T’duray, Maguindanawon at Meranaw? Kong negative o positive ka, samahan natin si Kaka Ali dahil .. magkakanduli?. (LAUGHING).. hindi .. ipapaliwang sa atin ang Kanduli sa ating segment na nakaka ”

(PLAY INTRO)

Kaka Alih:  Kanduli (Maguindanawon at T’duray) o Kanduri (Iranun at Meranaw)   ay pasasalamat (thanksgiving) sa Poong Lumikha (Diyos).

Ang Kanduli ay bahagi ng kultura ng mga Bangsamoro (Iranun, T’duray, Maguindanawon at Meranaw).

Madalas na kasabay ng kanduli ay pagana o kapagana (feast), halos pareho ang dalawang adat-betad (custom and tradition) ng mga Bangsamoro. Parehong   pagpapakain sa mga panauhin ang tanging kaibhan lamang ay Niyat (layunin).

Ang kanduli ay maaring ginagawa dahil may hinihiling sa Poong Lumikha o nagpapasalamat sa mga biyayang nakamtan.

Ang Pagana (feast) naman ay pagpapakain sa mga inaanyayahang mga panauhin bilang bahagi ng pagsasaya dahil sa mga nakamtan na tagumpay. Ang madalas ang pagana ay kanduli na ring matatawag.  Kung minsan kapag may pagana ay nagkakanduli na rin.  

Ang mga pagkain ay inilalagay sa talam o bandihaw (big food tray, talam made of brass and bandihaw made of tin). Nasa gitna ang kanin na nakalagay sa plato, at napapalibutan  ng pitong platito kong saan nakalagay ang pitong klaseng ulam. Tinatakpan ang talam ng tudong (food cover) na gawa sa dahon ng anahaw, niyog o nipa.

Ang madalas (ang paborito) na nakalagay na manga ulam ay manok, sinina (lutong karneng kambing o baka) pansit, bihon, itlog, monggo,  at iba pang masasarap na lutong Bangsamoro.

Sa ganitong mga okasyon, asahan mong may ihahain na minatamis na lutong Bangsamoro tulad ng dudol, tinadtag, amik, kumukunsi, tipas, balubed at iba pa.

“Na, mahirap maging Muslim”. Bakit? ang tanong ko agad sa isang nagkukuwentong kaibigan na Kristiyano , na wala pang gaanong kaalaman sa kultura, kaugalian at pananampalataya ng mga kapatid na Bangsamoro. Pakinggan natin ang karugtong ng kuwento ng ating Kapatid na Kristiyano.

“Inimbita kami sa isang Kanduli, naku ang sarap ng mga luto at ang gaganda ng mga pandala (decoration)  ng kanilang bahay, pati ang lalagyan ng pagkain ay may decocation, na nakapatog sa sahig na nilagyan ng ikam (floor mat) na may magaganda din desinyo. Habang kami ay kumakain ay may nag-iikot at bawat isa sa bisita ay binigyan ng pera at tawag dito ay sadka (charity) at ng umuwi na kami may nakabalot pa na minatamis na pagkain. Kaya nasabi ko sa aking sarili, di ko kayang mag-Muslim, pinakain  na kami, binayaran pa kami  pa at binigyan pa kami ng  baun.”  (LAUGHING)

Ang pag-aakala ng iba ay ang kanduli ay isang rituwal na bahagi ng katuruan ng Islam. Kung papaano ginagawa ng mga Bangsamoro ang kanduli noon at ngayon ito ay nabibilang sa kanilang  kultura at kaugalian, hindi sa Islam. Kung sakali mang may bahagi ng pananampalataya ng Islam ay maliit na bahagi lamang.

Dapat nating malaman Kapatid, na hindi lahat ng kultura at kaugalian o ginagawa ng mga Bangsamoro Muslim ay katuruan ng Islam. Tama na ang sinasabi nila na ang kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro ay hinalaw o hinango sa katuruan ng Islam, ngunit hindi nangangahulugan na ito ay bahagi ng Islam.

Ang Banal na Aklat, ang Quran ang unang batayan ng katuruan ng Islam ay nagsabi na ang pagdagdag  at paglalabis sa Gawain o katuruan ng Islam ay tinaatawag na Bid’ah (innovation). at ang lahat ng bid’ah ay pagkaligaw.

“O sangkatauhan, matakot kayo kay Allah at sabihin (tuwina) ang katotohanan. Papatnu- bayan Niya kayo sa mga mabubuting gawa at patawarin Niya kayo sa inyong mga kasalanan . At ang sinumang sumunod kay Allah at sa kanyang Sugo, tunay na kanya nang natamo ang dakilang tagumpay. (Qur’an 33:70-71)

Alamin, na ang pinakamakatotohanang salita ay ang Aklat ng Allah (Ang Banal na Qur’an) at ang pinaka mabuting patnubay ay ang patnubay ni Muhammad (sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan). Ang pinakamasama sa lahat ay ang mga gawa-gawa (na lihis sa tunay na aral ng Islam) at ang bawat gawa-gawa (na mga bagay tungkol sa relihiyon) ay bid’ah at ang bawat bid’ah ay pagkakaligaw at ang bawat pagka kaligaw ay Impyerno ang hantungan.

Kahit anupaman, ang bawat tao na gumagawa (umiimbento) ng pagbabago (sa religion) at kanyang iniisip na siya ay napapalapit kay Allah sa pamamagitan nito – maging ito man ay sa paniniwala, sa gawa at sa salita – katunayan siya ay naligaw. Ito ay ayon sa kasabihan ng Propeta Muhammad SAW.

“Mag ingat sa mga bagong bagay (sa relihiyon), sapagkat ang lahat ng pagbabago (o pagiimbento) sa relihiyon ay bid’ah, at ang lahat ng bid’ah ay pagkaligaw, ang lahat ng pagkaligaw ay mauuwi sa Apoy. [Hadith-Abu Daawood, Tirmidhee; Saheeh).

Ang pagpapakain, pamimigay ng regalo at pagmamagandang loob sa kapuwa ay isang gawain na iniuutos ng Allah o katuruan ng Islam. At ang Kanduli ay napapaloob dito ang tatlong nabanggit ngunit hindi nangangahulugan na ito ay isa sa kautusan ng Allah. Ang Kanduli ay bahagi ng kulura at kaugalian, sa ibang Muslim sa ibang parte ng mundo ay hindi nagkakanduli.

Bagamat hindi bahagi ng Islam ang kanduli ito ay patuloy na ginagawa ng Bangsamoro Muslim dahil isa itong maituturing na kultura at kaugalian na hindi sumasalungat sa Islam, ngunit alalahanin palagi na ito ay hindi ipinag-uutos ng Allah sa mga Muslim, ito ay bahagi ng kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro.

Ito ang inyong kapatid na Iranun na Bangsamoro, at inyong segment writer sa nakaka.. Kaka Ali, Wassallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Posted by kakaalih at 6:44 am | permalink | comments[564]

Kahulugan ng Bangsamoro, Pilipino, Muslim at Islam

November 1, 2009

(October 23,  2009-Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host/Lenyrose: “Ikaw Kaibigan, alam mo ba ang kahulugan ng Bangsamoro, Pilipino, Muslim, At Islam? Alam mo ba kailan, saan dapat gamitin? Alam mo o hindi? Samahan ninyo kami ni Kaka Alih sa ating segment na  Nakaka…..”

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:   “Kilala ko na sila pare”.  sagot kaagad ng isa ng nating kumpare.

 

Sino sila? 

 

“Sila ang mga taga Mindanao, sila ay mga Muslim, hindi kumakain ng baboy”. Paliwanag ni pare.

 

Iyan ba ang tunay na kahulugan ng Bangsamoro?  Ng Muslim? Buweno  ating tatalakayin ang Kahulugan ng Bangsamoro, Pilipino, Muslim at Islam, ang mga kumplikadong mga terms sa ngayon, dahil hindi pa gaanong naiintindihan.

 

Sino ang Pilipino at Bangsamoro?

 

Tunghayan natin ang pagpapaliwanag ng isang manunulat kong sino ang Bangsamoro at Pilipino na sinulat ni Kaka Ali na may titulo na Pilipino at Bangsamoro, Magkapatid? http://dxup.multiply.com/

 

“Ang tinatawag na Pilipino ay yaong mamayan na mga taga Pilipinas, na dinatnan dito ng Kastila, na sumunod sa mga kaugalian, relihiyon o iyong mga napilitang magpasakop sa kapangyarihan ng Kastila, dahil wala ng magawa kundi magpasakop dahil talo sila sa lakas at armas sa pakikipaglaban. Ang ilan sa Pilipino ay ang mga Taga-ilog o Tagalog na taga Bulakan at Maynila, mga Ilokano, Ilonggo, Cebuano at iba pang tribo.

Ang tinatawag naman na Moro ng mga Kastila ay yaong mga mamayan na dinatnan nila na lumalaban sa kanila, at katulad na katulad ng mga ugali, abilidad sa pakikidigma at relihiyon ng mga naging kalaban din nila sa kanilang bansang Espanya, na o mga taga Morocco.

 

Bagamat Moro sa una ang tawag, nitong mga huling panahon ay nadugtongan ng Bangsa na ang kahulugan sa sariling wika natin ng Bangsa ay angkan, kaya naging Bangsamoro na ngayon ang tawag. Nabibilang sa mga tinatawag ngayon na Bangsamoro ay ang tribong M’ranaw, Yakan, Maguindanaon, Iranon, T’duray, Suban’n, Tau Sug at marami pang iba, ang ibang manunulat, tulad ni Prof. Rudy Rodil ay hinati sa sa dalawang kategorya ang Moro, ang Islamized at hindi, o ang ibig sabihin ng Islamized ay tinanggap ang Islam bilang religion at pangalawang kategorya ay nanatili sa kanilang nakaugaliang pananampalataya.”

 

May mahigit sampung mga tribu na kinikila   bilang mga Bangsamoro, ang alam natin dito sa Upi na Bangsamoro ay ang Maguindanaon, Meranao, Iranun,   Tau Sug at marami pang iba.

 

Sino naman ang mga  Muslim?

 

Alam mo kapatid na nakikinig, marami sa atin ang nag-aakala na ang Muslim ay isang taong isinilang mula sa mga magulang na Muslim, o di kaya, siya yaong isinilang sa Mindanao o sa bansa, tulad ng Saudi Arabia na ang nakakarami ay Muslim.

 

Ayon sa ating mga Aleem o Marurunong, ang lahi, kulay, tribo, angkan, o pangalan ay hindi mga batayan upang ang isang tao ay matawag na Muslim.  

 

“Ang Muslim ay ang nilikha ng Allah na Sumusunod, Sumusuko at Tumatalima sa Kanyang mga kautusan. Sa katunayan, hindi lamang tao ang matatawag na Muslim. Maging ang lahat na nilikha ng Allah bukod pa sa tao (katulad ng mga bituin sa kalangitan, ang araw at ang hangin) ay maituturing na Muslim, sapagkat silang lahat ay mga nilikha na sumusunod sa likas na batas na inilagay ng Allah sa kalikasan.

Isang kamalian at hindi kailanman matatanggap ng mga Muslim na tawagin silang mga “ Muhammedan ”, sapagkat ito ay nagbibigay kahulugan ng pagsamba kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan). Ang Islam ay hindi kailanman nagtuturo ng pagsamba sa Propeta o anumang nilikha lamang ng Allah. Bagkus, ito ay naghihikayat sa tao na sumamba lamang sa tangi at nag-iisang Allah, at nagbabawal sa anumang uri ng pagsamba na iniuukol sa nilikha.” (http://moro.jeeran.com/)

 

Ano naman ang kahulugan ng Islam?

 

Ang kahulugan ng Islam ay pagsuko at pagsunod sa mga kautusan ng Allah nang walang pagtutol.

 

Sa  http://correctme.multiply.com, niliwanag ni Kaka Ali ang terminong Islam at Muslim:

 

“Ang terminong Muslim ay tumutukoy sa tao na naniniwala sa Allah(Poong Maykapal). Na sa simpleng pag-sasalin (translation) ang ibig sabinin nito ay “Naniniwala” (Believer) at sa relihiyong pag-uusap (religious connotation) ang ibig sabihin ay ang taong….. “sumuko sa Dakilang Lumikha” at ang kanyang rehiliyon ay Islam, na ang ibig sabihin naman sa payak (simple translation) na paghuhubad ay Kapayapaan (Sallam). At sa relihiyong pag-tanaw ay… “isinuko ang sarili sa Poong Lumikha” (one who submit to the Will of God)

 

Kapatid sana ay nagkaliwanagan na tayo sa terminong Bangsamoro, Pilipino, Muslim, Islam, sa muli kami ay nag-anyaya sa darating na Lunes, samahan ninyo kami sa ating segment na Nakaka.. sa programang buhay-buhay sa DXUP.. ang segment writer/reporter Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

 

Ito ang inyong kapatid   Kaka Ali ang inyong segment writer at producer,   Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabartakatuh.

Posted by kakaalih at 6:53 pm | permalink | comments[644]

Bakit Nangangaliwa si Mister

October 30, 2009

(October 30,  2009-Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host/Lenyrose: “Mrs. Problema mo ba ang Mister mo?  Mister bakit ba nangangaliwa ang kumpare mo? Ano man ang kasagutan mo, samahan ninyo kami, magbibigay si Kaka Ali ng ilan dahilan kong bakit nangangaliwa si Mister. 

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:  “Masyado naman “brutal” ang tanong kasamang Leny,  Bakit nangangaliwa si Lalaki, pwede bang mag-suggest?  na   medyo pagaanin natin ng ganito: “bakit tinatabangan si Mister kay Mrs?”

 

(LAUGHING)

 

Teka parang pareho din, ah ganito na lang, sagutin na lang natin ang tanong. Sabi ng kasama ko dito:

 

“Kasi Kaka, lusyang na si Mare” (LAUGHING).

 

Yes huwag pagtawanan, totoo yan, dapat maintain mo ang tamis mo mare, ugaliin na ang paglilinis sa katawan at pagpapabeauty, ganito ang gawin mo… makinig palagi sa wow segment ni Nancy Lawan.

 

“Madaldal masyado ang Mrs ko”. Paliwanag ni Pare.

 

“Hindi marunong magluto ang Mrs ko.” Himutok na sabi ni Mare #2.

 

Ah alam ko na, mare, dapat gilingan mo…(LAUGHING) ay bakit? Ah yes.. galingan mo pala mare ang pagluluto, pag-aralan mo, natutuhan naman iyan eh.,

 

Di ko na kaya.. gusto ko ng magpaputok pero ayaw niya.. kaya kahit snipe snipe na lamang ginawa ko na, para hindi kalawangin si Manoy”., Nakakatawang sagot ni Pare # 4.

 

Mare, bakit kasi, sana nag shooting na lang kayo ni pare.. (LAUGHING)

 

“Kaka, gutom na ako.. kaya nagtagad tagad mo na ako… (LAUGHING) sabi naman ni Kapatid na na dalawang taon nang nasa abroad ang seksi at maganda na Mrs. Kaya hayun dahil gutom na talaga kahit papaano daw ay nagtikim mo na habang hindi pa naluluto .. ay hindi pala.. dumarating si Mrs. (LAUGHING)

 

“Dahil sa pag-ibig” papaano nasisi ang pag-ibig? Ganito iyon Kaka, di ba may kasabihan na: “o pag-ibig na makapangyarihan, pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat”

Eh di kong ganyan, huwag ka ng mangaliwa, humanan ka na lang.. (LAUGHING)

 

No joke may friend, kong ganyan na pag-ibig na, ay pakasalan mo lamang siya.. huwag kang maki-apid haram iyan.. ganito ang gawin mo, humingi ng payo kay Imaam o kay Ustadz, kong di mo sila kilala makipagkita ka lamang kay Kaka Ali, tutulungan kita, Insha Allah (kong pahihintulotan ng Diyos).

 

 “Alam ninyo mga anak, kaya may Mister na nangangaliwa, dahil kulang sila ng paniniwala sa kanilang Poong Lumikha.” Paliwanag ni Pastor. “Dapat nating mahikayat ang ating mga pamilya sa maging malapit sa Diyos” Dagdag ni Pastor.

 

“Para sa akin, may malaking contribution ang lipunan na ginagalawan natin, kong bakit may nangangaliwa na Mister at pati Mrs.” Sagot ni Ustadz.

 

Papaano masisi ang ating lipunan Ustadz? Tanong ko kaagad.

 

“Ganito iyon, Kaka Ali, kong ang yong lipunan na ginagalawan, ay maluwag halimbawa, pinapayagan ng yong lipunan ang maghahalubilo ng mga lalaki at babae, at tiyak malapit sila sa tukso. Another sample niyan ay pinapayagan natin ang paglipana ng inumin alak na makalasing, pati na ang droga, na alam natin na ito ay nakapag-wawala sa katinuan ng ating pag-iisip, wala na itong idinudulot na  kabutihan ang alak at droga kundi ilapit sa tayo sa mga gawain ni Satanas”. Paliwanag ni Ustadz.

 

Sang-ayon ako kay Ustadz, dahil sa Islam ay Haram ang Alak na makalasing at ang droga. Mabigat ang kaparusahan sa Islam, hindi pinapayagan ang pag-gawa, pagpabili, pagbili, pagiimbak at pag-inom ng alak.

 

Dagdagan ko ang sinabi ni Ustadz, ayon sa Islam, ipinagbabawal ang  paghahalobilo ng babae at lalaki, lalo yaong pwedeng mag-asawahan. Di rin pinapayagan ang pag-papakita ng kahubaran ng babae at lalaki, dahil ito ay mag-tutulak sa atin na mapalapit sa tukso.

 

Dapat ang mga babae ay magsuot  ng marangal na damit, hindi yaong nakikita na ang gustong-gustong ni Lolo (LAUGHING).. Yes diba..dahil masyado body fit ang suot ni Inday ay nakamarka na ang kapal at lapad.ng (LAUGHING) hey please laugh…makipustahan ako.. iyan ang gustong-gustong tingnan ng mga kalalakihan, kasali na si Lolo Tasyo…bakit? dahil iyan ay ipinagbabawal ng Poong Lumikha o ng Allah. At kong ano ang bawal ay siyang masarap kainin at gawin.. oh di  ba? 

 

Please don’t dis-agree… huwag ng kumontra.. dahil pansamatala ko muna itong ititigil at babalik tayo sa Lunes, sa higit pang nakakakilig na  talakayan.. (LAUGHING)

 

Ito ang inyong Lolo ay hindi pala ito ang  inyong segment writer/reporter si Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Posted by kakaalih at 6:47 am | permalink | comments[356]

Papaano ang Pagbubuo ng isang Matatag na Pamilya

October 26, 2009

(October 26,  2009-Lunes  script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host/Lenyrose: “Samahan ninyo kami ni Kaka Alih sa ating segment na  Nakaka….dahil ang kanyang tatalakayin ay para sa inyo:  Papaano ang Pagbubuo ng isang Matatag na Pamilya 

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:   Mahalaga ang pamilya dahil ito   ang sentro ng ating lipunan. Ang isang barangay ay binubuo ng bawat pamilya. Kung walang mga pamilya walang barangay, walang bayan, walang lungsod, walang probinsiya, walang rehiyon at walang isang bansa. Nabuuo ang isang bansa mula sa pinagbuklod-buklod na pamilya. Yan ang ilan  sa nga kahalagahan ng isang pamilya.

 

Ang tanong ay Papaano ang Pagbubuo ng isang Matatag na Pamilya?  Bago natin talakayin ang pagbuo ng isang matatag na pamilya ay sagutin muna  natin ang katanungan na: “Ano ang kahulugan ng pamilya para sa yo?   

 

Simple lang iyan Kaka: Si “Tatay, nanay, si ate, si kuya at si bunso, equals isang pamilya”

May mga taong naniniwalang ang isang pamilya ay tulad sa isang   kahong puno ng mga bagay na ipinasok ano gusto mo, nakapaloob dito ang  pagmamahal, katuwaan, kaligayahan  at iba pang magagandang bagay. Ito ay isang kahong mabubuksan kailan mo.

 

Ngunit lalong mainam na ihalintulad natin pamilya sa   walang lamang kahon.  Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa natin dito. Kong ano ang gusto mong laman, ay siya mong ilagay.  Ang ibig sabihin nasa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng iyong pamilya.

 

Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isa’t isa. Kailangan punuin natin ang kahon, at huwag nating ilabas ang laman nito.

 

Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na pamilya.  Maaaring mayaman o mahirap sila.  Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, halimbawa: isang ina, ama, at mga anak; o isang ina na may isa o higit pang anak; o  mga lolo’t lolang kasama ng kanilang mga anak at apo, o mag-asawang walang anak. Saan ka man sa mga nabanggit ay bahagi ka ng ating talakayan, kaibigan.

 

Sabi nga nila ang matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa. Tama po ba?  Tumutulong silang humubog ng mga taong magiging duyan ng magandang lipunan. 

 

Ang payo nga ng isang guidance counselor: “Kung kailangan nating lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak natin, mahalagang magkaroon tayo ng matatatag na pamilya”

.

Ano ang  kailangan sa pagbubuo ng matatag na pamilya?

 

 Kaibigan para maging matatag ang inyong pamilya, kailangang magkaroon ng sumusunod na katangian ang isang pamilya: may pananagutan  sila sa isa’t isa;  nagpapakita ng pagpapahalaga; may mabuting komunikasyon; may panahong nagkakasama-sama sila; sumusunod sa kanilang mga paniniwalang ispiritwal at umaayon sa kanilang mga pagpapahalaga at nakakaagapay sa stress.

 

Pananagutan  

 

Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa,  sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang grupo, at sa pag-aalaga sa isa’t isa.  Maraming paraan para maipakita ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya.  Halimbawa ay:

  • Maging tapat sa inyong pamilya. Sa puntong sekswal, maging tapat sa kapareha. Bawasan ang mga aktibidad sa labas at gumugol ng mas maraming oras sa piling ng iyong pamilya;
  • Tuparin ang mga pangako sa mga miyembro ng pamilya.
  • Maging maaasahan.  Tumawag o magtext  sa bahay kung mahuhuli ka ng uwi lalo na kong hindi makabalik sa takdang araw ng pag-usi mula sa trabaho.
  • Kung naglakbay ka sa malayo, huwag din kalimutang tumawag at huwag mangingiming  magsabi ng  “mahal kita ikaw lang babae sa aking puso” (PLAY LAUGHING)
  • Kapag may problema,  dumulog  sa isang kamag-anak, kaibigan   , para matulungan kayong harapin ito.

Pagpapahalaga

 

Ipakita  pagpapahalaga sa pamilya sa pamamagitan ng mga salita at gawa, sa ganito ay naipakikita natin sa ating pamilya na pinahahalagahan at itinatangi natin sila. 

  • Sabihin sa isang miyembro ng pamilya na siya ay mahal mo.
  • Kilalalanin ang katangian ng membro ng pamilya. Purihin ng  positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw.
  • Dalasan ang pagyakap sa mga miyembro ng pamilya, Ikaw tatay lalo na kay Nanay (PLAY LAUGHING).
  • Tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa kanyang gawain ( pagliligpit, paglalaba,  

Pag-agapay

 

Alalahanin walang pamilya ay hindi nagkakaroon ng  problema.  Ngunit gamitin ang problemang ito   para maging lalong matatag ang samahan ng pamilya at maging dam para mapalapit sa isa’t isa.  Kaibigan, makinig ka,  kung medyo babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para maging matatag. 

 

Pwede mo itong subukin para isolb ang problema ng iyong pamilya:

  • Mag-isip ng anumang mabuti, gaano man kasama ang sitwasyon.
  • Kunsultahin ang iyong pamilya, magsagawa ng Maswara o meeting.  Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ay  malalagpasan ng  pamilya ang kahit pinakamahirap na problema.
  • Harapin ang mga problema nang dahan-dahan.  Gumawa ng listahan ng mga bagay na dapat gawin at isa-isang asikasuhin ito.
  • Mag-ehersisyo para mawala ang tensiyon at matulungan kayong magrelaks.  Gawin ito nang magkakasama bilang isang pamilya.

Kapamilya  muli ninyo kaming samahan   sa ating segment na Nakaka.. sa programang buhay-buhay sa DXUP.. ito ang inyong kapamilya ang inyong segment writer/reporter si Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Posted by kakaalih at 6:50 pm | permalink | comments[356]

Updates: OFW– Philippines

September 5, 2009



  September 5, 2009

   

(Alih Anso- September 5. 2009 Radio DXUP-FM, Upi, Mindanao, Philippines)

Filipinos are referred to as “Overseas Filipino Workers” or “OFWs”. The term “Global Filipino” is another term of more recent vintage but less widely used.

OFW dubbed as the country’s modern day heroes, and contribute a lot to the nation’s growth and development.  They have to leave their own families to work abroad as professionals, engineers, office and factory workers and often as domestic helpers.

OFWs today has a total workforce of 747,696 where land based workers are 559,227 and sea based workers 188,469.

Each year, more than a million Filipinos leave to work abroad through overseas employment agencies and other programs, including government sponsored ones.

Others emigrate and become permanent residents of other countries. Overseas Filipinos  work as doctors, physical therapists, nurses, accountants, IT professionals, engineers, architects, entertainers, technicians, teachers, military servicemen, students, caregivers, domestic helpers and often as a  household maids (or domestic helper - DH).

According to a former Domestic helper (DH) their employer paid US$ 7,000 to her agency,  a legalized human trafficking?

Human trafficking in the country is becoming worst as the  reports says:  “…. that the Philippines is fast-becoming a transit point for international human trafficking. A reason why a member of House of representative seeking for investigation of the issue”.

The issue of www.philstar.com July 17, 2009, quoting Congressman  Jonathan Dela Cruz said the recent arrests of foreigners using fake passports and fake travel documents confirm reports that the country is being used as a transit point for human trafficking.

The hotspot provinces in Mindanao reportedly include Cotabato, Maguindanao, and Davao.

But Vice Mayor Abdullah P. Salik Jr. Al Haj currently chairman of Regional Anti-Human Trafficking in ARMM, does not confirm nor deny the data release to media.

“Maybe before 2007, there were reported incidents but we are waiting for the official reports from the concerned agencies” Salik added.

The number of human trafficking cases in the Philippines doubled in the first half of 2009, a non-government organization said Wednesday.

The Visayan Forum Foundation, Inc. (VFFI) said that in 2008, 90 human trafficking cases were lodged before Philippine courts. From January to June in 2009, or only six months, the number jumped to almost 200.

Mrs Malou Diestro, Department of Social Welfare (DSWD)  worker assigned in Upi said:  “…lots of reported human trafficking in Upi, few years ago”.

“We have some cases which can be considered as  human trafficking  but we can reveal it to media for the protection of victims..” a revelation from PO2 Margie  Pahati, Philippine National Police (PNP) in charge of Violence Against Women & Children    (VAWC) assigned in Upi, Maguindanao.

One of the “modus operandi” of recruitment agency, let the “victim” signed a contract as domestic helper in other countries, in which she/he will received a salary of 400 US $, but before he left the country her agency will let her signed a sub-contract (not registered to Philippine government) in which stating she will just received a salary of 150-200 US $. In which no one of the recruited migrant worker reported to the authority, because they need the money.

“Kapit sa patalim” (holds a blade knife), because of poverty.  they just accept the offer for human survival .

They were recruited by members of syndicates, processing and documentation of their employment abroad was facilitated by corrupt civil servants.

According to the reports  of 2008 Country Review on Human Rights Practices in East Asia and the Pacific by the United Stated Department, reported that Filipino women and children who were victimized were forced to work as household, factory and sex workers.

The unstable economic and political situation in the Philippines is one of the major causes why Filipinos prefer to work abroad. Filipino workers could not see any hope from their leaders to achieve prosperity for the country.

Various recommendation from various sectors were recommended for the stopping or eradicating  this in-human act.

Human trafficking should be taught in school as suggest by National Bureau of Investigation (NBI) executive.

If this NBI chief agent had his way, the problem of human trafficking and how not to be caught in the traffickers’ snares would be discussed among schoolchildren.

“Law enforcers should go to primary and secondary schools to educate kids, especially young girls, on human trafficking,” said Ferdinand Lavin, chief of the National Bureau of Investigation’s Anti-Human Trafficking Division.

“The campaign should be focused on grades five to high school because these minors are often the target of syndicates,” he added in a recent informal chat with reporters. He said the campaign should be mounted with the help of Department of Education officials.

“We should strengthen the preventive aspect, perhaps by information dissemination,” he said. “IACAT (Inter-agency Council Against Trafficking) should also map out where the victims came from and focus on info dissemination in that particular area.”

In Upi, Maguindanao, particular in community radio-DXUP FM,  advocacy program in combating human trafficking was adopted . Regular airing  of anti-human trafficking plugs and incorporating topics to talk show programs, like: Udto na Adi, Suara Talainged, Kaadat-adatan were practiced regularly.

Posted by kakaalih at 9:40 pm | permalink | comments[81]

Pakikikapitbahay (Neighborhood)

September 4, 2009


(September 4,  2009-Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host:  “Ang kapitbahay ang katuwang sa lahat ng oras ng pangangailangan, mahihigitan pa nito ang iyong tunay na kapatid, ang kapitbahay ang unang makakapagbigay ng tulong sa iyong pangangailangan?”

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:  Papaano ba kayo makikapitbahay?

 

“Ako Kaka Alih, gusto kong may kapitbahay, kaya lang kong minsan may kapitbahay na hindi tao, asal hayop.” pagkukuwento ng isang respondent.

 

Sabagay totoo naman na marami tayong kapitbahay na hindi tao, pero ang pag-uusapan natin kaibigan ay tao, katulad natin.

 

“Ang ibig kong sabihin Kaka, totoong tao kaya lang ang ugali asal hayop.” Paliwanag ni Pare.

 

Kayo na mga nakikinig, anong kapitbahay  ang ayaw ninyong maging kalapit bahay?

 

“Ako ayaw kong kapitbahay na kapag nalasing  ay nanggugulo, ang ingay-ingay at inaaway pa ang asawa, kong ako lang ang masusunod ipapabilanggo ko ang ganoong tao.” Pangalawang respondent na nainterview natin.

 

“Para sa akin, ayaw ko ang kapit bahay na hindi niya nirerespeto ang aming privacy, biruin mo nakabili lang ng karaoke, akala mo sa kanya na ang buong lugar, kong magpatugtog ba naman akala mo nasa loob ng disco, nakakatulili sa tainga ang lakas ng sounds.”

 

Pero kaibigan may kapitbahay na gustong gusto ng kanyang kapitbahay.

 

Tulad ng kuwento ni Mare: “Ang aming kapit-bahay na hindi naman namin kamag-anak, ang tumulong para madala sa doctor  ang aming anak, ng mag convulsion”

 

“Ang nagustuhan ko na kapitbahay lalo na sa ganitong panahon ng Ramadan ay Muslim.” Pahayag ng isang nakapanayam natin at naitanong ko sa kanya bakit?

 

“Pag Ramadan, nagluluto sila ng mga pagkain na masasarap, at di man kami nag-aayuno at Muslim ay binibigyan nila kami ng kanilang mga niluluto, kaya kami pag ganitong panahon ng Ramadan, di ko napinabibili ang mga anak ko ng baboy, dahil nagpapahtid din ako n gaming naluto.” Patuloy niyang kuwento.

 

“Magandang may kapitbahay, dahil kahit wala kayong pamilya, may tagabantay ka.” Paliwanag naman ni Mare.

 

 Ako Leny, di ako mapalagay na wala kaming kapitbahay, ang kapitbahay mo ang siya mong malapit na kamag-anak, hindi yaong kapatid sa dugo at laman na napakalayo, dahil hindi ka naman nila matutulungan sa oras ng pangangailangan. Ikaw Leny, anong masasabi mo sa iyong kapitbahay?

 

LENYROSE:_______________________________________

 

Ikaw kapatid, kaibigan, kumusta ang iyong kapitbahay? Mabait ka ba sa kanya?  

 

Sa panahon ni Propeta Muhammad SAW ay may kuwento na Siya ay kapatid na hindi Muslim, dahil sa ayaw niya sa relihiyon ni Muhammad, ay araw araw na tinatapunan niya ng basura ang bakuran ng Propeta, ngunit hindi siya inaaway ng Propeta, nililinis na lamang ito araw-araw. Minsan isang araw walang basurang naitapon, kaya nagtaka ang Propeta, at may nagsabi na may sakit ang Hudeo. Binisita ng Propeta, kaya takot na takot ang lalaki, ang akala niya paghihigatihan siya, ngunit hindi pala, dahil sinabi ng Propeta Muhamad SAW na ganoon ang katuruan ng Islam, maging mabait sa iyong kapitbahay.

Posted by kakaalih at 9:52 pm | permalink | comments[309]

Paano Maipapakita Pagmamahal Sa mga Magulang?

September 3, 2009

September 3, 2009

(September 3,  2009-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host:  “Maraming paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa magulang, ikaw papaano ka magpakita ng pagmamahal sa kanila?”

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:  Yes alam ko , maraming paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa magulang. Papaano nga ba?

 

(BRIDGE MUSIC)

 

Una, puwede mong ipakita ang pamamgitan ng material. Alam natin na its payback time o araw ng pagbabayad sa magulang ngunit hindi natin obligasyon na ibalik kung ano man ang naitulong sa atin ng magulang natin paglaki natin. But in our own little way, tulungan natin ang mga magulang natin especially kung wala naman silang pagkukunan ng ikinabubuhay, lalo na kong matatanda na sila.

 

Pangalawa, give your time, to be with them, bigyan mo rin sila ng iyong oras. Kahit hindi sabihin ng parents natin, masaya silang makikita tayo  lalot    kung magkakalayo kayo ng lugar na tinitirhan.  Lalot may mga apo na sila sa inyo, gustong-gustong nilang makasama ang kanilang mga apo, mas higit pa sa kayo noong mga maliliit pa kayo. Maniwala ka, dahil ako na ito, experience at naranasan ko…

 

Ang pangatlo, to love our children as how our parents loved us. Ito na siguro ang painakamagandang paraan upang maipakita natin ang pagmamahal sa ating mga magulang.

 

“Para sa akin Kaka Alih heto ang advice ko sa mga may magulang pa, maging showy kayo ng pagmamahal sa paents niyo, palagi niyong sabihin na mahal niyo sila, marami namang paraan ng pagsasabi .  Doon sa  sa mga nakabukod na ng pamilya, make it a point na every week mapuntahan niyo sila and masabayan niyo sa pagkain sabay kwentuhan, malaking bagay sa kanila yun”. ito ang bahagi ng paliwanag ng isang kumpare na patay na ang tatay, nanay na lang ang buhay.

 

Heto ang kuwento ng isa nating respondents: “…ako ma ma-pride ako noon sa magulang.  Iyong bang tipong binabalewala ko lang sila,  Totoo Kaka, ganun  ako dati, hindi ko alam kung bakit parang ang hirap hirap kong masabi sa kanila na mahal na mahal ko sila. Para bang   nahihiya   akong sabihin sa kanila na mahal ko sila o sadyang hindi ko naman sila ganun ka mahal….. yun ang iniisip ko dati.

 

Sayang Kaka, ngayun ko lang napagtanto na mahal kop ala talaga sila ng pumaanaw na silang pareho. Sayang huli na ang lahat. Ngayon ko lang napagtanto na mahal ko pala sila.   Naisip ko na  dala lang siguro ng kahirapan sa buhay kaya noon parang sinisisi ko pa sa kanila kung bakit naghihirap kami at wala kaming makain. Heto pa ang nakakahiya   naisip ko..sabi ko sasarili ko noon, sana pwede akong makapili ng magulang ko,,, kung makakapili lang ako hindi sila ang pipililin kong maging magulang. Pero iba na ngayun ako na gumgawa ng paraan para makaahon kami sa kahirapan..at mahal na mahal ko pala  ang aking mga magulang.. saying nga lamang dahil wala na sila.. dito ko na lamang ibinubuhos ang pagmamahal ko sa aking mga anak at apo.

 

Mga Kapatid na nakikinig, kong may magulang pa kayo, bumawi kayo, habang buhay pa sila, kong wala na, ipakita ninyo at ituro sa inyong mga anak at apo papaano magmahal sa magulang, hindi lang sinasabi, pinakikita at pinaparandam.

Posted by kakaalih at 9:53 pm | permalink | comments[311]

Pagpili ng Kursong Kukunin sa Kolehiyo

September 2, 2009



(September 2,  2009-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host:  Sigorado ka na ba sa kursong kukunin mo pagkagraduate mo? , ikaw na Pare/Mare nakapili nab a si Adi o si Awi ng Kurso pagka-college?”

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih: “Makinig my friend, pare at mare, alam mo ba na ang pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na okasyon at kapag hindi mo nakursunadahan ang damit na nabili ay puwede mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili, hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay hindi na  maibabalik pa.

 

Papaano kong sa kalagitnaan ng semestre ay saka nalaman na hindi pala angkop sa iyo ang kursong kinukuha? Hindi mo na pwedeng bawiin ang naenrol mo, marefund mo man dahil malakas ka sa administration, dahil lahi kayo ng mga VIP, papaano ang oras mo na naguguol mo  di na  maibabalik.

 

Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay hindi lang ginagastusan ng salapi kundi pinagugulan din ito ng lakas at oras. Ang salapi, lakas at oras ay ang mga importanteng yaman sa buhay ng isang tao at hindi na naibabalik kapag nagamit kayat kung sasayangin mo ang mga ito dahil lamang sa iyong pagwawalang-bahala ay maaring sagad sa iyong buto ang madadamang pag-sisisi pagdating ng panahon.

 

Alalahaninm, ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay magiging bahagi na ng inyong buhay. Alam mo my Friend,  pwede itong ihalintulad sa pagpili ng mapapangasawa. Isipin mo kung ang mapapangasawa mo eh pinakasalan mo lang dahil sa yaman niya o di kaya ay sa udyok lang ng magulang o kaibigan mo pero ang buo niyang pagkatao ay malayung-malayo sa hinahangad mong maging asawa, sa palagay ko alin lang sa dalawa ang gagawin mo, makipaghiwalay o mag-sisi habang buhay.

 

Walang pinagkaiba sa pagpili ng kurso, kung ang kurso mong pinili ay kinuha mo dahil sa ito ang sikat ngayon at maraming makukuhang trabaho kahit na malayo sa iyong interes, paano na kung dumating ang panahong nalaos na ito at na-ngaunti na ang mga kumpanyang naghahanap ng nagtapos ng kurso mong kinuha (na ayaw mo naman)? Ibig ba nitong sabihin ay tapos na ang maliligayang araw mo?

 

Natatandaan ko ang sinabi sa akin ng Tatay ko na… “Ting, Mas mahirap tiisin ang pag-sisisi kesa sa lungkot”……………

 

Uulitin ko na sa pagpili ng isang profession ay wala itong iniwan sa pagpili ng mapapangasawa tulad ng nasabi ko nung una,(pwedeng kumuha ng isa pang kurso pagkagraduate, tulad ng pag-aasawa pwedeng mag-asawa muli, ngunit huwag hiwalayan ang una, ehe ang ibig kong sabihin tapusin mo na ang kurso bago kumuha ng iba… ay ano bay an nagkalitolito na tayo..

 

(PLAY LAUGHING WOMAN)

 

Tandaan sa paglipas ng panahon tatanda kayong parehas at maaring ang sekswal na interaksyon ay hihina na,( yes ganoon hihiona si manoy.. ehe.. heindi si Tatang) (PLAY LAUGHING WOMAN)… ang mga material na bagay ay hindi na ganoong kaakit-akit sa inyong dalawa at ang pinaka magiging pundsyon na magtataguyod sa inyong mag-asawa ay ang mabuting relasyon at pagmamahalan. Halos pareho sa profession o kursong kukunin mo sa kolehiyo, dadating ang panahon na maaring kuntento ka na sa mga material na bagay o parangal.

 

Pero ang hilig mo o passion sa ginagawa mo ang mananatiling magtutulak sa iyo para magtrabaho, sa puntong ito ay magtratrabaho ka hindi dahil ang pangunahin mong layunin ay kumita ng pera kundi ginagawa mo ito dahil ito ang gusto mong gawin sa buhay at lumalabas na hindi na ito trabaho kundi libangan, libangan na kung saan ay kumikita ka narin ng salapi.

 

Posted by kakaalih at 9:49 pm | permalink | comments[319]

Mga Alak na Nakakalasing-2

July 26, 2009


   

(July 14, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

“Ang alak na nakakalasing bakit iniinum? Ito ba ay gamot o pantawid gutom.. ngayon naman ay epekto ng alak sa katawan ng tao, o mga sakit na makukuha sa alak na nakakalasing. 

Minsan tinanong ko ang aking mga kasamahan  sa station, ayon sa kapatid ATBCI ay bawal   sa kanila ang Alak, samantala ang relihiyong kinaaniban naman  ni Donald, na  Good News Fellowship Christian, ay bawal din. Of course ang Islam ay haram o bawal din ito, tulad ng pag-haram sa karneng baboy.

Therefore, generally speaking, ang alak na makalasing ay ipinagbabawal ng lahat ng relihiyon, ngunit ang paniniwala ng iba ay huwag lang maglasing, ang iba naman ay kahit tikim ay hindi pwede.

Sabi ng ating kaibigan,:  “Kaka Alih kahit ang COMELEC ay bawal din ang alak” (papaano napasok ang COMELEC?)….”di Kaka pag election day mahigpit na pinababawal ang alak” ( ok tama ka, upu tell the truth, 5 points ka… dagdagan ko ang goberno natin, bawal din )  ”Kaka diyan naman ako hindi sang-ayun, may permit ang alak na binigay ang goberno” ( eh bakit kong panahon ng mahal na araw di ba bawal?)

Kaibigan no more   debate, just listen na lang, pwede, pagkatapos nito bigyan kita ng time.

Ang pag-inom ng alak na makalasing sa ating bansa o sa ibang parte ng mundo, kong ating mapapansin sa mga lugar na hindi umiiral ang katuruan ng Islam ay   naging pangkaraniwan na lamang ang pagbebenta at pag-inom ng alak, inaakalang isang uri ng libangan o pampalipas ng oras. Kadalasan’y ginagamit sa pag-iistima ng mga importanteng tao o mga kaibigan, o di kaya ay ipinamimigay bilang pangregalo sa mga espesyal na kaibigan.

Ang pag-inum ng alak ay halos kabahagi na ito sa lahat ng mga okasyon nating mga Pinoy (agree o dis-agree??) — Hindi kumpleto ang kasiyahan kapag walang inuman! Katotohanan nga ba na kasiyahan ang naidudulot nito sa tao?  O pagkawasak? 

Kung napag-ukulan lamang natin ng malaking pansin ang pinsala na ibinibigay ng alak  sa katawan ng tao, sa pamilya at kapaligiran, tiyak na tayo   mismo    ang kusang lalayo rito at tuluyan na itong iiwasan ang alak!

Batid natin sa ating mga sarili, na karamihan sa mga krimen at aksidenteng nagaganap sa ating kapaligiran ay sanhi ng mga nakainom ng nakalalasing na inumin na tulad ng alak,   bawal na gamot at iba pa na mga katulad nito.

Nagiging sanhi  ito ng kaguluhan sa pamilya,  ng di pagkakaunawaan,  pagkamuhi ng mga anak at asawa sa ama ng pamilya, at minsan ay humanhantong sa paghihiwalay ng mag-asawa — ang resulta: ‘Broken Family.’  Alam Ba ninyo? Dito sa ating likod ng ating radio station ay may bilangguan at di minsan lang natin napatunayan na marami ng naipasok sa rehas na bakal dahil sa   nakalabag sa batas, at ang kaso    dahil  nakainom ng alak na nakakalasing.

Isama mo pa rito ang iba’t ibang uri ng sakit, na ang sanhi ay mula sa pag-inom ng mga nakalalasaing na inumin.    Ayon sa mga dalubhasa o maalam, at hindi lang base sa observation natin sa paligid,  napakaraming sakit na idinudulot ang alak, halimbawa:

        * Binubuhay nito ang seksuwal na pagnanasa, na siyang nagtutulak sa tao na gumawa ng kasumpa-sumpa at karumal-dumal na tawag ng laman: na tulad ng panggagahasa, karahasan at kalaswaan. At ang pinatutungahan nito kung minsan ay pagpapatiwakal!

        * Nagdudulot ito ng pinsala sa utak: Isa sa sanhi nito ay ang pagkawala ng memorya ng isang tao, sanhi rin ito ng pagkakaroon ng impeksiyon sa utak, pagkabulok ng ‘cortex cells’ (nagpapagalaw sa ating kalamnan)  sa utak ng isang tao na nauuwi sa pagkasira ng ulo.

        * Nagiging sanhi rin ito ng unti-unting pagkabaog o pagkainutil ng isang tao at pagkaparalitiko ng buong katawan. (kayo sigoro marami kayong alam na naparalitiko na palainum ng alak,)

        * Pinipinsala rin nito ang atay ng isang tao, na kung kaya mabibigo nitong alisin ang mga lason sa loob ng katawan, lalung-lalo na ang ‘amonia.’ At dahil sa ganitong pangyayari ay tataas ang antas ng lason sa dugo. At ang lason na ito ang makaka-apekto sa pagkilos ng kaisipan at makakagambala sa emosyon: Na kung kaya, hindi na magiging normal ang kanyang pagkilos at pag-uugali. Magiging makasarili na siya, magalitin, mapaghinila at magiging malungkutin.

        * Pagkakaroon ng depekto sa kidney, sa albumin sa ihi, at nakakamatay na pangangasim ng dugo (o fatal blood acidity), na magwawakas sa ‘heart failure.’

        * Nagdudulot ng impeksiyon sa ‘Nerve’ ng mga mata na humahantong sa pagkabulag ng tao.

        * Nagtutulak sa isang tao na gumawa ng mga kakaibang krimen at iba pang mga kasamaan.

Ang lahat ng ating halimbawa ay maliwanag na nakikita natin ngunit sa kabila ng lahat ng ito, matigas pa rin ang puso natin, hindi poa rin tayo naniniwala. Ang sabi nga ng ating kaibigan na Pastor:  ”Sadyang Mapagsamba sa sarili ang tao! At saka pa lamang nagigising kapag huli na ang lahat at wala nang saysay!”

Mga kaibigan na nakikinig, pangalagaan natin ang ating mga sarili mula sa mapaminsalang bagay na ito — ang nakamamatay na inumin. Ito lamang ang uri ng lason na pinahihintulutan ng ibang mga bansa sa kani-kanilang lipunan, gayong batid naman nila ang dinudulot nitong masamang epekto.

Posted by kakaalih at 2:06 pm | permalink | comments[332]

Karaniwang Pinag-aawayan ng Mag-asawa

July 18, 2009

July 17, 2009

“Pangkaraniwan ang pag-aaway ng mag-asawa Kaka, talagang normal sa mag-asawa ang magkasagutan kong minsan”. Paliwanag ni Maam, isang guro sa public school ng Upi.

“Ang hindi normal ay  kong madalas ito mangyari at  kong minsan lumalala o mauuwi sa hiwalayan o broken marriage”. Dagdag niyang paliwanag.

Lahat siguro ng mga mag-asawa ay naka- experience ng di pagkakaunawan sa kanyang partner?  Ang hindi pa ang iba ang pag-hihiwalayan ng mag-asawa na siyang hindi dapat mangyari at nararapat na maiwasan na mangyari.

Merong mga dahilan na napaka simple pero humantong sa pag-hihiwalayan at meron namang masalimoot o mabigat na dahilan pero napaglalabanan. 

“Alam mo Kaka Alih, kaming mag-asawa tuwing may hindi pinagkakasunduan kaming mag-asawa, ako ang palaging nagpaparaya, humihingi ako o ako mismo ang  naghahanap ng paraan na magkabati kami ni Mrs, hindi ko na ito pinaaabot ng kinabukasan, dahil alama ko sa Islam na masama, pinagbabawal ng Propeta Muhammad (SAW)”. Paliwanag ni Ustadz Abdulrahman.

Sex ang ibang pinag-aawayan ng mag-asawa, kasi gusto ni Lalaki ngunit ayaw naman ni Babae, ang dahilan ay “pagod” sa trabaho. Sabi  ni Lalaki, pagod din naman ako sa trabaho maghapon pero bakit gusto ko.

Ok pag ganyan ang sitwasyon, dapat masolb ang problema. Una dapat mag-usapa kayong mag-asawa. Pag-usapan ninyo ang mga gusto ni Lalaki ganoon din si Babae, may pwede kayong maglagay ng mga palatandaan kong kalian? Anong oras?

“Kaka Alih nakakahiya man   na magsabi kaming mga Babae na sabihin kay Lalaki na gusto naming, ok lang kayong mga lalaki, kasi nahahalata o nararamdaman kay basta nakatayo kayo, iyon na.. (LAUGHING) .

OO nga no? nakakahiya ki Babae na mangalabit (LAUGHING) pangalawa papaano nga naman malalaman na gusto ni Babae ang ganoon…(LAUGHING).

Bweno, ganito ang narinig ko kay Maam Jackie Gamit, rural midwife ng Upi, na madalas na nagbibigay ng orientation sa mga magpapakasal:

“Maglagay kayo ng signal.. halimbawa.. pag naligo si Mrs at nag-suot ng negligee o damit pampapatulog na kulay pink.. that’s the signal na ready na  for “encounter”. (LAUGHING). Oh di ba madali?  O iba naman,  pag nag-lagay ng maliit na tuwalya sa ulunan ng higaan nila ay iyon ang signal na declaring war.. (LAUGHING).  

Hindi na lamang dahil ako ay maliligo  pa..  hanggang sa susunod na gabi.. ehe este episode.. Kaka Ali para sa Nakaka…(LAUGHING).  

Posted by kakaalih at 2:11 pm | permalink | comments[315]

Bakit lumalaki ang hidwaan sa pagitan ng naghahanap-buhay at gumagawa ng gawaing bahay? July 15, 2009

July 16, 2009

July 15, 2009

(July 15, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Madalas na pinagdedebatihan ng mag-asawa na ikaw ang taong bahay kaya dapat gawin mo lahat at ako naman na lalaki ang mag-hahanap buhay.

“Pagod ako maghapon sa paghahanap buhay, para sa pamilya,” sumbat ni Lalaki.

“Bakit? akala mo ba ay hindi AKO nakakapagod? ang mag-alaga ng mga anak mo, dagdagan mo pa ikaw ang  magluluto, maglalaba, blah. Blah…” sagot naman ni Babae.

Iyan ang scenario na madalas mong marinig sa isang pamilyang hindi nagkakasundo.
 
Ganito kaasi iyon sa kasalukuyang lipunan an g ating  ekonomiya ay umaasa  sa pera. Pag walang naghahanap buhay ay walang pera at pag walang pera walang makakain ang pamilya.
 
Nangangahulugan ito na karamihan sa mga pangangailangan sa pagpapanatili ng sambahayan ay pangangailangan sa pera (pambayad ng upa sa bahay, pagkain, kapangyarihan, tubig, buwis, libangan).

Dahil dito ay tumaas ang pangangailangan ng katulong  sa bahay, at ang katulong naman ay nangangailanga  din ng mataas na sahod para sa pamilya. Kaya sa ngayon mataas ang sahod sa mga kasambahay, kung kaya karamihan sa atin ay hindi kayang kumuha ng katulong para gumawa ng mga gawaing-bahay (paglalaba, pagluluto, paglilinis, at pag-aalaga ng mga bata).

Ibig sabihin ay mayroong dalawang uri ng trabaho na may kaugnayan sa pagpapanatili ng pamamahay, pagkuha ng makakatulong sa labas, at sariling pag-awa ng mga gawaing bahay ng hindi binabayaran.

Kapwa kailangan ang dalawa.

Ito ay mas angkop sa urban na pamumuhay, at hindi gaanong naangkop sa rural na pamumuhay.

Sa ating kasaysayan, at sa ating pamantayan, tayo ay may simpleng yunit, mga lalake (ama, asawa) ay naghahanap-buhay sa labas ng bahay at mga babae (asawa, ina) ay ngtatrabaho sa loob ng bahay ng hindi kumikita.

Ang pamantayang ito ay sinusuportahan ng konserbatibong lipunan at mga relihiyoso, kahit hindi pangdaigdigan. At ito ay hindi naging pandaigdigan (universal).

Ito ay produkto ng industriyalisadong pag-unlad.

Ang salungatang pamamaraan sa sosyolohiya, hango sa pananaw ni Carl Marx na ang pagkakaiba ay hango sa kaugnayan sa paggawa, na base sa paniniwalang ang kompetisyon para sa kakaunting yaman ang siyang ugat ng hidwaan.

Sa pamilya, ang ugnayang ito ay kabaliktaran.

Ang hidwaan ay base sa pangangailangan ng parehong paghahanap-buhay at pamamasukan, at ang kompetisyon sa hindi paggawa ng gawaing bahay.

Marami sa mga kalalakihan ang nasasanay sa sitwasyon kung saan ang mga lalake ay inaasahang maghanap-buhay at ang mga babae ay dapat manatili sa bahay at gumawa ng mga gawaing bahay ng walang bayad.  Sa kabaliktaran  maraming kababaihan ang nagtatanong kung bakit kailangan nilang manatili sa bahay kung meron silang kasanayan at karanasan na magtrabaho at kumita.

Ang nangyayari, kadalasan, ay ang mga kababaihan ay ngtatrabaho upang kumita at inaasahan ding gumawa ng mga gawaing bahay.
 
Ito ang basehan ng hindi pagkakaunawaan sa loob ng tahanan.
 
Tatlong mga kakaibang situwasyon ang maaring mangyari:

(1) ang mga kalalakihan ay naghahanap-buhay at ang mga kababaihan ang gumagawa ng nga gawaing bahay,
(2) ang mga kababaihan ay nghahanap-buhay at sya ring gumagawa ng mga gawaing bahay,
(3) parehong lalake at babae ang nagtutulungan sa paghahanap-buhay at sa mga gawaing bahay.

Ang pagbabago ay hindi kaagad-agad nangyayari, kaya iilan sa mga pamilya sa iilang henerasyon ay napagsasabay ang tatlong modelo.

Tumaas ang bilang ng mga babae na naghahanap-buhay noong 1914-1919 (Unang Pandaigdigang Digmaan) kung saan ang mga kalalakihan ay pumapasok sa militar at nakikidigma, at ang mga kababaihan ay binabayaran upang mgtrabaho.

Subalit ito ay hindi naging permanente, at noong mga 1920 at 1930, marami sa mga kababaihan ang bumalik sa pananatili sa tahanan.

Noong panahon ng depresyon ng 1930, kung saan tumaas ang bilang ng mga walang trabaho, marami sa mga kababaihan ang pinatalsik para mabigyan ng trabaho ang mga kalalakihan.

Ang Pangalawang Pandaigdigang Digmaan (1939-46) ay kahalintulad ng naunang digmaan, kung saan maraming mga kababaihan ang binabayaran upang magtrabaho.

Mayroon na ring mga kababaihan ang pumapasok sa militar.
.
Pagkatapos ng ikalawang pandaigdigang digmaan, iilan na lang ang bumalik sa dati, at malawak na ang pagtanggap sa mga kababaihang naghahanap-buhay sa labas ng kanilang mga tahanan.
.
Hindi naging dahilan ang kilusang pangkababaihan sa pagbabagong ito, maliban sa pagiging repleksyon nito.

Maiuugnay natin ang mga pagbabago sa loob nga pamilya, kung saan dumarami ang mga kababaihang naghahanap-buhay, sa paglawak ng pangkabuhayan at pulitikal na pagbabago sa labas ng tahanan at pagbabago ng lipunan. Subalit ang hindi pagkakaunawaan ng mg-asawa sa loob ng tahanan ay bunga ng mga pagbabago sa mga tungkulin ng mag-anak.

At para maiwasan ang hidwaan o hindi pagkakaunawaan, tanggapin natin na ang lalaki ang malakas ang katawan, ayon sa pagkakalalang ng Panginoon, kaya nararapat na siya ang papas an sa mga mabibigat na gawaan, sa labas o sa bahay man. Tulad halimbawa ng pang-kuha ng pang-gatong, pag-igib ng tubig sa batis o balon lalo na kong nasa malayo.  Ang pag-aaro, ang paghahawan  sa bukid. 

Ang babae bagamat para sa kanya ang magagaan na trabaho ay marami rin ang trabahong iniatang sa kanya ng Poong Lumikha. Halimbawa ay ang pag-dadala ng pagbubuntis at pagsilang sa anak. Ang pagpapasuso at pag-aalaga dito.

Ang ibang gawain bahay bagamat magaan ay pwedeng pagsaluhan ng mag-asawa. Tulad halimbawa ng paglalaba, pagluluto, paglilinis sa bahay, ay pwedeng magbigay ng panahon si Lalaki upang akuin ang nasabing trabaho.

Ganoon din naman kay Babae, ang trabaho ni Lalaki na mabibigat ay pwede naman siyang tumulong dito, halimbawa ang trabahong bukid ay kailangan ni Lalaki ang makakain, pwede naman na siya na ang maghatid kay Lalaki ng pagkain sa bukid. 

Posted by kakaalih at 2:08 pm | permalink | comments[272]

Mga Alak na Nakakalasing

July 14, 2009


     

(July 13, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Ano ba ang mga alak na nakakalasing? Beer, gin, rhum, whisky, vodka, tequila, scotch, ilan lang ito sa mga klase ng inuming nakalalasing.

Alam ba ninyo na ayon sa   social weather station survey, sa  sampung  Pilipino na may edad na 17-24 ay pito ang umiinom ng  alak na makalasing? Ang tanong ko, Bakit kaya sila umiinom?   Masarap ba ang  uminom?  Kaya ko naitanong dahil magastos ang uminom,    ang mahal ng alak, 20 ang san miguel light, ang red horse, 23 ang isa, ang grand matador 55,  ang generoso naman 65, ang gin 26, plus ung pang chaser pa, sampung piso isang litro pack, sa tindahan pa lang yan, wala ka pa sa bar.

Kung sakali mang libre, pupuyatin ka lang nito tapos ang hirap kumilos kinabukasan ng dahil sa hang over tapos masakit pa ung mga buto buto mo at mas lalo na ung mga joints, ahwwww, sakit tapos walang katapusang pakikipag heart to heart talk pa sa inidoro, wow, astig!. Minsan, masasabi mo na lang, tangna, ayoko ng uminom, pero pag nakaharap na sa hapag alakan, sige banat nanaman.

“Isa sa ayaw ko sa  sa alak ay ang amoy nito, eh ang baho ng amoy ng nakainom, amoy masangsang na hindi mai-eksplika,” hinaing ng isang Mrs, na madalas na nilang pinagaawayan na mag-asawa ang paglalasing ng asawa.

“Alam mo Kaka, may mga tao namang pag nakainom, hanap away naman ang trip.  Matingnan  mo lang, sasapakin ka na, mabangga lang, gugulpihin ka na, may marinig lang, feeling nya agad siya na ung pinag-uusapan tapos pagmumumurahin ka na.” pagkukuwento ng isa nating kumpare.

“Pangpalakas ng loob ang alak” paliwanag ng isang palainum na kumpare ni Mare. Ang explanation niya ay   pag bumnigwas ang espirito ng alak, lumalakas na ang loob, ang mga dating di kaya sabihin, this time, all out na, pwede na daw niyang sabihin na “I love you!! Sa kanyang nililiyag… (Stinger Laughing)

Ayon   sa bible, it is wrong to get drunk, sabi sa Proverbs chapter 20 verse 1, “It isn’t smart to get drunk! Drinking makes a fool of you and leads to fights”. Sabi naman sa Hosea chapter 4, verse 11, The Lord says, “Wine, both old and new, is robbing my people of their senses!”, at sa Ephesians chapter 5 verse 18, “Don’t be drunk with wine, because that will ruin your life. Instead, let the Holy Spirit fill and control you”.

 “Sori talaga sir patawarin mo ako, dahil lasing ako ng gawin ko yon”.. pagsosori ng isang nakagawa ng pangbobogbog.

“Alam mo naman sir, pag ang tao ay lasing wala na sa matinong pag-iisip, kaya ng marinig ko na binugbog ng mga kabataan na iyon ang kapatid kong lampa nakalimutan ko na isa akong aotoridad, agad kong sinugod ang mga kabataan na iyon at di ko namalayan ay binubugbog ko na sila” patuloy niyang paliwanag, kong bakit niya nagawa ang pangbubugbog sa kabataan na yaon.

Hanggang sa susunod na episode, ipapaliwanag natin ang mga epekto ng alak sa katawan ng tao, o mga sakit na makukuha sa alak na nakakalasing. 

Abangan… ang nakaka.. ni Kaka Alih…

Posted by kakaalih at 2:04 pm | permalink | comments[59]

Mga Alak na Nakakalasing


(July 13, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Ano ba ang mga alak na nakakalasing? Beer, gin, rhum, whisky, vodka, tequila, scotch, ilan lang ito sa mga klase ng inuming nakalalasing.

Alam ba ninyo na ayon sa   social weather station survey, sa  sampung  Pilipino na may edad na 17-24 ay pito ang umiinom ng  alak na makalasing? Ang tanong ko, Bakit kaya sila umiinom?   Masarap ba ang  uminom?  Kaya ko naitanong dahil magastos ang uminom,    ang mahal ng alak, 20 ang san miguel light, ang red horse, 23 ang isa, ang grand matador 55,  ang generoso naman 65, ang gin 26, plus ung pang chaser pa, sampung piso isang litro pack, sa tindahan pa lang yan, wala ka pa sa bar.

Kung sakali mang libre, pupuyatin ka lang nito tapos ang hirap kumilos kinabukasan ng dahil sa hang over tapos masakit pa ung mga buto buto mo at mas lalo na ung mga joints, ahwwww, sakit tapos walang katapusang pakikipag heart to heart talk pa sa inidoro, wow, astig!. Minsan, masasabi mo na lang, tangna, ayoko ng uminom, pero pag nakaharap na sa hapag alakan, sige banat nanaman.

“Isa sa ayaw ko sa  sa alak ay ang amoy nito, eh ang baho ng amoy ng nakainom, amoy masangsang na hindi mai-eksplika,” hinaing ng isang Mrs, na madalas na nilang pinagaawayan na mag-asawa ang paglalasing ng asawa.

“Alam mo Kaka, may mga tao namang pag nakainom, hanap away naman ang trip.  Matingnan  mo lang, sasapakin ka na, mabangga lang, gugulpihin ka na, may marinig lang, feeling nya agad siya na ung pinag-uusapan tapos pagmumumurahin ka na.” pagkukuwento ng isa nating kumpare.

“Pangpalakas ng loob ang alak” paliwanag ng isang palainum na kumpare ni Mare. Ang explanation niya ay   pag bumnigwas ang espirito ng alak, lumalakas na ang loob, ang mga dating di kaya sabihin, this time, all out na, pwede na daw niyang sabihin na “I love you!! Sa kanyang nililiyag… (Stinger Laughing)

Ayon   sa bible, it is wrong to get drunk, sabi sa Proverbs chapter 20 verse 1, “It isn’t smart to get drunk! Drinking makes a fool of you and leads to fights”. Sabi naman sa Hosea chapter 4, verse 11, The Lord says, “Wine, both old and new, is robbing my people of their senses!”, at sa Ephesians chapter 5 verse 18, “Don’t be drunk with wine, because that will ruin your life. Instead, let the Holy Spirit fill and control you”.

 “Sori talaga sir patawarin mo ako, dahil lasing ako ng gawin ko yon”.. pagsosori ng isang nakagawa ng pangbobogbog.

“Alam mo naman sir, pag ang tao ay lasing wala na sa matinong pag-iisip, kaya ng marinig ko na binugbog ng mga kabataan na iyon ang kapatid kong lampa nakalimutan ko na isa akong aotoridad, agad kong sinugod ang mga kabataan na iyon at di ko namalayan ay binubugbog ko na sila” patuloy niyang paliwanag, kong bakit niya nagawa ang pangbubugbog sa kabataan na yaon.

Hanggang sa susunod na episode, ipapaliwanag natin ang mga epekto ng alak sa katawan ng tao, o mga sakit na makukuha sa alak na nakakalasing. 

Abangan… ang nakaka.. ni Kaka Alih…

Posted by kakaalih at 2:04 pm | permalink | comments[333]

Pagbibigayan para sa Mag-asawa

July 13, 2009


(July 9, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

(July 13, 2009) (Host)   : “Sa pag-aasawa, mahalaga ang may pagbibigayan, yaong bang tinatawag nilang   kaugalian na give and take, iyan ang  dapat na umiral sa samahan ng mag-asawa.”

(PLAY STINGER-NAKAKA)

(Kaka Alih): “Give and take, ito  daw ang mahalaga sa mag-asawa. Kong mabubusog ka, kailangan mabusog din si Mrs…

(PLAY STINGER LAUGHING)

Hindi ganoon, ganito, makinig ka ng taimtim my friend. Sa mag-asawa, kailangan daw ng 90% na pagbibigay  at 10% na pagtanggap.  Nabasa ko sa isang aklat, may article doon about  God’s Little Devotional Book for Couples, at doon ay nakasaad na mayroong 10 katanungan na maari nating itanong sa ating sarili para malaman natin kung isinasagawa nga natin ang pagbibigayan sa ating pagsasama bilang mag-aasawa. Heto ibahahagi ko sa inyo, na hangad natin ay magkaturuan ng katuturan sa ating buhay:

1.     Handa ba tayong ibigay ang katahimikan kung kailangan ng ating asawa ng maikling panahon ng katahimikan sa bahay? Kapag hanghingi siya ng ceasefire, tigil na sa pag-sisigaw.
2.    Handa ba nating tanggapin kung pagsabihan tayo ng ating asawa lalo na kung ito’y para sa ating ikabubuti? Yes Matuto din tayo minsan na makinig hindi lang tayo ang nagsasalita, kong baka sa valleyball hayaan mong ang partner mo naman ang magserve…
3.    Handa ba nating ibigay sa ating asawa ang buong pagtitiwala natin? Huwag masyadong seloso, sa Islam pinapayagan ang selos, ngunit yaong selos na hindi mo papayagan na maagaw ni Satanas saiyo ang iyong asawa, 
4.    Handa ba tayong tumanggap ng karagdagang gawain kapag nakikita nating pagod na ang ating asawa? Minsan pagsilbihan natin an gating Misses.. papahngahin  din natin sila…
5.    Handa ba tayong magbigay ng salitang makapagpapalakas o makapagpapaginhawa ng loob ng ating asawa? Matuto din tayong pasalamatan at purihin ang maliliit nilang accomplishment..huwag palaging pinupuna ay yaong kapalpakan niya..
6.    Handa ba tayong magbigay ng panahon para sa ating kabiyak, iyong kayong dalawa lamang at walang istorbo? Yes, give time naman sa ating Misses, maaga kayong matulog para makarami.. ay hindi… ipasyal mo din minsan kahit diyan lang sa inyong farm.. na kayong dalawa.
7.    Handa ba tayong magbigay sa ating asawa ng magagalang na salita tulad ng “please” at “thank you”?  halimbawa. Darling o kayay Tayan.. pwede ba na .. siyempre may paglalambing…
8.    Handa ba tayong tanggapin na itigil ang argumento at magpalamig muna ng ulo kapag kumukulo na ang damdamin ng bawat isa? Umatras kong malakas ang kalaban, hindi karuwagan ang pansamantala pag-urong.. ay hindi pala giyera.. ang ibig kong sabihin.. dumistansiya muna habang galit pa ang isa… mamimiss ka rin?
9.    Handa ba tayong magbigay ng salitang pagpupuri sa ating asawa? Yes … recognized the accomplishment ng inyong asawa.. kahit maliit lang iyan..
10.    Handa ba tayong tumanggap ng kapintasan mula sa ating asawa para sa ating ikabubuti? Basta ang iportante kong mag-criticize tayo ay constructive ika nga..

Kuwento ng isang kaibigang pastor.  May isang lalaking kararating lamang sa langit at halos wala siyang katigil-tigil sa pagsasabi daw kay San Pedro ng kaniyang pasasalamat dahil napunta siya sa napakagandang lugar. Nakiusap siya kay San Pedro kung maari niyang masilip ang impiyerno. Pumayag naman si San Pedro.  Sa impiyerno, nakita niya ang isang mesa na ang haba ay kung hanggan saan matatanaw ng iyong mga mata. Punong-puno ng iba’t ibang uri ng masasarap na pagkain ito. Pero lahat ng nakapaligid sa mesa ay gutom na gutom at mga payat. Nagtanong ang lalaki kay San Pedro, “Bakit hindi sila kumakain?” Sumagot si San Pedro, “Kinakailangan silang kumuha ng pagkain sa pamamagitan lamang ng paggamit ng tinidor na may apat na piye ang haba. Biruin ninyo? napakahaba ng tinidor at walang makagawa na kumuha ng pagkain mula sa mesa para subuan ang kaniyang sarili. Kaya’t unti-unti silang namamatay.”

Nang bumalik na sila sa langit, nakita nang lalaki ang isang mesa na parehong-pareho ng nakita niya sa impiyerno! Iba’t ibang uri ng masasarap na pagkain ang nakalapag din dito. Pero ang mga taong nakapaligid sa mesang ito ay malulusog at masasaya. Nagsalita ang lalaki, “Ah, siguro ay mas maiikli ang kanilang tinidor dito sa langit kaya’t nakakain nilang mabuti ang mga nakahapag sa mesa.” “Hindi, pareho din ang sukat ng tinidor dito,” ang sagot ni San Pedro.  Nagtatakang nagtanong ang lalaki “Kung gayon, bakit ang mga tao sa impyerno ay namamatay sa gutom habang ang mga tao dito sa langit ay malulusog at masasaya? Sumagot si San Pedro “ Dito sa langit, nagsusubuan at nagbibigayan ang bawat isa.”

Konting aral sa ating maikling kuwento, miinsan, nainggit tayo sa samahan ng ibang mag-aasawa na puno ng ligaya at lambingan. Naisip natin na wala silang problema. Sa totoo lang, ang bawat pagsasama ay may kani-kaniyang problemang hinaharap. Ang lahat ng mag-aasawa ay may dinaraanang panahon ng hindi pagkakasunduan. Pero, naniniwala akong nasa atin pa rin ang solusyon. Kung nais nating maging malusog at maligaya ang ating pagsasama, kung nais natin na maging langit ang ating tahanan, magbigayan tayo.

O kayo na mga mag-asawa.. subukan na ninyo.. mamayang gabi.. ehe este ngayon na.. heto ang inyong Pastor.. ehe… Kaka Alih hanggang sa susunod na episode ng inyong nakaka…

Posted by kakaalih at 2:00 pm | permalink | comments[350]

Mga bunga ng maagang pag-aasawa?

July 9, 2009



 


(July 9, 2009- Script  na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio-  )

(Host):  “Hanggat maari ayaw ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay mag-asawa ng maaga. Bakit? Minimithi o pangarap  ng mga magulang na   makatapos muna ng pag-aaral at makanahap ng permanenteng trabaho ang kanilang mga anak bago magkapamilya. Dahil bilang mga magulang alam nila ang hirap at sakripisyo ng pagpapamilya at pagkakaroon ng mga anak na kailangang alagaan at palakihin ng maayos. At alam nila na ang bunga ng maagang pag-aasawa ay hindi madali.

(PLAY THE STINGER .. NAKAKA..)

Kaka alih: “Ang mga bunga nito ay ang mga sumusunod:

   1. Pag bata pa ang babae at ito ay nagbuntis agad at nanganak, maaring hindi pa kayanin ng kanyang kalusugan ang dulot ng panganganak lalo pa at maraming dugo ang mawawala sa kanya, at dahil dito maaga kang mababalo my friend.

   2. Pag bata pa pareho ang mag-asawa madalas ang kanilang pag-aaway at pagtatalo dahil na rin sa kanilang ugaling bata pa, akala kasi ni bahay-bahayan lang, hoy, Ting /Adi may kasabihan tayo na ang pag-aasawa ay hindi kanin na isusubo na pag ikaw ay napaso ay pwede mong iluwa.

   3. Magiging kawawa ang mga magulang dahil natural na sa kanila pa rin pipisan o makikitira ang mag-asawa dahil kapwa hindi nakatapos, walang mahanap na trabaho. Kaya naman Ting, Bai, Awi, Adi, Inday, Dong, maawa ka kay nanay at tatay, magtapos ka muna ng pag-aaral bago mag-asawa.

   4. Kung mag-kakaanak agad, (Ay ano?.. di lang masisira ang figure oy) Alam mo ban a, hirap ang daranasin..  Hindi lang sila ang mahihirapan kundi pati mga ang kanilang mga  anak. (mga apo mo yun)
 Hindi maibigay ang pangangailangan ng mga bata dahil hirap sa buhay.

   5. Sabagay sa kabilang banda, may maganda ring bunga ito dahil parang makakasabayan lang nila ang paglaki ng kanilang anak,(di mabuti,  para ka na ring may kapatid  na bunso)

(Hahahaha- PLAY THE STINGER LAUGHING)

Posted by kakaalih at 1:53 pm | permalink | comments[345]

Paano paliligayahin ang babae?

July 8, 2009


(Scrip na sinulat at presentation ni Kaka Alih para sa programang Buhay-buhay sa DXUP sa segment na Nakaka…July 8, 2009 - 7:00-8:00 AM - Host: Lenyrose Bajar Sunio)

(Host:) “Ang bawat babae ay may kanya kanyang katangian, ugali, at pagmamahal. Dito natin sila nakikilala, dito rin natin sila minamahal, minsan naibibigay natin ang gusto nila…. minsan naman eh… hinde.

Sa isang daang ginawa mong mabuti sa kanila sa isang kapalpakan bura lahat iyon.” Ang tanong: Paano ba natin sila mapapaligaya?

(PLAY THE STINGER NAKAKA..)

(Kaka:) “Tanong – Paano ba paligayahin ang babae? Papaano nga ba..? (STINGER NA TAWA)

Ang bawat babae ay may kanya kanyang katangian, ugali, at pagmamahal. Dito natin sila
nakikilala, dito rin natin sila minamahal, minsan naibibigay natin ang gusto nila minsan naman eh hinde. Sa isang daang ginawa mong mabuti sa kanila sa isang kapalpakan bura lahat iyon.” Ang tanong: Paano ba natin sila mapapaligaya?

Mapapaligaya ba ang babae sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagay na nais nila?

“Sa pag-papadama sa kanila ng Pagmamahal, ssagot sa akin ng isang relihiyosong kaibigan….. “pero alam natin na hindi tayo perpekto para maibigay ito lahat”

“Ah para sa akin Kaka, Sex?” sabi ng nagbibinata na estudyante.

“Siguro hindi naman Kaka, hindi lang ng tao, sex lang pwede magpaligaya, diba? (aywan ko)

Kung hahanapin natin ang babae dahil sa nais nila.. na dapat maibigay ang gusto niya, eh baka hindi natin Makita ang babae, na pwede mong mapaligaya.

Anong klaseng bagay, ang makapagpapaligaya sa babae? ….pagmamahal, material, at kung ano pa ang magpapaligaya sa kanila? Palagay nyo.. alam ba nyo?

Mahirap isipin di ba kaya minsan hindi nating magawang iwasang masaktan sila dahil hindi natin maibigay ang talagang nais nila. Dahil maski silang mga babe hindi nila alam iyon.

Totoo di ba mga babae? sagot! Ikaw kilala mo ba ang sarili mo?, Kung hindi huwag mong sagutin baka hindi tama sa damdamin mo mapahiya ka sa sarili mo. Sa mga taong nakakaintindi dyan pwede kayong sumagot.. para sa susunod na episode……

Pero ako marami na akong nakalap na sagot.. heto ang ilan sa na lista ko…kaya lista na kayo.. o text na rin>

Sagot ni Kumare #1: “Pare alam mo Ang babae just wanted to be loved unconditionally by men at yun ang makapagpapaligaya sa amin, yung walang lokohan at wag nyo kaming sasaktan”.

Kumpare # 1: “Sa akin pare? … basta be true to yourself, ipakita mo sa kanya na totoong ikaw… huwag mong pilitin sarili mo gawin ang mga bagay na di mo kayang gawin.”

Tama ka pare, may mga tao talaga na mataas ang expectation at kung ganun sila wag mo ilagay sarili mo sa palad nila at kung di ka nila matanggap sa pagiging ikaw, hindi sila ang babae para sa iyo, they are not worthy to be with you…..Be true lang sa iyong sarili.. kong di ka niya matanggap, so be it…hindi siya ang soul mate…

Kumpare # 2: “Para sa akin, pare, simple lang naman magmahal ng mga babe. Pinakamaganda nyan ay ipakita mo lang naman yung tunay mong pagkatao tapos yung tunay mong bad na ugali para matantya ng bawat isa sa inyo kung kakayanin nyo ba… if acceptable then everything will just come naturally…!!! Mas sweet na ang pagsasamahan…di ba? . (style mo bulok.. hahahaha)

Para naman sa akin Mare,,, ganito ang aking konsepto… actually, mahirap ngang intindihin minsan ang mga babae.. minsan kasi mahirap sa amin na sabihin sa inyo yung nararamdaman namin… sometimes… pero ganun din naman kayo.. di nyo nga lang pansin..may similar lang babae at lalaki..

“The only thing that would make girls happy is that we want to be loved, accept for what we are… feel that we are important and of course… the security… no material thing can replace.” (pa-English Englih ka pa)

O ikaw naman Pare?

Alam mo pare, hindi naman kasi mahirap paligayahin ang mga babae… (sige, tuloy tuloy, iyan ang gusto… ) Alam mo pare…kaunting patawa…konting bola…konting akrobatiks jan…okay na. “deep inside” masaya na talaga sila. lalo na pag mahal nya talaga ang lalake, … kaso…. siyempre nature ng mga babae ang magtago ng emotions. ito ung tinatawag na “pagpapakipot”.

(STINGER TAWA)

Yes alam mo ito, dahil turo sa amin ng nanay namin iyan! madali lang daw talaga…… kaso hindi madaling malaman ang nagpapasaya sa mga ito. at bakit hindi madaling nalalaman at bakit madalas nilang sabihin na hindi nila alam? dahil maraming babae ang hindi dinadaan sa salita ang tunay nilang nararamdaman. minsan umaasa na lang sila na sana dumating sa point na maging “sensitive” enough ang mga lalake para maintindihan niya ito. parte rin ang pabago bago na mood ng mga babae at ang unpredictable ng mga ito.

Sabi nga nila, let’s not only look on one side of the coin. a relationship is a two way street. Bakit naman marami sa mga lalake, pag matagal na ang relationship eh nagbabago ng ugali?
Kaya paghandaan mo, ang panahon na iyon na magbabago ang partner, at dito dapat mong intindihin, kong tiis at adjust… magbabago din iyan.. lalo mong pag-ibayuhin ang iyong pagpapakita ng iyong wagas na pagmamahal…manalangin ka ng madalas sa Diyos….

Ano yan?…. dib a may kasabihan tayong mga Pilipino na: walang matimtimang birher sa matiyagang manalangin.. pero pare ang problema di nasiya birhen… ay tange… paaalm na ako baka pati ako mai-love…Kaka Ali po ang inyong nakaka.. gigil… hanggang sa muli nating pagniniig… (STINGER NA TAWA)

Posted by kakaalih at 1:57 pm | permalink | comments[114]

Lalaki at Babae Dapat Bang Equal? 2

July 7, 2009

 

 (Bahagi ng script na sinulat ni Kaka Alih-script/segment producer sa programang Buhay buhay sa DXUP sa segment na “Nakaka” -7:00-8:00 AM Lunes - Biyernes, host: Lenyrose Bajar - Sunio)

HOST: Ang tanong natin kahapon ay ; Payag ba kayong maging pantay ang lalaki at
babae sa lahat ng antas? Meaning Man & woman must be equal in all level?

Pwede pa kayong mag-text kong may kasagutan kayo…for the mean time dagdagan pa natin ang mga isiniwalat natin tungkol sa lalaki at babae, o ito Gender na issue, ibigay natin kay Kaka Ali sa ating segment na nakaka

(PLAY THE INTRO NAKAKA)

KAKA: “Kaka Alih, Dapat equal ang lalaki at babae, ano man ang stand sa issue makinig muna tayo sa aking sharing sa umagang ito.
    

Under sa chismis na nahagilap ko, mas malaki ang population ng mga babae sa mundo. 1:3 ang ratio ng babae sa mundo. Which is good news.

Pero sa mundo natin, dominant ang mga lalaki. Yan daw ang pagkakaalam ng iba, kayo ano ang inyong pagkakaalam?. Kaya raw nagkaroon ng mga feminists groups gaya ng Gabriela na isang partylist sa Pilipinas. Ang layunin nila ay magkaroon ng pantay na pagtrato sa mga babae at lalaki. Hindi nga ba pantay ang trato sa babae dito sa Pilipinas?

Pero Kaka Ali bakit ganun? Ang Alin? Gusto nila ng pantay na pagtrato tapos ang gusto ng babae ay ang pagsilbihan siya ng lalaki? Di ba lugi tayong mga lalaki?  ? Sana  yung balance. Mas nakakalamang naman para sa mga babae yung ganun. Sa totoo lang hindi lang babae ang battered. Pati lalaki.  Aywan ko sa iyo, kay di ko naexperience sa Mrs kong mapagmahal.

 ( STINGER- LAUGHING)

Meron akong another na tsismis  tsisimis, hindi ako tsismoso ha?  kilalang lalaki sa barkada lang… na nagtrabaho para sa pamilya.  Alam ba ninyo na, Paguwi niya eh siya pa ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Ang misis niya, nasaan? Ayun! Nasa kapitbahay nakikipagchismisan. Tapos pag sablay ni lalaki sa    trabaho ay  bubugbugin pa siya ng misis niya. Ang gagawin ni mister eh makikipaginuman sa tropa niya para malimutan ang problema. Pag-uwi patay na naman siya kay misis! Gulpi na naman.

Sa totoo lang halos pantay na ang mga lalaki at babae ngayon. Kung may call girl, meron ding callboy. Kung may DH sa Hong Kong, meron ding construction worker sa Saudi. Meron ding narerape na lalaki (usually bakla ang gumagawa nito). Kaya bakit ba reklamo ng reklamo ang mga feminist na yan? Kaya minsan napapa “Putang ina niyo! Kami rin gusto namin ng pantay na trato!” sa mga yan. Pano kung babae naman ang manligaw sa lalaki? O kaya magbayad ng kinain sa mga date? O magpadala ng load? Sana magkaroon rin ng mga “Menists”. Ipaglaban ang pantay na karapatan ng mga lalaki!

Ang tanong ko; Payag ba kayong maging pantay ang lalaki at babae sa lahat ng antas? Man & woman must be equal in all level? Sa susunod na episode ano ang gusto ninyong  topic sa    nakaka…ni Kaka Ali..

Posted by kakaalih at 1:50 pm | permalink | comments[320]

Lalaki at Babae Dapat Equal?

July 6, 2009

 (Bahagi ng script na sinulat ni Kaka Alih-script/segment producer sa programang Buhay buhay sa DXUP sa segment na “Nakaka” -7:00-8:00 AM Lunes - Biyernes, host: Lenyrose Bajar - Sunio)

HOST: “Ang issue, Mga babae ipinaglalaban, dapat pantay ang babae sa lalaki, tila baga na ang babae ay dehado kaysa kay lalaki, dehado nga ba ang babae kay lalaki? Ang ilan kasagutan, malalaman natin kay Kaka Ali sa kanyang nakaka…..

(PLAY THE INTRO NAKAKA)

KAKA: “Dapat pantay ang lalaki at babae, kaya dapat ipaglaban ang karapata ng mga kababaehan, iyan ang sigaw ng liberated woman, hindi ba.. ang tanong ni Kaka Alih, totoo ba na naapi o dehado ang mga babae, o mga baka naman lalaki ang dehado?

Ganito kasi iyon mga friend,

Kapag ang lalaki umiihi sa pader o sa gilid ng kalsada o kung saan man ay okey lang   para sa ibang tao? (pero hindi kay Kaka Ali ha? Bawal sa Islam ang ganoon)

Pero kapag ang babae ang nakita natin. Di ba ganito ang sinasabi natin: “ano ba naman yan! kakabaeng tao eh..” at kung ano-ano pa.

Bakit kapag ang lalaki ang nangaliwa. Okey lang para sa iba? “Lalaki kasi”,  yan ang madalas nilang sabihin di ba . Pero kapag babae ang nahuli. Kulang na lang batuhin siya ng bato para mamatay. Tila ba hindi yata patas diba?

Bakit sa mga sasakyan? Bakit kailangan paupuin muna ang babae bago ang lalaki? Di ba hindi rin yata patas yun?

Naalala ko tuloy minsan sa aming seminar workshop sa Gender Advocacy. Ang issue na ito ay talagang naging matinding o madugonmg debate . Sabi ng resource person,  na doon  nag-aral at lumaki  sa kanluran bansa, (sa Tate) . Hindi daw ganoon doon , taliwas daw sa  Pilipinas,  talagang nagulat siya at natataka sa kanyang nakita, pag-uwi sa Pinas. Ang tanong niya ay: “Bakit sa States tila pantay yata ang babae at lalaki. Pero bakit dito parang Hindi?” (DAW?)

Ang masasabi ko lang hindi maaring maging equal ang lalaki at babae. (O Taas na kaagad ang kilay nito.. makinig ka muna, hindi pa tapos, )  

Bakit? Dahil hindi naman sila talaga magkaparehas. Ang lalaki ay nilikha ng Diyos bilang lalaki at ang babae naman ay nilikha bilang Babae. Bigay tayo ng halimbawa mula sa maraming Halimbawa:

Ang babae nilikha upang manganak. Pero ang lalaki, kaya  ba niyang manganak? Ang Sagot ay Hindi, Hindi pantay ang Diyos.. Astag Firuulah (Humingi tayo ng Tawad sa Diyos, kinuQuestion natin ang kanyang Kakayanan)

Heto pa ang isa, ang lalaki binigyan ng higit na lakas kesa sa babae. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay dapat na itong pagtalunan, ni babae at lalaki. Higit na matalino ang lumikha sa atin sa kahit na sino pa mang matalinong tao dyan!

Ang Lalaki at Babae at tunay na magkaiba. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay kaya nilang mabuhay ng mag-isa. Ang lalaki ay nilikha para sa Babae at ang babae ay nilikha para sa lalaki. Nilikha sila upang magtunlungan.

Hindi nga sila Equal  pero dapat magkaroon ng Balance.

Heto ang totoo, instinct ng tao, o natural sa atin.    Kailangan ng lalaki ang respeto. ang bawat lalaki ay may ego na kapag ito ang tinapakan mo ay talagang magkakagulo. Kailangan ng lalaki ang nagpapadama sa kanya na malakas siya at makapangyarihan. At ito ang mga bagay na kayang ibigay ng mga babae. Ngunit bilang kapalit nito kailangan naman ng babae ang pamamahal, kalinga at pag-aaruga. Gusto ng babae ang may nagtatangol sa kanya. Na siya ay magkakaroon ng isang lalaki na magmamahal sa kanya at    kaya siyang itaguyod at alagaan.

Ito naman talaga ng disenyong ginawa ng Diyos. Ang sabi nga sa bibiliya. Ang mga asawang lalaki ay dapat na irespeto ng mga asawang babae kapalit nito kailangan ng asawang lalaki na  mahalin ang asawang babae.

Kaya’t malinaw na ang bakaibang bagay ay hindi maaaring maging EQUAL ngunit maari silang maging BALANCE. Give and take ika nga!

Ang tanong ko; Payag ba kayong maging pantay ang lalaki at babae sa lahat ng antas? Man & woman must be equal in all level? Sagutin ninyo iyan sa susunod na episode ng nakaka…ni Kaka Ali..

Ito ang inyong  nakaka.. kilig na kapartner….. Kaka Ali

Posted by kakaalih at 1:40 pm | permalink | comments[296]

Mga Hadlang sa Kaunlaran (Hindrance to Development)

June 23, 2009

June 22, 2009

Alih S. Anso – June 22, 2009
Kaunlaran sa sarili, sa mamayan, sa bayan, kultura at kaugalian, kaunlaran sa kanilang paniniwala,  ang lahat ng anggulo ng mga nababanggit  ay dapat tataas ang antas nito para mapabilang sa sinasabi nating kaunlaran.

May mga kaunlaran na sa mga pisikal na anyo lamang, nakikita. Halimbawa nito ay ang mga pag-usbong ng mga malalaki at matataas na building, tulad halimbawa sa Makati City,  ay sasabihin na natin na mauland na ang Makati.

Bawat tribu, bansa at henerasyon ay may sariling pananaw sa sinasabing kaunlaran. Ano bang bansa ngayon sa mundo ang maulad? America? Japan? Singapore?

Ayon sa mga malalayo ang pananaw o malaki ang anking talino o sa madaling salita matatalinong tao, “May pag-unlad ang kanilang pisikal na kaunyuhan, ngunit sira naman ang kanilang moralidad, nawawala ang kanilang pananampalataya sa Diyos”

Ito ang basehan natin sa mga ipapahayag natin na mga  hadlang sa Pag-unlad ng Sambayanan o Kaunlaran na minimithi ng bawat tao sa mundong ito na punong-puno ng pagkukunwari.

1.    Sistema ng goberno (system of government)

Bawat tribu o bansa ay may kinamulatan, nakaugalian at pinaniniwalaan na sistema ng kanyang pamamahala sa sariling pamilya, tribu o bansa.

Kadalasan, ang nangyayari ay iniinsist o ipinipilit natin na ito ang tamang sistemang ng pamahalaan ang nararapat sa isang bansa, isang rehiyon o tribu. Ang halimbawa nito ay ang Pilipinas, ang nilimbag na sistema ng pamahalaan (system of government) ng  Amerika  sa atin ay isang experiment lamang, dahil ang kanilang sisetma ay di katulad ng kanilang nilmbag para sa mga Pilipino. Sa America ay hinati hati sa estado (state) at bawat estado ay may sariling system na angkop sa kanilang mamayan.

Sa Pilipinas ngayon ay nahati-hati ang mga pinuno (leader) natin kong anong sistimang goberno ang paiiralin. Ang iba ay nagsusulong na panatilihin ang kasalukuyang sistema na ang presidente ay separate sa legislature, ang iba naman ay parliamentary system, ang iba tulad ni Nene Pementel. Ayon sa balita, ang    Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. ay nag- filed Joint Resolution 10 na may mungkahi (proposal) na magpapalit tayo ng mula sa  presidential patungo sa  parliamentary system ng government. Ito ay sinuportahan ng ibang senador. ( Manuel Villar Jr., Edgardo Angara, Pia Cayetano, Juan Ponce Enrile, Francis Escudero, Jose “Jinggoy” Estrada, Gregorio Honasan, Panfilo Lacson, Francis Pangilinan and Ramon “Bong” Revilla Jr.)

Ayon kay Chiz Escudero: “Ang sistema ng goberno   ay isang paraan lamang ng pagbibigay ng serbisyo sa mamayan at hinahati ito sa kanya kanyang aspeto at nasasakupan, hindi na natin kailangan magpalit ng gobyerno kundi ang magkaroon lang ng tamang implementasyon ng mga polisiya na para sa mamayan,”.

Wala daw sa sistema ng goberno ang ikaayos kundi sa pagpapatupad at pamamalakad ng isang lider.

2.    Pinuno (leadership)

May sinabi si Senador Ecudero: “SA LIDER BA  SA SISTEMA BA NG GOBYERNO  O SA MAMAMAYAN”…  ang kaularan ng Bansa?

May nagsasabi na: “sa pinuno ng Bansa (presidente) nakasalalay ang pagkakaroon ng malinaw at malawak na pagkakaintindi sa hinaharap na pamumuhay ng bawat isa sa ating bansa, tayong mga pilipino ay may ugaling asa kung saan ay palagi nating tinitignana ang lider na simbulo ng katatagan at may paninindigan para sa pangkalahatan…ngunit kapag ang ating pinuno ay me mga isyung kinahaharap na walang kasagutan at puro pagbabalat kayo tayo ay nadadala na at imbis na katigan ay ating isinasawalangbahala na lamang dahil sa kapangyarihan nya, na kung tutuusin ay tayo rin dapat ang mag alis sa kanya….”.

Ayon sa  isang leader ng bansa: “ isang lider na na may paninindigan, tapat sa pangkahalatan polisiya ng pamamalakad”

Ayon kay Michael “Mike” Mastura (dating congressman at ngayon ay member ng MILF peace panel): “….ang kailangan sa leader ay may political will”.

Ang ibig sabihin nito ay lider na may paninindigan sa sarili, hindi basta-basta ma-psy-war ng kanyang kalaban, hindi nagdadalawang isip na ipatupad ang alam niyang tama.

Sabi ng isang retired na guro at politician: “Mamayan ang syang sandigan ng isang bansa para sa kanyang kaunlaran. Kailangan iwasan ang lagayan, usigin ang lumalabag sa batas, at higit sa lahat palakasin natin ang pananampalataya sa Diyos”.

3.    Edukasyon-

Ang edukasyon ay hadlang sa kaunlaran kong ito ay hindi angkop sa paniniwala ng mga mamayan, ang mga tinuturo nito. Kinakailangan ang tamang disinyo (design) mga curriculum para sa mga bata, na angkop sa kanilang kultura at paniniwala. Kinakailangan  na linangin ang  kanilang kamulatan sa “moral values” na kailangan paniniwala, upang hindi tumino sa kanilang isip at matanim sa kanilang puso at damdamin.

Kinakalilangan din na maitama ang pag-iisip ng mga kabataan kong papaano gagamitin ang karunungan na kanilang natutunan, lalo na sa makabagong imbensyon. Dahil mawawalan ang saysay ang  mga pagsusulong na binsagang: “Edukasyon Tungo sa Kaunlaran”.

Ako, ikaw, tayo ay nangangarap na maging propesyunal sa darating na panahon upang marahil ay makatulong naman tayo sa ating magulang at nakakabatang kapatid o kaya naman ay  makiisa sa pagsulong at pag-unlad ng daigdig.

Sa panahong ito, tapang, tiyaga, talino at paniniwala sa itaas ang kailangan. Hindi sapat na makatapos ka lamang ng kolehiyo, kailangan ang patuloy na pag-aaral para sa kaunlaran.

Mga kaibigan, nasa COMPUTER AGE na po tayo ngayon, makabago at moderno ang teknolohiya. Kung ating iisipin, sadyang mabilis ang pagsulong natin. Subalit sa isang sulok ng aking pag-iisip ay nagtatanong.

“Kaunlaran nga bang matatawag ang dulot ng edukasyon sa ngayon?”

Kasi nga nariyan ang mataas na antas ng teknolohiya subalit mataas na antas din ng suliraning kinakaharap ng ating bansa. Halimbawa nito   maalaala ba ninyo ang millenium bug o Y2K? Noon  ang pagkasira ng mga computer sa taong 2000. Ang patuloy na imbensyon ng mga gamit pandigma,  na ang bunga sa sanlibutan ay   pagkasira ng ating kinabukasan, o pagkagunaw ng mundo.

Payo ni Ustadz (ayaw ipabanggit ang pangalan): “Bakit hindi natin gamitin ang katalinuhan sa paggawa ng mga bagay na ayon sa ikabubuti ng lahat, hindi upang maging tanyag at kilalanin ng buong mundo. Bakit hindi natin isipin ang susunod na henerasyon.”

Maranasan pa kaya ng ating susunod na henerasyon  ang kaginhawahan at kaunlaran  pagdating ng panahon kung ang ninanais ng ating mga henyo ay makapagpabagsak ng ekonomiya ng iba upang tanghalin at kilalaning pinakamatalino at pinakamataas?

Nakalulunos isipin na ang dulot ng kaunlaran sa edukasyon ay ang pagbagsak at maling layunin. Kung ating sasariwain, tunay na nga ba  tayong maunlad. Bakit ko naitanong  iyan?

Nariyan ang mga ATM’s na isang pindot mo lang ay pera na, mga computer na sasagot sa marami mong katanungan kahit sa pag-aaral, mga cellular phones, mga remote control na sasakyan at ang huli’y ang napapabalitang micro o computer chips na kapag napalagay sa kanang kamay o sa noo ay di na kailangan ng salapi sapagkat mabibili mo na ng anumang nais bilihin– ang tawag diyan ay cashless society.

Nakapangingilabot isipin, dahil sa labis na kaalinuhan ng tao, ang Diyos na makapangyarihan ay kinakalaban na ng tao. Pilit na binagago ang  mga nilalang ng Diyos. Pinapalitan ang kasarian, nagkamali ba ang Diyos?

Ang mga Kabataan sa ngayon  ang susunod na henyo ng darating na panahon, susundan ba natin ang yapak ng naunang henyo?

Hindi masama ang pag-unlad kung layunin ay para sa ikabubuti ng tao at hindi pansarili lamang.

Sa panahong ito, kailangang bukas ang ating isipan sa anumang teknolohiya na pumapasok sa bansa mula sa silangan at kanluran at ibang panig ng daigdig upang hindi tayo madaya ninuman. Isang hamon ang nais kong iwanan sa bawat kabataan–saan mo nais gamitin ang iyong talino –sa kabutihan? sa katanyagan? sa pansarili lang ba? na sa bandang huli’y siguradong pagsisihan mo?.

Mga kaibigan ang tunay na Edukasyon tungo sa kaunlaran, ay ang mga imbensyong hindi nakasisira sa kalikasan at sangkatauhan o ni nagiging sanhi ng karahasan.

4.    Kultura at Kaugalian

Dahil sa kultura at kaugalian na iba-iba ay isa sumasagabal sa ating kaunlaran, kaya, nararapat na maintindihan natin ang mga kultura at kaugaliang ito ng bawat tribu upang ating mabigyan pansin at respeto. Palagi nating bigyan ng consideration  sa ating pag-mumungkahi at pagpapatupad ng mga batas ang kultura at kaugalian.

5.    Peace & Condition

Kinakailangan natin alamin ang punot dulo ng mga kaguluhan, hindi lamang sa kanyang kasalukuyang dahilan kundi ang pinakaugat nito.

Halimbawa nito ay peace at order na lumalabo dito sa atin bansa. Ang palaging tinitingnan ng karamihan ay ang dahilan ay ang kasalukuyang    pinagmulan ng gulo, hindi tiningtingnan ang pinaka-ugat nito. Para sa mga Bangsamoro ang dahilan ay ang Justice na hindi naipapagkalob sa kanila.

(Script  na sinulat ni Alih Anso-program Director para sa   radio program na  “Bantay Bayan  Boses ng  Sambayanan” sa segment na “Bantay  Kaunlaran.  script writer/segment  producer at   anchor:   7:00-8:00-June 22, 2009)

Posted by kakaalih at 1:48 pm | permalink | comments[448]